Chereads / Code Name: Blue / Chapter 21 - PLANO

Chapter 21 - PLANO

Chapter 21

Hindi pa din nagigising si mommy kahit ilang oras na ang nakakalipas ng operasyon niya nailipat na siya sa kwarto heavy guarded ang kwarto ni mommy pero hindi halata gusto kasi ni lolo masigurado na walang mangyayari kay mommy.

"Iha magpahinga muna kayo ng kuya mo umuwi mo na kayo sa bahay namin ng lolo mo kami na ang bahala muna sa mommy niyo hindi namin siya papabayaan" pagaalalang sabi ni lola.

Tiningnan ko si kuya kanina pa siya may mga tinatawagan sa cellphone niya hindi ko alam kung sino ung tinatawagan niya.

"Sige po lola sasabihin ko po kay kuya" sabi ko.

Nilapitan ko si kuya para sabihin ung sinabi ni lola sakin napatingin agad siya sakin ng maramdaman niyang lumapit ako.

"Kuya umuwi na daw muna tayo sila lolo't lola muna daw ang bahala kay mommy" ngumiti ang kuya ko pero alam kong peke ang ngiting iyon.

"Sige, Tara" pag-sangayon niya sakin.

Lumapit kami kila lolo't lola para makapagpaalam bago kami pinaalis pinatawag muna ang security team nila lolo para daw masiguro na safe kami. Dumating ang tropang crayola bigla naman akong napakunot ng noo dahil bakit sila nandito.

"Red I want your team to be the responsible for the safety of my grandchild make sure that they will be safe all the time guard them 24/7. Understood?" striktong sabi ni lolo.

"Yes sir!" sabay sabay nilang sagot.

"Lolo what's happening? Bakit--tauhan mo sila? You trained them?" nalilitong tanong ko.

"Apo...I know them since birth their parents are my previous team and they are the 2nd generation" paliwanag sakin ni lolo.

"I personally trained them kaya alam ko ang kakayahan nila" pagmamayabang ni lolo.

"I can believe this is happening" hindi makapaniwala kong sabi.

"Sige na hatid niyo na sila sa bahay siguraduhin ang seguridad nila" bilin ni lolo.

Agad din naman kumilos ang tropang crayola. Hindi kami bumaba sa parking. Umakyat kami sa rooftop meron dalawang chopper sa isang chopper kami magkasama na kami ni kuya ang bukod samin kasama rin namin sa chopper ni kuya ay si kuya Red, Blue, Orange habang ang iba naman ay nasa kabilang chopper.

"Meron na bang nakuha na lead?" tanong ni kuya.

"Ayon sa cctv ang mag-isa lang daw ang gumagawa mukhang pinagplanuhan daw ang ginawa sa inyo" seryosong sabi ni kuya Red.

Napaisip ako sino ba ang may galit samin para gawin yun.

"Wag ka na masyadong magisip kami na bahala dun sisiguraduhin namin na pagbabayaran niya ung ginagawa niya sa inyo" bulong sakin ni blue.

Kaya naman napatingin ako sa kanya nakita kong nakatingin siya sakin hindi man bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero bakas naman sa mga mata niya. Hinawakan niya ang kamay ko para mapakalma ako ang weird pero napakalma naman ako kahit papaano. ilang saglit lang nakarating din kami sa vacation house nila lolo't lola sabi nila mas safe daw dito dahil madaming nakapaligid dito walang ibang nakakapasok dahil private property kung may papasok man daw kailangan dumaan sa matinding screening.

"Magpahinga na kayo. Safe kayo dito" sabi samin ni Kuya Red. Ngumiti na lang si kuya bilang sagot sinamahan naman kami ng mga kasambahay ni lolo sa magiging kwarto namin.

"Kuya..." tawag ko. Nilingon naman niya ako.

"Magpahinga ka kailangan alam kong iba ang gagawin mo pero please kuya rest kailangan natin yun dahil mahaba haba ang laban na susuungin natin" pagaalala ko kay kuya. Simula kasi kanina hindi pa din siya masyadong nagsasalita pangiti ngiti lang siya.

"Don't worry magpapahinga ako. Napagod din ako" sabi niya sabay ngiti na naman.

