CHAPTER 40
Tiningnan ko ng maigi kung sino ung babaeng kasama nila sa picture pero ang mas nakakapagtaka ang pagiging magkakilala ni Jay at Blue.
"Anong tinitingnan mo jan?" tanong ni Blue.
Tumingin ako sa kanya. "Sino ung nasa picture?"
"Mga kapatid mo?" tanong ko.
"Bakit? Crush mo ung nasa picture?" pagaakusa niya.
Napataas naman ako ng kilay. "Huh? Tinatanong lang crush na agad?"
Kinuha niya ung picture at tinago na agad. "Kung hindi mo crush bakit mo tinanong kung sino yun?"
Napatampal naman ako sa ulo ko. "Blue bingi ka ba or ano? Hindi mo ba narinig ung sinabi ko kanina? Ang sabi ko sino sila hindi ko sinabing sino siya ano ba"
"Sus kunyari ka pa eh gusto mo din malaman kung sino ung lalaki. Bakit hindi ka ba napopogian sakin?" masungit niyang sabi.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Nasisiraan ka na ba ng ulo?"
Biglang dumilim ang expression ng mukha niya. "Hindi ka napopogian sakin?"
Napatayo ako dahil para talaga siyang baliw. "Ewan ko sayo! baba na ako"
Tinalikuran ko na siya pero bago pa ako makalakad niyakap niya ako patalikod.
"Ako lang ang pwedeng gwapo, pogi, cute sa paningin mo wala na dapat pang iba" malambing niyang sabi.
"Ay wow naman! Hindi ako robot na pwedeng diktahan kung ano lang dapat kong maramdaman" pag-angal ko.
Hinalikan niya ung leeg ko kaya naman nanigas ako. "Basta ako lang. Akin ka lang"
Napalunok ako nararamdaman ko pa din ung labi niya kahit wala na. "Halika ka na baka mapatay na ako ng kapatid mo"
Pinagintertwine niya muna ang kamay bago niya ako hinila para lumabas sa kwarto niya. Tahimik lang kami parehas habang papunta sa dining area.
Nang makarating kami sa dining area hindi pa sila nagsisimula kumain. Napatingin naman silang lahat kaya naman na conscious ako kung bakit sila nakatingin. Napatingin ako kay kuya nakita ko siyang nakatingin sa kamay naming ni Blue kaya naman binitawan ko ung kamay ni Blue at pumunta na sa tabi ng kuya ko. Napapagitnaan ako ni kuya Red at kuya ang awkward sobra.
"Hindi pa ba tayo kakain?" basag ko sa katahimikan.
"Sino kaya ang tagal?" sarcastic na sabi ni kuya.
Napapout naman ako dahil sa sinabi ni kuya. "Sorry na ang tagal kasi ni Blue"
Biglang tumikhim si kuya. "Bakit?"
"Eh kasi ang tagal niyang magpalit ng damit tapos inaway pa---" napatakip ako ng bibig ang dami ko na atang sinabi.
"Nanggaling ka sa kwarto niya?" nakakatakot na tanong ni kuya.
"Mommy nagugutom na po ako" paghingi ko ng tulong kay mommy.
Ngumiti si mommy. "Mamaya mo na kausapin ang kapatid mo pakainin mo muna"
Nginitian ko din si mommy buti na lang nanjan si mommy kung hindi di talaga ako titigilan ni kuya. Nagsimula na kaming kumain pero napapansin ko pa din na panay ang tingin nila sakin.
"Gabbie kumain ka ng gulay mas mainam kung kakain ka nito" nilagyan ako ni Kuyaa Red ng mga gulay sa plato.
"Salamat kuya Red" pagpapasalamat ko.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko naguusap si lolo at kuya sumasabay din naman pa minsan minsan si mommy pero mas laging naguusap si kuya at lolo.
"Pwedeng paabot ng tubig?" pakiusap ko.
Pero imbes na iabot sakin ni kuya Red siya na mismo ang nagsalin. "Ahm…Thank you"
Agad ko inom ung tubig napagisipan ko na bilisan na lang kumain para makaalis na ako sobrang awkward kasi hindi ko na kayang magstay pa ng matagal.
