Chereads / Here's Your Perfect COMPLETED / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

Chris

"Thanks for today! Sana nag-enjoy ka." Malawak ang mga ngiti habang nagniningning pa ang mga mata na wika nito habang naglalakad kami.

Medyo nauuna lamang ako ng konti sa kanya ng isang hakbang, habang siya naman ay nasa aking likuran. Nakalagay sa magkabilaang bulsa ng shorts ko ang aking dalawang kamay nang humarap ako sa kanya.

"Oo naman, sobra akong nag-enjoy lalo na sa Kayangan Lake na pinagmamalaki ng mga Taga Coron." We did their Super Ultimate Tour. At hindi kami nagkamali sa napili naming iyon. Sobrang nag enjoy taaga kami.

Isa pa, lahat ng 'yun ay gastos ni Jazmine. Nakakatuwa lang kasi, ang kulit kulit niya talaga. Ayaw niya akong pagbayarin sa mga gastusin at talagang pinilit niyang siya na mismo ang sumagot ng lahat.

Nagkibit balikat lamang ito at napakagat sa kanyang labi. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok sa ginawa niya kaya naman ibinaling ko na lamang sa ibang direksyon ang aking paningin.

"My pleasure." Saad niya. "May gusto ka pa bang ibang gawin?" Dagdag pa nito.

Napataas ang kabilang kilay ko at sandaling nag-isip kahit na ang totoo eh may ideya nang tumatakbo sa aking isipan.

"I think it's my turn now. I will treat you dinner. What do you think?" Wika ko rito para makabawi. Inilagay nito ang kaliwang kamay sa ibaba ng kanyang baba na animo'y nag-iisip din.

"Hmmmm, seryoso ka? Hindi nga?" Tanong nito na para bang hindi makapaniwala. Pagkatapos ay basta na lamang nitong ililapat ang kanyang palad sa aking noo, atsaka sa may bandang leeg ko, na animo'y nagchecheck kung may sakit ba ako o wala.

"Wala ka namang lagnat ha." Napairap nalang ako ng disoras at tinapik ang kamay nitong nasa leeg ko parin. "Aray! Ang sakit 'non ha! Hmp."

Napabuntong hininga ako dahil nagsisimula na namang uminit ng ulo ko sa babaeng ito dahil sa kakulitan niya.

"Gusto mo ba o ayaw mo?" Tanong ko rito at tinignan siya ng masama dahil nauubusan na naman ako ng pasensya.

"Pwede bang magpalit muna tayo ng damit? Basang basa pa tayo pareho galing sa tour eh." Napatango nalang ako at mas piniling hindi nalang magsalita pa. Sumunod nalang din ako sa kanya na ngayo'y nauuna ng maglakad.

Umuwi na muna kami sa kanya kanya naming tinutuluyan. Ako sa Hotel kung saan ako naka check-in at siya naman sa backpackers.

---

Makalipas ang isa't kalahating oras, nakapag bihis na rin kami pareho at ngayon nga eh heto na kami sa restaurant.

Isang Japanese Restaurant na hindi ko akalain na sobrang mai-enjoy ni Jazmine ang pagkain. Habang ako naman ay halos hindi magawang galawin ang pagkain na nasa harapan.

Lukot ang mukha at parang bata na napapalunok na lamang ako.

Bakit kasi wala man lamang spoon at fork dito? Kunot noo na tanong ko sa aking sarili. Napansin yata ni Jazmine na hindi ko parin nagagalaw ang aking pagkain.

Mataman na tinignan ako nito sa aking mukha.

"Pfft. Alam ko na. Hindi ka marunong gumamit ng chopstick?" Pagkatapos ay napatawa ito ng mahina. Halatang nang aasar. Agad na tinignan ko naman ito ng masama.

Pigil ang ngiti na kinuha nito ang chopstick na hanggang ngayon ay hindi ko parin nagagamit. Ipinaghiwalay niya iyon at ekspertong isinandok sa ramen na nasa aking bowl.

