Chereads / Code Name: Blue / Chapter 36 - SELOS

Chapter 36 - SELOS

CHAPTER 36

Hindi ako nakagalaw ng halikan ako ni Blue. Gusto ko siyang sipain pero hindi ko naman maikilos ang sarili ko para magawa ko yun para bang nawalan ako ng control sa sarili kong katawan. Hanggang sa bumaba na ang halik ni Blue sa may leeg ko.

"Blue…" ungol kong sabi.

Tumigil siya at lumayo sakin dali-dali siyang pumasok sa banyo. Ako din natauhan sa nangyari napahawak ako sa leeg kong hinalikan niya. Natulala ako.

Inayos ko ang sarili ko at bumangon na para magayos pagkatapos ni Blue saka na lang ako maliligo. Pagkalipas ng ilang minute lumabas na si Blue sa banyo bagong ligo na pero nakatapis lang siya ng tuwalya.

Napalunok ako pinipilit kong wag mapatingin sa kanya kaya naman dali dali ako kaagad pumasok sa banyo para maligo. Pero pagkasara ko ng pinto agad akong napasandal sa pinto nanghihina ang mga tuhod ko naalala ko na naman ung nangyari kanina sa may kama.

"Hala! ano bang nangyayari?" sabi ko sa sarili ko.

Dahil nga aalis na kami pinilit ko na maligo na baka mamaya pagalitan ako nun sabihin ang bagal kong kumilos. Sa loob na ako nagbihis ayoko naman makita niya akong nakatwalya lang buti na lang binilhan niya na ako ng damit.

Paglabas ko nakita ko siyang tapos na nagsasapatos lang. iniwas ko agad ang tingin baka mamaya biglang tumingin sakin ulit. Iniiwasan ko kung nasaan siya para hindi niya ako makausap. Wala kaming interaction.

"Gabbie" tawag niya sakin. Bigla naman nagpanic ang sistema ko.

"B-Bakit?" kinakabahan kong sagot di ako tumitingin sa kanya.

"Tapos ka na ba?" tanong niya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. "A-Ah oo ano saglit lang ung bag ko ano kasi"

"Gabbie" hinawakan niya ako sa braso kaya naman napatalon ako. Hinila ko agad ung kamay ko.

"Okay ka lang ba?" concern niyang tanong.

"A-Ah ano okay lang" natataranta pa din ako hindi ko alam kung bakit ganito ako.

"Sigurado ka?" ang dami naman niyang tanong.

"Oo nga kukunin ko lang ung bag ko. Padaan ako" tinulak ko siya para makadaan ako pero para naman akong nakuryente.

Agad kong kinuha ang bag ko at kunyari may hinahanap ako para hindi na niya ako kausapin pa dahil busy ako at may hinahanap ako.

"Anong hinahanap mo?" tanong niya. Ano ba yan akala ko hindi niya na ako kakausapin.

"Ahm…ito ung…pera?" hindi siguradong sagot ko.

"Pera? Para saan?" nagtatakang tanong niya. Naman eh wag mo na kasi ako kausapin.

"Hindi pa ba tayo aalis?" pagliligaw ko sa tanong niya.

"Dito ka na lang muna or sasama ka na sakin magcheck out?" tanong ni Blue.

"Sasama na" sagot ko.

Bumaba na kami para makapagcheck out na mamaya pa naman ung check out naming pero dahil kailangan naming umalis ng maaga kaya kahit wala pa sa oras ay umalis na kami kaagad. Konti pa lang naman ung tao kaya hindi kami natagalan sa pagchecheck out.

"Nagugutom ka ba?" tanong sakin ni Blue.

"Hindi pa naman kahit mamaya na lang tayo bumili pero kung nagugutom ka na pwede ka naman na bumili" sagot ko.

"Sige mamaya na lang hindi pa naman ako gutom" sagot niya.

Pumasok na kami sa sasakyan niya at umalis na. Tahimik ang biyahe mas gusto ko ung ganito habang nakatingin sa labas ng kotse. May tumunog na cellphone.

"Hello" sagot ni Blue.

"Oo kasama ko na siya"

"Paluwas na kami"

"Siguro mga hapon kung hindi traffic"

"Kahapon ko lang siya nakita"

"Binantayan ko naman siya ng maayos"

"Oo na. Tulog siya" napatingin ako sa kanya. Inirapan niya lang ako.

