Chereads / Code Name: Blue / Chapter 32 - UNKNOWN FEELINGS

Chapter 32 - UNKNOWN FEELINGS

Chapter 32

Nang gabi din yun hindi ko masyadong nakita si Jay at hindi rin siya sumabay samin kumain ako naman nagasikaso kay Lia at Leo.

"Ate si kuya po?" tanong sakin ni Lia. Habang nilalagayan ko ng pagkain ang plato niya.

"Aasikasuhin niya daw si tita Cass" sabi ni Leo.

"Hindi ikaw ang kausap ko" masungit na sabi ni Lia.

"Sinasagot ko lang kasi alam ko" pagpapaliwanag ni Leo.

"I still don't care" sagot ni Lia. Sinimulan na niya ang pagkain.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa naunang natapos ang dalawa.

"Sige na ako bahala dito" sabi ko sa dalawa.

"Tutulong po ako ate" sabi ni Lia.

"Tutulong na din po ako" sabat ni Leo.

"Okay lang naman kaya ko na" ani ko sa dalawa.

"Magisa lang po kayo ate. Kaya tutulong na po kami"desididong sabi ni Lia.

Hindi ko na pinigilan ang dalawa at hinahayaan na silang dalawa na tulungan ako sa pagliligpit ng pinagkainan namin. Nagprisinta naman si Leo na siya na daw ang maghuhugas ng pinggan kaya naman hinayaan ko na lang siya.

"Mauna na ako sa kwarto ko" paalam ko sa dalawa.

"Sige po ate pupuntahan ko rin po si tita mommy pagkatapos ko dito" sagot ni Lia.

"Sige una na ako kung may kailangan kayo tawagin niyo ako" bilin ko.

Naglakad na ako papuntang kwarto ko ng makasalubong ko si Jay at Cass.

"Okay ka na ba?" pangungumusta ko kay Cass.

Mukha naman nagulat siya sa tanong ko kaya hindi siya nakasagot agad. "Oo okay na ako"

"Kakatapos lang naming kumain nagprisinta si Leo na siya na daw maghuhugas kaya hinayaan ko na lang sila ni Lia" pagkukwento ko.

Ngumiti naman ng tipid si Cass. "Ganun ba? Mabuti naman at tinulungan ka nila. Sige kakain lang kami"

Nang mapatingin ako kay Jay agad niyang iniwas ang tingin niya. "Okay nandoon pa sila baka maabutan niyo pa"

"Sige" sagot ni Cass.

Nilagpasan ko na sila para pumunta sa kwarto ko. "Gabbie"

Napahinto ako ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko. "Salamat"

Napatingin naman ako kay Cass. "San—"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil biglang tinawag ni Lia si Cass. "Tita Mommy!"

Agad tumakbo si Lia kay Cass at niyakap niya. "Okay ka na po ba? Wala ka na sakit?"

"Wala na. Ang galing mo kasi mag-alaga" malambing na sagot ni Cass.

"Mabuti naman po kung ganun" magalang na sagot ni Lia.

Hindi na ako nakinig pa kung anong pinaguusapan nila mas minabuti ko na lang pumunta sa kwarto ko kailangan ko na mas handa dahil aalis na din naman na ako bukas. Magpapahinga na ako dahil magiging mahaba ang araw bukas.

Pero kahit anong gawin ko hindi naman ako makatulog nagpaikot ikot na ako sa kama ko pero hindi pa din ako makatulog kahit anong gawin ko. Bumangon na lang ako at naisip ko na magtimpla na lang ng gatas kung meron sila baka sakaling makatulog ako. Lumabas na ako sa kwarto ko para pumunta sa kusina ng malapit na ako nakita kong maliwanag nandun si Jay umiinom siya.

"Ba't nandito ka? Di ka din makatulog" basag ko.

"Magtitimpla lang ako ng gatas hindi kasi ako makatulog" pahabol kong sabi.

"Meron dun. Pagiinitan kita ng tubig" binaba niya na ung iniinom niya.