"Sige kuya magpapahinga na din ako. Nacontact mo na ba si daddy?" bigla naman nawala ung ngiti ni kuya.

"Hindi pa, Pero mamaya kapag nakapagpahinga na ako susubukan ko ulit siyang tawagan" sabi ni kuya pumasok na siya ng tuluyan sa kwarto niya.

Ganun din ako pumasok na ako sa kwarto naligo muna ako saka nahiga sa kama. Masyadong madaming nangyari nakakapagod pero hindi pwedeng mapagod dahil kailangan namin magpakatatag para kay mommy. Sana makita na si daddy nagaalala na kami sa kanya.

**********************************************************************************************************

Nagising ako sa sunod sunod na katok. Bumangon ako para buksan ang pinto.

"Kanina pa ako kumakatok ang tagal tagal mo naman gumising" inis na sabi ni Blue.

"Ano ba kasing kailangan mo?" inis ko ring sagot.

"Ito may dala akong pagkain hindi ka pa daw kasi kumakain simula kanina" sabi niya saka pumasok sa kwarto ko.

"Iwan mo na lang jan. tapos lumabas ka na" sabi ko tapos nahiga ulit sa kama.

"Kumain ka muna bago matulog ulit" napairap na lang ako ang ingay ingay niya.

"Iwan mo na lang jan mamaya ko na kakainin hindi pa ako gutom" medyo inis ko na ng sabi.

"Bubuhatin kita or ikaw mismo ang pupunta dito" meron ng pagbabanta sa boses niya na siya naman mas kinainisan ko.

"Hindi ka ba marunong---leche ka talaga Blue"

Lumapit siya sakin at binuhat ako paupo sa upuan kung nasan ang pagkain.

"Now. Eat" inis niya sabi.

"Fine!" inis ko ding sagot.

Kumain na lang ako para matapos na gusto ko pa matulog ulit.

"Happy?" mataray kong sabi pagkatapos kong kumain.

"Very good. Dapat kasi nakikinig ka sa boyfriend mo" mayabang niyang sabi.

"Hindi kita boyfriend" mataray kong sabi.

"Boyfriend mo ko" angal niyang parang bata.

"Ewan ko sayo Blue" yun na lang nasabi ko.

Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si kuya Red.

"Blue?" nagtatakang tanong ni kuya Red.

"Anong kailangan mo?" tanong din ni Blue.

"Titingnan ko lang sana kung okay lang ba si Gabbie" seryosong sagot ni kuya Red.

"Okay naman siya pwede ka na umalis nakakaistorbo ka samin ng girlfriend ko" masungit na sabi ni Blue.

"Girlfriend?" nagtatakang tanong sakin ni kuya Red.

"Wag kang maniniwala jan hindi yun totoo kuya Red" pagpapaliwanag ko.

"Tss" bulong ni Blue.

Siniko ko muna siya bago sinagot si kuya Red. "okay na ako kuya Red nakapagpahinga na ako saka nakakain na din ako dinalhan ako ni Blue"

Nanatiling seryoso ang mukha ni kuya Red nakatitig siya kay Blue habang tong isa walang pake dahil pinaglalaruan ang kamay ko kaya naman hinila ko ang kamay ko sa kanya.

"Bakit mo kinuha?" angal niya sa ginawa ko.

"Hindi ka pa ba aalis? Saka sayo ba tong kamay ko? Kung makareklamo ka jan" tanong ko.

"Hindi babantayan kita" masungit niyang sabi. Sabay irap niya pa.

"Hindi ko kailangan. I can take care of myself" sabi ko.

"Kahit pa. Saka boyfriend mo ako dapat lagi mo akong nasa tabi" katwiran niya.

"Hindi nga kasi kita boyfriend kulit naman" medyo naiinis kong sabi.

"Ilang beses na kitang nahalikan" pagmamalaki pa niya.

Namula naman ung mukha ko dahil sa sinabi niya napatingin ako kay kuya Red.

"hindi yun totoo" pagpapaliwanag ko kay kuya Red.

"ah hindi pala totoo" sabi niya.

Walang sabi sabi hinila niya ako at hinalikan sa labi sa harap ni kuya Red.