Chereads / I am a Rebound / Chapter 5 - Panaginip at Bituin

Chapter 5 - Panaginip at Bituin

May mga pangyayari na kahit di naman gustuhin ay hindi natin kontrolado. Kahit anong pilit mo kung hindi para sayo, hindi para sayo. Kahit itodo mo pa ang lahat mo. Kung hindi ito para sayo, mawawala at mawawala ito.

Minsan hinahayaan ng may likha na magkamali ka, hindi para hiyain kundi para matuto ka. Basta palagi mo lang tatandaan na pag may nawala, may darating na mas maganda. Kapag may pintong nagsara, meron at merong magbubukas na iba.

Isang bagong mundo para kay Yen ang buhay niya ngayon. Hindi pa man niya nararating ang dulo ng pangarap ay ramdam na niyang malapit na malapit na ito. At nakikinita na niya ang isang malaking opurtunidad na naka abang sa dulo nito.

Batid niya na hindi madali mamuhay sa reyalidad.

Bago pa man siya pumasok sa unibersidad ay alam na niya ang mukha ng tunay na buhay. Mahirap. Madalas ay hindi patas. Pero iyon ang kalakaran ng mundo. Ang mahina ay maiiwan at ang mananatiling nakatayo ang magtatagumpay.

Sa kalaliman ng gabi ay mulat pa rin ang mata ni Yen. Hindi niya maintindihan kung bakit pa siya gising na gising. Sabado na bukas. Naisurvive niya nanaman ang isang linggo. Apat na buwan pa. Dinadasal niya na sana ay hindi siya matulad sa mga ibang nagsipagtapos na nabakante ng matagal. Ang nais niya ay makapagtrabaho agad. Sana... Dahil may pamilya siyang sinusuportahan.

17 palang si Yen ay naghahanap buhay na siya. Naawa kase siya sa kanyang ina. Dati silang naninirahan sa Maynila. Nangungupahan sila sa isang squatters area. Walang trabaho noon ang kanyang ama. At ilang taon itong nasa bahay lang. Walang ginagawa kundi manood ng t. v at humilata. Nag aaral ang kanyang bunsong kapatid. At tanging nanay niya lamang ang sumusuporta sa kanilang pagkain, pambayad sa renta, pampaaral sa kapatid niya, pambili ng alak at sigarilyo ng kanyang ama.. kaya napilitan siya magtrabaho na lamang kesa ituloy ang pag aaral. Sobrang hirap ng buhay nila noon.

Kalaunan ay napag desisyunan ng magulang niya na umuwi nalang ng probinsiya para magsaka. Ang nanay niya ay patuloy pa rin sa paglalabada. Doon sila medyo nakaluwag. Nakaluwag dahil tatlong beses na sila kumain sa isang araw. Kahit papaano ay hindi na sila nauubusan ng bigas.

Ayaw niya na maranasan ang gayon. Sawang sawa na siyang makita ang nanay niya na hirap na hirap. Tuwinang inaatake ito ng asthma ay wala din silang magawa. Kahit nga pambili ng gamot noon, wala.

Naluluha si Yen pag naalala niya yong araw na nagpapakulo lamang sila ng tubig. Lalagyan ng asin sibuyas at vetsin para magkalasa at iyon na ang kanilang pagkain. Minsan ay nagsasalu-salo sila noon sa isang pirasong tuyo. Ang mga panahon na iyon ay doon din nakapisan ang asawang buntis ng kanilang panganay na kapatid. Walang wala silang malapitan noon. At hindi niya pa alam kung papano siya makakatulong.

Sa paglalakbay ng kanyang diwa ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Mahimbing...

Makulimlim ang langit.

Kahit na nagbabadya ang ito sa pagsusungit ay hindi pa rin alintana ng mga tao ang nagbabadyang ulan.

Abalang abala pa rin ang mga nagtitinda.

Buhay na buhay ang kalsada sa dami ng sasakyan na pabalik balik...

Si Yen ay nakatayo sa tapat ng isang tindahan.

Naghihintay.

Nanonood sa mga nagaganap sa kanyang paligid.

Meron siyang kakaibang kabog sa kanyang dibdib.

Kinakabahan? Excited? hindi niya maipaliwanag.

Bago pumatak ang ulan ay may lalaking tumayo sa kanyang harapan.

Mga 5'6 ang taas.

Katamtaman ang katawan.

Naka T-shirt ng stripes.

Naka shorts ng kulay.... hindi na niya maaninag ang kulay nito.

Pag tingala niya sa mukha ay nakita niya ang seryosong mukha nito. Bilugan ang mata... Ang ilong, ang bibig.... bakit parang malabo??

" Sandali! "

At biglang buhos ng malakas na ulan.

Naalimpungatan si Yen sa kung anong lamig na kanyang naramdaman. Hinagilap niya ang kanyang kumot. Tiningnan niya ang oras. Alas tres ng madaling araw. Bumangon siya at kinalabit si Cath. Nang magising ito ay sinabayan niya ito mag almusal.

