Chereads / Code Name: Blue / Chapter 26 - NAKUHA

Chapter 26 - NAKUHA

Chapter 26

Pagkatapos malaman ni mommy ang nangyari kay daddy naging matamlay si mommy halos wala na siyang kinakain buti na lang nakadextrose pa siya kaya okay lang kahit hindi kumain masyado. Si kuya at lolo ang nagaasikaso samantalang kami ni lola ang naiiwan kay mommy minsa nakikita kong umiiyak si lola kapag gabi habang nakatitig kay mommy.

"Lola pahinga na po kayo" sabi ko kay lola kagabi pa kasi siya nagbabantay kay mommy pinapagpahinga niya ako.

Ngumiti ng malungkot si lola. "Kaya ko pa apo. Matagal tagal na din hindi ko naaalagaan ang mommy mo ng ganito"

"Lola..." hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam ko ang nangyare sa kanila noon kaya naman naiintindihan ko si lola.

"Sana lumaban ang mommy mo at wag magpatalo sa lungkot. ngayon kayo mas kailangan ng mommy niyo" naiyak na si lola habang pinupunasan si mommy.

"Hindi niyo naman po kami papabayaan diba po?" ngumiti si lola at kinuha ang kamay ko.

"Hindi siyempre pero madami pang mangyayari. Kung kailangan namin makipagpatayan ng lolo mo ay gagawin namin maging ligtas lang kayo" niyakap ko si lola.

Totoo ang sinabi ni lola baka ito pa lang simula at mahaba pa ang tatakbuhin namin pero hindi ako susuko kung kailangan kong makipagsabayan gagawin ko hindi ko hahayaan na saktan nila ulit ang mommy ko.

**********************************************************************************************************************

Dumating na ang araw ng lamay ni daddy ginawa nila kuyang private for security purposes. Hindi pa din kasi sigurado kung safe na bang lumabas kami. Kinausap ni lola ang ospital kung pwedeng iuwi na si mommy gusto kasi ni lola makauwi na si mommy bago ang lamay ni daddy.

"Mommy" tawag ko kumatok ako sa kwarto kung saan nagstay si mommy.

"Gabbie" malamyang sabi ni mommy.

"Tara na po. Hinihintay na po tayo nila lolo sa baba" aya ko kay mommy.

tipid siyang ngumiti. "Sige"

Inalalayan ko si mommy hindi pa naghihilom ang sugat niya pero nakakalakad naman siya kailangan lang ng may magaalalay sa kanya. Pagkababa namin hinihintay kami ni lolo at lola wala pa si kuya.

"Si kuya po?" bungad kong tanong ng makarating kami kila lolo.

"May kinuha lang pero nandito na siya kanina" sagot ni lolo.

"Gabbie" nakita ko si kuya palapit samin.

"Kuya" mukhang wala pang pahinga ang kuya ko. sobrang pagod ng itsura niya.

"Sa may bahay ni lolo sa batangas gagawin ang lamay piling kaibigan lang nila mommy at daddy ang pinayagan makapunta" sabi sakin ni kuya.

"Kuya nagpapahinga ka pa ba?" nagaalalang tanong ko.

ngumiti siya ng tipid. "Wag mo akong isipin Gabbie"

"Kuya naman alagaan mo naman sarili mo please ayokong pati ikaw magkasakit sa ginagawa mo" naiiyak kong sabi.

"Pagkatapos ng lamay ni daddy magpapahinga ako" sabi niya.

"Promise?"

"Oo promise" pangako sakin ni kuya.

Tinawag na kami para sumakay maghehelicopter kami ulit papuntang batangas.

Pagkalipas ng isang oras nakarating na din kami sa batangas sa bahay nila lolo. Handa na ang lahat nandun na din ang mga bisita mga nasa twenty lang ata ang pinayagan makadalo. Lumapit agad si mommy kay daddy iyak na ng iyak si mommy dinaluhan siya ni lola.

"Puntahan ko lang ang mga bisita" paalam ni kuya.

Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari ayokong maniwalang wala na si daddy pero ito na nasa harap ko na napatay na nga si daddy.

"Shh! Wag kang sisigaw" may naramdaman akong nakatutok sakin na patalim.

kinabahan ako. "Sumunod ka sakin walang masasaktan"

"Okay" yun na lang sinabi ko.

Hinila niya ako palayo sa mga tao.

"Sakay" utos niya sakin saka pinasakay sa sasakyan niya.

"Sino ka?" buong tapang kong tanong.

"Hindi mo na kailangan malaman" sabi niya saka tinakpan ng panyo ang ilong ko.

Nagising ako dahil may mahinang sumasampal sa mukha ko.

"Ayan gising na" sabi ng lalaking sumasampal sakin.

"Hi!" bati nung babae.

Napakunot naman ako ng noo. "Sino kayo?"

"Ako si---"

Naputol ang sasabihin nung babae dahil hinila siya nung lalaki.

"Baliw ka ba ba't ka magpapakilala" inis na tanong nung lalaki.

"Tinatanong niya kung sino tayo" pagpapaliwanag ng babae.

"Sira ka ba lagot ka kay kuya isusumbong kita" banta nung lalaki.

"Hala! Inaano ka ba?" paiyak ng sabi ng babae.

"Tumigil na kayo jan. Ginising niyo?" nagtatakang tanong nung lalaking kumuha sakin.

