Chereads / Here's Your Perfect COMPLETED / Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16 - Chapter 16

Chris

Naging maganda ang panahon sa buong araw na nalibot namin ni Jazmine ang isla. Pinasok rin namin ang kweba na nandito sa Black Island.

Hindi ka tunay na nakapunta sa islang ito, kung hindi mo nagawang pasukin ang nasabing kweba. At sobrang napakalamig sa loob nito. Mayroong parte na pwede kang lumangoy doon. Sobrang napakalinaw ng tubig na kitang-kita ang ilalim nito. At napakalamig din.

The place is also awesome for divers. Perfect for snorkeling. We also saw a lots of different corals and fish species here. Lalo na at good spots din ito for cliff jumping if you are game.

Of course, sinubukan din naming dalawa ni Jazmine iyon kahit na noong umpisa ay natatakot pa ito.

Napakasarap lamang mamalagi sa islang ito. Isang tunay na paraiso kung saan, kaming dalawa lamang ni Jazmine ang nandito dahil walang masyadong turista ang napapadpad ngayon sa Black Island.

Kaya naman, naiisip kong umaayon talaga sa amin ang panahon. Hinahayaan nito na mag enjoy muna kami sa tatlong araw na pag stay namin dito ng walang ibang tao.

Katulad nalang ngayon, na katatapos lamang namin pareho ni Jazmine na kumain ng hapunan. Medyo naparami nga ang pagkain ko dahil hindi ko akalain na ganon pala siya kagaling magluto.

Nagluto lang naman ito ng pork barbecue na hindi ko alam kung bakit naging ganoon kasarap ang karne.

Oh baka dahil si Jazmine ang nagluto, kaya masarap? Pilyang tanong ng aking isipan na agad ko ring iwinaglit.

Mayroon din itong ginawa na lato or seaweed salad. At chicken barbecue na mas lalong nagpabusog sa akin.

Baka inisip niyo na hindi ako tumulong sa pagluto ha? Of course, ako ang gumawa ng apoy at ang nag ihaw ng iba. Hehe.

Pagkatapos naming kumain ay agad na naupo ako dito sa may tabing dagat. Malapit na rin kasi ang maghating gabi. Medyo late na rin kasi kaming natapos sa pagluto kanina eh.

Tahimik na pinagmamasdan ko lamang ang mga hampas ng alon at hinahayaan lamang na maabot nito ang aking mga paa.

Hindi ko mapigilan ang mapapikit habang ninanamnam ang bawat sandaling nagmumuni-muni ako. Nang siya namang biglang pagsigaw ni Jazmine na narinig ko mula sa may hindi kalayuan.

Mabilis na napatayo ako at agad na hinanap ito sa madilim na paligid.

"Jazmine!" Pasigaw na pagtawag ko sa pangalan niya bago nagsimula ng hanapin siya.

"Jazmine! Where are you?" Muling pagtawag ko sa kanya ngunit wala padin akong nakuhang sagot mula rito.

Sandaling nagtungo muna ako sa aking tent bago kumuha ng flashlight. At pagkatapos ay muling hinanap ito sa paligid.

Saan ba kasi nag pupunta yung babaeng 'yun? Pagmamaktol ko sa aking sarili.

"Jaz---"

"Chris!" Noong marinig ko ang pagtawag nito sa akin ay hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na nagtungo sa pinanggalingan ng kanyang boses.

Ikinalat ko ang ilaw sa buong paligid. Agad na nakahinga ako ng maluwag noong makita ko itong nakadapa sa may hindi kalayuan, habang nadadaganan ng isang medyo may kalakihang sanga ng putol na kahoy.

Patakbo na lumapit ako rito at agad na binuhat ang kahoy na nakadagan sa kanya. Pagkatapos ay mabilis na hinawakan ito sa kanyang braso, para siya ay alalayan sa pagtayo.

Nanginginig ang kamay at katawan nito noong mapahawak siya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapatawa ng mahina. Dahilan upang makakuha ako ng isang batok mula sa kanya.

