Dahil nga iisa ang kanilang inuuwian ay namuo ang panibagong pagkaka-ibigan. Namuhay sila na halos parang magkakapatid na ang turingan sa isa't isa. Sabay sabay ang kainan, huntahan, tawanan... Anupa't pati si Madam Lucille ay naaliw sa kanilang samahan. Ang kwento niya ay ngayon pa lamang daw nangyari na nagkaroon ng magandang samahan ang mga boarders na nangungupahan doon. Kadalasan daw ay walang pakealaman at may kanya kanyang mundo. Natutuwa si Madam Lucille na nakikitang nagsa-salo salo sila Yen at ang iba pang boarders niya, yung mga datihan at mga baguhan ay nagsi-share sa iisang mesa. Nagku-kwentuhan at sa tuwing gabi nakikisali din si Madam Lucille sa mga ito.
Madalim na ng makauwi si Yen. Kabababa palamang niya ng service nang biglang may humila ng sa kanya. Muntik na siyang mapasigaw sa gulat. At bago pa man kumawala ang boses niya ay naawat na siya ni Sam.
Si Sam... si Sam ang humila sa kanya. May bitbit itong malaking backpack sa kanyang likuran, at tila malayo ang pupuntahan nito.
" Saan ka pupunta? " maang na tanong ni Yen dito.
" Sasama sana ako sa outing.... Malungkot na wika nito.
" Kaso ay iniwan nila ako" dugtong nito.
Ramdam niya ang pagkadismaya ni Sam. Pero kung dahil sa outing lang grabe naman ang lungkot. Kahit hindi ito nagsasalita ay dama ni Yen ang na may dinadamdam ito. Kita niya sa mata nito ang lungkot at kahit tumatawa ito ay hindi umaabot sa mata ang ngiti.
Inakbayan niya si Sam at inaya nang umuwi.
Sumunod naman ito. Halos magkasing tangkad lamang sila ni Sam. Mga nasa 5'4 ang height nito. Kaya madali lang niya ito maabot. Habang sa daan ay lulugo lugo ito. Hindi na lamang si Yen kumibo at patuloy itong pinagmasdan.
Maya maya pa ay tahimik na sila pareho.
Hanggan makarating sila sa compound nila Madam Lucille.
" Gusto ko kumain ng burger" sabi ni Yen kay Sam bago sila pumasok ng gate. Bahagya naman siya nitong nilingon.
" Samahan mo ako ililibre kita. " sabi niya ulit dito.
" Uwi mo muna yang mga gamit mo sa kwarto niyo. Bihis lang din ako. " wika niya at marahan naman itong tumango.
Parang bata ito na inagawan ng kendi. Kahit hindi magsalita ay alam niya na may pinag dadaanan ito. Mas mabigat kesa maiwan sa outing.
Nagbihis lamang si Yen ng pambahay.
Maiksing shorts at T-shirt
Kinuha niya ang kanyang Cellphone at coin purse. Saka siya muling lumabas.
Paglabas niya ay nakatayo na si Sam sa harap ng pinto. Tahimik silang lumabas muli sa compound ni Madam Lucille. Huminto sila sa isang convenient store. Bumili si Sam ng dalawang beer. Kumuha din ito ng mga chitchirya at sigarilyo at nagpatiuna na sa paglakad.
Nakasunod lamang si Yen dito. Sinusundan lamang niya ito ng tingin. Kanina niya pa ito gustong tanungin, pero iniisip niya na kung komportable itong magsabi sa kanya ay magkukusa itong magkwento.
Katapat ng convenient store ang park. Doon ay pumwesto sila sa isang bench. Nakatalikod sa kalsada at nakaharap sa maliit na stage doon. Tahimik silang nanood ng mga nagpa-practice ng sayaw.
Binuksan ni Sam ang dalawang beer at inabot sa kanya ang isa.
Tinanggap naman nito ni Yen at ininom.
" Makikinig ako" sabi ni Yen.
" Ginawa ko naman ang lahat. Basag na ang boses nito. Hindi nito napigil ang luha sa pagpatak. Hindi ko alam kung saan ba ako nagkamali. Ano bang mali?" Tuloy tuloy ang pagluha nito.