Tumayo na ako. "Tapos na po ako babalik na ako sa kwarto ko"
"Saan ka pupunta?" masungit na sabi ni kuya.
"Sa kwarto ko diba magpapahinga ako" kinakabahan kong sagot.
"Dito ka lang maguusap pa tayo" striktong sabi ni kuya.
"Okay" yun na lang ang nasabi ko
Hinintay ko muna na matapos kumain sila kuya.
"Doon tayo sa study room" utos ni kuya.
"Okay" sagot ko.
Tumayo na ako para sumunod kay kuya.
"Sasama ako" sabi ni Blue.
"Bakit---"
"Tara na" masungit na sabi ni Blue.
Hinila na ako ni Blue papunta sa study room na sinasabi ni kuya. Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit wala naman akong ginagawa. Nakakatakot pa naman si kuya kapag seryoso at galit. Pumasok na kami sa loob ng study room seryoso ang mukha ni kuya pero kalmado naman ang itsura nila mommy at lolo't lola.
"Kuya…" pagtawag ko kay kuya.
Masama ang tingin ni kuya kay Blue. "Umupo kayo dito" utos ni kuya.
Sumunod naman kami sa utos ni kuya. Sinimangutan ko siya dahil hindi ko maintindihan kung bakit ang seryoso niya.
"Anak para saan ba itong usapan na ito?" nagtatakang tanong ni mommy.
"Mommy may boyfriend na si Gabbie" anunsyo ni kuya.
"Okay...?" hindi siguradong sagot ni mommy.
"Mommy bakit yan lang ang sagot mo?" pagrereklamo ni kuya.
"Gabbie anak totoo ba ung sinasabi ng kuya mo?" mahinanong tanong ni mommy.
"ahm---"
"Opo totoo po ako po yung boyfriend niya" sabat ni Blue.
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. "Ahm…Yes mommy"
"Come here anak" tawag sakin ni mommy.
Lumapit ako kay mommy sumunod naman si Blue sakin.
Niyakap ako ni mommy. "Don't worry hindi naman ako galit"
"Mommy!" angal ni kuya.
"Alam ko naman po yun mommy" sabi ko.
"Lolo?" paghingi ng tulong ni kuya kay lolo.
"Blue siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang apo ko" pagbabanta ni lolo kay Blue.
"Lolo?! Are you kidding me?" nagtatrantums na sabi ni kuya.
"Iho hindi ko alam sayo kung bakit ganyan ang reaction mo may boyfriend lang naman si Gabbie at sa tingin namin. It's normal" paliwanag ni lolo.
"No! hindi niyo nakita ang nakita ko kaya niyo nasasabi yan they almost do it kung hindi lang ako pumasok baka natuloy yun" galit na sabi ni kuya.
"Ang alin iho?" nagtatakang tanong ni Lolo.
"They almost…had sex!" sigaw na sabi ni kuya.
Biglang napatakip si mommy ng bibig si lola naman gulat na gulat.
biglang sumama ung mukha ni lolo. "This that true Blue?"
"Lo I can expla—"
"I'm not talking to you Gabbie.." seryosong sabi ni lolo.
"Lolo…" tiningnan ko si mommy.
"Dad I think they are—"
"Hindi rin ikaw ng kausap ko" seryoso pa ding sabi ni lolo.
"Yes—"
Biglang tumayo si lolo. "Red!" sigaw niya.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si kuya Red. "ihatid niyo muna si Gabbie sa kwarto niya siguraduhin niyong bantay sarado ang kwarto niya hindi niyo siya papalabasin hanggang walang ako sinasabi" utos ni lolo kay kuya Red.
Agad naman akong nilapitan ni kuya Red. Masama ang tingin ni Blue kay kuya Red pero parang walang pake si kuya Red at sinunod lang ang utos ni lolo hindi na ako nagmatigas pa dahil kitang kita ko ang pagkaseryoso ni lolo ayoko na gumulo pa kaya mas minabuti ko na lang na sundin ang gusto ni lolo.