"Nasaktan at nadapa na nga 'yung tao pagtatawanan mo pa!" Singhal niya bago nauna nang maglakad kaysa sa akin dahil sa inis.

Ngunit muli itong natigilan at pagkatapos ay muling bumagsak sa buhangin dahil sa hindi nito kaya ang maglakad mula sa natamong sugat sa tuhod at binti.

Mabilis ang mga hakbang na sinundan ko siya. Noon naman nakita ko na lumuluha na ito na parang bata. Napapailing na lamang ako sa aking sarili.

"Nakikita mo ba 'yung sugat ko?" Tanong nito habang lumuluha at mabilis na pinunasan ang kanyang pisngi. "Ang sakit sakit nila huhuhu."

Napahinga ako ng malalim.

"Sino ba kasing may sabi sayo na pumunta ka sa lugar na madilim at walang dala na kahit anong flashlight!" Saway at singhal ko rin sa kanya bago naupo para maging magkalevel kami.

Lalong napakunot lamang ang noo nito habang humihikbi. "N-Naiihi na kasi ako eh. B-Baka sumulip ka bigla kaya nagpunta ako sa madilim---"

"Aray ko naman!" Sabay himas nito sa kanyang noo na pinitik ko kaya siya natigilan.

"Kung anu-ano kasing naiisip mo kaya ka napapahamak. Tss!" Lumapit pa ako ng konti sa kanya bago tinignan ang sugat niya.

"Ang arte mo naman! Ang liit lang naman pala ng sugat mo, kung maka iyak ka diyan daig mo pa ang isang bata." Hindi makapaniwala na wika ko ngunit sa totoo lang eh, medyo may kalakihan nga ang sugat nito.

Hindi na ito kumibo pa at sa halip ay tinignan na lamang ako ng masama. Noon naman bigla ko itong binigyan ng isang matamis na ngiti, mahahalatang nang aasar lamang.

Muli ay napahinga ako ng malalim.

"Hold this." Utos ko sa kanya bago inabot rito ang flashlight. Nagtataka man ang kanyang mga mata ay kinuha parin niya ito mula sa akin.

Pagkatapos ay agad at walang sabi na binuhat ko ito. Iyong bridal style, upang hindi na siya mahirapan pang maglakad.

Walang nagawa na napakapit at ipinulupot na lamang din nito ang kanyang kaliwang kamay sa aking batok. Habang ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa flashlight at nakatutok sa aming daanan.

Habang naglalakad pabalik sa aming tent ay nararamdaman ko ang mainit at nakakapasong pagtitig nito sa mukha ko.

"Stop staring at me." Saway ko sa kanya bago napasulyap sa kanyang mukha. Ngunit sa halip na mapaiwas ito ng tingin ay binigyan lamang niya ako ng isang ngiti.

"What?" Pagsusuplado ko.

"Ang pogi mo lalo kapag ganitong malapitan habang buhat-buhat ako." Sabay taas baba ng kanyang kilay na sabi nito sa akin.

Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad hanggang sa tuluyang makarating na kami sa kanyang tent.

Marahan na ipinasok ko siya sa loob at dahan-dahan na inilapag. Ngunit hindi naman inaasahan na biglang maglalapit ang aming mga mukha.

Iyong malapit na malapit na isang inch nalang ang layo. Nararamdaman ko na ang init ng kanyang paghinga, maging ang amoy ng toothpaste na gamit nito ay naaamoy ko na.

Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin bago inilayo ang aking mukha mula sa kanya.

"I-I'll be right back." Utal na sabi ko at mabilis na tumalikod na.

Kinuha ko lamang ang med kit sa aking tent at agad din naman na bumalik kay Jazmine para gamutin ang sugat nito.

"T-Thank you." Hindi makatingin sa aking mukha na pagpapasalamat niya noong matapos kong lagyan ng band-aid ang kanyang sugat.