"Say ah." Utos nito sa akin. Ngunit nahihiyang napayuko na lamang ako. "Say ah, Christian." Pag-ulit nito sa kanyang sinabi na ngayon ay may diin na.

Parang bata naman na nahihiyang tinignan ko siya sa kanyang mukha. Habang siya naman ay mayroong pigil na ngiti o pag tawa parin na pinipigilan. Pagkatapos ay dahan-dahan akong napanganga na nga ng tuluyan.

"Ayan, very good." Ani nito bago ako tuluyang sinubuan.

Dismayadong napapapikit na lamang ako dahil sa kahihiyan. Ba't kasi hindi ako marunong gumamit ng chopstick? Nakakahiya!

Katatapos lang naming kumain nang muling tumunog ang cellphone ni Jazmine, na kanina pa ring ng ring ngunit hindi niya sinasagot o magawang hawakan.

Kita kong napasulyap siya rito. Hindi ko na lamang din pinansin baka mayroon itong iniiwasan.

Konting sandali pa ay dumating na ang waiter at dala ang bill ng kinain naming pagkain. Pagkatapos kong magbayad ay agad narin akong tumayo para makaalis na. Baka napagod lamang si Jazmine sa buong araw na pag tour. Tama!

Nakalabas na kami pareho ng Restaurant ngunit nanatili parin itong tamihik, habang patuloy parin sa pag ingay ang kanyang cellphone.

"Hey, are you okay? What's wrong?" Nag-aalala na tanong ko rito and I mean it. Hindi ko na talaga mapigilang hindi magtanong pa eh. Ngunit tulad ng inaasahan ay tahimik parin itong nakayuko. Ni hindi rin makatingin sa mukha ko.

Naglakad pa kami ng ilang hakbang hanggang sa muli ko itong hinarap.

"Hindi mo ba sasagutin 'yan? You keep ignoring the calls baka importante 'yan." Dagdag ko pa at umaasa na papansinin na niya ako o magsasalita na ito.

Mataman ko siyang tinignan sa kanyang mukha.

Dahan dahan naman itong napatingin sa screen ng kanyang cellphone bago nagpakawala ng isang malalim na paghinga.

"Are you really alright?" Pagtanong kong muli. Napatango lamang ito bilang sagot bago nagsimula nang muli sa paghakbang, na kaagad ko ring sinabayan.

"It's my mom." Tipid na wika nito bago ibinalik ang cellphone sa likod ng bulsa ng suot nitong short.

Napatango ako. "May problema ba kung bakit hindi mo sinasagot?" Concern lang talaga ako sa tao, don't get me wrong guys. Napailing siya at nanatili paring tahimik.

Kaya naman nagdadalawang isip man eh, inabot at kinuha ko ang kamay nito. Hinawakan ko siya sa kanyang magkabilaang balikat atsaka ito marahan na iniharap sa akin dahilan upang muli kaming matigil sa paglakad.

"Jazmine, hindi ko man alam ang pinagdadaanan mo or kung ano man 'yang pinapasan mo or tinatakasan mo, pero kasi tayo ang magkasama ngayon, that's why I don't want to see you hurt like this. So please, let me help you." Hindi ko alam pero gusto kong mapagaan ang loob niya. Ang baduy man pakinggan, pero parang kumikirot ang puso kong makita siyang ganyan.

Tinignan ako nito ng diretso sa aking mga mata. Muli, ay napahinga ito ng malalim. Pagkatapos ay basta na lamang na napatawa ng mahina.

Napapikit ako ng mariin. Baliw na yata.

"Bakit? Ikaw ba Mr. Ocampo? Sasabihin mo na ba sa akin kung bakit ka napadpad sa lugar na ito?" Sa hindi malamang dahilan eh bigla na lamang semeryoso ang aking mukha bago ito binitiwan mula sa pagkakahawak sa kanyang balikat.

"Of course not." Sagot ko habang ibinabaling sa ibang direksyon ang aking mga mata.

