Pagdating sa ospital ay pinagbuksan ulit ni Jake si Lexi ng pinto. Papasok na sila ng ospital ng kumunot ang noo ni Jake. "Bakit 'di mo dala yung mga bulaklak?" Takang tanong ni Jake. "Ha? Ah, eh..." Hindi masabi ni Lexi na nahihiya siya na dalin ang bulaklak dahil tiyak niya na bubuhos ang tuksuhan pagpasok nila sa loob. Bumalik si Jake sa kotse at kinuha ang bulaklak. "Here." Sabi ni Jake na ibinigay ulit ang bulaklak sa kanya. "Jake naman..." Sabi ni Lexi. "Bakit? Malalanta kasi 'yan dahil mainit sa loob ng kotse mamaya." Sabi ni Jake. "Nakakahiya kasi." Sabi ni Yara na namumula. Nangiti si Jake at inakbayan si Lexi. "Oi, ano 'yan?" Tanong ni Lexi na tinanggal ang kamay ng binata sa balikat niya. Natawa si Jake. "Sungit naman nitong nililigawan ko. Tara na nga at baka malamig na yung niluto ni Nanay Marie." Sabi ni Jake at hinili na papasok si Lexi.
Tama nga si Lexi, pagpasok nila ay inulan sila ng tukso. Kabi-kabilang "Uuuuyyyy" ang nadinig nila. Pulang-pula naman si Lexi samantalang malapad na malapad ang pagkakangiti ni Jake lalo na ng makita ng binata si Shane na hindi man lang tumayo at sumama sa pagtukso sa kanila ni Lexi. "Kala mo ha, wala ka ng pag-asa." Bulong ni Jake sa sarili.
"Nay, nandito na po kami." Sabi ni Jake pagkapasok nila sa bahay. "Maupo na kayo at ng makakain na." Sabi ni Marie. "Salamat po, Nay." Sabi ni Lexi at ngumiti naman sa kanya ang matanda. Nilagyan ni Jake ng pagkain ang plato ni Lexi. Binigyan din siya nito ng kape. Nangingiti naman si Marie sa nakikita sa alaga. Ngayon niya lang ito nakita na may pinagsisilbihang iba. Miski ang mga magulang nito at kapatid ay hindi man lang binibigyan nito kahit tubig. "Kain na po, Nay." Tawag ni Lexi kay Marie. "Mamaya na ko, iha, kakakape ko lang din kasi nung dumating kayo." Sagot ni Marie. "Dito din kami kakain ng tanghalian, Nay." Sabi ni Jake. "Sige. Ano'ng gusto mo'ng kainin Lexi?" Tanong ni Marie. "Kahit ano po, Nay, basta huwag lang baka." Sagot ni Lexi,
Pagkatapos kumain ay bumaba na din sila sa office ni Jake. 'Di pa man nakakapasok ang dalawa ay nakita na nila sila Anthony at Rhian na papalapit at mga nakangiti ng makahulugan. "Ehem...ang aga naman date n'yan." Tukso ni Rhian. "May lahi ka pa lang Chinese, Dre, sa umaga nanliligaw." Tukso din ni Anthony. "Aga-aga, magkasama na kayo." Balik na tukso ni Jake. "Oo nga, baka kayo ang may date." Dugtong din ni Lexi. Bigla naman naglayo ang dalawa. "Nagsabay lang kami noh." Sabi ni Rhian. "Ows?" Sabi ni Jake. "Kuya!?" Naiiritang sabi ni Rhian, "Remember, the more you hate, the more you love." Sabi naman ni Lexi. "Pati ba naman ikaw, Ate Lexi. Hmp! Alis na nga ako." Sabi ni Rhian sabay tayo. "Ito talaga pikon. Baka naman may gusto ka talaga sa akin." At dumagdag na si Anthony kaya lalong nalukot ang mukha ni Rhian. "Kapal ng mukha ha?" Naiinis na sagot ni Rhian. "Tara nga, samahan mo na lang ako kumuha ng vase." Sabi ni Lexi. "Para saan?" Takang tanong ni Rhian. Inikot ni Lexi ang mata sa paligid ng office. Umiling-iling si Jake. "Naiwan mo sa bahay." Sabi ng binata. "Naman." Sabi ni Lexi. "Ang alin ba?" Takang tanong ni Rhian. "Samahan mo na lang ako sa taas." Aya ni Lexi kay Rhian.
