Chereads / Code Name: Blue / Chapter 20 - GUNSHOT

Chapter 20 - GUNSHOT

Chapter 20

Nang makalabas kami sa ospital agad ko siyang pinagpapalo. Sira ulo kasi kung anu-ano lumalabas sa bibig niya.

"Aray naman!" sabi ni blue habang sinasangga ang mga hampas ko.

"Kapal kasi ng mukha mo kailan pa kita naging boyfriend kapal mo talaga" patuloy lang niyang sinasangga ung mga hampas ko.

"Bakit sasagutin mo rin naman ako saka tumigil ka na nga" nahawakan niya ung kamay ko kaya naman natigil ako sa paghampas.

"Asa ka pa!" hinila ko ung kamay ko saka nagpara ng taxi.

"Teka ako na maghahatid sayo!" nahawakan niya ung kamay ko at sumenyas na dun sa taxi.

"Ano ba blue!" napapikit naman siya. naiinis na ata.

"Pwede ba makinig ka na lang sa akin and please lang wag ka na makipagtalo pa" inis niya sabi hinila na niya ako sa kotse niya hindi na ako pumalag dahil mukhang naasar na talaga siya eh.

hindi ko na lang siya pinansin habang nasa sasakyan kami dahil wala naman akong sasabihin sa kanya mas gugustuhin ko pang pagmasdan ung tanawin sa labas kesa sa kausapin siya.

"Gusto mo bang kumain?" pikit ko ang mata ko para hindi na niya ako pansinin.

"Nagugutom ako kain muna tayo ah" sabi niya ulit pero hindi ko pa din siya sinasagot.

Napabuntong hininga na lang siya dahil sa hindi ko pagsagot sa kanya.

"Dito na tayo" dinilat ko na ung mga mata ko.

Nasa bahay na kami mabuti naman at dumiretso na kami dito sa bahay ayoko na siyang makasama pa ng matagal.

"Salamat" siyempre marunong naman ako magpasalamat kahit papaano.

pero bago pa ako makababa hinawakan niya ung braso ko.

"Sorry" tinitigan ko lang siya dahil hindi ko alam kung bakit siya nagsosorry sa akin hanggang sa unti unti na siyang lumalapit sa akin. Naglapat na ang mga labi namin hindi ko alam kung gaano katagal ang paglapat ng mga labi namin.

Lumayo na siya pero hindi pa din ako makakilos hindi ko alam kung bakit pero parang may naramdaman ako hindi ko alam kung ano pero alam kong meron.

"Blue" tawag ko sa kanya saka ko siya sinampal.

"Aray!" napahawak siya sa mukha niya. Hindi naman ako papayag naganun ganun lang hahalikan niya ako bigla.

Magnanakaw ng halik siraulo. Bumaba na ako sa kotse niya pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.

Napahawak ako sa labi ko.

"Aish!!!!" nahiga na lang ako sa kama ko.

May kumatok sa kwarto ko. si kuya pala.

"Bakit kuya" pumasok na siya ng tuluyan.

"Gusto ka daw makita ni lolo namiss ka na ata" oo nga pala hindi ko pa nabibisita si lolo simula ng medj okay na ako.

"Sige kuya baka bukas pupunta ako kila lolo" ngumiti naman si kuya.

"Sige samahan kita bukas medyo aagahan natin dahil may kailangan akong gawin kila lolo" tumango na lang ako pagkatapos ay lumabas din naman kaagad si kuya.

Bigla naman ang nag-ring ung phone ko.

si Blue tumatawag.

Hindi ko sinagot hinayaan kong mamatay siya ng kusa ayoko muna siyang kausapin naiinis pa ako sa ginawa niya. Pinilit kong matulog para makapagpahinga na din ako. Dahil sa maaga akong natulog kahapon kaya naman sobrang aga ko na gising miss ko na din kasi si lolo kaya naman sobrang saya ko na makikita ko na siya ulit.

"Oh Gabbie sobrang aga mo naman atang magising" sabi ni mommy.

