Chapter 31
After naming mapatahan si Cass hinatid na siya ni Jay sa kwarto niya habang ako nanatili ako para makapag-isip isip ako. Hindi ko aakalain na ganun pala ung pinagdaanan niya ng mawala siya kila lolo dahil siguro yun sa mission na binigay sa kanya pero bakit kaya binigay niya ako kay mommy at sino ng ama ko. Alam kong hindi niya masasagot dahil wala nga siyang maalala kung ano siya dati kaya hindi niya rin masasabi sakin kung sakaling magtatanong ako sa kanya.
Pagkatapos ko makapag-isip isip pumasok na din ako para magpahinga na masyado na madaming nangyari sa araw na to.
Hindi maganda ang gising ko ng umaga dahil na din sa napanaginipan ko sobrang namimiss ko na talaga sila.
"Good Morning ate" bati sakin ni Lia pagkadating ko sa dining.
"Good Morning din Lia" balik kong bati kay Lia.
"Dito ka ate sa tabi ko" aya sakin ni Lia.
Sinunod ko na lang saka umupo sa tabi niya.
"Bakit nanjan?" tanong sakin ni Jay na kakalabas lang sa kusina.
"Kuya jan ko siya pinaupo tabi kami tapos tabi kayo" sabat ni Lia.
Tiningnan ko lang siya. "Fine"
Tumayo ako. "Lilipat na lang ako"
"Sige na jan ka na hindi naman kita pinapalipat" pigil niya.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin. "Hindi na pwede naman ako lumipat saka hindi naman talaga ako nakaupo dito saka pwesto mo naman talaga ito"
Hinayaan na lang niya ako at lumipat na lang ako sa tapat ni Jay. Katapat na kasi ni Lia si Leo kaya walang choice ako kung hindi umupo sa may tapat niya.
"Wow kuya ang dami mo naman niluto" gulat na sabi ni Lia.
"Ano ka ba normal lang ito" napatingin naman sakin si Jay.
"Hindi kuya" sabat ni Leo.
Pinalakihan ni Jay ng mata si Leo. "Normal ito"
"Ahhh…Oo nga n-normal lang ito" napilitang pagsangayon ni Leo.
"Eh? Hindi kaya" sabi ni Lia.
"Kumain na nga lang tayo" sabi ni Jay.
"Pero wala pa si tita mommy kuya" pagpansin ni Lia.
"Mauna na daw tayo sabi niya wala pa daw siyang gana" biglang sumeryoso si Jay.
"Okay po" sabay na sabi ni Lia at Leo.
Naging tahimik ang pagkain namin hindi rin masyadong nagkulit si Lia mukhang nagaalala siya kay Cass hindi siya mapalagay sa upuan niya.
"Kuya tapos na po ako pupuntahan ko lang po si tita mommy titingnan ko lang po kung okay lang siya" pagpapaalam ni Lia kay Jay.
"Sige na kami na bahala dito puntahan mo na siya" pagpayag ni Jay.
"Tumulong ka dito wag kang tatakas kundi may kutos ka sakin" pagbabanta ni Jay kay Leo.
"Sige na ako na tutulong kay Jay" sabi ko kay Leo.
"Thank you ate" masayang sabi ni Leo at nagmamadaling umalis sa dining.
Napatingin naman sakin si Jay. Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka tumayo para ligpitin na ang mga plato sa lamesa.
"Okay lang siya" biglang sabi ni Jay.
Napakunot naman ako ng noong nakatingin sa kanya. "Alam kong nagaalala ka din"
"Mabuti naman" sagot ko saka pumunta sa kusina.
"Hindi pa din ba naaalis ung galit mo sa kanya?" tanong niya. Sinundan niya ako sa kusina.
"Hindi madaling kalimutan ang lahat" sagot ko.
"Nagexplain na siya sayo. Ano pa ba gusto mo?" medyo tumataas na ang boses niya.
"Wala! Hindi ko pa din matanggap anong magagawa ko pinipilit ko naman. Pero hindi madali kung akala ko ganun ganun lang mawawala dahil lang sa nagpaliwanag siya hindi yun ganun" inis kong sabi. Sinimulan ko na ang paghuhugas ng plato.
Hindi na sumagot si Jay kaya naman hindi ko na siya pinansin at tinapos ko na lang ang ginagawa ko. Pagkatapos ko ay pumasok na ako sa kwarto ko humiga ako sa kama ko at sinubukan kong matulog pero may biglang kumatok.
