CHAPTER 44
Dinilat ko ang mga mata ko at ginala kung bakit ang ingay ingay.
Bumangon ako. "M-Mommy…"
Sabay napatingin si mommy at Cass. "Gabbie!"
"Okay ka lang ba anak?" pagdalo sakin ni mommy.
"Yeah" mahina kong sabi.
"Mommy ito na po ung doctor!" sigaw ni kuya.
"Doc pakitingnan naman kung okay lang siya" utos ni mommy dun sa family doctor.
Umatras muna sila mommy para masuri ako ng doctor.
"Okay lang naman siya pero kailangan na niyang kumain dahil sobrang hinang hina na siya" payo ng doctor.
"Sige po" sagot ni mommy sa doctor.
"I suggest din na wag muna siya mastress" pahabol ng doctor.
Hinatid ni kuya ulit ang doctor palabas.
"Gabbie anak ipapahanda kita ng pagkain. Kukuha lang ako" sabi ni mommy saka lumabas ng kwarto ko.
"Gabbie pasensya ka na sa sinabi ni dad hindi mo naman siya kailangan sundin kung hindi mo pa ako kayang patawarin tanggap ko naman hindi naman kita mamadaliin" pagpapaliwanag ni Cass.
Tiningnan ko siya. "I understand kung bakit ganun si lolo. Pero siya hindi niya ako maiintindihan kasi hindi niya alam kung ano ung pinagdaanan ko ayoko naman talagang sabihin sa kanila pero I had enough kaya ko nasabi pero I have no intention na pasamain ka sa paningin nila.
Ngumiti siya ng tipid. "Alam ko naman yun. Kaya nga gusto ko magpasalamat sayo. Kung sakali man na hindi mo pa din ako matanggap na nanay mo okay lang kasi yung kausapin mo lang ako okay na ako"
"I hope someday kaya ko na. ikaw pa rin naman ang biological mother ko" sabi ko.
Dumating na si mommy na may dalang pagkain. Nagpaalam na si Cass na babalik sa kwarto niya.
"Nagusap ba kayo ni ate Cass?" tanong ni mommy habang pinapanuod akong kumain.
"Yes mom. Nakapagisip isip din ako ng nagkulong ako dito sa kwarto" sagot ko.
"Gabbie anak I hope someday maging okay na kayo ni ate Cass" malungkot na sabi ni mommy.
"We will mom" pagaassure ko kay mommy.
Ngumiti lang si mommy at pinagmasdan akong kumain.
***************
Sinuguro ni mommy na nakakain ako sa tama oras at hindi ako nastestress tulad ng bilin ng doctor. Naging maayos naman ang naging pakiramdam ko bumabalik na din ang dati kong sigla pero hindi muna ako lumalabas ng kwarto ko.
"Kamusta naman ang baby girl ko?" pangungumusta ni kuya sakin.
"Mas okay na ngayon kesa dati" masayang sagot ko kay kuya.
"Mabuti naman. Pasensya na kung hindi kita masyadong natutukan ng mga nakaraang araw" sabi ni kuya.
"Wala naman sakin yun kuya. Alam ko may mga dapat ka pang gawin kaya wag kang magalala" pagsisiguro ko kay kuya.
"Ang maunawiin naman ng baby girl naming na—" hindi na naituloy ni kuya ang sasabihin dahil biglang may kumatok.
"Pasok" sigaw ko.
Bumukas ang pinto at niluwa nun si Blue na may pasa sa mukha hindi ko siya masyadong nakikita simula ng nagkulong ako sa kwarto hindi niya rin naman ako dinadalaw.
"Anong kailangan mo Blue?" masungit na sabi ni kuya.
"Gusto ko lang sana makausap si Gabbie" sagot ni Blue.
"Ayok—"
Hinawakan ko ang kamay ni kuya. "Bakit Blue?"
"Kung pwede tayong dalawa lang? Mawalang gala na po" sabi ni Blue.
