Chapter 15 - Chapter 15

"Hindi na kailangan ng first-aid treatment nito. Mapula lang naman siya saka wala naman sugat." sabi ni Lexi pagpasok nila sa private room ng bar. "Lagyan lang natin ng ointment." sabi ni Jake at pinaupo si Lexi sa sopa. Hinanap ni Jake and first aid kit pagkatapos makita ay saka tumabi kay Lexi. "Amina." sabi ni Jake sabay kuha sa kamay ng dalaga. Napangiwi si Lexi ng lagyan ni Jake ng ointment ang parte na namumula. "Akala ko ba walang sugat eh bakit nakangiwi ka?" nakangiting sabi ni Jake. Hinipan ni Jake ang kamay niya at ang mainit na hininga ni Jake ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam kay Lexi. Ipinilig ni Lexi ang ulo para gisingin ang sarili. "Oh, bakit? May tama ka na ba dahil sa Cervesa Negra?" tanong ni Jake. "Hindi ah, baba kaya ng alcohol content nun." sagot ni Lexi. "Aba, mayabang." sabi naman ni Jake. "Baka ikaw may tama na, namumula ka na oh." sabi ni Yara. "OO, may tama na nga ako." sabi ni Jake na nakatingin ng seryoso kay Lexi. Natanga naman si Lexi sa sinabi ni Jake at lalo siyang natanga ng dahan-dahan lumalapit ang mukha ni Jake sa mukha niya. Napaatras si Lexi ng malapit na malapit na si Jake sa kanya.

"Bakit kasi ang ganda mo?" sabi ni Jake. "Ha?" gulat na tanong ni Lexi. "Bakit kasi ang sexy mo?" muling tanong ni Jake. "May tama ka na nga, Jake. Tara na sa labas ng makainom ka ng kape." iwas ni Yara. Natawa si Jake. "Tara na nga at baka kung ano pa ang maisipan ko." sabi ni Jake at nauna ng lumabas. "Ano daw?" tanong ni Lexi sa sarili.

Pagbalik nila sa lamesa ng mga kaibigan ay nagkakatuwaan ang mga ito dahil naglalaro ng Truth or Dare. "Ano Phil, truth or dare?" tanong ni Tanya. "Truth" sagot ni Phil. "Ilang beses ka ng busted kay Lexi?" tanong ni Allen. "Sus, kadali naman ng tanong nyo. Sampo, ten!" mabilis na sagot ni Phil. "Aaaaannnnnnooooo!?" sabay-sabay na sabi ng magkakaibigan. "Tatag mo Pre!" sabi ni Dave. "Grabe! Bow na ko sa iyo, Phil!" sabi ni Melanie. "Wala eh. Hanggang ngayon wala pa din akong binatbat sa crush nitong Best ko. Mas gwapo naman ako sa kanya, di ba Jake?" sabi ni Phil at nagkatawanan sila. "Ok, tuloy na natin to." sabi ni Heleana at pinaikot na ang bote. "Haha, Lexi, it's your turn." sabi ni Ron. "Ok, ano kaya magandang tanong dito kay Lexi?" sabi ni Joana. "Sandali, wala pa nga kayong truth or dare, tanong na agad ang nasa isip ninyo." sabi ni Lexi. "Oo nga naman. Sige, Lexi, truth or dare?" tanong ni Phil. Dahil ayaw matanong ay pinili ni Lexi ang Dare.

"Akala mo ha? Dare ka pa ha?" sabi ni Tanya at ngumiti ng nakakaloko. "Tanya, umayos ka!" sabi ni Lexi at muli ay nagtawanan sila. Bago pa nakapagsalita si Tanya ay lumapit ang isang staff ni Phil. "Sige, ako ng bahala." sabi ni Phil matapos ibulong ng staff niya ang kailangan. "Oh, guys, eto na lang dare natin kay Lexi. I dare you to sing a song with Jake." sabi ni Phil. Nagkatinginan naman ang dalawa. Nang tumango si Jake ay saka sumagot si Lexi ng "Ok!". Sabay silang pumunta sa stage. Kinausap sandali ang banda at pagkatapos ay kinuha na ang microphone. Nagpalakpakan ang mga tao ng makita na sila ang kakanta. "Wow! Bagay sila!" sigaw ng mga bisita sa bar.

"Pasensiya na po kayo kung kami na naman ang nasa harap ninyo." sabi ni Jake. "Ok lang!" sagot ng karamihan. "Napag-utusan lang po ng may-ari. Mahirap pag kaibigan mo pala may-ari, libre ang performer niya." Patuloy ni Jake at tumawa ang lahat. "Any request from you guys?" tanong ni Lexi. "Kahit ano." sagot ng karamihan. "Ok, we know most of you here are friends, highschool friends, just like us so we decided to sing, High School Life!" sabi ni Lexi at nagpalakpakan ang lahat. Sa kalagitnaan ng kanta ay tinawag ng dalawa ang mga kaibigan at naging game naman ang mga ito sa pagsabay sa kanila sa pag-awit.

