Chereads / He Named Me "A Flirt" / Chapter 4 - Ah, May Kabaitan Din Pala

Chapter 4 - Ah, May Kabaitan Din Pala

Ilang linggo na rin ang nakakalipas nang wala pa ring imik si Carl. Abala rin kasi siya sa pagtatapos sa ginagawang designs upang masimulan na ang gawain para sa kleyente na sina Mr. and Mrs. Lim. Mabuti nalang at linggo. Day-off kasi namin tuwing linggo at first payout ko kaya napagdesisyunan kong mag-gorcery sa down town. Sinubukan kong imbitahan si Ara ngunit nag-out of town naman kasi ito kasama ang boyfriend niya.

Nagulat nalang ako nang pagbaba ko ng ground floor upang kunin ang scooter ko matapos makapamili nang makita ko si Carl na may kausap na babae. Mga sampong metro lang naman ang layo nila mula sa akin. Sa tanto ko ay nag-aaway yata sila. Naguguluhan na yata ako sa estado ni Carl. Lalaki ba talaga ito o bakla? Iniling-iling ko ang aking ulo. Para kasing sinasabi ng mga paa ko na pumunta ako roon upang makinig sa pag-uusap nila. Samantalang sinasabi naman ng utak ko na huwag.

Huwag, Gail. Huwag ka nang makisawsaw sa usapan nila. Saway ko sa aking sarili.

Hanggang namalayan ko nalang ang sarili kong naka-ninja moves. Patago ako na naglalakad palapit sa direksyon nila. Diniin ko ang tainga ko sa pader na pumapagitan sa amin. Tiningnan ko ang direksyon nila. Pamilyar sa akin ang naka-side view na babae.

Lumipat ako sa likod ng isang Montero na nandoon.

"Carl, stop it." Rinig kong wika ng isang babae sa kanya.

"How could you do this to me? You're a liar." Ramdam kong puno ng hinanakit ang boses ni Carl. Sumilip ako ng kaunti upang maaninag kung sino ang babaeng kasigawan nito.

"Carl, ikakasal na ako. My father is in an ill condition and as her daughter kailangan kong gawin ang gusto niya. Kailangan kong isalbar ang kompanya namin through marrying Luke. "

Luke? Teka, Luke. Iyon ba 'yung client na pumunta ng opisna? Tapos siya 'yung babaeng kasama ni Luke, tama. Siya nga pala. Tama nga ang hinala ko, eh. Ex nga siya ni Carl.

"Pero minahal kita, Steph. " Rinig kong sabi ni Carl. Napataas ang kilay ko. Sa kaibuturan ng aking puso ay nakaramdam ako ng awa kay Carl. Kaya ba siya ganoon ay dahil sa mga pinagdadaanan niya? Parang gusto ko tuloy siyang lapitan at yakapin.

"Carl, I'm engaged already, okay? Just please leave me alone. We can be friends again. I'm already falling to Luke. Four months na kaming nagsasama. Ikakasal na kami." Wika ng babae. Sa palagay ko ay umiiyak na rin ito.

"Nagsasama? May nangyari na ba sa inyo?" Sigaw ni Carl sa galit na boses. "Tell me, may nangyari na ba?" Hindi sumagot ang babae. Nakita ko siyang nakayuko lang nang sumilip ako."You Sh*t…." Nabigla ako sa kasunod na ginawa ni Carl. Pinilit niyang halikan si Stephanie. Umuungol lang ang babae na pilit kumakawala sa pagkakahalik ni Carl. Gusto kong sugurin si Carl at pagsasampalin, batukan, suntukin dahil pambabatos ang ginagawa niya kahit pa sabihing may nakaraan sila ni Steph. That's sexual harassment. Pero parang naging bato ako. Parang mas gusto kong tumakbo, ayaw kong masali sa away nila dahil panigurado ay magagalit at mabubulyawan ako ni Carl. Mas lalo lang kaming mag-aaway.

Unti-unti ay dahan-dahan akong tumalikod at papaalis na sana.

And the next thing happened made me in terribly shock. Nakagat ko ang mga labi ko nang tumunog ang Montero. Nasanggi ko yata. Sensored pala iyon. Halos mabingi ako kaya tinakpan ko ang mga tainga ko. Tatalikod na sana ako at tatakbo palayo nang…

"What are you doing here? Hanggang dito ba naman? Are you stalking on me?" Napatigil ako at dahan-dahang humarap sa kanila. Nag-peace sign ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Wala na rin si Stephanie.

