Chereads / Here's Your Perfect COMPLETED / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Chris

Panay lamang ang pag ngiti ni Jazmine sa mga taong dumadaan sa may table na kinauupuan namin. Ni hindi man lamang ako tinitignan o tinatapunan ng kahit ilang sulyap man lamang.

Mukhang nainis ko yata talaga ito ng sobra kanina. Ang sarap niya kasing asarin. Nakakagaan sa feeling. Nabaling ang tingin nito sakin dahil sa waitress na kanina pa daan ng daan sa aming harapan atsaka nagpapapansin sakin.

Ngumiti ako na para bang nagpapacute kay Jazmine. Sinadya ko talaga na hindi pansinin 'yung babae, ngunit isang mapakla na ngiti lamang ang iginawad nito sa akin bago napatirik ang kanyang mga mata.

"Ahem!" Pigil ang aking ngiti na napatikhim ako nang muli nitong ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang direksyon.

Lumapit ako ng konti sa kanya, sakto lang para marinig nito ang boses ko.

"Are you jealous?" I teased her. Awtomatiko naman at mabilis pa sa alas kwatro na muli itong napatingin saking mukha habang magkasalubong ang mga kilay. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapangiti ng malawak. As in, malawak na malawak.

Kaso anak ng! Inirapan lang ako.

"Hmm...so you're jealous. I know, I know---"

"Hindi ako nagseselos!" Putol nito sakin saka ako pinaningkitan ng mga mata.

"Really?" Tuyo ko pa saka ngumiti ng mas nakakaloko.

Napailing na lamang ito na para bang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko at padamog na tumayo, sabay dampot ng cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng lamesa at mabilis na lumabas na ng resto.

"Teka lang, teka lang. Sandali naman, nagmamadali ka ba?" Tanong ko kahit na obvious naman na ang dahilan. Sabay hablot ko sa braso nito nang makalabas na kami ng resto.

Agad ko kasi itong sinundan. Hindi ko siya pwedeng basta na lamang pabayaan kaya malamang sa malamang eh susundan ko talaga siya. Mamaya mapahamak pa. Konsensya ko pa.

Agad naman nitong binawi ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ko.

"Seriously? Nagtanong ka pa talaga?!" Pagtataray nito saka napahalukipkip sa aking harapan.

Bakit ba ang sungit niya yata ngayon? Tanong ko sa aking sarili.

Nangingiti na lamang ako sa loob loob ko. "Wag kang ngumiti riyan! Nakikita ko 'yang mga mata mo!" At dinuro pa ako nito. Naiiling nalang ako sa kasungitan ngayon ng babaeng ito. Hanep!

"Alright. I'm sorry okay?" I mean it. Alam ko kasing inis na inis na talaga siya. "I'm sorry, if I pissed you off." Saka malamlam na ngumiti ako sa kanya.

Sana umeffect. Sabi ko sa loob ko.

At mukhang umeffect naman dahil nahuli ko siyang napangiti kaya mas napangiti narin ako. Ang sarap sarap niya talagang titigan, hindi nakakasawa, the way she talks, her smile, her sweet voice, the way she laughs, her actions, her eyes...her lips..damn dude! She's perfect.

Ang swerte ng lalaking pakakasalan niya. 'Yung lalaking makakasama nito hanggang sa pagtanda. Lalaking---

"Hoy! Nakikinig ka ba?" Naputol ang pag dadaydream ko ng iniwagayway nito ang mga kamay sa harap ko.

Mapapatulala ka nalang kasi sa angkin nitong kagandahan. May minsan pang iniisip ko kung tao pa ba 'to o hindi eh. Ano kayang pinaglihi ng nanay niya noong pinagbubuntis pa lamang siya?

Hays, naiisip ko pa ba talaga yun? Mapaklang napaismid ako sa aking sarili.

Medyo nahihiyang napakamot ako sa aking batok habang dismayado naman iiling-iling itong naka tingin sa sakin.

"May sinasabi ka ba?" Maang na tanong ko rito pagkuwan.

"Gwapo nga bingi naman!" Muling himutok nito saka ako iniwanang nakatayo sa labas ng resto. Syempre malamang sa malamang susundan ko siyang muli. At lihim akong napapangiti, wag niyo na akong tanungin hindi ko rin alam kung bakit.

"Nakatulala ka diyan? May problema ba?" Pansin nito dahil kanina pa ako tahimik at nakatulala sa kawalan. "Share naman diyan!" Magiliw na pangungulit pa niya sabay tapik sa kaliwang braso ko.

Malamlam ang mga matang tumingin ako sa kanya at muli ay tinitigan na naman siya sa kanyang napakaamong mukha.

"Nagmahal ka na ba?" Sa 'di sinasadya ay bigla na lamang lumabas ang mga katagang iyon sa aking labi. Parang nabigla ko yata ito sa biglang itinanong ko dahil sa pagkunot ng kanyang noo.