"Okay lang ako na" agap kong sabi.

"Sige na. Kumuha ka na ng mug mo saka ng gatas" sagot niya.

Sinunod ko na lang ung sinabi niya para hindi na kami magtalo. Nagpainit na din siya ng tubig.

"Bukas pwede bang samahan mo ulit ako sa mall ay bibilhin lang ako" pagpapaalam ko.

"Anong bibilin mo?" nakakunot noong tanong niya sakin.

"Damit?" patanong kong tanong.

"Madami naman na binili sayo si Cass" sagot niya.

Ako naman ang napakunot ng noo. "Ung iba hindi sakin kasya"

Tinitigan niya muna ako bago ako sagutin. "Sige"

"Salamat" sabi ko.

Naglagay na ako ng gatas sa mug ko para maibalik ko na ung gatas na kinuha ko.

"Akin na ung mug mo" utos niya sakin.

"Ito" sabay abot ko sa mug ko.

Nilagay na niya ang mainit na tubig siya na din ang naghalo. Pagkatapos ay inabot na rin niya sakin. Hindi na niya ko kinausap pa ulit.

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

Tiningnan niya ako. "Bakit?"

"Mukha ka kasing hindi okay parang may problema ka" concern kong tanong.

Uminom muna siya bago niya ako sagutin. "I'm fine"

Pinili ko na lang manahimik mukhang ayaw rin naman niya akong kausap. Ayokong istorbuhin pa siya kaya naman minabuti ko na lang na manahimik na lang sa isang tabi habang inuubos ko ang gatas na tinimpla ko para sa sarili ko. Habang si Jay naman dirediretso lang ang inom sa alak niya.

Pagkatapos ko maubos ang gatas ko ilalagay ko na sana ung mug ng biglang tumayo si Jay. Pero parang maaout of balance siya kaya naman dinaluhan ko siya.

"Tama na mukhang madami na ang nainom mo" tinulungan ko siyang makabalik sa upuan niya.

Namumungay na ang mga mata niya. "Ano ba kasing ginawa mo sakin"

Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya. "Anong sinasabi mo?"

"Wala bumalik ka na sa kwarto mo ako na bahala dito" umalis siya sa pagkakahawak ko sa kanya.

"Sigurado ka ba? Parang kasi kailangan mo ng tulong" pagaalala ko.

"Hindi na. If I were you babalik na ako ng kwarto" sabi niya saka bumalik sa pagkakaupo.

"Fine. Babalik na ako" pagsuko ko. Ayokong makipagtalo pa kaya sinunod ko na lang siya.

"Sana umalis ka na lang kaagad" bulong niya pero rinig na rinig ko ang sinabi niya.

Pinagsawalang bahala ko na lang ang sinabi niya at bumalik na lang ako sa kwarto. Pagdating ko ay agad naman akong humiga. Nakatulog naman ako agad.

Kinabukasan maaga akong nagising hindi ko alam pero naeexcite ako sa wakas makikita ko na si mommy at kuya. Lumabas na ako ng kwarto naisipan kong paglutuan sila.

Pero paglabas ko nandun na si Jay at Cass nagluluto.

"Ayan iinom inom ka. Pagkatapos kumain uminom ka ng gamot para naman hindi sumakit buong araw ang ulo mo" sermon ni Cass.

"Aalis ako sasamahan ko siya pumunta sa mall" sabi niya habang nagpiprito ng hotdog.

"Ako na lang sasama" prisinta ni Cass.

"Kaya ko naman ako na lang" sagot ni Jay.

Tumikhim ako para mapansin nila ako. Lumapit ako sa kanila para tanungin kung may maitutulong ako.

"Meron ba akong pwedeng maitulong?" tanong ko.

"Kanina ka pa ba jan?" tanong ni Cass.

"Hindi kakarating ko lang" sagot ko.

Nginitian muna ako ni Cass bago sumagot. "Patapos na kami pakihanda na lang ng dining table"

"sige" sagot ko.