"I…I am just getting my scooter. I am really sorry for disturbing you." Sabi ko na agad-agad na sanang tatakbo papunta sa kinapaparkingan ng scooter ko pero isang kamay ang pumigil sa balikat ko.

"Do you think makakatakas ka sa 'kin. I know you've heard everything." Napa-urong ako. Wala na ang babae at ito ngayon, ang galit na si Carl ay ako na naman mapagbubuntungan. Good luck!

"Heard…what? Can you please get your hands out of me? Masakit ang kamay ko. Ouch! Ouch!" Pilit akong kumawala. Pero hindi niya ako binitawan. Hindi man lang natablan sa pagda-drama ko.

"Pwede ba at huwag kang magmaang-maangan. I know you've listened." Ani niya ulit sa 'kin sa mabagsik na boses.

"Haller, Carl, kinukuha ko lang scooter ko, oh. Can't you see it?" Irap ko sa kanya kahit naririnig ko na ang lakas ng tibok ng puso ko. Lumingon-lingon ako sa paligid. Wala pang ibang tao and the heck thing, underground ito at kung sisigaw ako ay wala yatang makakarinig.

"Kinukuha mo ang scooter mo? Andun' scooter mo pero nandito ka? Oh come on, Gail. You girls are really liars." Sabi niya sa isang malaking boses. Nakakaramdam na ako ng takot. Totoong takot. Gusto kong sumigaw pero ayaw lumabas ng boses ko. Parang may nakabikig sa lalamunan ko ng mga sandaling iyon.

"As well as you boys." Pagtatapang-tapangan ko. Ayaw kong ipahalata na natatakot ako. Nagulat pa ako nang idiin niya ang mukha niya sa akin. Hahalikan ba niya ako? No! Gusto ko mang magprotesta sa iniisip ko pero bakit sa palagay ko ay hindi ako makagalaw?

"Natatakot ka ba sa 'kin?" tanong niya. Tatlong magkasunod na iling ang isinagot ko. "You girls just want to hurt us and then, flirt with someone else." Pagak niyang tawa habang nagpa-iling-iling ng ulo niya.

"A…alam mo Carl, hindi ko alam kung anong problema mo sa 'kin, eh. From the very first day of my job you're acting as if ang laki ng kasalan ko sa 'yo. Have we ever met before para ganyanin mo'ko?" Naglakas loob na akong sumagot sa kanya.

"Wala kang pakialam." Bulyaw niya sa akin at biglang tumalikod. Pinaandar niya ang kanyang motorsiklo at umalis. Naiwan akong nakatulala at sandaling hindi nakagalaw.

For pete's sake. What have I ever done? Bakit ganoon siya?

Flash back!

[Carls' POV]

"I love you Steph, and I'm gonna marry you someday. I will do all para maging deserving sa 'yo at para matanggap ng pamilya mo." Hinalikan ko siya sa noo. I love this girl so much. Siya ang nagpabago sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit I've strived hard sa buhay para patunayn ang sarili ko hindi lang sa kanya kundi pati na sa pamilya niya.

"Carl, I'm sorry." Aniya habang umiiyak.

"Steph, you'll be coming back for us, right?" hindi siya sumagot at tuluyan na akong iniwan.

End of flashback!

Iyon ang pinangako niya sa 'kin noon. She said, after the operation and if everything will be fine, she will come back for us. Until they tried to take her away from me.

Ilang buwan rin nang wala kaming komunikasyon at pagkatapos noon, isang sulat nalang ang natanggap ko that she's breaking up with me.

Iyon ang mga sinabi sa 'kin ni Steph nang tumawag siya sa 'kin dahil palubha na raw ang kondisyon ng ama niya. As the eldest in the family, siya ang magiging tagapagmana at tagapangalaga ng kompanya ng ama niya. Dahil kailangan niyang magpakasal sa anak ng kasosyo ng kompanya nila para masalbar ito. Siya lang ang tanging susi para sa kompanya nila at para sa dawalang kapatid niyang nag-aaral pa.