"Siya kuya ang gumising" sabi nung babae.

"Pero siya ung nagpagising" turo ng lalaki.

"Umalis nga kayong dalawa sa harap ko. Bumalik na kayo sa bahay" utos ng lalaking kumuha sakin sumunod naman agad ung dalawa.

"Aalis din tayo mamaya hihintayin lang natin mawala ang araw" sabi nung lalaking kumuha sakin.

"Saan mo ko dadalhin?" tanong ko.

"Wag na daming tanong okay. Malalaman mo din naman" inirapan ko na lang siya. Dahil kanina niya pa hindi sinasagot ung mga tanong ko.

Pagdating ng gabi kinuha na niya ulit ako at sinakay sa sasakyan pero hindi ito ang gamit namin kanina. Napansin ko din na nagiba ang suot ko hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil nakapiring ako bago kami umalis kanina ay nilagay niya.

"Nandito na tayo" sabi niya saka inihinto ang sasakyan.

Nilabas niya na ako sa sasakyan at binuhat na parang sako lang.

"Ito na siya" binaba na niya ako ng walang ingat.

Tinanggal na niya ung piring ko. Pagka tanggal niya ay sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala lang sa kanya.

"Thank you makakaalis ka na" utos niya dun sa lalaking kumuha sakin.

"Sino ka? Anong kailangan mo sakin?" tanong ko.

"Well hindi naman ako ang may kailangan sayo pero ako ang nakatokang patayin kayong lahat" sabi niya.

"Sinong nagutos?!" sigaw ko.

"Kahit naman malaman mo hindi mo naman na siya makikita dahil patay ka ikaw at sila bago mo pa magawa" pangiinis niya.

"Diyan ka nagkakamali" gigil kong sabi.

"Sige dahil naman malapit ka na din sumunod sa daddy mo may sasabihin akong secret sayo for sure din naman kasi na by this time patay na sila. Lahat ng pamilya mo patay na as in lahat sila ung lalaking kumuha sayo siya ung naglagay ng mga bomba sa lamay ng daddy mo kaya hindi lang daddy mo ang ilalamay pati na din sila" bunyag niya.

natulala ako sa sinabi niya. "Hindi sinungaling ka!"

"Don't waste your energy kasi kahit anong gawin mo patay na sila" walang buhaty niyang sabi.

Doon na ako naiyak. "Hindi..."

Iniwan ako ng babae hindi ko naman mapigilan na pigilan ang pagiyak ko dahil sa ginawa nila sa pamilya ko.

"Siya na lang ang natitira" sabi ng babae sa kakarating lang na lalaki.

"Good job" sabi nung lalaki.

"Alam mo bang kung gaano kalaki ang atraso samin ng pamilya mo lalo na ang lolo mo" sinabunutan ako ng lalaki. Pero wala na akong pakialam sa kanya.

"Pahirapan mo siya" utos ng lalaki dun sa babae.

"Yes sir" sagot ng babae.

Lumapit sakin ung babae pinagsusuntok niya ako pinagtatadyakan sinabunutan saka ilang beses niyang inuntog ung ulo ko sa sahig.

"Tama na. Good job Cass" sabi ng lalaki.

Bigla akong may naalala...

Cass...

Pangalan yun ng nawawalang kapatid ni mommy.

At ng biological mother ko.

"Mommy" tawag ko sa kanya.

"Ohh it's look like nagiging delusional na siya" natatawang sabi niya.

"Tama na po...Anak mo ako" nahihirapan kong sabi.

Ngayon ko lang napansin na magkamukha sila ni mommy.

"Epekto ba yan ng mamatay na?" walang emosyon niyang sabi.

"Cass tapusin mo na siya" utos ulit nung lalaki.

bigla naman akong nataranta. "Totoo ang sinasabi ko anak mo ako. Ako ung iniwan mo kay mommy"

"Wala akong anak!" galit niyang sabi.

"Kapatid mo si mommy iniwan mo ko sa kanya hindi ko alam kung bakit hindi na naikwento ni mommy pero sabi niya ikaw ung totoo mommy ko hindi mo na ako binalikan ng umalis ka" pagpapaliwanag ko kahit na hirap na hirap na ako dahil sa bugbog na bugbog na ako.

Bigla naman nagiba ang itsura niya. parang nalilito siya.

"Cass meron bang problema? Patayin mo na siya" tanong nung lalaki.

"Shut up nagiisip ako" inis na sabi ni Cass.

"Hindi na kailangan pagisipan pa kung papatayin mo siya just do it" inis na sabi na rin nung lalaki.

"I said shut up" napahawak na siya sa ulo niya.

"Napakahirap ba---"

Hindi na natuloy ng lalaki ung sasabihin niya dahil binaril na siya ni Cass.

"Sabing wag maingay eh" hawak niya pa din ang ulo niya.

Medyo nakahinga ako ng hindi ako ang binaril niya. Bigla naman siya napaupo mukhang sobrang sakit ng ulo niya.

"Cass anong nangyari dito bakit---pinatay mo ba si boss?" tanong ng isa sa mga tauhan.

"Oo isusunod ko kayo" walang sabi sabi pinagbabaril niya ung mga lalaking kakapasok lang pati na din ung papasok walang natira kahit isang buhay.