Pagkatapos ay gumayak ito at umalis. Naiwan si Yen mag isa. Maya maya lang ay gumising na din sina Margie, Thalia at Anna. Nag uunahan na ang mga ito sa pagligo. Lahat sila ay may pasok. Iwan si Yen mag isa. Kaya kahit napaka aga pa ay nag umpisa na siyang maglaba. Hindi na siya makakatulog dahil sa kakaibang panaginip niya.

Madalas niya nakikita ang lalaking iyon sa kanyang panaginip. Ang bulto lamang ng katawan nito ang malinaw ngunit ang mukha ay hindi niya naman maaninag. Parang isang larawang malabo at niluma ng panahon. Pero sa pagkakataong ito ay nasilip niya ang mga mata nito. Malinaw ang bilugan nitong mata na waring nangungusap. Napailing siya.

Naalala niya.

Noong bata pa siya ay radyo ang kanyang libangan. Wala silang T. V noon. Kaya nakikinig lamang siya ng drama. Sa segment ni Tiya Dely noong araw ay may "Ang Tangi kong Pag-ibig." Wala na ito ngayon at malamang hindi na din tanda ng mga batang nakasabayan niya noon.

Isang araw ay naaliw siya sa kwento ng isang matandang letter sender. Ang kwento nito ay tungkol sa mga bituin. Ang sabi niya, para daw malaman mo kung sino ang lalaking makakatuluyan mo, magbilang ka daw ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi. Kailangan daw ay tuloy tuloy iyon. Kung halimbawa ay naka walong gabi ka na, at sa ika siyam na gabi daw ay umulan, o nagbilang ka at sa pang walong araw ay iyong nakalimutan, mag uumpisa ka lang daw muli sa umpisa. Kailangan sunod sunod daw iyon.

Pag nabuo mo daw ang siyam na gabi, ay lalabas daw ang iyong prince charming o ang taong iyong makakatuluyan sa iyong panaginip. Sa panaginip mo raw, kung sino ang taong mag aabot saiyo ng isang basong tubig, ay iyon daw ang taong makakatuluyan mo. Kung matatandaan mo ang panaginip mo. 😊

Sa kwento ng matandang lalaki ay ginawa niya daw ito. Ang tagal daw bago niya nabuo ang siyam na gabi. Lagi daw kaseng umuulan kapag malapit na itong matapos. O kung hindi naman umulan ay nakakalimutan niya. Pero nagawa niya daw itong mabuo at totoo nga daw na ang nakita niya doon, ay yung asawa niya ngayon.

Nagkita daw sila ng kanyang asawa sa barko. Nagkabanggaan ng hindi sinasadya. At doon sila nagkakilala. Unang kita palang daw ni lolo dito ay alam na niya na ito ang nakatadhana sa kanya.

Pareho na raw silang senior, at talagang masaya siya sa naging kwento ng buhay pag ibig niya.

Namangha si Yen.

Meron palang ganon?

Ginawa ito ni Yen.

Bata pa siya noon.

Grade 6??

Hindi niya matandaan basta nagsisimula na siyang magkaroon ng crush.

Nanaginip nga siya ng uhaw na uhaw daw siya. Sobrang tuyo na ang lalamunan niya at kung saan saan na siya naghanap ng tubig.

Nakakita siya ng gripo sa gilid ng daan. Ngunit walang tumutulong tubig doon.

Hanggang may nakita siyang bahay sa di kalayuan at nasalubong niya ang isang lalaki. Wala siyang sinabi dito ngunit dali dali itong pumunta sa kusina nila, kinuha ang baso nilang pinaka maganda at pinuno ng tubig iyon. Nagising si Yen pagkatapos niyang uminom. Ni hindi niya man lang naaninag ang itsura ng nagbigay sa kanya ng maiinom. Naloko yata siya ng matanda.

Subalit simula noonay lagi nang lumalabas ang lalaking walang mukha sa kanyang panaginip.

Palagay niya ay may koneksiyon yon sa lalaking napanaginipan niya kagabi. Naisip niya kase na hindi lang naman kagabi lumabas sa panaginip niya ang lalaking yon. Maraming beses na. At sa panahinip niya, tuwing makikita niya iyon ay masayang masaya siya. Minsan naman ay nakakaramdam siya kakaibang kaba. Hindi niya alam kung baliw ba siya o baka epekto lang yon nung nagpapaniwala siya sa drama. Pero sulat yon ee. Hindi naman iyon likhang isip.

Wierd ba?

Pagkatapos ng labada ay wala na siyang ibang naisip gawin. Pinili niyang matulog ulit pero sino ba naman ang makakatulog sa katirikan ng araw? Kaya naisipan na lamang niyang pumunta sa salon at paiklian ang buhok. Di ba nga pag bigo nagpapagupit?

Naaliw naman siya sa bago niyang ayos.

Umaliwalas ang kanyang mukha at nagmuka siyang bata. Niyahaha! Panay ang titig sa salamin, selfie dito, selfie doon. Nakabili na nga pala siya ng bago niyang cellphone. 😅 Android na din ito. Kaya pwede na siya mag selfie at mag FB. Gayunpaman mas komportable pa rin naman siya sa de keypad te. Bukod sa maliit eh pwede pantatching.

Alam mo yung tatching?

Dimo alam noh?

Rich kid ka kase. 😆