Chereads / Here's Your Perfect COMPLETED / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

Jazmine

Isa hanggang tatlong araw ko na yatang hindi nakikita si Chris. Ilang beses na rin akong nagpabalik balik sa hotel kung saan ito nakacheck-in ngunit hindi rin daw alam ng mga ito kung saan siya pumunta. Hayys! Pinagtataguan ba ako ng unggoy na yun? O baka naman umuwi na sa kanila? Pero ang sabi naman sa Front Desk hindi pa naman daw ito nakakapagcheck-out dahil may mga iilang gamit pa na naiwan sa kwarto nito.

Napangisi ako sa aking sarili habang palakad lakad sa loob ng isang mini-resort dito sa Busuanga. In fairness, presko at sariwa ang hangin rito. Medyo malamig ang simoy ng hanggin na tumatama sa aking balat at napaka tahimik ng buong paligid. Tanging huni ng mga ibon na pabalik sa kani-kanilang mga tahanan at pagaspas ng mga dahon na nanggagaling sa naglalakihang punong kahoy ang tanging maririnig mo. Nasa gitna ng gubat ang resort ito, kaya wala akong ibang natatanaw mula rito sa kinatatayuan ko kundi ang over looking na view na nanggagaling dito sa itaas at ang mga nagbeberdihang punong kahoy na nakapalibot sa buong lupain, kung baga hindi mo mapapansin na may ganito palang lugar dito kung hindi mo sasadyaing puntahan dahil sa natatakpan ito ng mga punong kahoy.

Naglakad pa ako sa may unahan, napahinto ako ng marating ko ang dulo ng resort dahil tanaw na tanaw ko na ang papalubog na araw. Ipinikit ko ang aking mga mata habang itinaas at idinipa ko naman ang aking dalawang kamay at nakangiting lumanghap ng sariwang hangin.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-eenjoy sa aking ginagawa ng may marinig ako na parang isang sanga ng kahoy na naapakan. Mabilis na nagpabaling ako ng tingin sa aking likuran upang tignan kung ano ang bagay na iyon. Ngunit sa halip na kabahan at matakot ay kalmado lamang ako, dahan dahan kong hinubad ang suot kong sapatos sa kaliwang paa atsaka ibinato ito sa kanyang ulo. Gotcha!

"What the--" Pigil ang aking tawa ng humarap ito sa akin habang magkasalubong na naman ang kanyang dalawang kilay. Halatang nagulat ito ng makita ako sa kanyang harapan.

"What the hell are you doing here?" Tignan mo 'tong taong to. Akala ko pa naman ikakatuwa niyang makita ako? Napa irap ako disoras dito at pa cross arms.

"At bakit ikaw? Anong ginagawa mo dito sa kagubatang unggoy ka? Yan ba talaga ang sasabihin mo sa akin pagkatapos mo'kong pagtaguan ng ilang araw?" Singhal ko rin sa kanya. Akala niya huh.

Mabuti na lamang at tumambay ako sa hotel niya kanina ng ganoon katagal. Dahil doon ay may lumapit sa aking isang driver ng van na nagtatrabaho rin sa hotel na iyon. Sinabi raw kasi sa kanya ng kanyang mga kasamahan na may hinahanap akong guest na Christian Ocampo ang pangalan. Sinabi rin nito sa akin na, inihatid niya si Chris sa isang resort dito sa Busuanga tatlong araw na ang nakalipas, kaya naman agad din akong nagpahatid sa kanya rito at pagkatapos ay binigyan ko na lamang ito ng malaking tip. Panay ang pasasalamat ko kay mang driver habang nagbibiyahe kami papunta sa unggoy na itong kaharap ko.

"Anong unggoy pinagsasabi mo dyan? Tss!" Supladong sabi nito sa akin bago ako tinalikuran. Aba't talaga naman. Mabigat ang mga hakbang na sinundan ko ito.

"How do you know I'm here? Huh?" Inis parin na singhal nito sakin. "How did you find me here?"

Isang kutos naman ang ibinigay ko rito mula sa likod niya dahilan para muling mapaharap ito sa akin. Nakakainis na kasi ang daming tanong.

