Chereads / I am a Rebound / Chapter 9 - Sick Call

Chapter 9 - Sick Call

Naging parte ng araw ni Yen si Jason.

Araw araw ay kausap niya ito sa text.

Textmate sila. Nga lang nauna na muna mag meet bago naging magka text.

Pag gising sa umaga may goodmorning

Pagtulog sa gabi ay may pa-sweet dreams.

Mainit ang singaw ng mata ni Yen pag gising niya. Masama ang pakiramdam niya pero pinilit niya pa rin pumasok. Pagdating niya trabaho ay parang mas lumala ito. Kahit mainit at naka-jacket na siya giniginaw pa rin siya. Naninindig ang balahibo niya at parang nanginginig siya sa lamig. Nanlalambot siya at parang gusto niya nang mahiga.

Dahil inaapoy na siya ng lagnat ay napilitan siyang magpaalam sa kanyang boss. Pumayag naman itong umuwi siya nang maaga at nagbilin na tumawag sa clinic para sa sick call.

Pagdating ng bahay ay agad siyang nahiga at natulog. Hindi na niya nagawang kumain ng hapunan dahil hindi na siya makabangon. Isa pa wala na rin siyang ganang kumain.

Kinabukasan ay lalong lumala ang kanyang pakiramdam. Ngayon ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasakit siya na malayo sa kanyang pamilya. Hinahanap hanap niya ang kalinga ng kanyang ina. Kahit na panay ang bunganga nito ay dama mo na may nag aalala at nag aalaga sayo. Mahirap pala magkasakit pag mag isa ka. Naisip ni Yen.

Trangkaso.

Mag isa nalang siya sa kwarto ngayon. Ang mga kasama niya ay nagsialis na at nagsipasok. Nakabalot ang buo niyang katawan ng kumot. Nanginginig siya sa lamig. Nang naulinigan niya na tumutunog ang kanyang phone. Naalala niya na kailangan niya palang tumawag sa clinic para mag sick call. Inisip niya na baka tumawag ang kanyang boss. Nasa uluhan niya lang ang phone kaya agad niya itong inabot. At tinapat sa tenga niya. Nakapikit siya at hindi niya na tiningnan pa kung sino ang tumatawag. Masamang masama talaga ang pakiramdam niya.

"hello?"

"di ka daw pumasok? " naulinigan niya ang boses ni Jason sa kabilang linya.

"hindi" tipid na sagot niya.

"hang over?" muling tanong nito.

Umiling si Yen na akala mo ay nakikita siya ng kaharap. Wala siya sa mood lumandi. Ayaw niya ng kausap. Gusto niya magpahinga. Hindi na niya naintindihan ang mga huling sinabi nito. Ewan niya kung nawalan ba siya ng ulirat o nakatulog.

Medyo magaan na ang pakiramdam ni Yen nung namulat siya ng mata. Inikot niya ang paningin niya at nagulat siya nang mabungaran niya si Jason.

" Gising ka na" sabi nito.

" Andito ka." sabi naman niya.

" Nawala ka kanina nung kausap kita. Kaya nag early out ako at tumakbo dito. Mabuti nalang at pinayagan ako ni Madam Lucille pumasok" kwento nito.

Hindi siya sumagot

" Inaapoy ka ng lagnat kanina. Nagdidiliryo ka yata kase tinatawag mo nanay mo. " nakatawang sabi nito.

Pinandilatan niya ito.

At napahagalpak naman ito ng tawa.

" Kumain ka na. " sabi nito.

Ngayon niya lang napansin na may dala pala itong bowl.

"Nakiluto ako sa kusina ni Madam" wika nito.

" May binili akong mga prutas at gamot." dugtong nito. Sabay turo ng supot sa gilid ng kanyang higaan.

Hindi malaman ni Yen kung ano ang mararamdaman. Bakit ba ganito ito? Hindi siya sanay na may ibang taong ganon kanya. Naiilang siya. Gayunpaman ay nagpasalamat siya dito.

Ibinangon siya nito.

"Kumain ka, para makainom ka ng gamot at makapagpahinga. "

Hindi na siya nag atubili pa. Walang arte, arte niyang inubos ang pagkaing ihinanda nito. Infairness, masarap siya mag alaga. 😅

Nung nakainom na siya ng gamot ay hinayaan lang siya nitong mahiga.

" Bakit ka pumunta?" tanong ni Yen dito.

" Eh syempre, may sakit yung girlfriend ko" sagot nito.

