Chereads / I am a Rebound / Chapter 6 - Jamming

Chapter 6 - Jamming

Araw ng linggo ng hapon.

Walang maisip gawin si Yen kaya kinuha niya ang kanyang gitara at nagtungo sa paborito niyang pwesto doon sa karinderia ni Madam Lucille. Kapag ganitong tamad siyang gumala at wala naman siyang kailangan sa labas ay madalas tumatambay na lamang siya dito. Mas mabuti ang ganito at walang gastos.

Nakikipag kwentuhan sa kung sino man ang taong nandoon. Madalas si Madam Lucille din mismo ang kausap niya. Kaya siya malapit dito. Ipinaghahain naman siya nito ng meryenda. Libre at walang bayad. Kaya naman minsan ay tinutulungan niya ito sa paghuhugas ng plato at pagbabantay sa tindahan nito tuwinang bakante ang kanyang oras.

" aba maigi pa, haranahin mo ako nang ganahan naman ako magluto" ani Madam Lucille. nagluluto ito ng putahe sa hapunan.

" tambay muna mother. Pagod na ko kakahiga. " sagot ni Yen habang nag uumpisa nang sumipra ng gitara niya.

Maya maya pa ay nagsilabasan na ang mga boarders sa lungga nila. Si Michael ay may dala ding gitara. Sumali na din sina Jonathan at Richard na taga kanta nila. Masaya silang nagkantahan at maya maya pa ay nag lagay na ng alak si Simoun sa lamesa nila. Nag inuman na sila. Si Simoun at Jonathan ang madalas mag inom. Halos araw araw ay nag iinom ito para daw makatulog. May pagkakataon na nakikisali si Yen sa mga ito pero hindi ganoon kadalas.

Nauwi sa jamming ang pagtambay ni Yen.

At nag enjoy naman ito.

Sari saring kanta ang kanilang tinugtog. Kasunod ng mga halakhakan at biruan. Naaliw naman si Madam Lucille at nakisali din sa kwentuhan. Panay ang lagay nito ng pagkain sa mesa. Maging ang mga babaeng kasama ni Yen sa kwarto ay nakisali na din ang iba ay tahimik lamang na nakikinig. Maya maya ay kakantyawan ang mga nakaka-relate sa mga kantang pambigo. Si Cath ang naging pulutan ng tudyo. Hanggang sa maluha na ito nang tuluyan.

Alam ni Yen na mabigat ang pinagdadaanan nito.

Pero sa kanyang palagay ay hindi nito dapat ikinukulong ang sarili sa lungkot. Dalawa ang uri ng problema. May madaling malutas, at mayroong ding mahirap. Gayunpaman, ay may solusyon iyon lahat. Kung dahil sa mga problema mo ay pahihirapan mo ang sarili mo at pipigilan mong maging masaya, ay parang nag uumpisa ka palang mag resolba, ay talo ka na. Para kay Yen ay libre ngumiti. At habang may pagkakataon ka, pilitin mong maging masaya. Ika nga nila, laughter is the best medicine.

Pagkatapos naman sumungaw ng luha sa mata ni Cath ay agad naman siyang inalo ni Alvin. Natawa naman ito at nagpaliwanag na nadala lang siya ng kanta. Pinalo palo nito si Alvin habang tumatawa.

Malaki na din ang pinagbago ni Cath. Simula noong naging ok sila ni Yen ay nagsimula na din itong makihalu bilo sa iba. Madalas na din ito nakangiti at maaliwalas na din ang mukha. Nawala na din ang witch aura nito. Noong una kase itong nakita ni Yen ay mukha talaga itong witch. Itim na itim ang mahaba nitong buhok. Tuwid na tuwid. Palagi pa itong nakalugay at halos matakpan na ng buhok ang maliit nitong mukha. Matangos ang ilong at ang maninipis ang labi na laging simangot. Ang mata nito ay matalim kung tumingin. Ang kilay nito ay laging magkasalubong. Minsan nga ay inabutan ito ni Yen ng walis.

" Aanhin ko yan? " tanong ni Cathy habang nagsusuot ng kanyang sapatos. Papasok siya noon sa kanyang trabaho.

" Sakyan mo para epic. Bagay sayo. " seryosong sabi ni Yen dito.

