Chapter 33
Sinunod ko ko ang inutos sakin ni Cass kumuha ako ng mga pinggan at mga kubyertos para masimulan ko na ang paghahanda ng lamesa. Mabilis ko lang naman natapos dahil hindi naman masyadong marami ang aayusin. Naisipan kong pagtimplahan ng gatas si Lia hindi ko kasi sigurado kung gusto ba ni Leo.
"Kailangan mo ng mainit na tubig" tanong sakin ni Cass.
"Oo pagtitimplahan ko kasi si Lia ng gatas" sagot ko.
"Sige magiinit lang ako" sabi niya.
"Wag na ako na magiinit lang naman eh" agap kong sabi.
"Sige" dismayadong sabi niya.
Kinuha ko na ung electric kettle at nilagyan ng tubig pagkatapos ay sinaksak ko na din para makapaginit na.
"Tita mommy! Good morning!" masayang sabi ni Lia kakapasok niya lang sa kusina.
"Good morning din" sabay kiss sa pisngi ni Lia.
Napatitig ako sa kanila. "Gusto mo din mahalikan sa pisngi"
Napalingon naman ako kay Jay. "Pinagsasabi mo?"
"Para kasing inggit na inggit ka eh" mapanuri niyang sabi.
"Hindi natutuwa nga ako sa kanila" tapat kong sabi.
"Sus…" sagot niya.
"Kung ayaw mong maniwala edi wag nagsasabi ako ng totoo kung aayaw mong maniwala wala na akong magagawa jan. Siguro kung hindi siya napahamak siguro ganyan din siya sakin kaso things happen so…" binalik ko na ang tingin ko sa electric kettle kumukulo na siya.
"Ibig bang sabihin tanggap mo na? na siya ang biological mother mo" tanong niya.
"Kahit naman tanggapin ko hindi siya pa din ang biological mother so. Yeah" sagot ko habang titig na titig sa electric kettle.
"Kumbaga wala ka naman ibang choice kaya tanggapin na lang" tumango ako biglang sagot ko.
Tumakbo papunta sakin si Lia.
"Wow ate ang aga mo naman pong nagising. Buti na lang hindi ako dumiretso sa kwarto mo" masayang sabi ni Lia.
"Oo nga ang aga kong nagising. Ipagtitimpla pala kita ng gatas. Si Leo ba umiinim ng gatas?" tanong ko.
Bigla naman nagiba ang mukha ni Lia pagkabanggit ko ng panglan ni Leo. "Ako lang po ang gawan mo hayaan mo siyang magtimpla ng kanya"
"Lia" saway ni Jay kay Lia.
Sumimangot lalo si Lia. "Sige sige hindi ko na siya titimplahan"
Bigla naman ngumiti si Lia at dumila kay Jay. "Thank you ate Gabbie"
Nagulat ako dahil tinawag niya ako sa pangalan ko. "W-Welcome"
Tumunog na ang electric kettle hudyat na tapos na. Kinuha ko at nagsalin na ako sa mug muntik pa akong mapaso natalsikan ako ng konti pero napansin agad ni Jay saka kinuha ang kamay ko para tingnan.
"Okay ka lang?" bakas sa boses niya ang pagaalala.
"Magiingat ka nga magsasalin na lang eh" pagalit niyang sabi.
"Hindi naman masyadong masakit OA ka lang talaga" sagot ko.
"OA? Nagaalala lang naman ako baka nasaktan ka" dismayadong sabi ni Jay.
"Kaya nga sinasabi ko sayo na okay lang ako at hindi naman masakit" sagot ko.
Hinid na siya sumagot at sinimulan na lang ilabas ung mga niluto nila ni Cass. Hinalo ko na ung gatas na timpla ko para kaya Lia at lumabas na din ako para maibigay na.
"Ate pwede pong tabi tayo?" lambing na tanong ni Lia.