"Wow! May pabulaklak pa talaga si mayor. Ang haba ng hair!" Sabi ni Rhian ng makita ang mga bulaklak. Natatawa naman si Lexi sa reaksyon ng kaibigan. "Ano'ng feeling?" Tanong ni Rhian. "Ng?" Kunot ang noong tanong ni Lexi. "Yung panliligaw ni Kuya." Sabi ni Rhian at nangiti siya ng makitang namula si Lexi. "Kinikilig." Tukso ni Rhian. "Ang saya ko, Rhian. Kahapon, noong sinabi ng kuya mo na liligawan niya ko, para akong nasa langit. Ang hirap i-explain pero, basta, ang saya lang." Sabi ni Lexi na nakangiti. Natatawa naman si Rhian. "Ngayon lang nagseryoso si kuya sa babae, Ate. Puro fling lang yung mga babaeng nagdaan sa kanya." Sabi ni Rhian. Bigla naman nag-iba ang mukha ni Lexi, napalitan ang saya ng pag-aalala. "Pero natatakot pa din ako Rhian. Paano kung maulit 'yung dati? Alam kong mga bata tayo noon pero baka masaktan na naman ako." Sabi ni Lexi. "Ate, trust me, okay? Seryoso si Kuya sa'yo. And remember, nagpaalam si Kuya kay Tito Ronnie kagabi, 'di ba?" Tanong ni Rhian at tumango naman si Lexi. "Hayaan mo, pagniloko ka ni Kuya, mata lang niya ang walang latay. Saka, hello, kayang-kaya mong ihagis si kuya." Sabi ni Rhian at natawa sila pareho.
Biglang nasamid si Jake habang nag-uusap sila ni Anthony. "Pinag-uusapan ka noong dalawa." Sabi ni Anthony na tatawa-tawa. "Mukhang seryoso ka na kay Lexi ah." Sabi ni Anthony. "Oo naman, Dre." Sagot ni Jake. "Paano na 'yung mga "no strings attach" mo? Nakatawang tanong ni Anthony. "Good boy na 'to, Dre. Dalawang kamao ang naghihintay sa 'kin pag 'di ako nagstick to one." Nakatawang sabi ni Jake na kinakunot ng noo ni Anthony. "Kamao ni Dad saka kamao ni Tito Ronnie." Sabi ni Jake at natawa si Anthony. "Saka, Dre, baka ihagis na lang ako ni Lexi mula sa bahay pababa." Patuloy ni Jake. "Oo nga, nakwento nga sa 'kin ni Rhian ang nangyari." sabi ni Anthony.
Tumingin si Jake sa kaibigan. "Bakit?" Takang tanong ni Anthony. "Hindi mo ba talaga type utol ko?" Tanong ni Jake. Si Anthony naman ngayon ang nasamid. "Hindi naman kita pipigilin kung sakali at gusto mo siya. Ilalakad pa kita kung gusto mo." Patuloy ni Jake. "Dre naman." Sabi ni Anthony. "Bakit? Maganda naman si Rhian, sexy, matalino, bungangera nga lang." Sabi ni Jake. "Exactly! Ayoko sa mga maiingay. Gusto ko sa mga silent type kasi pagdating sa kama, doon na lang talaga siya magiging maingay." Sabi ni Anthony. "Ikaw talaga, puro iyon ang nasa isip mo." Nakatawang sabi ni Jake. "Hindi naman. Gusto ko lang na ako ang upperhand sa isang relationship. Pag si Rhian ang naging girlfriend ko, feeling ko, ako lagi ang talo." Sabi ni Anthony. "Sabagay, may punto ka. Pero kung sakali magbago ka ng isip, sabihin mo agad sa akin." Nakatawang sabi ni Jake.
"Hello, good morning, Skylab's Director's office, Lexi speaking." Sabi ni Lexi matapos sagutin ang tawag mula sa landline ng opisina ni Jake. "Hello, is Jake there?" Maarteng sabi ng babae sa kabilang linya. "Who's this, please?" Tanong ni Lexi. "Tell him, it's Dianna." Tumaas ang kilay ni Lexi. "Just hold on for a minute, Ma'am." Sabi ni Lexi na may ibang pakiramdam sa kausap. "Jake." Tawag ni Lexi sa binata. "Dianna daw." Patuloy ni Lexi ng hindi tumayo sa upuan si Jake. Namutla naman si Jake. "Sabihin mo, wala ako." Lalong tumaas ang kilay ni Lexi dahil sa narinig pero binalikan pa din ang kausap. "I'm sorry, Ma'am, pero nasa meeting po si Jake." Sabi ni Lexi. "Talagang pinagtataguan ako ng lalaking 'yan! Well, Miss, tell that bastard I will be there in five minutes." Sabi ni Dianna ang pinindot na ang end call.
Nilingon ni Lexi ang binata na pinagpatuloy lang ang ginagawa na parang walang nangyari. Tumayo siya para sabihin kung ano ang sinabi nung Dianna pero 'di pa man siya nakakarating sa table ng binata ay bumukas na ang pinto ng opisina.
"Jake, darling, I missed you!" Sabi ni Dianna sabay kalong at halik kay Jake. Nanigas ang katawan ni Jake at ng tumingin siya kay Lexi, kulang na lang ay magtago siya sa ilalim ng mesa.