Chereads / Code Name: Blue / Chapter 46 - PRE-WEDDING

Chapter 46 - PRE-WEDDING

CHAPTER 46

Nilapitan ko agad si Orange dahil sa ginawa sa kanya kaya hindi siya masyadong makatayo.

"Kaya mo ba?" nagaalalang tanong ko kay Orange.

"I-Iwan mo na lang ako. Umalis ka na" nanghihinang sabi ni Orange.

"H-Hindi kita iiwan. M-Makakaalis tayo dito" naiiyak kong sabi kay Orange.

"H-Hindi ko a-alam kung kaya k-ko" biglang napaubo siya ng dugo.

"Kakayanin mo…Wag mo naman sakin gawin to Orange" umiiyak na ako dahil kitang kita ko naman na nahihirapan naman na talaga siya.

"If you think that you can get away…you are fucking wrong" sabi ng kamukha ni Orange.

"Shut up!" binaril ko yung kanang braso niya. Kaya naman napasigaw siya.

"Umalis ka na Gabbie" pagmamakaawa ni Orange.

"No! Hindi ako aalis ng hindi ka kasama" buong loob kong sabi.

"Kung gusto niyo talagang makatakas umalis na kayo…bago pa mahuli ang lahat" sabi samin ng kamukha ni Orange.

"Halika ka na Orange" tinulungan kong makatayo si Orange.

Sinunod naman ako ni Orange inalalayan ko siya para makatayo siya at kahit makalakad kahit papaano pero dahil na din sa nanghihina niyang katawan kaya siguro nahihirapan siyang maglakad at hindi siya makatayo ng maayos. Pero alam kung lumalaban siya para makaalis din kami kung nasaan man kami.

"And where do you think you're going?" may humarang samin babae.

"Get the hell out of our way" masungit kong sabi.

"No fucking way" sabi niya habang may nakakainis na ngisi.

"What do you want?" inis kong sabi.

"You…" nakangisi pa rin niyang sabi.

"Me?...ano na naman ba to? Sino ka ba at anong kailangan mo sakin?" nagtatakang tanong ko.

"What if I make a deal?...You come with me and he will be home safe and sound…What do you think?" tanong niya.

"In you ass…Hindi ako maniniwala sayo makakaalis kami dito at hindi ko kailangan ng deal mo na yan" matapang na sagot ko.

"Oh please I'm giving you a chance" pangaasar ng babae.

"Wala akong pake sa chance mo isaksak mo baga mo" sagot ko.

"You are making a mistake…I tried my best but you are hard headed so…" sabi niya bago kami inatake ni Orange.

Agad naman akong nakaiwas sa mga tama niya.

"Damn you! Talagang inuubos mo pasensya ko sayong punyeta ka" sabi ko at agad siyang sinugod kahit hawak ko si Orange.

Natatamaan ko naman siya pero nahihirapan ako dahil hawak ko si Orange pero kaya ko naman. Nang masapak ko siya sa mukha yun ang kinuha kong chance para mabaril siya sa balikat agad naman siya napahawak sa balikat na tinamaan ko. Sinunod ko ang parehas niyang tuhod para hindi na kami mahabol pa.

"Wag mo akong hahamunin lalo na mainit ulo ko" naglakad na kami ni Orange palabas ng gusali kung nasaan man kami.

Hindi ko alam kung saan kami makakarating ni Orange hindi na siya nagsasalita siguro at napagod na pero umuungol naman siya biglang pagsagot kapag kinakamusta ko siya. Makakahanap din ako ng lugar kung saan pwede muna kami makapagpahinga ni Orange.

Mahaba na ang nalalakad naming ni Orange pero wala pa din akong makita kung saan muna kami pwedeng magpahinga ni Orange.

"Orange?" nagaalalang tanong ko.

Huminto muna kami ni Orange para malaman ko ang kalagayan ni Orange.

"I-Iwan mo na lang kasi ako. A-Alam ko pagod ka na" sagot sakin ni Orange.

"Hindi! Hindi kita iiwan kaya tumahimik ka jan saka sino ba nagsabing napapagod ako ikaw lang iniisip ko" rason ko.

"G-Gabbi—"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Orange dahil may biglang bumaril sa kanya sapul sa may puso. Napalingon ako sa pinanggalingan ng putok.

"N-No…N-No" natatarantang sabi ko habang hawak ang nabaril na parte ni Orange.

"Sumama ka samin" sabi ng lalaking nakaitim habang may nakatutok na baril sa ulo ko.

"Sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo sakin" pagod kong sabi.

"Itali niyo na tapos isakay sa sasakyan" utos ng lalaki.

Agad naman siyang sinunod ng mga lalaking kasama niya. Hindi na ako nakalaban dahil may nakatutok na baril sa ulo ko. Ayoko pang mamatay hindi ko pa alam kung anong kailangan nila sakin kaya hindi pa ako pwedeng mamatay. Ipaghihiganti ko pa si Orange uubusin ko silang lahat hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila.

