Jazmine
Tapos na akong kumain kaya naman heto ako, naglilibot na naman sa resort at namamangha parin sa tema na kanilang ginawa rito. Gawa sa nipa hut, kawayan at mga matitibay na kahoy ang lahat ng kubo na nandirito, maging ang restaurant at mga kwarto na tinutuluyan kapag may mga guest. May iilan din na foreigner na nandidito ngayon na nasa labas at nagpipicture taking.
"Maganda umaga ho ma'am! " Napatingin ako sa nagsalita. Si manong pala na nakausap ko kahapon, trabahante rito sa resort at taga pangalaga.
"Magandang umaga rin ho, manong!" Ganting bati ko rin dito. Napakamot ito sa kanyang ulo at parang nahihiya na muling nagsalita.
"Eh ma'am pinapasabi ho kasi ni Sir Chris na aalis na raw ho kayo."Magalang na sabi nito. "Nasa may parking area po siya ngayon, hinihintay po kayo. Nandoon na rin po ang mga gamit ninyo. Siya na po mismo ang nagligpit at kumuha sa kwarto ninyo." Dirediretsong sabi nito.
"Ano?!" Gulat na bulalas ko rito dahil sa mga sinabi. Walangya talaga yung unggoy na yun. Pinag-iinit ang ulo ko. "S-sige manong salamat." Saka ako tumalikod na dito at tinungo kung saan ang parking area.
Hinihingal na nakarating ako sa parking area at doon ay nakita ko ang pumaparoon at parito na si Chris.
"Hoy!" Tawag ko rito saka siya dinuro gamit ang kanang kamay ko.
"Ano bang problema mo ha? Sinong may sabi sayo na aalis ako? At sino rin ang may sabi na iligpit mo yang mga gamit ko?!" Hinihingal na singhal ko rito. Iiling-iling lamang ito na tinignan ako at pinagbuksan ng passenger seat saka ako pwersahang pinapasok at pinaupo roon. Papalag pa sana ako kaya lang nai-lock na nito ang pinto bago ko pa mabuksan.
Pumasok ito sa driver seat bago binuhay ang makina ng sasakyan. Walang nagawa na napahalukipkip na lamang ako sa upuan habang hindi maipinta ang aking mukha dahil sa inis sa lalaking ito. Bakit ba kasi ako nakikipagtalo pa sa kanya? Eh mukhang hindi naman ako mananalo.
Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa habang binabaybay ang daan pabalik ng Coron town. Hinding-hindi ko siya kakausapin kahit na kailan. Manigas siya!
"What? Anong tinitingin-tingin mo diyan? I'm driving." Supladong saway nito sa akin. Di ko na naman tuloy maiwasang mapairap sa kanya.
"Edi magdrive ka!" Bubulong bulong na sabi ko sa sarili bago inalis ang mga mata rito at tumingin sa labas bintana.
"Hey, I heard that." Sulyap na sabi nito sa akin saka napabuntong hininga. "Stop being so stubborn Jazmine, we're going on a trip." Seryosong sabi nito sa akin.
"Ano?! Trip?" Di makapaniwalang tanong ko rito. Medyo nabingi kasi ako sa sinabi nito eh.
"What the hell! Pwede ba hinayaan mo naman yang boses mo?! Ang sakit sa tenga eh!" Reklamong palatak nito sa akin. "At tumahimik ka naman kahit sandali, okay lang ba?" Sarkastikong dagdag pa nito.
Ngunit imbis na sagutan pa ito ay mas pinili ko nalang ang manahimik. Sandali akong napatingin sa may bintana at pagkaraan ng ilang sandali ay muling ibinalik ko ang mga mata sa kanya.
Hindi ko naman kasi siya masisisi kung bakit ganito siya kabugnuting tao eh. Ikaw ba naman ang iwanan ng taong pakakasalan mo. Walang tao ang pinangarap na mapunta sa ganoong sitwasyon. Kahit na ako. Baka mabaliw pa ako kung sa akin man gagawin iyon.
Napahinga ako ng malalim habang tinitignan ito sa pagmamaneho. Kung sana kaya ko lang tanggalin iyong puot at sakit na nararamdaman niya ngayon, ginawa ko na. Ang kaso hindi. Hindi ka pwedeng maging dahilan ng kasiyahan ng isang tao, unless ginusto niya mismo na maramdaman iyon. Dahil hangga't ayaw nitong ilet-go ang nararamdaman niya para sa isang tao, hindi niya iyon gagawin ng basta basta.
"Don't you know staring is rude?" Bigla akong napaiwas ng tingin mula rito. Feeling ko namumula ng sobra ang itsura ko ngayon.
"S-sorry." Utal na paghingi ko ng paumanhin rito. Ayt? Napangisi lamang ito saka napangiti.
"Nandito na tayo." Pilit na itinatago nito ang pagka excite sa kanyang mukha, ngunit hindi iyon maitatago ng kislap sa kanyang mga mata. Awtomatikong napangiti narin ako nang makitang may sumisilip na ngiti sa kanyang labi.
Mabuti naman at nakangiti na siyang muli.
Pinagtulungan naming buhatin ang aming mga gamit pati na rin ang tent na dala dala nito. Mukhang mag-oover night nga kami rito. Ang buong akala ko talaga eh, ibabalik na ako nito sa town. Hindi nalang kasi aminin na masaya rin siyang kasama ako. Hmp!
Nandito pala kami ngayon sa Busuanga Beach, isang white long beach ito kung saan wala na masyadong mga turista. Actually bago lamang daw ito kaya hindi pa ganoon karami ang mga turista na napupunta rito. Kalahating oras ang biyahe mula roon sa resort na pagmamay-ari nina Chris bago makarating dito.