"Ate pwede ba tayong maglaro?" tanong sakin ni Lia.
Bumangon ako sa pagkakahiga. "pwede naman"
"Ate pwede po bang dun tayo sa labas?" tanong niya.
"Pwede naman" tumayo na ako at pinuntahan si Lia.
Sabay kaming lumabas ni Lia papunta kung saan niya gustong maglaro.
"Ate pwede ka bang maging girlfriend ng kuya ko" biglang tanong ni Lia.
Napatitig naman ako sa kanya. "Huh?"
"Sabi ko po kung pwede ka bang maging girlfriend ng kuya ko" ulit niyang tanong.
"Lia alam mo ba yang sinasabi mo?" sagot ko.
"Opo, NGSB si kuya kaya kung sakali ikaw ang magiging una niya" napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.
"Sinabihan ka---"
"Naku ate hindi po gusto po kasi kita para sa kuya ko kasi napapasaya mo po si kuya. Saka kung ikaw magiging girlfriend niya edi mas madaming pagkain sa umaga" nakangiting sabi niya.
"Lia hindi naman kasi ganun yun" maingat na sagot ko.
"Hindi porket napapasaya ko ang kuya ko eh pwede na dapat mahal ko siya at ganun din siya" pagpapaliwanag ko.
"Edi tanungin po natin siya" sabi niya sabay tingin sa likod ko kaya naman napatingin din ako sa tinitingnan niya.
"Kuya halika po dito" tawag ni Lia kay Jay.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jay pero pumunta pa din siya samin.
"Kuya mahal ko po ba si ate?" biglang tanong ni Lia kay Jay.
Napatingin naman sakin si Jay. "Lia"
"Bakit po? Sabi ni ate kailangan daw po kasi mahal mo siya at mahal ka niya para maging girlfriend mo na siya" paliwanag ni Lia.
"Tama naman siya hindi yun basta basta ung pag-gigirlfriend" sabi ni Jay.
"Kaya nga kuya tinatanong po kita kung mahal mo si ate" sagot ni Lia.
Napatingin siya sakin bago niya sinagot si Lia. "Hindi"
Bigla naman nalungkot si Lia. "Ikaw ate mahal mo ba si kuya?"
"Hindi" mabilis kong sagot.
Bigla naman iniwas ni Jay ang tingin siya sakin. "Papasok na ako Lia kung may kailangan ka pa tawagin mo na lang ako"
Bigla na lang kaming tinalikuran ni Jay. Malungkot naman akong tiningnan ni Lia.
"Akala ko pa naman magkakagirlfriend na si kuya" malungkt na sabi ni Lia.
"Lia ang pagmamahal hindi dapat pinipilit kasi kusa itong nararamdaman. Kung gusto ako ng kuya mo siya mismo ang lalapit sakin hindi mo kailangan pilitin. Saka makakahanap din ung kuya mo hindi kailangan magmadali" paliwanag ko tumango tango naman siya biglang sagot.
"Lia!" tawag ni Leo
"Ate itago mo ako ayoko kay Leo" biglang nagtago ko sa likod si Lia.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Lagi niya kasi akong inaaway. Pabebe daw ako" sumbong ni Lia.
"Tapos ang yabang yabang pa niya ayaw niyang may ibang classmate kami na lumalapit sakin nakakainis siya" pahabol na sabi ni Lia.
Nakarating na samin si Leo kaya naman nagtago na ulit si Lia.
"Alam kong nanjan ka sa likod ni ate" sabi ni Leo.
"Leo naglalaro pa kami ni Lia" pagsisinungaling ko.
"Edi dito na lang ako" sabi ni Leo.
Bigla naman lumabas si Lia sa pagkakatago. "Bakit ba ang kulit mo di mo ba narinig ung sinabi ni ate na naglalaro pa kami napaka-epal mo talaga"
"Bakit wala naman akong ginagawa" depensa ni Leo.
"Ewan ko sayo!" naiiyak na sabi ni Lia bago pumasok sa loob ng bahay.
Naiwan naman akong magisa dahil sinundan din agad ni Leo si Lia sa bahay. Hindi ko inaasahan na gagawin yun ni Lia. Bigla naman pumasok sa isip ko si Blue isang araw na lang aalis na ako sa bahay na ito.