I was so paranoid nang matanggap ko ang sulat na iyon. Bigla-bigla nalang isang araw nakita ko nalang siyang may kasama ng iba, ang ipapakasal sa kanya. Hindi ko alam kung napilitan lang talaga siya o napamahal na rin siya sa lalaking iyon. I can't see madness in her eyes.

**********************************************************

Halos isang buwan na yata ang lumipas nang wala kaming kibuan ni Carl. Sa tuwing pinapatawag lang kami ni sir Mikee para sa instruction ng designs nina Mr. Lim kami nagpapansinan. Minsan ay napapansin ko siyang tulala. Minsan rin ay ang laki-laki ng eye bags nito. Pero sa kabila ng lahat ay medyo natahimik na rin ang buhay ko. Kampante na rin ako sa pagtatrabaho. Ngunit sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang maawa sa kanya at mag-alala.

Tahimik akong pumasok ng opisina. Nakita ko si Carl pero hindi man lang siya lumingon kahit pa narinig niyang tinawag ako ni Dexter. Wala pa naman ang mga supervisor namin kaya nagtsitsikahan pa ang iba. Mayamaya ay lumapit si Dexter sa 'kin.

"Hi Gail, how's your weekend?" Tanong niya habang inaabala ko ang sarili ko sa pagsusulat sa record book.

"Okay naman Dexter, kahit papano ay nakahinga rin." Sagot ko sa kanya.

"Well, can I invite you for a dinner tonight? Birthday kasi ng pamangkin ko, gusto sana kitang imbitahin kung okay lang sa 'yo." Yaya nito sa 'kin. Sandaling nag-isip ako.

"Ako lang ba in-invite mo?" Turo ko sa sarili ko. Hininaan ko pa ang boses ko para hindi marinig ni Carl.

"Well uhmmm… hindi naman. Ang totoo niyan, kayong lahat dito. Um-oo na sila sa 'kin, eh. Ikaw nalang ang hindi pa nasabihan kaya kung okay lang sa 'yong sumama sa kanila 'edi mas masaya. Kunting handaan lang naman."

"Okay sige." Pumayag na rin ako sa imbitasyon ni Dexter.

"Yes, thank you." Nabigla ako kay Dexter. Pansin kong iba ang kinikilos niya nitong mga nakaraang araw. Minsan pinapasama niya ako sa pagmemerienda. Minsan naman nag-o-offer siyang ihatid ako sa 'min. Tapos ngayong um-oo lang ako sa imbitasyon niya ay ang saya niya yata. Nilingon ko si Carl, concentrated siya sa ginagawa niya dahil kailangan niyang tapusin agad 'yun dahil ang susunod na gagawin ay ang kina Luke na na kaming dalawa ang na-assigned pero andyan pa rin naman ang technical group para sa kaunting improvission.

Hindi ko naman siya masisisi kung iyon ang naging epekto sa kanya ng pagmamahal na sa huli ay nabigo siya. Napabuntong-hininga tuloy ako sa iniisip ko. Ibinaling ko nalang ang mga mata ko sa tinatrabaho kong mga papeles.

Kinahapunan ay sabay-sabay na kaming lumabas. May motorsiklo naman ang bawat isa pero hindi ko dinadala ang scooter ko. Kay init-init naman kasi ng panahon kaya kailangang mag tricycle lang ako.

"Gail, dito ka na sa 'kin sumakay." Tawag ni Dexter nang nasa labas na kami.

"Oh Gail, dyan ka na kay Dexter baka pag-hindi ka pumayag, eh, magbago na isip n'yan at hindi na tayo patuluyin. Gutom na gutom pa naman kami." Natatawang sabi ni ma'am Leah sa 'kin.

Tumango lang ako at nginitian siya. Sumakay na ako sa likod ng motorsiklo ni Dexter samantalang ang nakasakay kay Carl ay si sir Mikee.

"Kapit mabuti." Sambit ni Dexter. Wala naman kong nagawa kundi ang humawak sa damit niya.

Pagdating kina Dexter ay pinakilala agad niya kami sa kapatid niya. Medyo marami na namang bisita at kadalasan ay mga bata.

Biglang napadako ang mga mata ko kay Carl nang mapalingon ako. Nagulat ako nang magkatagpo ang mga tingin namin. Hindi ko alam pero wala na akong mabasang galit sa mga mata niyang nakatingin sa akin.

Mayamaya pa ay nagsimula nang kumain at nagkasabay kami sa mesa.

