Chereads / Code Name: Blue / Chapter 25 - DEAD

Chapter 25 - DEAD

Chapter 25

Nang matauhan ako napatingin ako sa tiyan niya. itinaas ko ang damit niya at wala naman sugat dun kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala ka naman sugat!" bulalas ko.

"Sinabi ko bang meron?" pamimilosopo niya.

"Ibig sabihin acting lang ung kanina?" hindi ko makapaniwalang sabi.

"Hmm...Parang ganun na nga" bigla naman nanliit ang mata ko.

"Alam mo bang nagaalala talaga ako tapos pagtitripan mo lang ako" naiiyak kong sabi.

Bigla naman nagpanic ang itsura niya dahil nakita niyang paiyak na ako.

"Sorry natutuwa ako na nagaalala ka pero ayoko naman na umiiyak ka" nagaalalang sabi niya.

hinead butt ko siya ng malakas. "Akala mo nakakatuwa ung ganun hindi kaya"

"Aray ko ah! Napaka mapanakit mo talagang babae ka" sapo sapo niya ung ulo niyang hinead butt ko sa kanya.

"Kasalanan mo yan" inis kong sabi.

"Oo na kasalanan ko na!" inis na din niya sabi.

Sinimangutan ko siya saka sinamaan ng tingin.

"At least nalaman ko naman na nagaalala ka pala sakin" nakangiti niyang sabi.

kinuha niya ung kamay ko. "Okay na muna ako dun sa alam kong nagaalala ka sakin"

"Pero okay ka lang ba talaga at walang sugat sa katawan mo sa kahit anong part ng katawan mo" nagaalalang tanong ko.

Ngumiti na naman siya. "Wala okay lang ako pero kung panay mo akong sasakyan baka magkaron na"

"Ikaw naman kasi may kasalanan!" pambibintang ko.

"Basta tatandaan mo gusto kita. kahit hindi pa kita girlfriend akin ka lang. ako lang walang iba" pananakot niya.

"Kapal mo bakit namamakod ka na?" natatarantang sabi ko.

"Paulit ulit? Ayaw mo ba?" inis niyang sabi.

"Gusto!" hindi na ako nakapagisip basta ung bibig ko na lang ung sumagot.

"Good" tinap niya pa ung buhok ko.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ko.

"Busog na ako sa halik mo" bulgar niyang sabi.

"Pero parang bitin nga kasi walang desert" walang pakundangan niyang sabi.

"Ano?!" nahihiyang sigaw ko.

"Bakit? Namumula ka" tinuro niya pa ang pisngi ko.

"Hindi kaya" sabi ko tapos tinulak ko siya para mapahiga siya sa kama.

Aalis sana ako ng kama ng bigla niya akong hablutin at pahigain sa may dibdib niya.

"Ano ba! Pakawalan mo nga ako!" angal ko.

"Bakit kita papakawalan eh akin ka na kahit ayaw mo ako gawing boyfriend" sagot niya.

"Bakit ba kasi? Ano bang issue mo jan?" naiinis kong sabi. Bukang bibig niya na lang kasi yang boyfriend boyfriend na yan.

"Kasi kapag boyfriend mo na ako may karapatan na akong magselos, magbawal saka pwede na akong laging nasa tabi mo. Pwede na kitang yakapin kahit kelan ko gusto hindi ung kapag tayong dalawa lang pwede na din kitang halikan kahit kailan. Pwede ko na din sabihin sa mga kaibigan ko na girlfriend kita. Mailalayo na din kita kay Red" nagulat ako sa huling sinabi niya.

"Alam mo?" tiningnan ko siya.

"Oo narinig ko nung nagusap kayo at umamin siya ng feelings niya para sayo" ngumiti siya ng mapait.

"Anong gagawin mo?" kuryosong tanong ko.

"Kung siya ung mas gusto mo siyempre suko na. Ano ba naman laban ko kay Red?" walang kumpiyansang sabi niya.

"Ano? susuko ka na lang akala ko ba gusto mo ako" kumawala ako sa yakap niya.

ngumisi siya. "Sabi ko gusto hindi mahal---"

napahinto ako. "Ibig sabihin gusto mo lang ako pero hindi mo ako mahal?"

napatayo siya. "Hindi ko pa alam"

"Hindi ba magkaparehas lang yun?" dismayadong tanong ko.

"Aalis na ako" hindi ko na hinintay ang sagot niya dali dali akong umalis sa kwarto niya at pumasok sa kwarto ko.

Nilock ko ang pinto ko at sumampa sa kama ko naiiyak ako bakit ba masyado akong affected. Hindi naman ako dapat naaapektuhan eh. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako bumangon na ako at napandesisyunan kong maligo dahil aayain ko si kuya para pumunta kay mommy. Miss ko na si mommy saka gusto ko din malaman kung kamusta na siya. pagkatapos kong magayos ay lumabas na ako kaagad para puntahan ang kwarto ni kuya.

"Gabbie" tawag sakin.

Hindi ko siya tiningnan nagpatuloy lang ako pero hinawakan niya ung braso ko kaya napahinto ako pero tinanggal ko din agad. Nagpatuloy na ako sa pagpunta kay kuya.

