Chapter 28
Nagising ako meron na nakakabit sa kamay ko tiningnan ko ang paligid wala naman tao pero may dextrose ako. Ano kaya ang nangyari?
"Mabuti naman at gising ka na?" sakto naman kakapasok lang ni Cass may dala siyang tray.
"Bakit ako may dextrose?" nagtatakang tanong ko.
"Sobrang taas kasi ng lagnat mo hindi ko alam ang gagawin tinawag naming ung kaibigan kong doctor sabi niya mas mapapadali daw ang paggaling mo. Natataranta na kami kasi nagdedeliryo ka na kaya naman tumawag na kami" kwento niya.
"Ah okay" yun na lang ang nasabi ko dahil hindi ko naman alam ang dapat ko pang sabihin.
"Ito kumain ka na sabi sakin na magigising ka rin kapag umepekto na ang gamot na nilagay sa dextrose mo. Bumuti pa ung pakiramdam mo babalik naman ung friend ko dito mamaya para icheck ka kung okay ka na talaga" kinuha niya ung tray saka inilapit sakin.
Bumangon naman ako para makaupo ako. "Salamat"
"Kumain ka ng marami kailangan para mas mapabilis ang paggaling mo" masayang sabi niya.
"Kaya ko na" walang emosyon kong sabi.
Bigla naman nawala ung masayang aura niya. "Sige kung may kailangan ka tawagin mo na lang ako"
Hindi ko na siya sinagot at sinimulan ko na lang ang pagkain kailangan kong magpagaling kung gusto ko kaagad makaalis dito. Kahit alam ko na ung totoo desidido pa din akong umalis hindi pa din dahilan para manatili ako dito. Pagkatapos ko kumain ay agad din naman ako nagpahinga para mas bumilis pa ang paggaling ko ung iba ko naman pasa pagaling na pati na rin ang mga sugat ko.
Nagdedeliryo na pala ako akala ko talaga si mommy na ung kasama ko pati na din si kuya namimiss ko na sila pero hinding hindi ko na sila makikita dahil patay na sila. Gusto ko man sumunod meron pa rin naman akong takot sa diyos kaya mabubuhay ako para sa kanila alam kong hindi rin natutuwa si mommy kapag nalaman niyang sumuko ako. Kaya magpapakatatag ako susubukan kong lumaban para sa kanila.
Nagising ako sa lalim ng pagiisip ko ng may kumatok. "Hi! Titingnan ko lang kung bumaba na ba ung lagnat mo"
Tumango ako bilang sagot pumasok siya dala ang isang di kalakihang bag nilapag niya sa kama at may kinuha siya.
"Titingnan ko muna ung temperature mo" tinapat niya sa ulo ko ang digital thermometer.
"Mabuti naman bumaba na ung lagnat mo. Mabuti at umepekto agad ung gamot basta iinom mo lang sa oras ung gamot na ibibigay ko gagaling ka kaagad sa mga pasa at sugat mo naman ilang araw lang yan magiging okay na yan walang naman impeksyon kaya konti na lang gagaling na yan" sabi ng babaeng kakapasok lang siya siguro ung doctor na kaibigan ni Cass.
"Sige maiwan na kita para makapagpahinga ka na. Ibibigay ko na lang kay Cass ung mga gamot" niligpit na niya ung gamit niya saka agad din naman umalis.
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
Pagkalipas ng tatlong araw ay maayos na maayos na ako wala na ang lagnat ko at wala na rin ang mga pasa ko meron pang ilang mga sugat ang hindi pa gumagaling pero malapit lapit na din.
"Ate halika na po sa baba kakain na po" tawag sakin ni Lia. Ito ang unang beses na sasabay ako sa kanila noong mga nakaraang araw dinadalhan lang nila ako dito pero ngayon wala na akong sakit inisip siguro nila na pwede na akong bumaba.
"Mauna na kayo busog pa naman ako" sabi ko Lia.
"Wala pa po kayong kinakain paano kayo mabubusog. Halika na po" pilit niya akong hinihila palabas ng kwarto ko.
"Oo na. Sige na" natatawang sabi ko.
"Yehey! Masarap po ung niluto ng kuya ko. Magaling siyang magluto" pagmamalaki ni Lia sa kuya niya.
"Kuya! Kuya! Tita mommy nandito na po si ate" anunsyo niya.
