"You must be her secretary, right?" Tanong ni Dianna na nakakalong pa din kay Jake. "Timpla mo 'kong juice." Utos ni Dianna. Naikuyom ni Lexi ang mga kamay niya. Gusto niyang hilahin ang buhok ng hitad at sipain ito palabas ng ospital pero pinigil niya ang sarili. Tiningnan niya ng matalim si Jake. "Lex, I can explain." Sabi ni Jake at tumayo habang inilalayo ang sarili kay Dianna. "Darling." Sabi ni Dianna at niyakap si Jake mula sa likod. Dahil sa sinabi ni Jake kay Lexi, nalaman ni Dianna na importante ang dalaga sa binata. "Please, Dianna, walang tayo, okay?" Naiinis na sabi ni Jake at pilit kumawala sa yakap ni Dianna at nilapitan si Lexi.
"Lex..." Sabi ni Jake. "Kuya!" Bungad ni Rhian ng makapasok sa opisina at biglang umasim ang mukha ng makita si Dianna. "Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan dito?" Galit na sabi ni Rhian. "Hi, Sister!" Bati ni Dianna. "Kapal din naman ng mukha noh?" Sabi ni Rhian. "Lex, please, hear me out first." Pakiusap ni Jake na hinawakan ang kamay ng dalaga pero hinila din Lexi ang kamay niya. "Darling, ano mo ba siya? Don't tell me bagong laruan mo na naman? Ilan na ba kami?" Sabi ni Dianna na muling lumapit kay Jake para yakapin pero pumagitna na si Rhian. "Nananahimik na si kuya, kaya pwede ba..." Sabi ni Rhian sabay hila sa buhok ni Dianna. "Aray! Aray! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ni Dianna sabay tulak kay Rhian na dapat tatama sa pinto pero nasalo agad ni Anthony na papasok na din sa opisina.
"Hi, Anthony!" Bati ni Dianna sa binata. "Bakit ka nandito?" Seryosong tanong ni Anthony. "Well, I,m visiting your friend. Matagal-tagal na din kasi kayong hindi nagpupunta sa bar so, I decided to visit you. Na-miss ko na kasi 'to sa kama." Sabi ni Dianna sabay kawit ng kamay sa braso ni Jake na agad naman inalis ni Jake. "Dianna, huwag kang gumawa ng kwento, okay?" Sabi ni Anthony. Tumawa ng malakas si Dianna. "You got me there. Anyway, napag-utusan lang naman ako. Give my regards to Tito Daniel." 'Yun lang at lumabas na si Dianna na parang walang nangyari.
Nagkatinginan silang apat at sabay-sabay din lumingon ng pumasok si Daniel. "Ano'ng kalokohan 'yun, Dad!? Galit na tanong ni Jake. "Easy, Son." Nakangiting sabi ni Daniel. "Easy, Dad? Muntik ko ng makalbo ang babaeng 'yun!" Inis na sabi naman ni Rhian. "Lexi." Tawag ni Daniel sa dalaga. "Yes, Tito." Sagot naman ni Lexi. "It's just a show kaya huwag kang magagalit kay Jake. Dahil sa gwapo ang anak ko, tiyak na madaming dadating na katulad ni Dianna. Alam mo naman kaming mga lalake, we are born to be polygamous but, kapag nakita na namin ang babaeng gusto namin makasama habang buhay then, we become monogamous." Makahulugang sabi ni Daniel.
"Are you alright, Lexi?" Tanong ni Daniel. "Yes, Tito." Sagot ni Lexi. "Okay, then, I'll be going, nag-iintay na ang aking reyna sa parking lot baka maputulan ako ng 'di oras." Sabi ni Daniel at lumabas na ng opisina. Tahimik silang apat sa loob ng kwarto. Alam ni Anthony na kailangan mag-usap ng dalawa kaya kinalabit niya si Rhian at inaya ng lumabas. "May nakalimutan pala ako sa HR. Mauna na ako." Sabi ni Rhian. "May kausap nga pala ako sa ER, sige, maiwan ko muna kayo." Sabi naman ni Anthony. Nagmamadaling lumabas ang dalawa pero hindi muna agad umalis at nanatili lang sa gilid ng pinto.