Mataman na nakatitig lamang ako sa kanyang mukha hanggang sa magsalubong ang aming mga mata dahil sa kanyang pagsulyap.

"Next time, be careful." Pag papaalala ko rito bago siya binigyan ng isang ngiti. "You can rest now." Dagdag ko pa at tatalikod na sana para muling lumabas na ng kanyang tent nang mabilis akong pigilan at mahawakan nito sa laylayan ng aking suot na damit.

"P-Pwede bang...pwede bang dito ka nalang matulog?" Nanginginig ang boses na pakiusap nito sa akin dahilan upang muling mapalingon ako sa kanya.

Mula sa kamay nitong nakahawak sa laylayan ng aking damit, ay dahan-dahan na nag-angat ang aking paningin sa kanyang mukha.

"Jaz, hindi tayo pwedeng matulog na magkatabi." Biro ko at pilit na pinaseryoso ang aking mukha. "Hindi pwede." Dagdag ko pa ng mayroong diin.

Malungkot at lugmok ang mukha na muling napayuko ito.

"Ganon ba." Sabi niya sa pinakamahinang tono. "N-Natatakot kasi ako." Dagdag pa niya bago napahikbi.

Anak ng! Bakit ba ang iyakin niya?

Napakamot ako sa aking ulo.

"Alright then, I'll sleep with you." Tuluyang pagpayag ko. "Hindi mo naman siguro ako pagnanasaan, hindi ba?" Dagdag na biro ko pa upang tumahan na ito sa pag iyak.

"Itong magandang katawan ko, hindi mo naman siguro---" Awtomatiko akong natigilan noong tinignan niya ako ng masama.

"Fine." Kunwari na napilitan na muling saad ko at tuluyan na ngang nahiga sa kanyang tabi, habang siya naman ay tahimik lamang na nakatingin sa akin habang nakaupo parin.

Lumipas pa ang ilang minuto, bago ito tuluyang nagpasya na mahiga na sa aking tabi.

Hindi na ito muling nagsalita pa. Habang ako naman ay tahimik lamang din na pinagmamasdan ang bubong ng tent.

Nakikiramdam.

Hanggang sa hindi nagtagal ay narinig ko na lamang ang mahihinang pag hilik nito, na siyang dahilan upang gumuhit ang isang ngiti sa aking labi, bago ko tuluyang ipinikit na rin ang aking mga mata.

Kinabukasan, nagising na lamang ako dahil sa bagay na nakadagan sa akin.

Kunot noo at dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Agad na bumungad sa akin ang himbing na himbing parin hanggang ngayon na si Jazmine.

Kaya naman pala. Ika ko sa aking sarili bago napatingin sa kanyang magandang mukha.

Naka unan ito sa aking braso, habang ang isang legs naman ito ay nakadantay sa aking katawan. Ganoon din ang isa nitong braso na nakayakap sa aking dibdib.

Muling nag-angat ang aking mga mata sa kanyang mukha, na isang pagkakamaling paggalaw ko lamang ay pwede ko na siyang mahalikan.

Napangiti ako ng wala sa sarili habang pinagmamasdan siya. Mas maganda pala talaga siya kapag ganitong malapitan, mas maganda siya sa umaga.

Napapalunok na bumaba ang aking mga mata sa kanyang medyo nakaawang na labi. Noon din ay biglang gumalaw ito at dahan-dahan na iminulat ang kanyang mga mata.

"Uy, tinititigan niya ako." Panunukso nito sa akin.

Kaya naman, mabilis akong napabangon ng disoras dahilan upang humiwalay ang katawan nito sa akin.

"O-Ouch!" Reklamo nito habang napapahimas sa kanyang ulo na nasaktan.

Walangya! Kanina pa ba siya gising?! Palatak na tanong ko sa aking sarili bago padamog na tuluyang lumabas na mula sa tent nito. Habang rinig na rinig ko naman ang malulutong na pagtawa nito sa loob.

Tsk!