Chereads / Code Name: Blue / Chapter 15 - PASA

Chapter 15 - PASA

Chapter 15

"GABBIE" may yumakap sa akin kaya naman natauhan ako. What happen?.

"Hush! Kalma lang--ilayo niyo na si blue gamutin niyo din ung sugat niya" utos ni lolo sa mga tauhan na nakabantay sa arena. Hinila na ako ni lolo papunta sa opisina niya.

"Lo!" Histerical kong tawag.

"Iha kumalma ka muna...at akin na yang baril mo" nanginginig kong inabot ung baril kay lolo.

"Lo!" Tawag ko ulit kay lolo.

"Ito tubig inumin mo muna" inabutan ako ni lolo ng tubig pero hindi ko mainumin dahil sa nangyari kanina. Hindi ko naman talaga dapat ilalabas ung baril or kung ilalabas ko man panakot lang di ko gagamitin. Bigla kong naalala kung bakit ko nagawa yun. Kasalanan ni Blue!

"Lo alam mo bang nirereserba ko yun eh dahil nagtatalo pa ako kung sino ang magiging first kiss ko tapos! Ganun ganun na lang! Pinagtatalunan ko pa nga sa sarili ko kung si Lee Junki ba o si Nam Joo Hyuk o kaya naman si Lee Song Juk o kaya naman si Kim Taehyung o kaya si Mark Tuan. Lo mapapatay ko talaga yang Blue na yan!!!! Arghhhhh!!!!" pagrereklamo ko kay lolo. Hindi ko napansin na nabasag ko ung baso. Naku nakakagigil talaga.

"Iha!" Dali daling kumuha si lolo ng first aid kit.

"Lolo wala na ayoko na!!!!!!!! Huwahhhh!" nililinisan ni lolo ang sugat ko sa kamay habang patuloy ako sa pagrereklamo sa kanya. Napaiyak na lang ako pero hindi dahil sa basong nabasag sa kamay ko.

"Iha kumalma ka nga muna at sino ba ung mga pinagsasabi mo? Gusto mo bang ipanagot ko kay blue ung ginawa niya sayo? Ipapakasal ko kayo" bigla akong napatigil sa pagiyak. Kasal?! Kay blue???? NO FREAKING WAY!!!

"LO NAMAN KASAL? IPAPATAY KO SIYA KAPAG PINAKASAL NIYO AKO SA KANYA SWEAR!" nagulat si lolo sa pagsigaw ko.

"Eh kasi apo nung panahon namin kapag nahalikan ka na ng lalaki dapat pakasalan ka na kaagad" pagexplain ni lolo habang tinutuloy ung paggamot sa kamay ko.

"Lo panahon niyo yun. Hindi na ganun ngayon" napairap na lang ako sa hangin.

"Bakit gwapo naman si Blue. Matangkad, matipuno ang pangangatawan, mayaman, mabait"

"Oh please lolo!...kilala ko si Blue at wala akong pake kung matangkad, matipuno, mayaman, mabait? I doubt at gwapo siya? san banda lo? hah! wala siyang binatbat sa mga papabol ko. wala siya sa kalingkingan sa mga papabol ko so don't even try to compare them to him kasi nakakainsulto yun for them lolo" naiinis kong sabi.

"Papabols? Ano ba yun iha?" Sinimangutan ko si lolo para kasi nangaasar.

"Papabols ko ung mga sinabi ko lolo di ka naman nakikinig eh" nagdadabog na ako dahil si lolo mukhang natutuwa sa nangyayari.

"Bagay naman kayo ni Blue apo" tumayo na ako dahil napipikon na talaga ako.

"Ewan ko sayo lo! Hanap ka kausap mo!!" Iniwan ko na siya. Uuwi na lang ako baka sakaling mawala ung badtrip ko.

Mabuti nga dun sa Blue na yun. Wala talaga siyang nagagawang tama sa buhay ko akala niya siguro matatalo niya ako porket ginawa niya ung ki--arghhh iniisip ko pa lang gusto ko na siyang saktan ulit!

"Are you trying to kill me?" kinuwelyuhan niya ako. inirapan ko lang siya.

"No, pero kapag hindi mo tinanggal ung kamay mo baka" sinamaan niya lang ako ng tingin.

"You cheat first!" sinipa ko ung paa niyang nabaril ko.

"I know and I'm not denying it. but your cheat is worst! so sorry ka na lang dala ko ang baby ko eh saka nagdilim lang naman ung paningin ko" nabitawan niya ako at hinawakan niya ung paa niyang sinipa ko.

"What?! WORST?? are you kidding me? for you kiss is a worst cheat? what's with the kiss?" tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pinagsasabi niya.

"Oh yeah! You're a big jerk so you don't know. What is the importance of the first kiss to a girl---"

"You're a girl?" binato ko siya ng bag ko. aba't pinapainit niya talaga ung ulo ko.