"Maaga din po kasi akong natulog kagabi po. si kuya po ba gising na sabi niya pupunta kami kay lolo"

Sakto naman kakababa lang ni kuya at mukhang handa na sa pagalis. samantalang ako maliligo pa lang feeling ko excited din tong si kuya.

"Mommy baka gabihin na kami madami akong gagawin kila lolo" paalam ni kuya kay mommy.

"Sige anak hindi na ako maluluto. baka pala bumalik na kami ng daddy niyo sa states nandun kasi yung company natin alam niyo naman yan kaya pasensya na mga anak kung iiwan na naman namin kayo pero nagsabi na ako kila papa na sila muna ang magbantay sa inyo alam ko naman na hindi kayo papabayaan ni-----"

Biglang may bumaril sa bahay namin agad naman akong pinadapa ni kuya. napatingin ako kay mommy.

"MOMMY!!!!!" sigaw ko.

Agad ako hinala ni kuya papunta sa kung saan pero hindi iniwan ng mga mata ko ang mommy ko na unting unti bumabagsak sa sahig dahil sa pagkabaril sa kanya. panay ang hila sakin ni kuya dahil lumaban ako dahil ayokong iwan si mommy.

"Gabbie!!!" sigaw ni kuya.

"Kuya wag natin iwan si mommy" sigaw ko din

"We have to go babalikan ko si mommy kapag pwede na promise" naluluha na ako. Ayaw kong iwan si mommy.

Nang maisakay na ako ni kuya binilinan niya ang driver na dumiretso sa bahay nila lolo. Hindi sumakay si kuya bumalik sa bahay namin nakadungaw lang ako sa kanya habang unti unting lumalayo ang sasakyan sa bahay namin.

Habang nasa biyahe si mommy lang ang nasa isip ko. Hindi na rin ako makapagisip kung ano ang dapat gawin isa lang ang gusto kong gawin at yun ay bumalik at alamin ang may kagagawan ng bagay na yun sa bahay namin. Kung sino man sila hinding hindi ko sila mapapatawad.

"Iha!" agad akong sinalubong nina lolo't lola.

"Si mommy" naiiyak kong sabi.

"Nagpadala na kaming ng mga tauhan dun para tulungan ang kuya mo" umiling iling ako.

"Lolo please icheck niyo kung okay lang si mommy nakita ko tinamaan siya. bakit nangyri po yun lolo? bakit?" napahagulgol na ako dahil naalala ko na naman si mommy.

"Iha magiging okay si mommy mo kung natamaan man siya maisusugod siya for sure kasama niya ang kuya mo" sabi sakin ni lola mahigpit niya akong niyakap.

"Lola puntahan na po natin si mommy. Please po" pagmamakaawa ko kay lola.

"Sige iha kapag nasiguro na safe na. pupuntahan natin kaagad ang mommy mo" nagaalalang sabi ni lola.

Pagkatapos masiguro na safe na ay agad din kami nagpunta kung saang ospital dinala si mommy sana talaga okay lang si mommy di ko mapapatawad ang gumawa nito samin kapag may hindi magandang nangyari kay mommy.

"Kuya! Kamusta si mommy?" bungad ko kay kuya pagkakitang pagkakita ko sa kanya.

"Inooperahan pa si Mommy. Pero magiging okay din siya. Wag ka na umiyak" pagpapatahan sakin ni kuya.

"Sana nga kuya maging okay si mommy. May lead na po ba kung sino ang may pwedeng gumawa satin nun?" sabi ko.

"Sa ngayon wala pa pero tinitingnan na ang cctv sa labas ng bahay niyo. Magtatanong tanong din sa mga kapitbahay natin kung meron pa silang napansn" seryosong sabi ni kuya kitang kita ko na sobrang pagod na siya pero kailangan niya pang asikasuhin si mommy.

"Si daddy alam niya na ba to?" nagaalalang tanong ko kay kuya.

"Hindi ko makontact si dad pero tatry ko pa mamaya" sabi niya kuya saka may may dinaial sa phone niya.

"Lolo siguraduhin niyo po na hindi makakatakas ang gumawa nito kay mommy" naiiyak kong sabi habang nakayukom ang aking kamao.

"Oo apo sisiguraduhin ko" pangako ni lolo