"Lia" may pagbabanta sa boses ni Jay.
"Bakit kuya?" inosenteng tanong ni Lia.
"Lagot ka kay kuya mamaya" pananakot ni Leo kay Lia.
"Ano naman ginawa ko?" naiiyak na sabi ni Lia. Tumakbo siya papunta kay Cass.
"Tita mommy inaaway na naman ako ni Leo" pagsusumbong ni Lia.
"Leo ano na---"
Hindi na niya natuloy dahil nakita niya ako. "Ahm...umupo ka na tinatapos lang ni Jay ung pagluluto"
"Ano pang gagawin pwede akong tumulong?" tanong ko.
"Maglagay ng plato" sabat ni Jay.
"Okay nasaan ung lagayan ng plato?" tanong ko kay Jay.
"Nandito" turo ni Jay.
Nilagpasan ko si Cass at pumunta kung nasaan si Jay. Kumuha ako ng limang plato para samin isa isa ko din nilagay tumulong naman sakin sina Lia at Leo mukhang sanay na sanay sila sa mga gawaing bahay. Natapos na din ni Jay ang niluluto niya kaya naman hinain na niya ang niluto niya naglagay na din ng kain sa hapag. Nagsiupo na sina Lia at Leo sumunod na din ako pati na din si Cass si Jay pinakahuling umupo.
"Gusto ko sanang pumunta sa bayan" basag ko sa katahimikan.
Biglang nagpanic ang mukha ni Cass. "Bakit?"
"Bawal ba?" tanong ko pabalik.
"Hindi naman" bigla siyang yumuko.
"Sasamahan kita" biglang sabi ni Jay.
"Okay" sagot ko.
Mas lalong naging tahimik ang pagkain namin kung buti na lang at nagsalita si Lia at nagtanong ng kung anu-ano. Pagkatapos kumain tumulong din ako sa pagliligpit sabi ni Cass siya na daw ang maghuhugas tutal nagtulong tulong naman daw kami sa paghahain at sila wala naman ginawa. Bumalik na ako sa kwarto ko pero bago pa ako makapasok.
"Balak mong tumakas?" tanong ni Jay.
Hinarap ko siya. "Hindi"
"Hindi ako naniniwala. Wala ka man lang utang na loob pagkatapos ka namin pakainin bigla ka na lang aalis?" inis na sabi ni Jay.
Ngumisi ako. "Baka nakakalimutan mo kayo ang dahilan kung bakit patay na ang pamilya ko. utang na loob? Oo may utang na loob ako sa inyo pero mabubuhay niyo ba ulit ang mapamilya ko? makakasama ko ba ulit sila? Hindi diba kaya wag mong isusumbat ung utang na loob na yan kasi in the first place kayo ang may atraso sakin dahil pinatay niyo ang pamilya ko"
"Pero buhay pa ang tunay mong nanay" pagrarason niya. Ayaw niyang magpatalo gusto niya pa din ipilit ang rason niya.
"Nanay? Ung nagpapatay sa pamilya ko? Ung nambugbog sakin?" sarcastikong sabi ko.
"Nanay mo pa din siya" pagpupumilit niya.
"Patay na ang mommy ko. Siya lang ang kikilalanin ko" may diin kong sabi.
Tinalikuran ko na siya at tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko. Napasandal ako sa pintuan hinawakan ko ang puso nararamdaman ko na naman ang sakit napaupo ako at niyakap ko ang binti ko naiiyak ako kapag ganitong naalala ko na naman sila. Nang mapagod ako sa pagiyak tumayo na ako at naligo bilang handa sa pagalis mamaya papuntang bayan.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Jay at Cass na naguusap. Napatingin sakin si Cass kaya naman tinapos na niya ang usapan nila Jay.
"Tara na" aya ni Jay.
Lumabas kami ng bahay ito ang unang beses na makikita ko ito maganda pala ang lugar mukhang tago ito at hindi basta basta makakapasok.
"Ano bang gagawin mo sa bayan?" biglang tanong ni Jay habang papunta kami sa sasakyan niya.
"Bakit ang dami mong tanong?" tanong ko pabalik.
"Kung tatakas ka lang ihahatid na lang kita" napatingin ako sa kanya.
"Magmaneho ka na lang" sagot ko.