Nanatiling tahimik si Yen.
" Bakit ganon? " tanong nito. Hindi ko maintindihan kung bakit basta nalang siya bibitaw. Humihingi ako ng rason... humihingi ako ng paliwanag. Nagtatanong ako kung bakit? May nagawa ba akong mali??? sunod sunod na tanong ni Sam.
" Tinatawagan ko siya. Pero hindi ko na siya makontak. Kahit sa FB nakablock ako. Tinawagan ko na yung nanay niya, yung tatay niya, pati kapatid niya. Ayaw niya pa rin akong kausapin. " kwento nito.
" Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta sinabi niya lang na hindi na niya ako mahal. 8 years na umikot ang mundo ko sa kanya. Hindi ako nambabae, at umiwas ako sa mga babae. Lahat ng gusto niya sinunod ko naman. Ayaw niyang magbanda ako? Kase wala naman daw pera yon. Binenta ko lahat ng gamit ko. Nangarap kame ng sabay. Ayaw niya ng alak, ayaw ng sigarilyo, tinigil ko. Binigay ko lahat ng gusto niya." muli itong lumagok ng beer.
" Sabi niya, bago ako umalis hihinatayin niya ako. Sabi niya mamimiss niya ako. Halos ayaw niya pa nga ako paalisin. Tapos bigla niya sasabihin na ayaw niya na? Sa telepono? Hindi man lang ako hinintay makauwi bago siya magdesisyon. Kinakausap ko, ayaw ako kausapin. Anong rason?? Kung pwede lang akong tumakbo kaagad pauwi sa amin ee. Wala akong magawa. " Muli ay lumagok ito ng beer at nagsindi ng yosi.
Pinanood lamang ito ni Yen. At nagpatuloy lang siya makinig.
Maya maya ay tumayo ito. Bahagya siyang nilingon.
" Dito ka lang, bibili lang ako ng isa pa. " wika nito.
Naiwan si Yen na nakaupo sa bench. Malapit na din maubos ang beer niya. Bahagya niya itong inangat. nangalahati na. Medyo hilo hilo na siya. Di naman siya sanay uminom. Pinaunlakan niya lang si Sam ngayon. Wala na ang nagsasayaw. Tiningnan niya ang oras, alas onse na.
Ilang minuto ang lumipas ay natanaw niya itong lumbas sa convenient store may dalang apat na bote ulit.
" Uuwi tayong lasing." sabi nito at muling umupo sa tabi niya.
Pakiwari ni Yen ay ok na ito. Hindi na ganoon kasama ang itsura.
Minsan hindi mo naman talaga kailangan ng advice. Ang kailangan mo lang ay makikinig. Marahil ay sobrang mahal lang talaga ni Sam ang nobya nito. Katulad ng kanyang sinabi ay ibinigay niya lahat dito. Ganoon naman kapag mahal mo, hindi ka mag aalinlangan na magbitaw ng kahit anong mahalaga sayo, para lang mapasaya sila. Pero parang ang selfish naman non. Tama bang ikaw lang nang ikaw ang magbibigay? Hindi ba dapat bigayan lang? Pag nagbigay ka ng pagmamahal, dapat ay mahalin ka rin pabalik? Ganun dapat diba? Hindi si Yen pabor doon sa itigil ang pagbabanda. Mahal din ni Yen ang musika at sa tingin niya ay wala namang problema doon. Hindi naman siguro sagabal yon sa kanilang relasyon. Walang pera? Hindi naman talaga pera ang mahalaga. Ang mahalaga ay masaya ka. Kahit marami kang pera kung hindi ka naman masaya wala pa rin itong kwenta. Hindi nabibili ang kaligayahan. At hindi lahat ng kaligayahan ay natatagpuan sa materyal na bagay.
Pag mahal mo mamahalin mo kung anu siya. Kung sino siya, at kung ano hilig niya. Hindi mo siya pwedeng gawin kung sino at kung ano mo siya gustong maging siya. Hindi mo siya pwede baguhin ng naaayon sa gusto mo.