"Oh, paano guys, kita-kita na lang ulit bago ko bumalik ng States." sabi ni Allen. Madaling araw na ng natapos ang kasiyahan sa bar. Sila na lang magkakaibigan ang natira dahil pagkatapos ng huling kanta ni Jake ay isa-isa ng umuwi ang mga bisita ni Phil. "Basta text lang kayo kung kailan at ako na bahalang kumontak sa iba." sabi ni Tanya. "Ok!" sabay-sabay nilang sabi at nagpaalam na sa isa't isa.

"Kaya mo bang magdrive?" tanong ni Lexi kay Jake. "Oo naman, hina lang kaya noong ininom namin." pagmamayabang ni Jake. "Yabang mo!" sabi ni Lexi at natawa si Jake. Naunang pinasakay ni Jake si Lexi sa unahan ng kotse. Hinihintay ni Lexi na sumakay si Jake pero nagulat na lang siya ng may gumalabog sa may likuran. Paglingon niya ay nakita niyang may sumuntok kay Jake. Dali-dali siyang bumaba.

"Jake!" sigaw ni Lexi. "Hi, Miss Beautiful. Wait ka lang diyan, tuturuan ko lang ng leksyon ang mayabang na to." sabi ni Brix. Nagulat na lang si Lexi ng may bigla na lang humawak sa kanya mula sa likod. "Bitiwan mo siya!" sigaw ni Jake. Akmang susugurin ni Jake ang may hawak kay Lexi pero pinigilan siya ng isa pang suntok ni Brix. "Ako munang harapin mo. Huwag kang mag-alala, pagkatapos ko sa iyo ay si Miss Sexy naman ang haharapin ko at sisiguraduhin ko na mag-eenjoy kaming dalawa ngayon gabi." sabi ni Brix na tumawa ng parang loko-loko. Nanggigil si Jake kaya inumangan niya ng isang suntok si Brix na tinamaan sa panga.

"Boss, may gulo po sa labas. Yung mga kaibigan nyo po." sabi ng isang staff ni Phil kaya patakbong lumabas si Phil. Paglabas niya ay nakita nga niyang nagsusuntukan na si Brix at Jake. Hawak naman ng isang kasama ni Brix si Lexi. Ang hindi inaasahan ni Phil na makita ay ang pagbaksak ng kasama ni Brix sa semento. Kinusot pa niya ang mata niya dahil baka nagkamali siya pero, si Lexi talaga ang nakita niya. "Marunong ng martial arts si Lexi? Kailan pa?" gulat na tanong ni Phil sa sarili.

Kahit ang dalawang nagpapambuno ay nagulat din ng makita sa semento ang lalaki na namimilipit sa sakit dahil sa pagtama ng likod nito sa matigas na semento. At dahil sa gulat ay nawala ang focus ni Brix sa kalaban kaya kinuha agad ni Jake ang pagkakataon, binigyan niya ng mag-asawang suntok si Brix dahilan para bumagsak din ito sa semento.

Nilapitan agad ni Lexi si Jake. "Ok ka lang?" nag-aalalang tanong ng dalaga at tiningnan ang natamong sugat nito. "Ok lang kayo?" tanong ng nakalapit ng si Phil. "Anong ginawa mo?" tanong ni Jake kay Lexi. "Phil, kumpleto naman yung first aid kit mo di ba?" iwas ni Lexi sa tanong ng binata. Tumango si Phil at hinila ni Lexi si Jake papasok muli sa loob ng bar. "Boss, paano po sila?" tanong ng staff kay Phil. "Tatawagan ko parents niya." sagot ni Phil na ang tinutukoy ay ang mga magulang ni Brix.

"Masakit to ha, tiisin mo lang." sabi ni Lexi habang nililinis ng alcohol ang sugat sa mukha ni Jake. Napangiwi si Jake kaya hinipan ni Lexi ang sugat. Hindi alam ni Jake kung saan galing ang init na naramdaman niya, kung epekto ba nung alak o epekto ng mabangong hininga ni Lexi. Pagkatapos linisin ng alcohol ay kinuha ni Lexi ang ointment pero bago niya malagyan ang sugat ni Jake, siniil na siya ng halik ni Jake dahilan para mabitawan niya ang ointment at napakapit na lang sa leeg ni Jake dahil nanlambot ang mga tuhod niya.