Tiningnan ko muna si Jay. "Kuya please kayo muna tabi ni Leo"
Tumango siya bilang sagot. "Yehey! Thank you kuya kong pogi"
Umupo na ako sa tabi ni Lia ganun din sila Jay at Cass umupo na din pero wala pa si Leo mukhang tinanghali ng gising. Pero ilang minuto lang dumating na din si Leo.
"Good morning" walang buhay niyang sabi.
"Halika na Leo kumain ka na" aya ni Cass.
"Okay po" magalang na sagot ni Leo.
Napatitig naman si Leo sa mug ni Lia. "Gusto mo rin ba Leo?"
"Sino nagtimpla?" tanong ni Leo kay Jay.
"Siya" sabay turo niya sakin.
Napatingin naman sakin si Leo. "Gusto mo ba Leo pagtitimpla kita"
Umiling siya. "Hindi na po salamat na lang"
Umupo na siya sa tabi ni Jay sinimulan na kumain. Naguusap sila pero hindi ako sumasali hinayaan ko lang binabagalan ko lang din dahil baka mauna pa ako sa kanila.
"Pagkatapos ba natin kumain tayo aalis?" tanong ni Jay sakin.
"Oo sana kung okay lang" sagot ko.
"Sige okay lang" sagot niya bago kumain ulit.
Nang matapos kumain ay tumulong muna ako magligpit bago bumalik sa kwarto ko.
"Sige na kami na bahala dito" sabi ni Cass.
"Sige po. Mauuna na po ako" sagot ko.
Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko ng makita ko si Lia daraanan ko.
"Ate…" naiiyak niyang sabi.
"Lia bakit anong problema?" nagaalalang tanong ko.
"Wala po" sabi niya saka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Magiingat po kayo" pahabol niya bago kumalas sakin at tumakbo sa kung saan man.
Natulala ako ng sandal bakit may pakiramdam ako na alam ni Lia na hindi na ako babalik sa kanila. Malungkot akong nagpunta sa kwarto ko napatingin ako sa paligid gusto ko man manatili pero hindi ito ang buhay ko. Ang mommy ko at kuya ko for sure nagaalala na sila sakin sana lang sinabi ni Blue na okay lang ako at babalik din ako. Kumilos na ako pumasok na ako sa banyo at naligo pagkatapos ay nagbihis naisip kong magdala ng isang damit at isang cap para hindi mapansin ang pagalis ko mamaya sa mall. Inilagay ko yun sa bag na binigay sakin ni Cass sakto naman at nagkasya. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng kwarto para hanapin si Jay.
Nakita kong nagaabang si Cass sa may pintuan.
"Di pa tapos si Jay" sabi ni Cass.
"Okay lang po hindi naman ako nagmamadali" sagot ko.
Tiningnan niya ako saka may kinuha sa bulsa niya. "Ito pera sabi kasi ni Jay may bibilin ka daw sa mall alam kong wala kang pera kaya sana magkasya na yan para sayo"
Tiningnan ko ang laman ng envelope. "Sobrang sobra pa ito salamat"
Lumapit siya sakin at niyakap ako. "I'm really sorry"
"You don't need to. Hindi mo naman sinasadya ang mga pangyayari" niyakap ko na din siya pabalik.
"Thank you for understanding" kinalas ko ang pagkakayakap niya sakin.
"Hindi madali pero kinaya ko kaya" pinunasan ko ang mga luha niya.
"Wag niyo na sisihin ang sarili niyo you didn't know" sabi ko.
"Tara na?" biglang sabi ni Jay.
"Yeah" napatingin ako kay Cass. Umiiiyak na naman siya.
"Tita alis na po ako" tumalikod si Cass bago pa siya harapin ni Jay.
Tumango lang siya bilang sagot alam kong nagaalala si Jay pero dahil sasamahan niya ako hindi niya madaluhan si Cass. Matagal na nakatingin si Jay kay Cass bago soya kumilos para pumunta sa sasakyan niya kahit pagdating naming sa sasakyan hindi siya mapalagay hindi niya din inistart ung sasakyan tumungo muna siya sa manubela ng ilang minute bago inistart ang sasakyan ata niyang minaneobra ung sasakyan para makaalis na kami.