Habang nasa biyahe kami nagiisip ako ng mga pwedeng gumawa nito pwedeng ito pa din yung kaaway ni lolo na pinagtataguan namin ano bang kailangan nila samin.

"Baba" utos na lalaki habang may nakatutok na baril sakin.

Dahan dahan akong bumaba naiingat dahil ayokong makagawa ng ano man na pwedeng ika init ng ulo nila.

"Ipasok niyo na agad yan sa kwarto wag niyo munang kalagan kapag dumating na si boss saka niyo na lang alisin" utos ng lalaki. Tumango naman ang dalawa niyang inutusan ipinasok nila ako sa isang kwarto at tinulak na lang basta saka lumabas na ng kwarto.

Inikot ko ang mga mata ko at sinuri ang kwarto hindi naman dahan dahan akong lumapit sa may kama naupo kailangan ko magisip ng kailangan kong gawin kapag nakita ko na yung boss na sinasabi nila. Sobrang pagod ako dahil sa ginawang pagtakas namin ni Orange pero nasayang lang dahil nahuli na naman kami at namatay siya. Tuwing naaalala ko ang nangyari kay Orange nabubuhay ang galit sa loob ko. Kaya kung sino man ang may gawa nito sisiguraduhin ko na pagbabayaran niya ang ginawa niya.

sa sobrang pagod nakatulog ako ng hindi ko namamalayan nagising na lang ako ng biglang bumukas yung pintuan.

"Dalhin niyo yan" utos ng lalaki.

Dali dali naman lumapit sakin yung dalawang lalaki na inutusan niya hinablot nila ang dalawang braso ko napangiwi ako sa sakit pero wala naman silang pakealam dahil patuloy lang sila sakin sa paghila. Pumasok kami sa isang kwarto meron isang lalaking nakaupo nakangisi habang nakatingin sakin.

"You killed my two best fighters" sabi niya.

"Dapat lang yun sa kanila" pabalang kong sagot.

"You really a tough one. But how long?" tanong niya sakin.

"Hanggang nabubuhay ako" may diin kong sabi.

"Oh really?" na-aamuse niyang sagot.

"You know what we don't need to fight each other I just need one thing from you" sabi niya.

Napakunot ako ng noo. "Ano?"

"You'll just have to marry my son" walang pakundangan niyang sabi.

"Sino ka? At bakit kailangan kong pakasalan ang anak mo?" sagot ko.

"Well I just know you and your family…Hindi na masama kapag napakasalan mo ang anak ko" seryoso niyang sabi.

"Isa ka sa mga kaaway ng lolo ko?" tanong ko.

"Hmmm…Well yeah" pangasar na sagot niya.

"At sa tingin mo papayag ako?" naiinis na tanong ko.

"Well to be honest you don't have a choice…yes or yes lang ang pagpipilian mo kapag di ka pumayag well may kapalit" sabi niya.

"Ano—"

"Mamamatay silang lahat" kaswal niyang sabi.

Saka bumukas ang TV nasa likod niya makikita dun ang bahay kung nasaan sila lolo meron din mga kuha mula sa loob ng bahay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko hindi ako makapaniwala.

"So ikaw ang mamili pamilya mo o sarili mo" seryoso niyang sabi.

"Pamilya ko…" walang pagiisip kong sinabi.

Napangisi siya. "So pakakasalan mo na ang anak ko"

May namuong luha sa mga mata ko. "Oo"

"Good! Samakalawa na ang inyong kasal paghandaan mo ng maigi. Sige ibalik niyo yan sa kwarto niya" nawalan ako ng lakas ng makita ko ang pamilya ko. Alam kong ito ang tamang gawin ang piliin sila.

Hindi ko ginagalaw ang pagkain na dinadala nila sakin dahil wala akog gana kumain. Lagi lang akong nakahiga dahil kahit gusto ko man magisip ng paraan kung paano ako makakatas dito ay hindi ko magawa dahil alam kong may mapapahamak para akong mababaliw kapag iniisip ko ang mga nangyari. Si Orange hindi ko na alam kung ano pang nangyari sa kanya.

Bumukas ng pintuan pero dahil nakatalikod ako sa sa pintuan hindi ko alam kung sino ang pumasok wala din naman akong pake kung sino man ang pumasok nay un.

"Balita ko ay hindi mo raw kinakain ang mga pagkain na dinadala sayo" sabi ng pumasok.

"Wala akong gana. Kakain ako kung gutom ako" walang buhay kong sabi.

"Kailangan mong kumain. Kailangan may lakas ka sa kasal ng anak ko" paala niya.

"Kakain ako kung nagugutom ako" ulit ko.

"Sino ba ang gusto mong unang mamaalam? Lolo mo o kapatid mo? O di kaya yung walang kwenta mong boyfriend?" tanong niya.

Bigla akong kinabahan. "P-Papakasalan ko na nga anak mo. Bakit idadamay mo pa sila?"

"So kakain ka na?" tanong niya pagbabaliwala sa sinabi ko.

