Chereads / Code Name: Blue / Chapter 22 - GUSTO KITA

Chapter 22 - GUSTO KITA

Chapter 22

Hindi ako agad nakapagreact dahil ang bilis ng kilos niya.

"Sige aalis na ako Gabbie" pagkasabi nun ni kuya Red ay agad na siyang umalis.

sinapok ko naman si Blue. "Ginagawa mo?"

"Aray! Hinalikan ka sabi mo hindi pa kita nahalikan" napairap na lang ako. Hawak hawak niya kung saan ko siya sinapok.

"Pwede ba wag kang nanghahalik hindi naman kita boyfriend" inis kong sabi.

"Girlfriend kita whether you like it or not" pang-aasar niya.

"Konti na lang mababaril na talaga kita" pagbabanta ko.

"Kung kaya mo?" paghahamon niya.

"Gusto mo ba?" pagpatol ko sa kanya with matching ngiti pa.

"Lalabas na ako may kailangan pa akong gawin" pagiiba niya dali dali siyang lumabas ng kwarto ko.

Napasandal naman ako sa upuan nakakastress si Blue kung anu-ano ginagawa ako ung naloloka sana lang hindi maniwala si kuya Red sa mga pinagsasabi ni Blue.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakatulog ako ulit ng umalis si Blue mabuti na lang at wala na umistorbo sakin sa pagtulog. pagkagising ako ay naligo na ako balak kong puntahan si kuya para kamustahin kung okay lang ba siya.

"Kuya?" tawag ko habang kumakatok ako sa kwarto niya.

"Umalis ang kuya mo" napatingin naman ako sa nagsalita.

"Saan nagpunta? bakit hindi ako sinabihan?" nagtatakang tanong ko.

"Bilin ka niya samin" kalmadong sabi ni kuya Red.

"Sana ginising man niya lang ako" malungkot kong sabi.

"Don't worry okay lang ang kuya mo" pagalo niya sakin.

"Alam ko naman strong yun si kuya" sabi ko

"Kailan pa kayo ni Blue?" tanong ni kuya Red.

"Hala! Naniniwala ka sa kanya? Naku wag ka maniniwala dun hindi ko siya boyfriend" pagpapaliwanag ko.

"Hindi kasi yun naggigirlfriend si Blue kaya nakakagulat na pinakilala ka niyang girlfriend. Matagal ko na kaibigan si Blue kaya alam ko na kung totoo o hindi ung sinasabi niya" sabi niya.

"Pero hindi talaga kuya Red" pagpupumilit ko.

"Pero gusto ka niya" bulgar na sabi ni kuya Red.

"Ako?! Gusto ni Blue?" hindi makapaniwala kong sabi tinuro ko pa ung sarili ko.

"Oo, ikaw Gabbie wala pa kasing babae ang nakakaya sa kasungitan at kayabangan nun" natatawang sabi niya.

"At least hindi lang ako ang nayayabangan sa kanya" sabi ko.

Saglit kaming binalot ng katahimikan hindi nagsalita si kuya Red kaya hindi rin ako nagsalita.

"Hindi ko aakalain na darating ang araw na meron kaming isang bagay na pwedeng paglabanan" seryosong sabi ni kuya Red.

Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi ni kuya Red. "Ano?"

"Ikaw" napatingin sakin si kuya Red.

"Ako? Bakit ako?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi gusto rin kita"

"Ha?" loading ang utak ko kaya ayan lang ang nasabi ko.

"Gusto ko lang sabihin sayo hindi mo kailangan sagutin" ngumiti siya kuya Red.

"Totoo?" hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Wag mo na isipin. una na ako" ginulo niya ang buhok saka umalis.

Natulala naman ako hindi ako makapaniwala na sasabihin yun ni kuya Red na magkakagusto siya sakin kasi feeling ko naman hindi niya ako napapansin. Oo nung bata pa ako naging crush ko siya nung bago pa lang kaming magkaibigan ni Irene pero dahil hindi naman niya ako napapansin hindi ko na tinuloy pa.

"Haba ng hair" pangaasar ni Orange.

"Narinig mo?" tanong ko.

"Hindi naman sadya" sagot niya.

"Anong gagawin ko?" napabuntong hininga ako kasi magulo na nga ung buhay ng pamilya ko tapos eto dadagdag pa.

"Wala" sabi ni Orange.

"Wala?"

"Oo wala hayaan mo sila. Hindi mo naman dapat problemahin yun kasi kung ano pa din ang gusto ng puso mo yun ang susundin mo. Kung sino ang mas lamang jan edi siya piliin mo" payo ni Orange.