"Tulog nga" inis niyang sabi sa kausap niya.

"Sige na mamaya na lang tatawag ako kapag gising na siya" sabi ni Blue saka binaba ung tawag.

"Sino ung kausap mo?" tanong ko.

"Bakit gusto mo kausapin?" pabalang niyang sagot.

"Nagtatanong ako ng maayos" sabi ko.

"Tinatanong din kita" bakas sa boses niya ang parang naiinis na siya.

"Sabihin mo na lang kasi kung sino yun" naiinis ko na ding sabi.

Napabuntong hininga siya bago sumagot. "Si Red. Ano gusto mo ba makausap tawagan mo"

Inirapan niya ako pagkatapos niyang ibato ang cellphone niya.

"Ano bang problema mo?" naiinis kong sabi.

Hindi niya ako sinasagot. "Hoy! Blue!"

Hindi niya pa din ako sinasagot. "Blue!"

Kinuha ko ung cellphone niya saka ko binato sa kanya tinamaan siya sa dibdib napalakas ata ung pagkakabato ko. "Aray! Masakit yun ah!"

"Leche ka! Kanina pa kita kinakausap ayaw mo akong pansinin" naiiyak kong sabi.

"So kailangan nambabato?" sigaw niya.

"Ikaw kaya ang unang nambato!" napatingin siya sakin ng makita niyang parang paiyak na ako iginilid niya ang sasakayan.

"Bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong niya.

"Ewan ko sayo paandarin ko mo na" sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Sorry wag ka na umiyak"

Hindi ko na siya pinansin tumingin na lang ako sa labas ng kotse. "Gabbie sorry na"

"Paandarin mo na ung kotse baka gabihin pa tayo" malamig kong sabi sa kanya.

"Nagseselos ako" pagamin niya.

"Ayokong makausap ka niya alam kong may gusto siya sayo kaya ayokong ipakausap ka sa kanya. Sorry na talaga nagselos lang" pahabol niya.

Hindi ko pa din siya nilingon pero pina-andar na niya ang sasakyan at nagsimula na kaming bumayahe ulit. Huminto muna kami mukhang nagutom na si Blue magdadrive thru na lang kami dahil mukhang mahaba pa ang biyahe namin.

"May gusto ka bang kainin" tanong niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

Dahil kami na ang next at hindi ko pa din siya pinapansin siya na lang ang nagdecide kung anong oorderin niya. Pagkakuha namin ng order naming bumiyahe na ulit kami.

"Ito kung magutom ka. Sorry na Gabbie" panunuyo niya sakin.

Pero hindi ko pa din siya sinasagot para kasi siyang baliw bigla na lang magagalit ng ganun dahil nagseselos siya bakit kami ba?.

Tumunog ung cellphone niya. "Hello?"

"Oo nasa biyahe na nga kami" napatingin siya sakin.

"Oo. Gising siya. Okay" inabot niya sakin ung cellphone.

Nilagay ko sa tenga ko ung cellphone. "Hello?"

(Gabbie thank god okay ka lang ba?) si kuya Red pala.

"yes kuya Red" sagot ko.

(Mabuti na lang ligtas ka. By the way dadalhin ka pala ni Blue kung saan namin pansamantala dinala ang mommy at ang kuya mo. Pero wag kang magalala super safe sila kung nasaan man sila) ani ni kuya Red.

"Thank you kuya Red for proctecting my family" buong puso kong sabi.

(Wala yun trabaho naming yun ang proteksyunan ang familya niyo) sagot niya.

"Pero kahit---"

Biglang inaagaw ni Blue ung phone. "Sige na pagdating na namin kayo magkamustahan"

Pinindot na niya ung end call.

"Di pa kami tapos magusap ni kuya Red. Kakamusta—"

"Ano kakamustahin mo siya? Okay lang siya" galit na sabi ni Blue.

Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya. "ano na naman problema mo?"

"Kumain ka na jan hindi na yan masarap kapag malamig na" hindi niya sinasagot ung tanong ko.

"Ano naman kung hindi na masarap hindi naman ikaw ung kakain ako naman kaya kung hindi man masarap wala ka na say dun" pasusungit ko.

"Oo na" masungit niya din sabi.