Chereads / Here's Your Perfect COMPLETED / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Jazmine

Ngayong araw ang aga kong nagising sa hindi ko malaman na dahilan. Pinipilit kong ipikit muli ang aking mga mata ngunit hindi ko na magawang makatulog pang muli. Nakatulala at nakatitig lamang ako sa kisame ng buong kwarto, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na naman ang ganito.

Nakakawalang gana. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos.

Aaminin ko namimiss ko na ang mga kaibigan at pamilya ko. But I don't have a choice kundi ang takasan ang magulong buhay na pilit nilang ibinibigay sakin. Buhay na kailan man ay hinding hindi ko papangaraping maging akin.

At sa hindi malamang dahilan, bigla nalang nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Para bang may kung anong mabigat sa aking dibdib ang hindi ko mawari kung anong dahilan at saan nagmumula.

Ang tanging alam ko lamang ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa hindi malamang dahilan.

Niyakap ko ang unan na malapit sa akin atsaka hinayaan ang aking sarili na umiyak lamang ng umiyak. Hanggang sa mawala ang sakit, hanggang maubos ang mga luha at para sa susunod ay wala ng magiging dahilan pa para ako ay lumuha.

Hindi ko rin alam kung ilang oras ako namalagi sa ganoong posisyon, dahil hindi ko narin namalayan na nakatulog na pala akong muli habang hinahayaan sa pag-iyak ang aking sarili.

Bigla akong napabalikwas ng tayo nang mapansing magdidilim na ang paligid. Nanlalaki ang aking mga mata habang nagpapalipat lipat ang tingin mula sa bintana ng kwarto, at pati na rin sa wall clock ng aking silid.

Ganun ako katagal na nakatulog?! Napapapatalak ako ng disoras sa aking sarili atsaka dali daling nagtungo sa banyo para maligo.

Hindi na ako nagtagal pa sa banyo, lumabas na agad ako at nagbihis na.

Habang nagpapatuyo ng aking buhok ay panay naman ang pag buntong hininga ko dahil sa magtatakip silim na. Pagkatapos ko sa aking buhok ay naglagay narin ako ng konting lip tint, dahil hindi ako naglalagay ng makapal na make up. Naglagay lang ako ng konting face powder at ng masiguradong okay na ang aking sarili ay nagmamadaling lumabas na ako ng aking silid.

Hinihingal na nakarating ako sa may high way, mag aabang sana ako ng masasakyang tricycle ngunit lahat ay punuan naman na. Nakakainis! Bagsak balikat na nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang naiiling.

Saglit akong natigilan sa paglalakad noong makita ko ang isang lalaki at babaeng masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Magkahawak pa ang mga kamay na para bang ayaw nilang bitawan ang isa't isa.

Napangiti ako ng mapait sa aking sarili, hindi ko na kasi ata mararanasang mahalin pa ng taong mahal ko at makasama pa ito ng pang habambuhay.

Muli, napahinga na naman ako ng malalim, napapikit at saka napa tingala sa kalangitan upang pigilan ang nagbabadya na namang pagpatak ng aking mga luha. Nang masigurado kong kalmado na ang aking sarili ay unti-unti ko ng iminulat muli ang aking mga mata.

Noon din ay tila ba parang naging slow motion ang lahat ng nasa aking paligid. Awtomatikong gumuhit ang malawak na ngiti sa aking mga labi, nang makita ko ang papalapit na si Chis. Napaka lawak ng ngiti ko hanggang sa napahinto ito sa aking harapan. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya.

Ano kayang meron at bakit sobrang napakaperpekto niya atang nilalang?

Hay jusko! Ano bang ginawa ng lalaking ito sa akin at ganun niya nalang kabilis baguhin ang bawat mood ko? Pagwawala ng damdamin ko sa loob ko.

Nagtataka naman siyang napatingin sa akin at kunwaring napalingon sa may likuran niya para tignan kung sino o saan ako nakatingin. Gusto kong mairap sa ginawa niya ngunit mas nanaig ang pagtitig ko sa napaka gwapo nitong itsura.

Nang marealize niya na wala naman talaga akong ibang tinitignan kung hindi siya, ay muli na itong nagbaling ng kanyang paningin sa akin, bago lumapit ito atsaka ako marahan na hinipo sa aking noo.

"Okay ka naman." Mahina ngunit rinig kong sinabi niya. "What?" Pagtataray nito nang mapansin na hindi ko parin inaalis ang aking mga mata sa kanyang mukha at parang tangang naka ngiti pa sa harapan niya.

"Baliw na yata ako." Wala sa sarili na sabi ko.

Naiiling na lamang siya atsaka ipinaypay ang kamay sa ere habang parang nandidiring nakatingin sakin. "Baliw ka talaga!"

Nagsimula na ito sa paghakbang para sa kanyang muling maglakad. Napapailing na lamang din ako sa loob ko, hindi ko maintindihan kung bakit parang sumasabog ang damdamin ko ngayon sa saya.