"Paano ko malalaman kung sino ang mas lamang?" kuryoso kong tanong.

"Ikaw lang makakaalam niyan. Sa tamang panahon" sagot niya.

Napasip naman ako pero wala naman matimbang wala pa. Wala naman nanliligaw sa kanila sinabi lang ni kuya Red ung feelings niya pero it doesn't mean na manliligaw na siya.

"Nanjan na ung kuya mo" balita sakin ni Orange.

"Talaga? Asan siya?" tanong ko.

"Nandun sa may salas"

Sinamahan ako ni Orange papuntang salas para puntahan ang kuya ko. pagdating namin dun nakita ko na si kuya lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Bakit umalis ka ng hindi nagsasabi pinagalala mo ako?" nagtatampo kong sabi.

"Umalis lang ako saglit kasi may kailangan lang akong tingnan" pagpapaliwanag niya.

"Sinong kasama mo? Kuya alam mong delikado pa ang buhay natin" naiiyak kong sabi.

"Ayokong pati ikaw ay masaktan din katulad ni mommy" pahabol kong sabi.

"May mga kasama ako ung ibang kaibigan ni Red kaya wag ka na umiyak" pagpapatahan sakin ni kuya.

"Basta kuya magsasabi ka sakin kapag aalis ka nagaalala ako kapag hindi ko alam kung nasaan ka" panenermon ko sa kuya ko.

"Oo na...Magpapahinga muna ako hindi pa ako masyadong nakapagpahinga" tumango tango ako at sinamahan ko siya hanggang sa kwarto niya.

Hindi ako umalis hangga't hindi ko nasisiguro na nakahiga na si kuya.

"Sige na okay na ako magpapahinga na talaga ako" pagsisiguro ni kuya.

"Nope. Sige na matulog ka na aalis ako mamaya" sabi ko.

Nginitian lang ako ni kuya saka nahiga na siya sa kama ng makita kong tulog na siya dun pa lang ako umalis sa kwarto niya dahan dahan akong lumabas para hindi ko siya magising.

Nagikot ikot muna ako sa vacation house nila lolo malaki at malawak din ang lugar mapayapa din. madaming puno masarap siguron tumira dito gusto ko kapag maayos na ang lahat kapag wala na banta sa buhay namin sasabihin ko kay mommy na dito na lang kami tumira.

"Dapat hindi ka nagiisa" kilala ko kung sino ang may-ari ng boses na yun.

"Hindi naman ako mapapahamak nandito lang ako sa bahay hindi naman ako umalis" masungit kong sabi kay Blue.

"Kahit pa mas maganda kung may kasama ka katulad ng boyfriend mo" pagrarason niya.

"Ilang beses ko---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.

"Girlfriend nga kita wag ka na kumontra" sabi niya saka binitawan ang bibig ko at hinawakan ang kamay ko.

"Eh hindi--" hindi ko na naman na ituloy kasi hinalikan niya ako.

"Kapag kumontra ka pa hahalikan kita ulit. Tama! Kada kontra mo hahalikan kita unless gusto mong halik halikan kita" pagbabanta niyang sabi.

"Kapal din ng mukha mo. nagawa mo pang mang-blackmail" inis kong sabi.

"Ano kokontrahin mo pa?" pangaasar niya.

"Ewan ko sayo! Akin na nga ung kamay ko hindi naman ako naliligaw" binawi ko ang kamay ko saka nagwalkout.

"Teka! hintayin mo ung boyfriend mo!" sigaw niyang sabi.

Naku kapal kapal talaga ng mukha kailangan kong pigilin ung bibig ko baka mahalikan na naman ako ano siya sinuswerte.

"Bakit mo ko iniwan?" sigaw niyang sabi.

"Hindi na kasi maganda ung view pumanget na" pagtitimpi kong sabi.

"Mas gumanda nga eh kasi nandun ka" kaswal niyang sabi.

Nagulat naman ako sa sinabi niya naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

"May gusto ka pa bang puntahan? May duyan dun banda" sabi niya saka hinawakan ulit ung kamay ko at hinila ako papunta dun sa sinasabi niyang duyan.

Ang ganda ung puno punong puno ng bulaklak kahit ung papuntang duyan madami na agad bulaklak siguro dito mahilig tumambay si lola napakaganda ito na ata ung pinakamagandang part ng vacation house nila lolo.

"Ang ganda diba?" tanong ni Blue.

"Oo sobra" manghang sabi ko.

"Pero may mas maganda pa jan" napatingin naman ako kay Blue dahil sa sinabi niya.

"Ano?" nagtatakang tanong ko.

ngumiti siya. "Ikaw"