CHAPTER 43
Tuloy tuloy ang pananapak ni Blue kay Jay para akong nabato hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero kailangan ko silang pigilan kakagaling lang ni Jay sa ospital tapos may sugat pa ung kamay ni Blue.
"Tama na!" sigaw ko.
Pero parang wala naman nakikinig sa kanila.
"Blue tama na!" tawag ko kay Blue pero parang wala naman siyang naririnig.
Hindi na ako mapakali kaya naman nilapitan ko na sila. Niyakap ko si Blue sa likod.
"Tama na mapapatay mo na si Jay" sabi ko.
Bigla naman siyang napatigil.
"Kilala mo siya?" nagtatakang tanong niya.
"Tama na baka mapatay mo si—"
"Kilala mo siya?" galit na sabi ni Blue nakahawak na din siya sa mga braso ko.
"O-Oo" takot kong sagot.
"So totoo?" pagaakusa niya.
"Ang alin?" nagtatakang tanong ko.
"Put@ngin@ naman Gabbie! naging kayo ba? totoo bang kayo?" medyo pasigaw niyang sabi.
Napakunot naman ang noo dahil sa pinagsasabi niya. "Nasasaktan ako Blue! Bitawan mo ko!"
"Sagutin mo muna ung tanong ko" inis na sabi niya.
"Bitawan mo ako!" mariin kong sabi.
Pagkabitiw niya sakin agad ko siyang sinampal. "Alam ko sa sarili ko na naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko pero hindi ako makikipagrelasyon kung alam kong hindi ko mahal o wala akong nararamdaman. Oo kilala ko si Jay kasi siya ung kumuha sakin kaya ako nawala pero sila din ung kumopkop sakin. Aaminin ko alam ko ung nararamdaman sakin ni Jay pero tinurn down ko siya kasi hindi ko naman siya mahal or hindi ko kayang suklian ung nararamdaman niya para sakin. Ikaw mas kilala mo ako ng matagal pero nagagawa mo akong pagbintangan dahil lang sa sinabi niya. And still you want to keep me? Para ano? Pagdudahan ung nararamdaman ko? Kung ganun din naman pala siguro wag na lang kasi you're just breaking my heart"
"Ga—"
"Get out of my room kayong dalawa!!" sigaw ko.
"Gabbie…" tawag ni Blue.
"Ito ung first aid kit ikaw na lang maglinis ng sugat mo. Ikaw Jay bumalik ka na sa kwarto mo. Umalis na kayo" mas malumanay kong sabi.
Hindi na nagreklamo pa ang dalawa at tuluyan na umalis ng kwarto ko. Ang daming problema parang hindi nauubusan. Hindi ako lumabas ng kwarto buong maghapon mas gugustuhin ko na lang magkulong dito sa kwarto.
Pero dahil kailangan kong kumain kaya lumabas din ako pagkahapunan.
"Mabuti naman at lumabas ka na kain na" bungad sakin ni kuya. Kompleto na sila sa hapagkainan.
Nginitian ko lang si kuya. "Iha okay ka lang ba?"
Napatingin ako kay mommy. "Yes po okay lang po ako"
Hindi naman na sila nagtanong pa kaya nagpatuloy na lang sila sa pagkain.
"Cass pwede ba kitang makausap?" sabi ko.
"Apo you should call her mom" sabat ni lolo.
Napatingin ako kay lolo. "Lo I can't. I only have one mom and it's always gonna be mommy so please stop it. Yes she is my biological mother but I didn't grow up with her so I just can't call her mom just because she's back"
Hinawakan ni Cass ang kamay ni lolo. "It's okay dad. Alam ko nahihirapan din si Gabbie sa sitwasyon wag na lang natin siya madaliin at pilitin"
"Pero ikaw ang totoong nanay niya she should respect you" pagrarason ni lolo.
"Dad please stop" suway ni mommy kay lolo.
"Isa ka pa dapat turuan niyo ang bata na yan narespetuhin ang totoong nanay niya" pagalit na sabi ni lolo.
Hindi ko na kaya. "Really lolo? Did she tell you what happen? Did she tell you anything? Wala? Alam mo ba kung sino nagutos na kidnapin ako? Siya! Yung gusto mong kilalanin ko bilang nanay ko alam niyo ba ung pinagdaanan ko? Binugbog ako ng sarili kong nanay pinahirapan ako ng sarili kong nanay muntik akong patayin ng sarili kong nanay kung hindi ko pa sinabing anak niya ako baka patay na ako at hindi niyo siya nakakasama ngayon. Wala siyang maalala sa mga nangyari kaya inintindi ko pero hindi madaling makalimot! Sobra ung takot ko akala ko patay na kayo at wala na kayo kaya ng malaman kong buhay kayo sobrang saya ko. Nagbabalak akong sabihin sa inyo ang tungkol kay Cass pero humanap lang ako ng tamang timing kasi gusto ko rin naman malaman niyo na buhay siya. At sa totoo lang wala akong balak sabihin to pero pinipilit niyo ako. Kung gusto niyo siya magstay dito okay lang sakin pero wag niyo akong pilitin na tawagin siyang mommy dahil mahirap. Sobrang hirap hindi madali kung akala niyo madali lang ang kahat para sakin nahihirapan din ako kahit nahihirapan ako gusto ko pa din na makasama niyo siya kasi alam kong matagal niyo na siyang gusto makasama"
Tumayo na ako at umalis sa hapagkainan tumakbo ako agad sa kwarto ko at nilock. Agad akong humiga sa kama para iiyak ang nararamdaman ko hindi ko naman ginusto na sabihin yun pero hindi ko na napigilan ang bibig ko dahil sa dami ng iniisip ko.
Kinabukasan hindi rin ako lumabas ng kwarto ko kahit pa nagugutom ako hindi pa din ako lumalabas.
"Gabbie…" boses ni mommy ang nasa labas.
"can you let mommy in?" tanong niya pero wala akong lakas na bukasan ang pinto.
"Gabbie dinalhan ka ni mommy ng food hindi ka pa lumalabas ng room mo since this morning malapit na magdinner and still nasa kwarto mo pa din ikaw. Mommy is worried" nagaalalang sabi ni mommy.
Nang hindi siya makareceive ng sagot. "babalik na lang ako mamaya"
Pagkaalis ni mommy pinili ko na lang matulog.
"Gabbie…" narinig kong may kumatok sa pintuan kaya naman nagising ako.
"please naman sumagot ka nagaalala si kuya sayo" nagaalalang sabi ni kuya.
Katulad din kay mommy wala ring narinig na sagot sakin si kuya hindi ko alam kung umalis din siya kaagad dahil nakatulog ako ulit kaya hindi ko na alam kung anong nangyari.
"tumawag ka na ng doctor" utos ni mommy.
Nagising ako dahil ang ingay sa kwarto ko.
"sa tingin mo okay lang si Gabbie?" tanong ni Cass.
"oo ate magiging okay si Gabbie gusto ko lang makasiguro. Wag kang magaalala okay lang ang anak mo" pag-aalo ni mommy kay Cass.
"sana nga hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari sa kanya dahil sakin" malungkot na sabi ni Cass.
"mapapatawad ka din niya sa mga nagawa mo it's just nahihirapan lang siya" paliwanag ni mommy.
"alam ko naman na hindi niya ako mapapatawad sa nagawa ko pero umaasa pa din ako" pagamin ni Cass.