"I'm sorry about what happened the last time." Narinig kong bulong niya. Halos mabitawan ko ang plato ko nang ibulong sa 'kin ni Carl 'yun. Para bang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. Sa unang pagkakataon ay ngayon ko pa siya narinig na malumanay at sinsero ang boses. Nilingon ko siya.

"I.."

"Andito na ang birthday celebrant." Biglang sigaw ng tiyahin ni Dexter. Galing pa ito sa kwarto nagbihis kasi kagagaling lang mula sa simbahan. Napabikit-balikat nalang rin ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na naiintindihan ko na siya ngayon.

"Oh siya, magsikainan na tayo." Sabi ng ate ni Dexter.

Lumapit ito sa 'min kasama ang anak niya pagkatapos naming mag-greet at kumanta.

"Dexter, pakainin mo ng mabuti ang mga bisita mo." Wika ng ate niya.

"Hi, baby Zoe." kinuha ni Dexter ang bata habang tumatawa ito. Lumingon ito sa 'kin habang ngumingisi.

"Oh, do you like to go to ate Gail?" tanong nito habang kalong ang bata. Inakmahan ko itong kunin pero ngumisi lang ito sa 'kin na nakatingin habang lumalabas ang dimples nito.

"Hi, baby. You're so cute." Sabi ko rito habang pinipisil ko ang pisngi niya. Wala naman kasi akong kapatid kaya medyo mahilig rin ako sa mga bata. Lalo na sa mga cute na katulad nito.

"Baby Zoe, this is ate Gail." Pagpapakilala ni Dexter sa 'kin sa baby.

"Oy, is that her future tita?" Namula ang mukha ko at halos mabilaokan ako ng laway ko nang sabihin ng ate Lyka ni Dexter iyon. Tuwang-tuwa pa ang mga kasamahan ko sa mesa sa nangyayari. Aksidenteng napalingon ako sa kinaroroonan ni Carl. Tahimik lang ito. Maliban pala sa kanya na walang reaksyon.

Mayamaya pa ay nagsidatingan na ang mga barkada ni Dexter kaya napunta siya sa mga grupo ng mga ito para e-entertain sila. And there were a lot of drinks. Inabutan ako ng inumin ni sir Dexter ngunit tumanggi ako. Hindi naman kasi ako mahilig uminom. Kahit wala ang mga magulang ko rito ay pinalaki naman nila ako nang maayos at hindi ko kayang magrebelde sa kanila. Alam ko pa rin ang limitasyon ko bilang babae.

Bandang alas sais y-medya na nang magsi-uwian ang iba kong kasamahan. May iba kasing tinawagan na ng kani-kanilang asawa. Naiwan kami ni ate Candy at Carl. Pareho naman kaming mga single kaya walang asawang tatawag sa 'min. Medyo naka-inom na rin si Dexter kaya nag-aalala tuloy ako kung paano ako makakauwi ngayong gabi. Si Ate Candy naman kasi ay susunduin ng boyfriend niya. Hindi ko naman papayagan ang sarili kong magpahatid kay Dexter gayong nakainom na ito.

"Gail, may susundo ba sa 'yo mamaya? Uuwi na rin kasi ako kasi papunta na rito ang dyowa ko." Wika ni ate Candy sa 'kin habang nagtetext sa boyfriend niya."Oh kaya kung gusto mo, idaan ka nalang namin sa inyo. O kaya ihatid ka nalang kaya ni Carl." Mas lalo akong nakaramdam ng kaba kung si Carl ang maghahatid sa akin. Hindi pa kami masyadong nakakapag-usap simula nang magkasagutan kami.

"Nako ate Candy, huwag na, nakakahiya naman po. Kaya ko namang umuwi mamaya. Sigurado naman akong maraming sasakyan ang dumadaan dito." Nilingon ko si Carl. Talagang hininga lang nito at paglagok ng juice at tubig ang naririnig ko. Mas lalo tuloy akong nailang.

"Carl, 'panu kung idaan mo nalang si Gail mamaya sa kanila?" napalingon ako agad kung ano ang magiging reaksyon ni Carl sa sinabi ni ate Candy.

"Nako, 'wag…."

"Okay, I will." Naputol ang sasabihin ko nang pumayag agad si Carl. Napamaang ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako.

"Thank you." Mahinang tugon ko.