"Alam mo ikaw? Sabihin mo na lang kung ayaw mong nandito ako dahil aalis ako ngayon rin pabalik ng town." Sinasabi ko ang mga iyon sa kanya habang dinuduro ito. Pero joke lang, ayoko kayang bumalik ng town ng hindi siya kasama.

"Go!" Pangtataboy nga nito sa akin. "Go back in town, now!" Napahinga ako ng malalim. Asa siya! Magmamatigas ako kahit na anong mangyari. "Sinabi ko bang puntahan mo ako rito?" Iiling-iling na dagdag pa nito.

Kunwaring napabusangot ako sa sinabi nito. "Sobra kana ah. Nakakasakit kana ng damdamin. Excited pa naman akong pumunta rito para makita ka." Parang noong huling pagkikita namin ang ayos ayos niya pang kausap, tapos ngayon bumalik na naman siya sa pagiging bugnutin. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan, ang hirap niyang pakisamahan.

"Really?" Parang di makapaniwalang tanong nito sakin. "What do you want?" Napaiwas ako ng tingin. Oo nga naman, ano nga ka ba kasi ang gusto ko? Hays!

Napakamot ako sa batok at nakangiwing ngumiti rito habang nag-iisip kung anong magiging alibi ko sa pagpunta rito sa kanya. "Ikaw." Taas noong sabi ko sa kanya. Napaiwas ito ng tingin mula sa akin atsaka napalunok.

Wait, is he blushing? Hahaha. Tama ba ako ng nakikita? Manunula rin ang magkabilaang tenga nito. "Are you blushing?" I tease him.

"What? No!" Matigas na pagtanggi nito kahit halata naman talaga, medyo dumidilim na ang paligid pero hindi ako bulag no? Nagpatuloy ito sa paglalakad habang ako naman ay nakabuntot din sa likuran niya.

"Yes, you are. Oh come on! Kitang kita ko oh." Saka itinuro ang mukha nito. Mabilis naman niyang nahawakan ang kamay ko at kaagad ding binitawan.

"Damn it Jazmine! Pumunta ka lang ba dito para bwesitin ako? Wala ka na naman bang mapagka interest-an sa buhay mo at ako na naman ang ginugulo mo?" Tuloy tuloy na sabi nito sakin. Wala man lamang preno. Hmp!

Napayuko ako at pinaglaruan na lamang ang mga daliri ng kamay ko. "S-sorry." Mahinang bigkas ko. "Babalik nalang siguro ako ng town." Sabay walang lingon likod na naglakad na ako para malakas ng resort na ito ng biglang may humigit sa kanang braso ko.

"Tadaaa! Sabi ko naman hindi mo ako matitiis eh!" Pagulat ko sa kanya dahilan para mabitiwan nito ang hawak na braso ko.

"Are you insane?! Paano ka makakabalik sa town ng walang sasakyan?" Muling singhal na naman nito sa akin.

"Ito naman, hindi na mabiro. Ayoko kayang sayangin ang effort sa pagpunta sayo rito no? MR. SUNGIT." Bigay diin. Bago ito kinindatan at inunahan na siya sa pag-akyat ng hagdanan papasok sa isang kubo at hinayaang sumunod na lang ito sa akin.

-----

Kahit pala masungit iyong lalaking iyon mayroon parin pala itong puso kahit papaano. Hindi ko maiwasang kiligin dahil siya pa mismo ang nagluto at naghanda ng hapunan naming dalawa. Ipinagpalinis niya rin ako ng isang kwarto dito para sa akin. Noong una akala ko kung saang kwarto lang niya ako matutuluyin pero alam niyo ang pinaka the best? Sa isang tree house niya ako pinatuloy at ang gandaaaaa!

Sa isang trabahante dito sa resort na ito ko lang nalaman na pagmamay-ari pala ito nila Chris. Minsan lamang daw pumunta dito si Chris pati na rin ang kanyang mga magulang. Himala nga raw na nandito ngayon si Chris dahil sa maliit pa lamang daw ito ng huling makaputa dito sa Palawan, lalo na dito sa Coron.

Kanina pa ako hindi mapakali ng mabalitaan ko rin na may malaking problema na kinakaharap ang pamilya nila ngayon lalo na si Chris. Dahil iniwanan ito ng babaeng dapat ay mapapangasawa niya, dalawang linggo bago ang kanilang kasal. At ang balita pa nila ay, iniwanan ito matapos maaksidente ang babae habang nagmamaneho ng kotse at hanggang ngayon ay wala pa silang balita mula rito.

