CHAPTER 41
Hindi ako mapakali gusto ko malaman kung anong gagawin nila kay Blue pero ano nga ba ang pwede nilang gawin kay Blue. Baka bugbogin pero hindi naman siguro yun magpapabugbog na lang kasi nakalaban ko na siya once and i can say na magaling naman siya kaya hindi siya mahihirapan kung sakali man.
Sinubukan kong lumabas si Orange at Yellow ang bantay ko. "Okay lang ba si blue?"
"Magiging okay kang siya magtiwala ka lang sa kanya" pagpapagaan ni Orange sa loob ko.
"Sige sige" pumasok na ako sa loob.
Naisip kong kailangan kong sabihin kay lolo ang pagkakatuklas ko kay Cass. Alam kong matagal na hinahanap ni lolo si Cass. Kaya lumabas ako ulit nagulat si Orange saka Yellow.
"Kailangan kong makausap si lolo kahit sumama na kayo" sabi ko kay Orange.
Nagtinginan si Orange at Yellow hindi alam kung susundin ba ako o hindi.
"Ikaw bahala" sabi ni Yellow kay Orange.
"Sige na nga bahala na" sabi ni Orange.
Agad naman kaming nagtungo sa study room ni lolo.
"Lolo…" natigilan ako sa nakita ko.
Akala ko naman kung anong ginagawa nila. Naglalaro lang naman pala sila ng chess. Hindi pa din maipinta ang mukha ni kuya.
"Anong nangyayari dito?" nagtatakang tanong ko.
"Nagchechess kami—"
Biglang may sumabog kinabahan ako. Agad tumakbo si kuya at Blue sa labas habang naiwan naman kami ni lolo sa loob ng study room.
"Lo okay lang po ba kayo?" nagaalalang tanong ko sa lolo ko.
"Okay lang ako iha dito ka lang at titingnan ko ang nangyayari sa labas" bilin sakin ni lolo.
"Wag na lolo dito na lang po kayo kaya na nila yun" pigil ko.
"Iha malakas pa ako kaya ko pa" sabi sakin ni lolo.
"Pero lo—"
"Bumalik ka sa kwarto mo wag kang lalabas hanggang't walang pumupunta dun para kunin ka. Naiintindihan mo ba Gabbie?" utos sakin ni lolo.
"I can help please lolo" pagmamakaawa ko. Hindi ko kayang manatili lang sa kwarto gayong alam kong pwedeng nasa panganib kami.
"Gabbie we can't afford to lose you again. Kaya please pumunta ka muna sa kwarto mo at magtago" pagaalala ni lolo sakin.
Gusto ko man sawayin si lolo alam ko naman na ako lang naman ang iniisip niya matagal din akong nawala sa kanila kaya alam kong sobrang takot lang talaga si lolo na mawala ako ulit. Sinunod ko na lang ang utos ni lolo sakin na bumalik sa kwarto ko. Sunod sunod pagsabog ang narinig ko gusto ko man lumabas pero alam kong kailangan kong sundin si lolo pinipigilan ko ang sarili kong lumabas.
May kumatok sa pintuan ko. "Sino yan?"
Hindi nagsalita yung kumatok naghanap muna ako ng pwedeng ipanghampas kung sakali man. Pero wala akong mahanap bahala na lang si batman kung anong mangyayari handa naman ako kung sakaling makikipaglaban ako. Dahan akong lumapit sa pinto maingat kong binuksan ang pinto pero nakatago ako sa likod ng pintuan.
"Gabbie?" tawag sakin. Pero parang kilala kung kaninong boses yun.
"Jay??" nagtatakang tawag ko.
"Gabbie…" agad siyang lumapit sakin para yakapin ako.
Sa gulat ko hindi ako kaagad nakapagsalita. "B-Bakit ka nandito?"
"Nagaalala ako sayo" nagaalalang sagot niya.
"Pero paano mo ako natunton?" nagtatakang tanong ko.
"Ang importante ligtas ka. Halika ka na aalis na tayo dito" sabi niya saka ako hinila palabas ng kwarto ko.
"Teka kasama mo ba si Cass?" tanong ko.
"Oo kasama ko siya. Halika na" hinila niya ulit ako palabas.
"teka patigilin mo siya" sabi ko kay Jay.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Basta patigilin mo siya!" iniwan ko siya at hinanap si lolo.
Hindi ko mahanap sila lolo kung nasaan sila kailangan ko silang mahanap.
"Lolo!" sigaw ko.
Tumakbo ako ng may narinig akong putukan.
"Lolo!" sigaw ko ulit.
Napatingin sakin si lolo sobrang gulat siya ng makita niya ako.
"Apo magtago ka!" sigaw ni lolo pabalik.
Napatingin naman sakin ung babaeng nakamaskara. Alam kong si Cass yon.
"Wag na kayong magpapaputok!" sigaw po sa mga katauhan ni lolo.
"Ikaw din!" sigaw ko kay Cass.
"Gabbie!" tawag sakin ni Jay.