"Kuya..." tawag ko kasabay ng pagkatok ko.

sandali lang ay bumukas ang pinto. "Oh Gabbie bakit?"

"Kuya pwede bang puntahan natin si mommy?" tanong ko.

"Oo naman" nakangiti niyang sabi.

"Thanks kuya intayin na lang kita sa may salas"

"Sige sasabihan ko na din ung ibang security na maghanda" sabi ni kuya.

Pagkatapos ko magsabi kay kuya ay dumiretso na ako sa salas nilagpasan ko lang si Blue nandun pa din siya sa tabi ng pintuan ko. Hindi ko alam kung sinundan niya ba ako o hindi wala akong pake. Pagkadating ko salas nakita ko kaagad si kuya Red.

"Kuya Red aalis kami ni kuya pupuntahan namin si mommy sasabihan niya daw ung ibang security" sabi ko kay kuya Red.

"Sige. Blue paki sabihan ung iba" utos ni kuya Red kay Blue. Mukhang sumunod nga siya kanina.

"Okay" seryoso niyang sagot.

"Aayusin ko lang ung sasakyan natin" sabi ni kuya Red. Tumango na lang ko biglang sagot.

Habang hinihintay ko sila naupo na lang muna ako sa sofa. Ilang sandali lang lumabas na ang tropang Crayola nakacivilian lang sila pero may mga nakatagong baril sila. Dumating na din si kuya Red after ilang minutes.

"Pagkababa isecure muna ang place bago sila pababain" instruction ni kuya Red.

"Okay" sabay sabay nilang sagot.

"Ahm...Kuya Red pwede bang ikaw si Orange and Yellow ang makasama namin ni kuya?" pakiusap ko.

"Sige pwede naman" pagsang-ayon niya.

Pagkadating ni kuya ay naghanda na kami para umalis. Naihanda naman na kanina ni kuya Red ang helicopter kaya hindi na kami nagantay pa. Pagkasakay namin agad din naman itong umalis hindi naman kalayuan pero sabi kasi ito daw sa ngayon ang pinakasafe na gawing transpo pero nagiingat naman kami dami naman kaming kasama.

"Secure the area" utos ni kuya Red sa radyong hawak niya.

Nakita kong bumaba na ang ibang tropang crayola mula sa isang helicopter. Ilang minuto rin kaming naghintay hanggang sa may go signal na kay Blue. Siya ang naging leader ng kabilang helicopter.

"Pwede na bumaba" sabi samin ni kuya Red.

Pagkababa namin nandun na din ung ibang tauhan ni lolo na siyang magiging security namin papasok sa ospital pati na rin sa loob.

"Lolo kamusta na po si mommy?" tanong ko agad pagkadating namin.

"Okay naman ang mommy mo nagising na siya hinahanap na nga kayo. Mamaya magigising na din siya kanina pa siya tulog" napatingin naman ako kay mommy na tulog pa din.

Nilapitan ko si mommy at hinawakan ang kamay niya. kung sino man ang may gawa nito sa pamilya namin pagbabayaran niya to.

"Sir" tawag ng isang tauhan ni lolo kay lolo.

"Ano yun?"

"Nakita na po namin ang pinapahanap niyo" biglang nagbago ang itsura ni lolo.

"Saan niyo nakita?" napayuko ang tauhan ni lolo.

"Sa isang abandonadong building po di kalayuan sa hotel na tinutuluyan niya po" balita ng tauhan ni lolo.

"Anong nangyari?"

"Patay na po. Sobrang torture po ang ginawa halos di na po siya nakilala pero may I.D po kaya naidentify. Dinala po namin sa ospital pero pagdating po dun sabi po ilang araw na daw pong patay. Inaasikaso na po namin na maipadala dito" paliwanag ng tauhan ni lolo.

"Lolo" tawag ni kuya.

"Apo I'm sorry nahuli tayo" sabi ni lolo kay kuya.

lumapit ako kay lolo. "Sino yun?"

"Gabbie dun ka muna may paguusapan kami ni lolo" saway sakin ni kuya.

"No! Sino ba yun kuya? Gusto ko malaman" pagpupumilit ko.

"Gabbie sige na--"

Pinutol ko ung sasabihin ni lolo. "Si daddy ba ung pinaguusapan niyo?"

nagiba ang mukha ni kuya. "No buhay pa si daddy. Kuya diba tinatawagan mo pa nga siya"

"Hindi ko siya makontact" nakatulalang sabi ni kuya.

"No...No buhay si daddy hindi pa siya patay!" nawawala sa sarili kong sabi.

Paano na si mommy hindi pa siya magaling tiningnan ko si mommy nagulat ako dahil gising na siya at umiiyak.

"Mommy!" tawag ko at dali daling pumunta sa kanya.

"Dad, Totoo bang patay na ang asawa ko?" umiiyak na tanong ni mommy.

"Totoo, Anak pinahanap ko siya dahil sabi ni Matt hindi niya daw matawagan ang asawa mo" paliwanag ni lolo.

"Before the accident 2 days ko na siyang di makontact" pagkukwento ni mommy.

"Akala ko busy lang siya yun pala" biglang napahagulgol si mommy.

"Mommy" niyakap ko ng mahigpit si mommy dahil alam kong sobrang nasaktan siya.