Pagkatapos naming maiset-up ang mga gamit pati narin ng aming tent ay inayos nito ang mga medyo naglalakihang pinagputol-putol na kahoy, na para naman daw sa bonfire upang may magsilbing liwanag sa pinagpwestuhan namin ng tents. Lilinawin ko lang, hindi kami magkasama sa iisang tent ha. May kanya-kanya kaming tent na tutulugan, kaya walang malisya, please!
Habang abala ito sa pagawa ng para sa bonfire ay nahiga na muna ako sandali. Medyo napagod kasi ang likod ko sa pag set-up kanina. Hindi ko namalayan na napaidlip na pala ako hanggang sa napalalim na ang tulog ko.
Nagising nalang ako ng medyo madilim na ang paligid, malamig na rin ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. Naririnig ko na rin ang malalakas na hampas ng alon sa may dalampasigan. Nagbihis na muna ako ng damit bago lumabas ng tent ko. Sandaling hinanap muna ng mga mata ko kung nasaan si Chris, na agad ko namang mamataan na nakaupo sa may nasindihan ng bonfire na kanina lang eh, inaayos palang niya.
Lumapit ako rito at naupo sa kanyang tabi, isang dipa ang layo mula sa akin. Napakunot ang noo ko ng mapansin na, napaparami na ito ng iniinom na beer na dala dala rin namin at nakalagay lamang sa isang box na punong puno ng yelo.
"Come on, let's drink." Medyo tipsy na ang boses nito. Napahinga ako ng malalim nang muli kong maalala ang bigat na nararamdaman nito. Ang bigat na pasan niya hanggang ngayon.
Ngayong alam ko na ang dahilan ng lahat kung bakit siya napunta rito, ay basta na lamang may kung anong kumirot sa puso ko habang pinagmamasdan siya ngayon. Pero magkukuwanri akong walang alam.
"You don't have to do this Chris." Concern na sabi ko rito and I really am. Ngunit sa halip na batuhin naman ako ng pagiging sarkastiko niya ay natawa lamang ito sa aking sinabi. Halatang peke. Mas lalo tuloy sumeryoso ang itsura ko.
"What's funny?" Medyo napipikon na tanong ko rito. Ako na nga itong concern ako pa ang pinagtatawanan. Nilagok muna nito ang naiiwan na beer sa bote bago muling nagsalita.
"Alam mo ba kung ano 'yung nakakatawa minsan?" Tanong nito. Hindi ko alam kung para sa akin ba iyon o para sa sarili niya. "Iyong nagpapakita sa'yo na concern ang isang tao kahit na ang totoo ay hindi naman." Napalunok ako dahil hindi ko alam ang ibig nitong sabihin.
Iiling-iling na muli itong kumuha ng beer at binuksan iyon. Lumapit ito sa akin at inabot ang beer pagkatapos ay bumalik sa kanyang kinauupuan at kumuha rin ng para sa kanya.
"Ganyan ba talaga kayong mga babae?" This time alam kong para sa akin na ang tanong na iyon dahil nakatingin na ito sa akin. Hindi, nakatingin ito ng diretso sa aking mga mata. "To see your man crying is one of your happiness? Or...let's just say, isang sign para masabi ninyong seryoso ang isang lalaki sa inyo?" Nahihimigan ko ang pait sa tono ng pananalita nito.
"H-hindi naman--"
"Then why did she choose to leave me?! She broke me like a shit!" Pasigaw na putol nito sa akin. Nagulat ako sa biglang pagsigaw nito kasabay ang paghagis sa bote na iniinom na alak. Napapapikit na lamang ako dahil sa hindi ko alam kung papaano ko ito pakakalmahin.
Naluluha na napatungga ako sa beer na hawak hawak ko at hindi ko ito tinigilan hanggat hindi nauubos ang laman na nasa loob nito. Bakit nararamdaman ko iyong sakit at pait na nararamdaman niya?
Bakit hindi ko maiwasang magalit sa babaeng nang iwan sa kanya? Bakit kailangan kong makakilala ng taong mas malalim pa ang sugat na dinadala, kaysa problema ko na hinahanap lang naman ay ang bagay na hindi ko naman mahanap.
And lastly, bakit ako pa? Bakit ako pa ang taong nakilala niya? Diba parehas kaming may pinagdadaanan? Paano niya makakalimutan ang lahat ng nangyari sa kanya kung ako na nakakasama niya ay hindi rin naman yata makakatulong sa kanya. Sa paghilom niya.
"I'm sorry." Bigla na lamang lumabas iyon sa aking labi. Natigilan ito at dahan-dahan na muling napatingin sa akin.
"A-ano?" Tanong nito sa akin.
"I'm sorry kung kailangan mo pang pagdaanan ang mga bagay na yan. I'm sorry, kung nahuli ako ng dating, Chris. Pero nandito na ako. Pwede mo akong maging...sandalan. Maging...kaibigan." Seryosong sabi ko rito habang tinitignan siya sa mukha.
Oo, hindi ko na nga yata alam ang mga ginagawa ko. Hindi ko rin alam bakit nasabi ko iyong mga bagay na iyon. Kahit pa gusto kong bawiin ang mga nasabi ko, huli na. Paninindigan ko kung ano man ang mga sinabi ko at hinding-hindi ko na iyon babawiin pa.
Ngunit isang hagikhik ang muling pumukaw sa aking pag-iisip. Iyong tawa na para bang isang napakalaki at nakakatawang JOKE ang sinabi ko.
"Are you fuckin' kidding me?" Tanong nito at mas lalo pang natawa.