Tila nabingi si Yen sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Nagkamali yata siya ng dinig.

" Anu daw? " muli ay naisalabi niya.

" Ayaw mo ba? " tanong nito.

" Pano si... " magkasalubong ang kilay niyang tanong.

" Wala na nga diba? " sabi nito.

" Baka maayos pa... " sabi ni Yen.

" Ayaw ko na. " sagot ni Jason.

" Pano kung bumalik siya? " tanong ni Yen.

" Wala na siyang babalikan. " sagot ni Jason.

Tumahimik si Yen. Papano nga kung mangyari ang gayon? Maiiwan nanaman siyang luhaan. Pero ganon naman talaga, pag nagmahal ka, masasaktan ka.

" Natatakot ka masaktan? " tanong nito.

Tiningnan lang ito ni Yen.

" Hindi ko ipinapangako na hindi ka masasaktan. Dahil hindi ko naman alam kung ano ang mangyayari bukas. "

Hindi ulit siya kumibo.

" Paano mo mararanasang magmahal at mahalin kung takot ka masaktan? " sabi pa nito.

Ngumuso si Yen at hindi pa rin sumagot.

" Pagdating ng mga kasama mo, uuwi na ko. " paalam ni Jason.

" Kailangan mong magpahinga." dugtong pa niya.

Pagkarinig ni Yen na aalis na ito ay parang may kung anong kumurot sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay gusto niya pang makasama ito nang matagal. Gusto niya pa itong makausap. Ibang saya ang dulot sa kanya na makita ito. Ngayon niya lang din naranasan ang gayon.

Sana ay matagal pang dumating ang mga kasama.

Subalit maya maya lang ay dumating na sina Thalia at Margie.

Medyo nag alangan ito pumasok.

Ngumiti naman si Jason at humingi ng pasensiya sa mga ito.

" Pasensiya na kayo at kailangan ko lang alagaan ang baby ko. " sabi nito.

Anu daw? Sobrang lakas nanaman ng kabog ng dibdib ni Yen. Juiceko po ang lalaking ito ay papatayin yata ako sa kilig. Naisaisip ni Yen.

Nagtalukbong siya ng kumot para di nito makita ang namumula niyang mukha.

Tumawa naman ng marahan ang dalawang bagong dating.

Dahil ramdam na ni Jason na kailangan niya nang umalis, hinila nito ang kumot na nakatalukbong kay Yen. Para makita ang mukha nito.

" Uwi ka na? " nakangiting tanong ni Yen.

" Oo. Magpagaling ka. tatawag ako mamaya. Uminom ka ulit ng gamot after 4 hrs. kumain ka muna. Ikukuha lang kita ng pagkain para di ka na bumaba mamaya. " sabi ni Jason. At lumabas ito ng kwarto.

Paglabas na paglabas nito ay nagtitili sina Thalia at Margie.

"Yeeeeeeen!!! nikikilig ako grabeeeeeeee!! " impit ang tili ni Thalia na pilit namang pinipigilan ni Yen.

" Ssssshhhh!! Huy magtigil nga kayo.Mamaya na kayo mag ganyan. Hold muna. " pigil ni Yen dito.

Sakto naman ang pagkatok nito sa pinto. May dala itong pagkain para sa hapunan ni Yen. Pagkalapag nito sa gilid ng higaan ay humalik ito sa kanyang noo at nagpaalam nang uuwi.

Hindi ito pinigilan ni Yen at marahang lang siyang tumango at ngumiti at nagpasalamat

" Thank you." sabi ni Yen

" Basta ikaw" sagot nito.

" Alis na ko. "

Tumango nalang si Yen. At si Jason naman ay lumabas na ng pinto. Sinundan ito ni Thalia at nang masiguro nito na nakalabas na nga si Jason ay naglulundag ito at impit pa rin ang tili.

" Hoy!! ligalig! " saway ni Yen dito.

"Mabuti pa Yen may lovelife." ani Margie

" Hindi ko siya lovelife. " sagot ni Yen

" Baby lang?? " nanunudyo ang ngiti nito.

" Hindi pa sa ngayon" sabi ni Yen.

" Pero may pag kiss sa noo. " tudyo ulit ni Thalia.

" Whatever!! " at muli siyang nagtalukbong ng kumot.

Sa status niya ngayon ay hindi na siya makakatulog. Matapos kabugin nang husto ni Jason ang kanyang dibdib at matapos siya nitong pakiligin ng sobra ay ewan ko nalang niya kung hindi pa siya gumaling.