Sobrang nadurog at nasaktan daw si Chris sa mga nangyari, halos linggo rin ang tumagal bago raw ito nakalabas ng kanyang kwarto. Ilang araw na hindi ito nakakain at kahit tubig ay ayaw uminom nito. Sobrang mahal na mahal nito ang babae at ang akala ng lahat ay sila talaga hanggang sa huli.

Ang saklap! Handa nga niyang gawin ang lahat para sa minamahal ngunit iniwanan naman siya nito. Pero bakit? Anong dahilan niya para gawin iyon? Mukhang mabait naman si Chris ah, alam ko iyon dahil kahit sa maiksing panahon na nakilala ko siya ay nararamdaman ko iyon at kahit napaka bugnutin niyang tao at ang sungit sungit pa may puso naman siya. Lalo na kung mahal na mahal talaga nito ang babae.

Napahinga ako ng malalim ng maisip ang mga iyon. Kawawa naman pala ang soulmate ko. Doon ko lamang din naalala si David. Ano kayang mararamdaman niya kapag ginawa ko iyon sa kanya? Makakayanan ko rin kayang gawin iyon sa kanya? Pero hindi eh. Mahal na mahal ko yung lalaking iyon.

Kaya lang kasi...muling pumasok sa aking isipan si Chris. May parte kasi sa aking sarili na hinihila ako lalo palapit kay Chris. Bakit kay Chris?

---

Nagising ako dahil sa amoy ng pagkain na niluluto sa ibaba. Bigla rin tuloy kumalam ang sikmura ko ng makaamoy ng masarap na pagkain. Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga atsaka lumapit sa may bintana ng tree house habang nag-iinat.

Ang sarap naman ng ganitong paligid. Tahimik at talagang malayo sa siyudad na punong puno ng polusyon. Kung pwede lang na dumito na lamang ako habambuhay eh, walang problema sa akin. Ang kaso hindi naman pupwede.

Sunod sunod na katok naman sa aking pintuan ang pumukaw sa aking pag-iisip, bumukas ito pagkatapos ng katok at iniluwa 'non ang naka poker face na mukha ni Chris.

"Bumaba kana at ng makapag almusal na tayo." Walang ka gana-ganang sabi nito bago ako tinalikuran at muling bumaba ng hagdanan. Napa ismid ako ng disoras sa aking sarili.

"Good morning!" Sigaw ko bilang ganti sa kanyang sinabi. Hindi ko rin sigurado kung nadinig ba ako 'non o hindi. Ni hindi niya man lamang kasi ako binati muna bago siya bumaba ulit. Tss! Napaka niya talaga. Hmp!

Pagkatapos kong ayusan ang sarili ay bumaba na ako ng tree house na iyon at dumiretso sa restaurant ng resort upang makapag almusal, dahil tiyak na kanina pa naghihintay ang mahal na hari sa pagdating ng kanyang mahal na reyna.

Padamog na naupo ako sa may medyo kalakihang hapagkainan sa harap ng walang kasing sama na si Christian Ocampo. Ang aga-aga eh naka busangot ito. Kumakain na ito bago pa man ako dumating. Diba? Hindi man lamang siya marunong mag initiate na maghintay sa akin bago ito kumain.

"T-teka aalis kana? Tapos kana bang kumain?" Ang bilis naman. Parang kauupo ko lang tapos siya tatayo na naman. Ang totoo? Ayaw lang ba niya talaga sa pagmumukha ko?

Tinignan lamang ako nito ng seryoso sa mukha. "Kumain kana at pagkatapos ay ihahatid kita sa town." Sabi nito at hindi man lamang sinagot ang tanong ko. Obvious naman kasi Jazmine na tapos na siyang kumain. Tss.

Magsasalita pa sana ako ng muli itong magsalita. "No buts, no ifs." Bago ako nito muling tinalikuran.

Arrgh! Nakakainis talaga siyaaaa. Sinisira na naman niya ang magandang gising ko. Teka, bakit ko naman ba kasi siya susundin? Pwede naman ako mag decide ng para sa sarili ko, hindi ba? Bahala nga siya sa buhay niya.