Chapter 19
Nakapagisip isip ako habang magisa ako. Kaya naman nung dumating si kuya at mommy kinausap ko kaagad si kuya.
"Kuya nakausap ko na si Irene" biglang nagbago ang mukha ni kuya.
"How?" nagtatakang tanong ni kuya.
"Dinala siya ni Blue dito"
"That bastard!" Galit na sabi ni kuya.
"Don't worry. I'm fine. Actually i think I'm fine now i can go back now" lumambot ang expression ni kuya.
"Ibig bang sabihin--" Ngumiti ako at tumango.
"Welcome back my princess!" Niyakap niya ako ng maigi.
"Thank you" niyakap ko din si kuya pabalik. alam kong nahihirapan sila mommy at kuya pabalik balik sakin dito.
"For what?" Masayang tanong ni kuya.
"For everything for being understanding. Kaya mahal na mahal ko kayo ni mommy" mas niyakap ako ni kuya.
Sumama na ako pabalik sa kanila pero sinabi ko kay mommy kailangan ko pa din ng psychologist.
"Welcome home!" Sabay na sabi ni mommy and kuya.
"Thanks mom and kuya" alam ko masaya si mommy at kuya sa improvements na nangyayari sa akin.
"Anything for you baby" niyakap ako ni mommy.
"I'll just go up. Magpapahinga lang ako bago ako pumunta sa doctor"
"Sure rest well your brother will accompany you" masayang sabi ni mommy.
"No, Mom i will go by myself. And besides kuya is busy. I can take care of myself" sabi ko kay mommy bago ako umakyat.
"Okay, if that's what you want. Just be careful okay?" Pagaalala ni mommy.
"Yeah. I'll rest na po" umakyat na ako hindi pa ako nakakahiga sa kama ko ng magring ang phone ko.
"Seriously?"
"Hello" in monotone.
(How are you? I heard umuwi ka na)
"I'm fine you don't need to check me from time to time"
(I know but i can't stop) somethings wrong with my heart.
"Shut up. You know what Blue stop this crap. I know you're just doing this because you're guilty with what happen to me so just stop!" Alam kong yun lang naman talaga unv dahilan kung bakit siya ganito sa akin.
(What?! Wala ba akong karapatan na magalala sayo?) Inis niyang sabi.
"Of course! Hindi naman kita boyfriend para magalala sa akin kaya wala kang karapatan" inis ko din sabi.
(Then make me...) Nagulat ako sa sinabi this is not true.
"What? Do you even know kung ano yang sinasabi mo Blue! Just leave me alone. And stop calling me!" Pinatay ko na ung tawag alam kong kapag may sinabi pa siya atakihin na ako sa puso.
Hindi na ako nakapagpahinga dahil naiisip ko lang ung sinabi ni Blue kaya naman naisip ko na lang na pumunta na sa doctor ko. Ano kayang nangyari dun feeling close naman masyado.
Tinext ko si mommy na paalis na ako.
"What now?"
"Sabi mo stop calling you but you never said na bawal akong pumunta sa inyo" inosente niyang sabi.
"Yeah. Thank you dahil maganda yang suggestion mo. From now on--- wait what are you doing" bago ko pa matapos ung sasabihin ko nahalikan na niya ako.
"So now girlfriend na ba kita?" Naguguluhan niyang tanong.
"What the hell!?" Sinampal ko agad siya. Lapastangan eh.
"Para saan naman yun?!" Galit niyang sabi.
"Who told you to do that!?" Tinulak ko siya sa sobrang inis kasi naman!
"Ang gulo mo naman eh! Sabi sa akin ni Orange kung gusto ko daw maging girlfriend ang isang babae halikan ko lang magiging girlfriend ko na" inis niyang sabi. "I just don't get it kung bakit mo ako sinampal!" Pahabol niya.