"O-Oo kakain na ako" walang magawa kong sabi.

"Good! Magpapadala ako ng pagkain dito" sabi niya saka lumabas na agad.

Agad tumulo ang mga luha ko hindi ko gusto ang nangyayari na parang hawak niya ako sa leeg at wala akong magawa kung hindi sumunod na lang sa kanya dahil kung hindi ang mapapahamak ay ang pamilya ko. Hindi nagtagal ay dumating na din ang pagkain kahit ayokong kumain ay pinipilit ko.

"kalian ba 'to matatapos?��� tanong ko sa sarili ko pagkatapos kumain.

Hindi ako masyado nakatulog dahil nanaginip ako na pinatay ang pamilya ko pagkatapos nun ay hindi na ako muling nakatulog pa. kung anu-ano ang pumapasok sa isipian ko na hindi magaganda nakakabaliw pero kailangan kong magpakatatag.

Bumukas ang pinto. "Mabuti naman at gising ka"

Inirapan ko lang siya. "Anong kailangan mo?"

"Sa makalawa na ang kasal mo gusto lang ipabatid ng boss namin na kailangan mong maghanda. Wala ka naman na iisipin dahil si boss na ang bahala sa lahat" sabi niya.

"Okay" walang emosyon kong sabi.

"Magpapadala si boss dito ng mga gown para sa susuotin mo" masungit niyang sabi.

"Bakit ko pa kailangan mamili kayo na lang. Wala naman akong pakialam sa kung anong susuotin ko" masungit ko ring sabi.

"Bakit ba mas marunong ka pa? buti nga ikaw ang pinapapili ang dami mong reklamo" inis niyang sabi.

Huminga muna ako ayoko makipagtalo sa walang kwentang bagay. "Fine! Dalhin mo lahat ng mamahalin na gown dito gusto ko mamahalin hindi lang gown pati mga accessories. Alis na"

"Noted!" sagot niya at agad naman umalis.

Hindi ako natutuwa pero kung kailangan kong sumunod gagawin ko hindi ko kayang masaktan ang pamilya ko dahil lang sa akin.

"Ito na po lahat ng utos niyo…Meron pa ba?" pagkapasok ng lahat ng inutos ko.

Lahat ng gown na nasa harap ko ay puro mamahalin at galing sa mga sikat na designer hindi ko inaasahan na talagang gagawin nila ito. Pati rin yung mga accessories puro sa mga sikat na brand hindi ako makapaniwala.

"Sapatos?" nagtatakang tanong ko.

Napakamot naman siya sa ulo. "Oo nga pala…Sige isusunod na lang mamaya manili ka na"

Hindi ako agad nakakilos halos nakatunganga lang ako sa mga damit at alahas na nakalapag sakin. Kahit naman may pera kami hindi ako ganito ka gastos dahil ayokong nagaaksaya ng pera.

"Ano titigan mo na lang ba? Pumili ka na madami pa kaming gagawin" reklamo niya.

Nakakunot naman ako ng noo ko. "Edi umalis ka na. magsasabi ako pagkatapos ko"

Inirapan niya ko. "Okay"

Pagkaalis niya saka palang ako kumilos para tingnan ang mga damit para lapitan ang mga damit. Bigla akong naluha hindi ganito ang nasa isip ko kapag kinasal ako. Hindi na nga ako ikakasal sa taong mahal ko hindi ko pa kasama sila mommy para man lang pumili ng damit na isusuot ko sobrang miss ko na talaga sila mommy. Gusto ko na lang ito para makita ko na sila ulit. Pinili ko na lang kung ano sa tingin ko ang maganda para matapos na kaagad. Nagsabi na akong tapos na ako pumili.

"May iba ka pa bang kailangan?" tanong niya.

"Wala na. Meron pa ba akong kailangan gawin?" matamlay kong sabi.

"Wala na maghanda ka na lang para sa kasal mo" sabi niya saka lumabas na ng kwarto.

Hindi na ako sumagot at humiga na lang ako. Iniisip ko na sana bukas na kaagad yung kasal para matapos na lang ito kaagad.

+++++++++++++

Ilang araw ang lumipas at dalawang araw na lang at kasal ko na. Gusto ko tumakas pero hindi ko magawa dahil sila mommy ang mapapahamak.

"Bumangon ka jan at maghanda" bigla siyang pumasok sa kwarto ko. Pinasok din nila yung mga gamit nagagamitin ko.

"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ko.

"Wag na madaming tanong kumilos ka na lang" masungit niyang sabi.

"Gusto ko malaman kung anong nangyayari Karapatan ko yun!" naiinis kong sabi.

"Daming alam. Ikakasal ka na ngayon araw! Okay na kumilos ka na!" inis niya ring sabi.

Ako naman ang napahinto dahil sa sinabi niya akala ko bas a susunod pang mga araw pero bakit biglang ngayon na ang kasal.

"Kilos!" sigaw niya sakin.

Kaya wala sa sarili akong kumilos hindi ko alam kung anong uunahin at anong gagawin