"Apo!" tawag sakin ni lolo.
Nakita kong may bumaril kay Jay agad kong pinuntahan si Jay. nakahawak siya sa brasong nakabaril sa kanya.
"Tama na! Wala na magpapaputok!" sigaw ko.
"Lolo tumawag kayo ng doctor!" nanginginig kong sabi.
Hindi ko na alam kung anong bang nangyayari kung bakit nandito sila. At kung paano sila nakapasok dito sobrang higpit na ng seguridad dito pero nagawa pa din nilang makapasok.
"Jay!" nakalapit na samin si Cass.
"Samahan mo muna si Jay kailangan kong puntahan ang lolo ko" sabi ko kay Cass.
"Gabbie…" hinawakan ni Jay ang kamay ko na tila parang ayaw akong paalisin.
"Kapag hindi mo binitawan ang girlfriend ko sinasabi ko sayo sasabog yang bungo mo" inis na sabi ni Blue.
Agad naman binitawan ni Jay ang kamay ko. "Lolo okay lang po ba kayo?"
"C-Cass…?" tawag ni lolo kay Cass. Kakatanggal lang kasi nito ng maskara niya.
"Sino ka? Bakit mo ko kilala?" nagtatakang tanong ni Cass. Bigla siyang napahawak sa ulo niya.
"C-Cass anak ako to ang daddy mo" mangiyak ngiyak na sabi ni lolo.
Napakunot naman ang noo ni Cass. "D-Dad?
Tumango tango si lolo at dahan dahan lumapit kay Cass. "C-Cass ang tagal ka na naman hinahanap"
Niyakap ni lolo si Cass at ganun din naman si Cass kay lolo. Parehas silang naiyak habang yakap ang isa't isa.
"Nandito na ang ambulansya isakay na natin siya" sigaw ni Green.
Tumulong naman ang ibang tropang Crayola para maisakay na sa si Jay. "D-Dad kailangan ko muna umalis kailangan kong masiguro na okay lang si Jay. Babalik ako dad pangako"
Saka umalis si Cass para sumama kay Jay. "Magiingat ka anak. Hihintayin ka namin"
Ngumiti lang si Cass at umalis na. "Kailangan tong malaman ng lola mo at ng mommy mo"
Agad naming pinuntahan sila lola at mommy. Ang ibang tropang Crayola ay sumama sa pagsugod kay Jay sa ospital ang iba naman at nanatili para magbantay ganun din ang ibang tauhan ni lolo inayos ang mga gamit sa bahay.
"Matilda!" excited na tawag ni lolo kay lola.
"Salamat sa diyos at okay ka lang" bungad samin ni lola.
Niyakap ni lolo si mommy at lola. "meron akong maganda balita sayo"
"Ano yun dad?" nagtatakang tanong ni mommy.
"Mamaya ko sasabihin kapag nandito na siya. Maghanda muna tayo at magpapaluto ako ng madami" masayang sabi ni lolo.
"Gabbie may alam ka ba sa balita ng lolo mo" curious na tanong ni mommy.
"Si lolo na lang po ang magsasabi sa inyo" sagot ko kay mommy.
Nagkibit balikat na lang si mommy at hinayaan na lang si lolo. Sobrang saya ni lolo kaya naghahanda talaga siyang maigi tumulong na siya sa pagaayos para mapabilis.
Nilapitan ako ni kuya. "Meron ka bang idea kung ano ung magandang balita ni lolo?"
"Kuya si lolo na lang ang magsasabi" malamig kong sabi.
Hindi ako natutuwa sa nangyayari pero kung ito ung magpapasaya sa kanila hahayaan ko na lang.
"Teka bakit parang may mali. Bakit ganyan ang attitude mo?" nagtatakang tanong ni kuya.
"Wala lang kuya hindi lang siguro maganda ung pakiramdam ko" sabi ko.
"Magpahinga ka muna kaya. Nasaan na ba ung boyfriend mo?" tanong ni kuya.
"hindi ko alam kuya" kaswal kong sagot.
Sakto naman bumalik na yung ibang tropang Crayola mula sa ospital.
"Lo nandito na sila" sigaw ni kuya.
Agad naman lumabas si lolo para salubungin sila. "Cass!"
"Nakabalik na po kami" magalang na sabi ni Cass kay lolo.
Niyakap agad ni lolo si Cass. "Mabuti naman. Akala ko panaginip lang lahat ng ito"
"C-Cass a-anak…" dahan dahan lumapit si lola kay Cass.
"M-Mommy…" naiiyak na sabi ni Cass.
Halos mangiyak ngiyak na si lola at hindi makapaniwala sa nakikita niya. "C-Cass anak"
Niyakap ni lola si Cass ng mahigpit. "Akala ko di nakita makikita pang muli"
"T-Tara pumasok muna tayo sa loob para makita niya ang kapatid niya" excited na sabi ni lola.
Pumasok na sila ng bahay habang magkakayakap. Hindi ko alam kung bakit ako lang ang hindi masaya sa pagpapakita nila.