"Well FYI lang hindi ganun okay kailangan mong manligaw para maging girlfriend mo ung isang babae" galit kong sabi kasi hindi ako makamove on dun sa halik. Kinuha na nga niya ung first kiss ko tapos ngayon pati second kiss ko kinuha niya na din. Bwisit talaga sa buhay tong si Blue.
"At dapat mahal mo ung babae na liligawan mo! Bakit mahal mo ba ako?" Diretso kong tanong.
"Hindi..." Seryoso niyang sagot.
"Tinganan mo so---"
"Pa ata. Hindi ko alam basta parang malapit na dun hindi ko lang alam" siraulo pala to eh.
"alam mo ba yang pinasasabi mo Blue? nainlove ka na ba before do you even know what love means? saka ikaw magkakagusto sakin? nagjojoke ka ba?" inirapan ko kasi naman parang tanga.
"oo alam ko hindi naman ako tanga! kung joke lang to bakit lagi kitang naiisip?! bakit lagi akong nagaalala sayo?! bakit gusto kita langing makita?! bakit kahit mo ko kinakausap masaya na ako!? sige nga sabihin mo sakin kung joke to?" napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.
"ewan ko sayo!" hindi ko na siya sinagot at tinalikuran ko na siya.
"bakit hindi mo masagot?" napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya.
nilingon ko muna siya bago ako sumagot. "feelings mo yan bakit sakin mo tinatanong? ikaw humanap sa mga tanong mo!"
"kanino ako magtatanong?" nakabeast mode na ako nakakaasar kasi tong blue na to.
"problema mo na yun!" sigaw ko sa kanya.
"AISH ANG GUGULO NIYO NAMAN KASING MGA BABAE! PUT---" hindi na niya tinuloy ung sasabihin niya.
"minumura mo ba ako?" tinaasan ko na siya ng kilay.
"HINDI!" inis niyang sabi.
"sinisigawan mo ba ako?" sabi ko.
huminga siya ng malalim. "hindi"
naalala ko ung check up ko. "bwisit ka malelate ako sa appointment ko!" nagsimula na akong maglakad sana may dumaan na taxi.
"sumakay ka na ihahatid na kita" inirapan ko lang siya. "wag ka na kasi magpabebe" ayan na naman siya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang loob ko.
"ayoko nga sabi diba umalis ka na kasi please lang habang mahinahon at mabait pa akong nakikiusap sayo" ngnitian ko pa siya.
Buti na lang may dumaan na taxi at nakasakay ako kaagad. hindi naman ganun kalayo ung ospital hindi rin ganun karami ung tao buti at hindi ako nalate kasi late dumating si doctora.
"Kamusta ka na Gabbie" tanong ng doctor.
"Medyo okay na po. Nakausap ko na din po ung taong may dahilan kung bakit ako nagkaganun" sabi ko.
"Mabuti naman good signs yan na bumuti ka na. Pero I suggest na I try mong makipagsocialize" napayuko naman ako sa sinabi ng doctor.
"Hindi ko pa po kaya" mahina kong sagot.
"I understand. But meron ka bang taong makakatulong sayo?" napaisip naman ako.
"pwede po ba ung ka--" hindi ko na natuloy ung sasabihin ko dahil may biglang bumukas ng pinto.
"Ako! Pwede ba ako?" napatingin naman kami ni Doc sa pintuan.
"Blue" pinanlakihan ko siya ng mata.
"Kaibigan mo ba si Gabbie?"
"Girlfriend ko po siya" kaswal niyang sabi.
"Hindi po Doc" pagtanggi ko.
"Naku! sinungaling po yan si Gabbie kakasagot lang po niyan sa akin kanina" pagkukumbinsi niya sa doctor ko.
"Siya po ung sinungaling Doc. Hoy! Blue tumahimik ka na!" naasar kong sabi.
"Alam niyo ang cute niyong tingnan" sabi ng doctor na parang tuwang tuwa pa samin.
Napairap na lang ako sa sinabi ng Doctor.