"See?" Wika nito at muli na namang inihakbang ang mga paa. Sinabayan ko siya. "Mas mabuti nang wala tayong alam sa buhay ng isa't isa. Walang drama. Para masaya lang. Diba?"

Hindi ako kaagad nakasagot at tahimik lamang na patuloy sa paglakad. Alam ko kasi sa sarili kong may punto siya. Mas mabuti na nga na wala kaming alam sa buhay ng isa't isa. Dahil darating parin ang araw na lahat ng nangyari sa islang ito ay mananatili lamang na alaala. Parehas kaming babalik sa buhay na pareho naming tinakasan.

"Ayaw kong malaman nila kung nasaan ako. Ayaw kong sagutin ang emails, texts or even their calls dahil I know for sure na.." Saglit itong natigilan ngunit nagpatuloy naman agad.

"Pupuntahan nila ako at ibabalik kung saan ako nanggaling." Patuloy na sabi nito. Muli ay napatango ako at binigyan ito ng isang nakakalokong tingin.

"Don't worry. No one will know we are here." Pagkatapos ay ginulo ko ang buhok nito na agad na ikinaliwanag ng kanyang mukha.

---

"So paano, una na ako?" Pagpapaalam ko rito nang nasa tapat na kami ng tinutuluyan nitong backpackers.

Medyo malalim narin ang gabi, nararamdaman ko narin ang pagod mula sa buong araw na naging tour namin at dahil narin sa antok sa maagang pagising kanina.

Binigyan ako nito ng isang malungkot na ngiti.

"Thank you, Chris. For today." Pagpapasalamat niya.

"Wala 'yun, ganoon naman talaga eh. Ganoon naman talaga kapag magkaibigan, hindi ba?" Sabi ko rito atsaka ginantihan siya ng ngiti.

Ngumiti lamang itong muli, iyong tipid na ngiti atsaka lumapit sakin. As in, malapit na malapit. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa masyado nang malapit ang katawan nito sa akin.

"T-teka anong---"

"Thank you!" Pagpapasalamat nitong muli. "I mean it, Chris. Thank you." Sinasabi niya iyon habang yakap yakap ako ng sobrang higpit. Napahinga naman ako ng maluwag.

Akala ko pa naman...

Ano? Na hahalikan ka? Tuyo ng aking sarili na siyang agad kong iniwaglit sa aking isipan.

What the fuck is wrong with me? Bakit ko ba naisip 'yun?

"Hay! Ang drama ko talaga." Sinasabi niya ito habang napapahilamos sa kanyang mukha noong tuluyan itong kumalas mula sa pagyakap.

Anak ng! Bakit ba ang drama yata ng gabi namin ngayon? Hindi ako sanay.

Dahan dahan na itong nag hakbang papasok ng kanyang tinutuluyan pagkatapos ng ilang minuto.

"Basta, tanggapin mo nalang ang thank you ko. Okay?" Sabi niya. Napailing na lamang akong muli. Ang kulit talaga.

"Hindi ba ako nga dapat ang magpasalamat sayo?" Pagkaklaro ko sa kanya.

"Actually, thank you for everything. I'm so glad na nakilala kita dito. Sa islang ito. Good night, Chris! Hanggang sa muli." Nakangiting paalam nito sa akin. "At ah...ingat ka." Bago ito tuluyang tumalikod na mula sa akin.

"Good night, Jazmine." Paalam ko rin dito kahit na hindi naman na ako nito narinig.

Muli, ay napatingin ako sa aking unahan. Hindi ko na matanaw pang muli si Jazmine, malamang sa malamang ay nasa loob na iyon ng kanyang kwarto sa mga sandaling ito.

Siguro, kailangan ko muna ring bigyan siya ng space. Bigyan ng pagkakataon na makahinga dahil alam kong iyon naman talaga ang ipinunta niya sa lugar na ito. At ganoon din ako sa aking sarili. Ang magkaroon kami ng kanya kayang pagkataong makapag-isip. Baka sakaling mahanap na niya ang anumang gusto niyang hanapin.