CHAPTER 39
Pinagpahinga muna ako nila lolo kahit sinabi kong okay lang ako mas gusto pa din nila na makapagpahinga ako ng maayos kaya naman sinunod ko na lang sila.
Dinala ako ni kuya sa kwarto ko.
"Magpahinga ka muna gabbie mahaba din ang biyahe niyo papunta dito" sabi ni kuya sakin.
"Okay kuya. Sobrang namiss kita" niyakap ko si kuya.
Niyakap niya din ako pabalik. "Ako din sobrang namiss kita. Namiss ko ung katigasan ng ulo mo"
Nagpout ako. "Kuya naman eh"
"Nagalala talaga kami sayo Gabbie" biglang sumeryoso ang boses ni kuya.
"Kuya kaya ko naman ang sarili ko" pagrarason ko.
"Oo nga pero magisa ka lang. Sa susunod dapat lagi ka na may kasama. Naiintindihan mo ba?" striktong sabi ni kuya.
"Kuya hindi na po ako bata" pag-angal ko.
"Alam ko gusto ko lang naligtas ka" pagpapaliwanag sakin ni kuya.
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "Alam ko naman yun kuya pero malaki na ako. Kaya ko na sarili ko"
Hinalikan ni kuya ang ulo ko. "Alam ko kaya pero hindi yan dahilan para hindi kita mas ingatan"
Napangiti naman ako sa sinabi ni kuya. "Kaya love na love kita eh kasi the best kang kuya"
"Love ka din ni kuya. Kaya magpahinga ka na" sabi ni kuya.
Kumalas na ako sa pagkakayakap kay kuya. "Opo papasok na ako kuya"
Pumasok na ako sa kwarto ko malaki naman siya. Naalala ko yung kwarto ko kila Cass malaki din yun katulad nito nakakapanibago.
Meron kumatok baka si kuya. "Kuy—"
Biglang pumasok si Blue sa kwarto ko. "Hoy! Bakit ka pumasok sa kwarto ko?"
Sinarado niya ung pinto saka ako hinila sa kama. "Ano ba?"
Pinaupo niya ako sa kama. "Blue magsalita ka nga"
Lumuhod siya para magkasing taas kami. "Blue!"
Hinalikan niya ako sa may labi. "I miss you"
Bigla naman uminit ang pisngi ko. "Nababaliw ka na ba Blue?"
Napangiti naman siya. "I love you"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Blue. "B-Blue…"
Binuhat niya ako parang bridal style saka inihiga sa kama. "I love you"
Humiga siya sa kama katabi ko niyakap niya ako. "Masikip wag mo kong yakapin"
Pero hindi siya nakinig kaya naman humarap ako sa kanya.
Ngumisi siya. "Wrong move, My love"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Nasisi---"
Hinalikan ako ni Blue.
"B-Bakit ka ba nanghahalik kanina ka pa" kinakabahan kong sabi.
"Kasi namiss nga kita. Saka pinagselos mo ako kanina" sabi niya.
"H-Hindi naman kita pinagselos para h-halikan mo ako" nauutal kong sabi.
Ngumisi na naman siya. "Gusto mong ipaalala ko sayo?"
Napakunot ako ng noo. "Sige!"
Mas lumaki ang ngisi niya. "Okay ikaw may gusto ah"
Dahan dahan niyang nilapit ang labi niya sakin. At nang maglapat ang mga labi namin dahan dahan niyang iginalaw ang mga labi niya.
"Naalala mo na ba?" pinutol niya ang halikan namin.
"Huh? Ang alin?" wala sa wisyo kong sabi.
"Mukhang hindi mo pa din naalala" sabi niya
Kaya naman hinalikan na naman niya ako ulit katulad pa din kanina pero parang mas matagal siya.
"Naalala mo na?" putol niya ulit.
Napatingin na ako sa labi niya. "Huh?"
Ngumisi siya. "Naku mukhang hin---"
Hindi ko na siya pinatapos at ako na ang humalik sa labi niya pero this time hindi na dahan dahan parang medyo agrisibo na hindi ko alam kung ako ba o siya. Hindi ko na alam kung anong nangyayari basta ang alam ko nasa ibabaw ko na si Blue at hinahalikan na niya ang leeg ko.
"Ohh Blue" nakikiliti kong sabi dahil sa paghalik niya sa leeg ko.
Pero parang walang narinig si Blue at pinagpatuloy lang ang paghalik sakin. Dahan dahan na bumaba ang mga halik niya papunta sa dibdib ko pero hindi natuloy dahil muli niyang binalikan ang mga labi ko.
"I love you" sabi niya habang namumungay ang mga mata.
Muli niyang binalikan ang mga labi ko at hinalikan ng mariin na para bang ikakamatay niya kapag hindi niya nahalikan ng maigi ang mga labi ko. Bumaba muli ang labi niya sa leeg ko pababa na naman sa dibdib ko. Tumigil siya at tiningnan ako hinawakan niya ang laylayan ng damit ko. Dahan dahan niyang itinaas hanggang sa maalis ito ng tuluyan agad naman hinalikan ni Blue ang ibabaw ng dibdib ko. Binigyan niya ng maliliit na halik ang tiyan ko nakakakiliti pero meron siyang dalang ibang pakiramdam. Biglang uminit ang katawan ko kaya hinila ko ang mukha ni Blue para dalhin sa mukha ko at mahalikan siya.
Hinubad ni Blue ang damit niya habang hinahalikan niya ako. Tinapon na lang niya kung saan ung damit niya.
"Gabbie kakain---"
Napahinto kami ni Blue dahil sa biglang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni kuya.
"Blue?" nagtatakang tanong ni kuya.
"K-Kuya…" takot kong sabi.
"Magpapaliwanag ako Matt" kinakabahang sagot ni Blue kay kuya.
"Aba dapat lang. Gabbie magdamit ka at kakain na" biglang sumeryoso si kuya.
Napatakip naman ako sa sarili ko. "Oo kuya susunod na"
Sinara na ni kuya ang pinto.
Binatukan ko si Blue. "Kasalanan mo to eh!"
"Aray ko! Bakit hindi ka pa nasarapan?" reklamo niya.
"E-Ewan ko sayo!" hinanap ko ung damit ko.
Hinawakan ni Blue ang kamay ko kaya naman napahinto ako. "Wag kang magalala magpapaliwanag ako ng maayos sa kuya mo kung kailangan kitang pakasalan papakasalan kita.
Sinapok ko siya kung anu-ano kasing sinasabi. "Baliw ka na talaga!"
"Ano na naman?" hawak hawak niya kung saan ko siya sinapok.
"Magbihis ka na nga!" sigaw ko sa kanya saka hinagis ung damit sa kanya.
"Ito ang isuot mo" hinagis niya pabalik sakin ung damit niya.
"Baki—"
"Wag na madaming tanong. Babalik ako sa kwarto ko sasamahan moa ko dahil sabay tayong pupunta sa dining area" masungit niyang sabi.
Hindi na ako sumagot at sinuot na lang ung damit niya baka mas mapatagal lang kami. Pagkatapos kong maisuot ang damit ni Blue tumayo na siya sumunod na din ako hinawakan niya ata ung kamay ko. Lumabas na kami ng kwarto at naglakad na papuntang kwarto ni blue hindi naman kalayuan sa kwarto ko. Pumasok na kami sa kwarto niya pinaupo muna niya ako sa kama niya habang kumukuha siya ng dami niya. Inikot ko ang paningin ko sa kwarto malaki ang kwarto niya at malinis naman. Nakaagaw pansin ang picture frame na nakapatong sa may side table picture ni Blue at Jay tapos may isang babae.