"Gabbie tara pasok na tayo. Ipapasok na din namin siya" sabi ni Green.
"Jay okay ka na ba? Bakit hindi ka nagpaconfine sa ospital" nagaalalang tanong ko.
"Hindi na kaya ko naman. Pinatanggal ko lang talaga ung bala kaya ako sumama saka alam kong magaalala si Cass kung magpapasaway pa ako kaya sinunod ko na lang siya" sagot ni Jay.
"Sige halika pumasok ka na sasamahan ka nila sa pansamantalang kwarto mo" sabi ko saka pumasok sa loob ng bahay.
Naabutan namin sila lolo at lola na pinagigitnaan si Cass umiiyak pa din sila habang hawak ang kamay ni Cass. Sinenyasan ko ang mga tropang Crayola na ihatid na muna si Jay sa kwarto niya.
"Dad what—"
Napatakip ng bibig si mommy. "Ate…"
Napatingin naman si Cass kay mommy. "Bunso…"
Tumakbo si mommy palapit kay Cass. "Ate you're finally back. I knew it babalikan mo kami"
Umiiyak na din si mommy nagyakapan silang apat.
"Gabbie" biglang sabi ni mommy.
"Come here anak" utos niya sakin.
Lumapit ako sa kanila. "Gabbie siya ang totoong biological mother mo"
Ngumiti si Cass. "Anak"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin ako kay mommy. "Pero ikaw lang po ang mommy ko"
Umiling si mommy. "I will always be your mommy pero kailangan mong kilalanin ang totoo mong mommy dahil matagal kayong nawalay sa isa't isa"
"It's not easy mommy. It's not" malamig kong sabi.
"Mahaba pa ang panahon para magkakilala sila hayaan natin sila na magkakilala" sabat ni lolo.
"I think I don't need to. Magpapahinga na po ako masyado na mahaba ang araw na ito pagod na po ako" sabi ko saka sila iniwan.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko mahanap ang kaligayahan sa pagbabalik ni Cass sa buhay namin. Alam kong naging mabait siya sakin pero bakit ganito ang nangyayari sobrang daming ganap na hindi ko na masundan. Hindi kaya….
"Sobrang lalim ng iniisip mo" napatingin naman ako sa nagsalita.
"Kuya…" matamlay kong sagot.
"Alam kong nahihirapan ka dahil sa pagbabalik ng totoong mommy mo. Para sakin magkapatid pa din tayo at walang ibang makakapagpawala nun. Kaya wag mo na isipin" nagaalalang sabi ni kuya.
Lumapit ako sa kanya at yumkap. "Hindi rin naman ako papayag na mawalan ng gwapong kuya"
"Mabuti naman. Ayoko rin mawalan ng pangit na kapatid" pagsakay niya sa biro ko. Medyo medyo gumaan ng konti ang pakiramdam ko.
Inihatid na ako ni kuya sa kwarto ko.
"Magpahinga ka na masyadong maraming nangyari sayo kakabalik mo pa lang" sabi niya kuya.
"Opo sige na. Ikaw din alam kong tumulong ka kanina" sagot ko.
Pagkatapos naming magusap ni kuya at sinarado ko na din ang pinto. Pumunta ako sa kama at humiga gusto kong magisip pero nablablangko ang utak ko.
May kumatok pero tinatamad ako tumayo. "Pasok"
"Gabbie" tawag sakin ni Blue.
"Pumasok ka na" utos ko.
Binuksan niya ang pinto at umupo naman ako. "Anong kailangan mo?"
"Gusto ko lang kamustahin kung okay ka lang" nagaalalang tanong niya.
"Okay lang ako" bigla kong naalala ung picture frame na nakita ko sa kwarto niya.
"Mabuti naman" lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.
"Blue naalala mo pa ba kung sino ung kasama mo dun sa picture?" tanong ko.
"Anong picture?" nagtatakang tanong niya.
"Yung picture frame na tinanong ko sayo ng nakaraan?" pagpapaalala ko sa kanya.
"Yung nasa side table ko?" pagklaklaro niya.
Tumango ako. "Bakit gusto mo malaman?"
Napakunot naman ako ng noo. "Kasi gusto ko malaman saka girlfriend mo naman ako wala ba akong karapatan?"
Bigla naman siyang napatayo. "Ano bang meron dun at bakit gusto mong malaman kung sino yun?"
Napataas naman ako ng kilay. "Teka lang nagtatanong lang ako. Gusto ko lang malaman kung sino sila hindi mo naman kailangan magalit. Unless may tinatago ka na hindi mo gustong malaman ko. To be honest Blue wala akong alam sa pagkatao mo ni totoong pangalan mo nga hindi ko alam iyon maliit na bagay lang yun. Parang lolo mo nga lang ang kilala ko the rest hindi ko na alam hindi ko alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan o hindi. Fine! Kung big deal na para sayo ang pagtatanong ko ng ganun hindi na ako magtatanong. And let's stop this non-sense relationship"