"Shut up will you! So ang sinasabi ko ay lahat ng babae ay may dream kiss na ibibigay lang sa kanilang dream guy--you're not even my dream guy--yun lang naman ung kinuha mo sa akin na sana ay ibibigay ko sa lalaking nakalaan para sa akin tapos!--- tapos! Sa isang iglap lang kinuha mo that's why your cheat is worst!" pinagbabato ko siya ng kahit anong madampot ko.

"you're so hopeless romantic...naniniwala ka talaga sa mga ganyan? Ano ka bata pa? Grow up!" inis niyang sabi.

"Ano bang pakialam mo! Kung sa gusto kong maniwala" aambahan ko sana siyang suntok kaso naawa ako kaya sinipa ko na lang siya ulit.

***

"Saan ka nanggaling? At bakit puro pasa yang katawan mo? Bakit may benda ung kamay mo" tiningnan ko lang si kuya wala kasi ako sa mood.

"Kay lolo. Nahulog ako sa hagdan kaya may pasa ako. Tapos may vase pa lang nabasa nung pagkahulog ko naitungkod ko ung kamay ko sa bubog" kumunot ang noo niya kuya dahil sa sagot ko.

"Ilang palapag ba ang binagsakan mo? Mukhang kakaiba rin ung hagdan na pinaghulugan mo" niyakap ko siya kahit na masakit ung katawan ko ngayon ko pa lang kasi nararamdaman ung sakit.

"Iba talaga doon ka lang makakakita ng hagdan na kakaiba" pinitik niya ung noo ko. Aray! Napaka-mapanakit.

"Ayokong mahulog jan sa pinahulugan mo. Sayang naman ung mukha ko at kawawa naman ung katawan ko. Sabagay sayo walang naman mawawala eh" kinagat ko ung braso niya ang yabang kasi.

"Excuse me! Wala sa lahi natin ang pangit pero ewan ko ba ba't nalahian tayo ng unggoy. okay lang yan kuya dahil kahit mukhang unggoy ka love pa din kita!" mas hinigpitan ko ung yakap ko sa kanyan.

"Bi-tiw!...hin-di a-ko ma-kahi-nga!"

"Ano kuya higpitan ko pa? Okay!" mas dinoble ko ung higpit ng yakap ko.

"GABBIE!" sigaww niya. kaya naman bumitaw na ako baka malagutan ng hininga eh.

"Akala ko kasi higpitan pa...akyat na ako kuya bye!" kumaripas na ako ng takbo kasi baka balikan ako eh.

Ngayon ako napapaisip tama kaya ung ginawa ko pero kasi kapag nakafight mode ako alam kong nagiiba ung pagkatao ko parang nakakalimutan kong ako si Gabbie parang may sumasapi sa akin. At siya ang nagtetake over sa akin. Sana okay lang si Blue kahit naman nakakabwisit siyang tao eh tao pa din siya pero tao nga ba siya?

***

"Gabbie punta ka naman ng bahay hindi na tayo nakakapagbonding eh" pangungulit ni Irene.

Hindi ko nga alam sa babaeng to kung bakit nangungulit nakakaasar na nga ayaw akong tigilan kanina pa. Rinding rindi na ako.

"Oo na" suko kong sabi.

"Yes! Magpapaluto na ako ng makakain natin" excite niyang sabi.

"Sa wakas tumahimik din"

"Sayang kakausapin pa naman kita" napatingin naman ako sa nagsalita.

"Orange ikaw pala!" nagsalute lang siya tapos umupo na sa tabi ko.

"Tapos na ba class niyo?" tumango ako. nakapikit kasi ung mata ko.

"Pwedeng magtanong?" tumango ulit ako.

"Pero nagtatanong ka na" narinig kong natawa siya.

"Oo nga naman. Sorna! Pero seryoso itong ung tanong ko ba't ang dami mong pasa?" napadilat ako at tiningnan siya.

"Pasa?" tumango siya. Hindi ko ba natakpan lahat?

"Wala akong pasa" iniwas ko ang tingin ko at tumingin na lang sa sahig.

"Oh talaga? E ano to?" pinindot ung leeg ko.

"Aray!" foot spa yun pa naman ung pinakamasakit. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero ngumiti lang siya.

"So di yan pasa e ano yan?" babatukan ko na sana siya kaso nakashield na ung kamay niya kaya hindi ko na lang tinuloy.

"Ah yan ba? Si kuya kasi ang harot harot alam mo na kapag masyadong na tuwa sa harutan ang mga magkakapatid nagkakapisikalan na" pagsisinungaling ko. Sorry kuya ginamit pa kita sa pagsisinungaling.

"Ohhhh okay" sinamaan ko siyang ng tingin.

"Bakit?"

"Gabbie...Alam ko ang itsura ng pasa kung galing siya sa harutan o galing sa away" Kinabahan ako sinabi niya.