"Loko talaga si Dad. Ano'ng pumasok sa utak noon at pinapunta pa talaga ang hitad na 'yun?" Sabi ni Rhian na may inis pa ding nararamdaman. "May punto si Tito Daniel. Sa dami ng naloloko sa kuya mo, hindi malayo na baka isang araw eh may magpunta na naman dito at sabihin na buntis siya at ang kuya mo ang ama." Sabi ni Anthony. "Sabagay, naalala ko nga din nung gawin ni Dianna 'yun pero sa bandang huli nalaman na nanloloko lang siya para mapikot si kuya." Sabi naman ni Rhian. "Palagay mo, ayos lang kaya sila?" Tanong ni Rhian na ang tinutukoy ay ang dalawa na 'di pa din nagkikibuan sa loob. "Yeah, love, trust, and loyalty. Tatlong bagay na gustong ituro ni Tito Daniel sa kanila. "Tara na nga, libre kitang kape kasi sinalo mo ko kanina." Aya ni Rhian. "Aba, aba, maganda yata ihip ng hangin ngayon." Biro ni Anthony. "Kung ayaw mo eh 'di 'wag." Sabi ni Rhian sabay lakad palayo kay Anthony. "Eto talaga kahit kailan pikon, tara!" Sabi ni Anthony sabay akbay kay Rhian. "Ano 'yan?" Turo ni Rhian sa naka-akbay na kamay ng binata. "Kamay." Sabi ni Anthony sabay takbo para umiwas sa kurot ni Rhian.
Tahimik pa din ang dalawa kahit nakalabas na si Rhian at Anthony. Pareho silang nagpapakiramdaman sa isa't isa, nag-iintay sa unang maglalakas ng loob magsalita.
Maya-maya ay hindi na nakatiis si Jake. "Nagpunta na din si Dianna dito dati at sinabing buntis siya at ako ang ama pero hindi nagtagal, napatunayan din na hindi ko siya ginalaw kahit kailan." Tiningnan ni Jake si Lexi at dahil hindi ito nagsalita nagpatuloy siya sa pagkwekwento.
"Nakilala namin si Dianna nung minsan mag-bar kami ni Anthony. Nalasing kami ng sobra at pagkagising namin, nasa isang hotel na kami, nasa gitna namin si Dianna." Doon tumingin si Lexi kay Jake. "Walang nangyari dahil mga nakadamit pa kami." Ngumiti si Jake ng makita na nagyuko muli ng ulo si Lexi. "Lasing na din si Dianna noon pero hindi katulad namin na 'di na makagulapay sa pagkalasing. Dahil hindi niya alam kung saan kami nakatira, dinala niya kami sa hotel. Ang kaso, dahil na din sa pagod, nakatulog na din siya sa kwarto namin." Patuloy na kwento ni Jake. "Naging maayos naman ang lahat. Binayaran namin siya. Akala namin ni Anthony ay okay na hanggang sa pumunta siya dito after a month at sinabi na buntis nga siya." Patuloy pa din ni Jake. "Paano ninyo napatunayan na 'di talaga siya buntis?" Ngumiti na si Jake ng magsalita na si Lexi. Umiwas naman ng tingin si Lexi ng makitang nakatingin sa kanya si Jake.
"DNA test. Nag-suggest si Dad at si Rhian ng DNA test kaya napaamin si Dianna na hindi talaga siya buntis." Sabi ni Jake. Umupo si Jake sa tabi ni Lexi at nakahinga siya ng maluwag ng hindi ito lumayo. "Lex, seryoso ako sa panliligaw sa'yo. Kahit noong highschool tayo, alam mo'ng wala akong niligawan ni isa sa mga naging girlfriend ko noon, sila ang nangligaw sa akin." Sabi ni Jake na kinataas ng kilay ni Lexi. "Hindi ka din masyadong mahangin noh?" Sabi ni Rhian na ikinatawa ni Jake. "Ngayon lang talaga ako manliligaw ng totoo sa isang babae at ikaw 'yun." Sabi ni Jake. Kilig na kilig si Lexi pero syempre 'di niya pwedeng ipahalata.
"Okay na tayo?" Ngumiti si Jake ng tumango si Lexi. "Huwag ka ng magpapakalasing ulit." Bilin ni Lexi. "Yes, Boss!" Sabi ni Jake na sumaludo pa kay Lexi. "Uuuuuyyyyy, bati na sila." Pareho silang lumingon sa pinto ng madinig ang boses ni Rhian. "Akala ko naman basted ka na, Dre." Sabi ni Anthony. "Huwag naman, Dre, kakaumpisa pa nga lang basted na agad." Sabi ni Jake. "Dahil diyan, inuman na tayo!" Sabi ni Rhian. "Nang kape!" Patuloy ni Rhian at inabot sa dalawa ang dala nilang kape.