"Kung oo, masaya ka ba? Naging masaya ka ba?" Dagdag ko pa. Noon naman ay awtomatikong napaiwas ito ng tingin mula sakin.

Muli, ay dismayadong napa face palm ako. Anong katangahan ba tong pinagsasabi mo, Chris? Suway ko sa aking sarili.

"Hmm, a-ayos lang naman kung---"

"Bakit mo naitanong?" Putol nito sakin. Medyo may panunuksong tinignan ako nito sa aking mukha. "O baka naman...in love kana sakin kaya mo naitatanong 'yan ngayon? Yiieee, aminin." Tuyo pa nito sakin.

'Di makapaniwala namang napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Tss. You wish!" Pang aasar ko rin sa kanya.

Kung gaano ka giliw ang itsura nito kanina, ganoon din kabilis na nagbago ang mood nito at tila ba biglang may malaking problema na dinadala.

"Aminin mo nga sakin, bakit ka ba nandito?" May pagkaseryoso ang boses nito kaya naman napalunok ako. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin ngunit binawi ko rin kaagad dahil baka mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

May pagka assuming pa naman 'to! Sabi ng inner self ko.

Nanatili lamang akong tahimik habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin nito. "Ako kasi, may gustong hanapin." Natigilan ako sandali sa aking narinig.

"H-Hanapin? At ano naman 'yun?" Walang emosyon na tanong ko rito. "Anong feeling mo dito sa Coron, hanapan ng ginto? Ng nawawalang bagay?" Dagdag na pang-aasar ko pa. Pansin ko kasing nagiging tense na ang aming paligid. Hindi pa naman ako sanay ng ganito. Ang corny kasi.

Ang buong akala ko ay mababago ko ang mood nito o kung hindi naman ay kahit konting supil ng ngiti ay mayroon akong makikita sa kanyang labi, ngunit nagkamali ako. Mas lalong sumeryoso ang itsura niya atsaka...what the fuck! Bigla ba namang umiyak.

"Gusto ko lang naman hanapin ang sarili ko. Takasan sandali ang buhay na meron ako. Huminga at magbakasakaling..." Bigla itong napahinto.

"M-magbakasakaling?" Curious na tanong ko rito nang nakakunot ang noo.

"W-wala." Tipid na sagot nito at mas lalo pang naiyak. Oh my gulay! Natataranta namang lumapit ako rito at hinawakan siya sa balikat.

"T-t-teka, wag ka ngang umiyak diyan. Baka isipin pa ng mga tao pinapaiyak kita. Ano bang gusto mo? Gusto mo bang kumain? May gusto ka bang puntahan? Ano? Laro tayo? Gusto m--"

"Aray! Ang sakit 'non ha!!" Pikon na tanong ko rito saka kakamot kamot sa ulo kong nabatukan niya. Ako na nga 'tong concern ako. Argh!

"Para ka kasing tanga! Anong laro? Ano ako bata? Siraulo!" At saka ito tuluyan nang muling natawa habang nagpupunas ng kanyang sariling luha. At last, kahit naman nabatukan ako napatawa ko naman siya.

Priceless! Ngiti ngiting sabi ko sa sarili ko. Hays, ang sakit talaga sa may bandang binatukan niya. Kung 'di lang 'to babae.

"Lika na nga. Bili mo nalang ako non! Daliiiii!!" At parang batang nagtatalon talon siya habang tumatakbo papunta sa itinuro niya.

"Tss! Hindi raw siya bata!" Dadabog dabog akong sumunod rito.

Barbeque. Masaya na siya diyan? Hayaan na nga.

Habang tumatagal mas lalo ko pang nakikilala si Jazmine. Alam kong hindi mo lubos masasabing kilala mo na ang isang tao sa loob ng iilang araw palang na samahan ninyo. Pero sa maikling panahon na iyon, pwede mong makita kung gaano kaganda o kabuti ang kalooban ng isang tao.

Parang 'yung babaeng tinitignan ko ngayon, sing ganda ng panlabas na anyo nito ang kanyang kalooban. At isa pa, sobrang napaka inosente...

Bigla tuloy akong napaisip. Dahil ang mga klase ng mga ganitong babae ay hindi lang basta dapat iniingatan, kundi nakakatakot silang saktan.

Napabuntong hininga na naman ako habang naiiling. Dahil basta na lamang mayroong pumasok sa isipan ko. Sa mga sandaling ito ay iisang tao lang naman ang nasa isip ko at 'twing naaalala ko siya, gustong-gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko.

Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula kay Jazmine noong bigla itong napalingon sa akin. Hindi ko alam pero, madalas na yata akong napapatitig sa kanya? Weird.

Hindi ko alam kung bakit kami pinagtagpo sa islang ito. Pero ngayon nagiging malinaw na. At inaamin kong nakakatulong siya. Well, thanks to her.