"Aba't ano—"
Tiningnan ko si kuya. "Fine! Fine! lalabas na ako 1 hour lang ah! No touch"
Lumabas na si kuya. Lumapit naman sakin si Blue.
"Pasensya na kung hindi kita nadalaw dito ng mga nakaraang araw" napahawak siya sa batok niya.
"Bakit nga ba hindi?" masungit kong tanong.
"Baka kasi galit ka pa kaya hindi muna ako nagpapakita sayo. Pero ng nalaman ko na may nangyari sa'yo agad akong nagpunta dito sa'yo" pagpapaliwanag niya.
"Hindi rin naman kita gustong makita" sagot ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay. "Galit ka pa din?"
Inirapan ko siya. "Wala ka na sasabihin?"
Napabuntong hininga siya. "Naiinis ako pakiramdam ko kinakampihan mo yung Jay na yon"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Umalis ka na kung wala kang ibang sasabihin"
"Sorry" nakayukong sabi niya.
"Ano?" tanong ko.
Tiningnan niya ako tinitimbang niya kung narinig ko ba o hindi. "Sabi ko…S-Sorry!"
"Hindi ka dapat sakin nagsosorry hindi naman ako yung nabugbog mo" sabi ko.
"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Kung ayaw mo hindi naman kita pinipilit" sabi ko habang inaayos ang sarili.
"Gabbie naman" pagmamakaawa niya.
"What?" walang buhay kong tanong.
"Ang unfair mo!" sabi niya saka umalis ng kwarto ko.
Pumasok naman si kuya na may pag-tataka sa mukha.
"Bakit ganun mukha nun?" nag-tatakang tanong ni kuya.
"Ewan ko sa kanya" nag-tatakang sagot ko din.
"Nag-away ba kayo?" tanong ulit ni kuya.
"Hindi ko alam kuya" sagot ko kay kuya.
Hindi na namin ulit pinagusapan yung pagwawalkout ni Blue nagkwento na lang si kuya ng kung anu-ano naaliw naman ako dahil nakakapag-kwentuhan na ulit kami ni kuya. Nagsasalit salitan si mommy at kuya sa pagbabantay sakin kahit naman na hindi nila sabihin alam ko ang ginagawa nila.
"Gabbie…" tawag sakin ni kuya.
"Hmm…Yes?" sagot ko.
"Gusto kang kausapin ni lolo" nagaalangan na sabi ni kuya.
"Okay…" maiksi kong sagot.
"Kaya mo na bang magpunta sa study room?" tanong ni kuya.
"Yeah…Sunod na lang ako kuya magaayos lang ako" sabi ko.
Umalis na si kuya habang naiwan ako sa kwarto huminga ako ng malalim alam kong hindi naging maganda ang huli pagtatagpo namin ni lolo pero gusto ko din naman na magka-ayos kami ni lolo. Pagkatapos kong makapag-ayos lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa study room.
Kumatok muna ako bago pumasok. "Tawag niyo daw po ako"
"Gabbie umupo ka" sagot ni lolo.
"Sinabi na sakin ni Cass ang mga nagawa niya sayo" napa-ayos ng upo si lolo.
"Okay lang po lolo naiintindihan ko naman po kung bakit niyo yun nagawa sumama lang po talaga ang loob ko dahil hindi niyo man lang ako tinanong kung bakit ganun ako kay Cass" sagot ko.
Napabuntong hininga si lolo bago magsalita. "kaya gusto ko humingi ng patawad sayo dahil na din sa nasabi ko siguro nga at masyado lang ako sumobra matagal ko din hindi na kasama si Cass kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko"
Ngumiti ako kay lolo. "okay na po yun wag niyo na po isipin yun"
"gusto ko pa din humingi ng pasensya dahil alam ko na nasaktan kita" paghingi ng patawad ni lolo.
Tumayo ako at niyakap si lolo.