" Salamat Yen" Naputol ang pagmumuni muni ni Yen nong muling nagsalita si Sam. Ginantihan niya naman ito ng ngiti.
Tinapik niya ito sa balikat.
" Maayos pa yan. Pwede niyo pa yan pag usapan. Hayaan mo muna, baka magulo pa ang isip. Pag uwi mo ay saka mo nalang siya kausapin. Sandali nalang naman. Konting tiis pa. " alo ni Yen.
Bahagya naman itong ngumiti at tumango.
Maya maya pa ay inabot nito sa kanya ang isang supot. Binuksan niya ito at nakita niyang dalawang burger ang laman niyon. Hindi niya alam kung papano siya nakabili. Medyo mainit pa ito. Kinuha niya ang isa at inabot dito ang isa. Umiling ito at patulak na ibinalik sa kanya.
" Sayo yan. " sabi nito. Naalala niya na sinabi niyang ililibre niya ito. Pero di na sila nagkaroon ng pagkakataon makapag burger. Paanong?? ....
" Tara na. Doon mo nalang yan sa kwarto niyo kainin. Alas dos na ng umaga. " naputol ang kanyang pagtatanong nung narinig niya itong nagsalita.
Ganoon na pala sila katagal doon. Anim na bote ba naman ng beer ang tinumba nila. Redhorse yon. Lakas tama yon.
Pagtayo ni Yen ay bigla siya nahilo. Kanina niya pa ramdam ang pamamanhid ng kanyang labi. Senyales na medyo lasing na siya. At pagtayo niya, ay lasing nga siya. Hirap na siya lumakad ng direcho. Dalawa sila ni Sam na bahagyang sumusuray sa daan. Mabuti na lamang at wala nang mga sasakyan.
Natatawa si Yen sa itsura nilang dalawa.
" Tingnan mo itsura natin pareho tayong lasing. papano ako aalalay sa broken hearted? " tumatawa niyang sabi.
Magka-akbay silang lumakad pauwi.
Para pag natumba daw sila ay sabay din.
" Ok lang yan nakakalakad pa naman tayo. " nakatawang sagot nito.
" Mabuti nalang at wala na tayong pasok bukas"
" hahaha oo nga" sagot ni Sam
" Salamat Yen. "
" Walang anuman. " nakatawa pa rin si Yen.
Nasa tapat na siya non ng pinto ng bahay ni Madam Lucille Wala siyang susi. Kaya tinawagan niya si Cath na hindi pa rin pala natutulog kakahintay sa kanya.
" Alas dos na iha lasing ka pa. " Salubong nito sa kanya.
" Eh si Sam ee, broken hearted. "
Patay na ang ilaw pagpasok nila sa kwarto. Si Cath ay may dalang cellphone at ito ang ginagamit niyang pang ilaw pagpasok sa kwarto.
" Dahan dahan ka lang baka maistorbo mo sila" Pabulong na sabi ni Cath.
Ilang sandali pa ay nakahiga na si Yen sa kanyang kama. Mabuti nalang at sa baba ang pwesto niya. Hindi na niya kailangan umakyat. Hilong hilo na siya at nilalamon na ng sobrang antok.
First time niya gawin yon. Umuwi ng lasing. Pero yung makinig sa hinagpis ng broken hearted ay hindi. Marami na siyang kaibigang ganon. Sa kanya naglalabas ng sama ng loob. Hindi niya alam kung bakit pero parang ganoon ang papel niya sa mundo. Kahit saan siya mapadpad ay may nakikilala siyang mga ganoong tao.. Kahit hindi niya nga kilala ay kanya naglalabas ng sama ng loob. Yung totoo? anu siya? inidoro? labasan lang ng sama ng loob? Hay mahirap pala pag lasing. Umiikot ang paningin.
Hindi naman siya magaling magpayo.
Siguro sadyang ganon. Nagkakataon lang yon.
Hindi niya alam na sa nangyari ngayon ay magbabago ang mundo niya sa mga susunod na araw. Dahil simula sa araw na iyon madadalas na siya sa inuman. 😆