"Stop smiling like an idiot. You're creepy as ever, you know? Tss." Komento nito ng makitang nakangiti parin ako.

"Masama bang ngumiti?" Ganting tanong ko naman habang sinasabayan na rin siya sa paglakad. Ngunit tinignan lang ako nito ng masama.

"Bakit ba? Pasalamat ka nalang ikaw ang dahilan ng mga ngiti ko. Yung iba nga diyan, ginagawa na lahat mapangiti lang ako eh. Ikaw makita lang kita lumalabas na ang matamis na mga ngiti ko." Pagmamayabang ko sa kanya. Ngunit hindi ako nito pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglakad.

Para namang nakita ko rin itong napa ngiti ngunit hindi ako sigurado kaya...

"Hoy!" Sabay kalabit ko sa may braso niya. "Ano yung nakita ko? Bakit ka nakangiti?" Paghuhuli ko rito kahit hindi ko naman talaga sigurado kung nakangiti nga ba talaga siya. Pero...hindi eh. Nakita ko talagang napangiti siya.

"Umamin ka nga! Ba't ka napangiti?" Pangungulit ko pa. Napahinto siya sa paglakad atsaka hinarap ako.

"Ako?" Tukoy nito sa sarili.

"Hindi. Yung aling nagtitinda sa may gilid ng kalsada, siya yung tinutukoy ko." Pamimilosopo ko. "Malamang ikaw! Ikaw lang naman itong kausap ko---"

"Bakit naman ako ngingiti? Hmmm?" Putol nito sa akin dahilan para matigilan ako.

Bigla naman ako napatamimi dahil sa pagyuko nito para maging magkalevel ang mga mukha naming dalawa. At hindi lang iyon mas inilapit niya pa nito ang kanyang mukha sakin. Iyong tipong naduduling na ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya.

"Ahh--ehh k-kasi, ano ka ba!" Biglang singhal ko sa kanya atsaka buong pwersang itinulak ang mukha nito palayo sa akin. "Hindi mo dapat ginagawa yan! Paano kapag, ano? Kapag na...kapag na..."

"Ano?" Parang tuwang tuwa pa siya sa biglang pagiging dragon ko.

"Kapag nahalikan mo ako!!" Mabilis na bigkas ko dahilan para matahimik siya.

Napalakas yata ang boses ko. Pero ampupu bigla nalang humagalpak ng tawa. Napa poker face nalang ako habang tinitignan siya na tumatawa. May pa hawak hawak pa ito sa kanyang tiyan. Ang sarap niyang sipain at bigwasan. Nakakabwisit.

Pero infairness, ang sarap pakinggan ng tawa niya, sana palagi nalang siyang ganito kasaya. Napa close arms ako.

"Hindi ka pa tapos?" Iritableng tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Medyo kumalma narin naman na siya at nagpupunas na ng mata na naluha dahil sa sobrang pagtawa. Ngunit alam mong nagpipigil parin ito.

"You should see your face earlier Jazmine, you look like tomato hahahaha" Hala ka hindi na po siya natapos sa katatawa.

"Ewan ko sayo! Bumili ka ng kausap mo!" Atsaka padabog na tumalikod na sa kanya papalayo. "Kabagin ka sana. Tse!!" May saltik din pala 'yong lalaking yun. Nakakainisssss!!!!

Kanina pa ako palakad lakad dito sa bayan ngunit nagmumukha lamang akong naliligaw. Hindi ko kasi alam kung saan pupunta, nagugutom narin ako dahil dinner time na. Naamoy ko na rin ang nagbabanguhang pagkain dito sa lansangan. Haayyyy.

May isang oras narin yata simula ng nag walk out ako dahil sa walang humpay na pagtawa ni Chris. Asan na kaya yung mokong na yun? Tss. Ano bang paki ko doon? Eh pinagtatawanan lang naman ako 'non, kung hindi naman ako pagtawanan daig pa ang babaeng may dalaw sa kasungitan. Hay ewan! Hindi ko rin siya maintindihan.

Palinga linga ako sa paligid dahil hindi ko na talaga kaya pa ang gutom, maghahanap nalang ako ng may masarap na kainan. Tama! Maghahanap nalang ako. Nang siya namang may biglang humawak sa kanang braso ko at kinaladkad ako papasok sa isang mini restobar. Anak ng!

"Sa susunod wag kang nagwawalk-out tapos hahanapin mo rin pala ako sa huli. Tsk!" Mayabang na sabi nito atsaka ngumiti ng nakakaloko sakin. Naniningkit ang mga matang tinitigan ko ito.

Sino ba kasi ang may sabing hinahanap ko siya? Eh siya nga itong parang kabute na basta na lamang susulpot at biglang manghihila ng braso.

May araw ka rin saking tsonggo ka! Sabi ko sa loob ko.