" Hahahaha siraulo! Alis na ako. " Sagot nito. Pagkatapos ay walang lingon lingon na lumabas ito sa pinto.

" Loka ka talaga Yen. " sabi ni Madam Lucille

" Joke lang yon mother" sagot ni Yen.

Nagtawanan naman sila Ana, Thalia, at Margie.

Hindi sila natawa sa joke.

Natawa sila dahil ang lakas ng loob ni Yen na biruin ng ganoon si Cath.

Wala pang gumagawa ng ganun kay Cathy. Maliban sa kanya.

At wala ding nakapag patawa nito, maliban din sa kanya.

Nagpatuloy ang tawanan at kwentuhan nila. Hanggang sa lumalim ang gabi, at isa isa na silang nagsipanhik sa kani-kanilang kwarto para magpahinga.

Kakatapos lang ni Yen maglinis ng katawan at magbihis ng pantulog. Nang tumunog ang kanyang cellphone. May dalawa pala siyang text.

Ang una ay galing sa kanyang kapatid humihingi ito ng pera para sa allowance sa school. Alam kase nila an akinse na, kaya may text na siya.

Oo... nakakatanggap siya ng pangungumusta galing sa pamilya tuwing kensenas at katapusan lang. Wala naman ding masama dahil obligasyon niya nga namang tumulong sa magulang, at sa kapatid nitong nag-aaral.

Ang pangalawa ay....

Number lang? Sino to? Tanong ni Yen sa sarili.

[ hi.. ]

Hindi na nag abala sumagot si Yen. inilapag niya ang cellphone niya at bago pa man niya ito bitawan ay tumunog ito ulit.

[ haha si Jonathan ito... ]

Nagpakilala ito. Alam nito na hindi siya sasagot pag hindi niya kilala. At isa pa, kung talagang importante ang sasabihin ay tatawag ito. Sabi niya sa isip.

[ bakit? ]

sagot ni Yen

[ pwede manligaw? ]

muling sagot nito.

[ loko! tanong mo muna sa asawa mo kung pwede ka pa manligaw. ]

Mga lalaking ito. Kahit may mga asawa na ay talagang manlalandi pa din talaga. Kawawa naman ang mga babaeng marurupok na nangangarap matagpuan ng kanilang prinsipe. Kaya maraming naloloko dahil sa mga ganito. Totoong biro lang nila ang gayon eh papano kung seryoso ang biniro? Papatulan nalang nila tapos anu? Ang babae eh nganga na? Dalagang ina? Walang dangal? Luhaan? Anak ng pusa!! Mga lalaking ito pag nakakapanloko akala mo kega-gwapo. Parang ikina-pogi nila yung maka-uto ng babae. Halos magsalubong na ang kilay ni Yen nung nabasa ang sumunod na text ni Jonathan. Alam niyang may asawa at anak na ito dahil naikwento na halos lahat ni Madam Lucille sa kanya ang mga buhay buhay ng mga tao doon. Oy, hindi naman siya tsismosa ha. Nagkataon lang na naikwento ito sa kanya. At natural lang din na kilalanin niya ang mga taong nakapaligid sa kanya.

[ hahahahaha! ang sungit naman. ]

sinendan niya ito ng galit na emoji.

😠😡😠

[ hahahahaha! kinukumusta ka pala ni Jeff ]

lalong nagsalubong ang kilay ni Yen nung nabasa ito.

[ ngayon lang. sabi niya may konting handaan daw sa birthday niya inaya ako. baka daw gusto mo sumama. ]

Anu daw?

Bakit ba ganoon?

Pagkatapos mo mabroken at ma-hurt, pag dumating sa punto na medyo ok ka na. At unti unti ay natatanggap mo na hindi para sayo ang tao. Saka naman ito parang langaw na didisplay sa ibabaw ng tae buset!!

Hindi mo alam kung nananadya ba o kung talagang sinusubok ng tadhana ang iyong karupukan.

At bakit naman siya sasama? Si Jeff ba nag invite sa kanya? No way!

Hindi na siya sumagot.

Sapat na yon para malaman ni Jonathan sa hindi siya interesado.

Para anu? para paasahin ulit ang sarili?

Magtanga tangahan nanaman? Neknek niya ui!

Isa pa baka palusot lang ni Jonathan yon dahil nasupalpal niya.

Hay makatulog na nga.