Jela's POV
Nagmadali akong puntahan si Jared. Hindi ako nagdalawang isip puntahan sya. Nag aalala na ako.
Bumaba ako ng taxi. At pinuntahan ang puting gate na sinabi ni Jenica. Tumanaw ako sa garahe. Nakita ko ang kotse ni Jared. Hinanap ko ang doorbell at pinindot yun.
"DIIIIIIIINNNNNGGGGGG!!
Nakita kong tumatakbo si Jenica palabas ng pinto nila at pinagbuksan ako ng gate. Agad nya akong inaya sa loob.
"Nasaan ang kuya mo?" tanong ko pagkapasok namin sa loob. Inaya nya agad ako sa itaas.
"Dito po.." she said at binuksan ang pinto ng isang kwarto. I saw Jared, sleeping. Balot na balot sya ng kumot.
"He's hot." I said pagkahawak sa noo nya. Mainit na mainit sya. At medyo nanginginig sya.
"Jen, could you lower down the aircon? Giniginaw sya." utos ko kay Jenica at agad naman nyang inadjust ang aircon.
"Ikuha mo ako ng towel at alcohol okay." tumango ang bata. Bumabas sya sa kusina nila. Hinawi ko ang buhok ni Jared.
"Hindi ka nagparamdam then malalaman ko nagkasakit ka." I said to him kahit na alam kong hindi nya naririnig.
Inayos ko ang kama nya. Magulo ang higaan at halos nasa isang side lang sya ng higaan halatang giniginaw kaya nagsumiksik sya sa isang sulok. Naawa ako sa itsura nya.
"Ate!" nagulat ako at nasa pinto na si Jenica inabot nya sya sa akin ang towel.
"Sige na. Ako na bahala sa Kuya mo." I said para hindi na sya mag alala. Tumango ang bata.
"I'll just eat po." she said at niyakap ako. Sinarado nya ang pinto pagkalabas nya.
"I hope may heater ka dito." I said at pumasok sa cr. Nakita ko ang heater at binuksan yun. Kumuha ako ng tabo at nagsalin ng maligamgam na tubig doon. Nilubog ko ang towel saka piniga. Napaso pa ako sa init.
"Still." I said at dahan dahan kong idinampi sa mukha nya ang towel. Ramdam nya ang init kaya bahagya syang gumalaw.
"Huh." dumilat ang mga mata nya. At nakita ako. Bigla syang ngumiti.
"Jela.." he said.
"Youve been sick at hindi ka man lang nagsabi. Pinagworry mo yun kapatid mo." sabi ko sabay hatak sa kumot nya.
"Galit ka ba? Pinagagalitan mo nanaman ako?"
"Oo. Hindi ka nagpaparamdam man lang." sabi ko habang pinupunasan ang braso nya. He's just staring at me. Ako naman itong hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Wag mo ako tignan ng ganyan." sabi ko sabay takip sa mga mata nya. He smiled.
"Okay. I'll close my eyes." tinanggal nya ang kamay ko sa mga mata nya at nakapikit nga sya.
"Sira." bulong ko. Ngumiti sya ulit. Matapos ko sya punasan. Ikinuha ko sya sa closet nya ng bagong shirt at tinulungan ko syang isuot yun.
"I'll make you some porridge ha. Dito ka lang. Kailangan mo kumain para makainom ka ng gamot mo." paalam ko bago ako lumabas. Tumango lang sya.
Bumaba ako ng hagdan. Pinagmasdan ko ang buong bahay nila. Malaki pero dadalawa lang sila. Hindi ba sila napapagod maghanapan ng kapatid nya dito. Sa bagay kaming dalawa lang naman ni Ralph ang nasa bahay noon. Dumiretso ako ng kusina. I saw Jenica katatapos lang kumain.
"How's Kuya?" she asked.
"He'll be fine. Kailangan lang nyang kumain." I said habang hinahanap ang casserole.
"Ito po Ate." sagot ni Jenica at inabot sa akin ang hinahanap ko. Binuksan ko ang stove.
"Ate.. I'm sorry po kung naabala kita." sabi ng bata habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko.
"Okay lang.
"Your in Kuya's speed dial kaya ikaw po ang una kong natawagan." nagulat ako sa sinabi nya. Speed dial?
"Speed dial?" tumango ang bata. Bakit naman ako ilalagay ni Jared sa speed dial nya? Napaisip tuloy ako.
--
Pagkatapos ko lutuin ang porridge. Tinulungan ako ni Jenica na magligpit at iakyat ang pagkain ng Kuya nya. Kumatok kaming dalawa bago buksan ang pinto. Unang pumasok ang bata para maalalayan ko. Pinatong nya ang tray sa table.
"Kuya, get well." she said at humalik sa pisngi ng kapatid bago lumabas ng kwarto. Nagpaalam lang sya bago sya matulog. Hinalikan din nya ako sa pisngi bago tuluyan umalis.
"Eat now Jared." I commanded at ginising sya.
"Hey." he said.
Naupo ako sa tabi nya. Hawak ko ang mangkok ng porridge.
"Luto mo?" tanong nya. Tumango ako.
"Kumain kana. Wag kana magtanong." pagtataray ko. Sinubuan ko sya. Kumakain naman sya pero mataas talaga ang lagnat nya.
"Naubos mo." I said ng wala na ako masalok sa kutsara. Naubos nya na pala.
"Your a good cook." he said and smiled. Kinuha ko ang tubig at gamot nya. Uminom naman sya.
Muli syang bumalik sa pagkakahiga at hinatak ang kumot.
"Wait." he said ng hawakan ako.
"Stay." nagulat ako sa sinabi nya. Naupo ako sa may kama.
"May problema ba?" tanong ko. Kanina pa sya weird. Para syang may gustong sabihin pero hindi nya magawa.
"I'm still suffering from my past." he said. Nagulat ako.
"From your past?
Tumango sya.
"Alam mo ba na hinahangaan ko yun lakas ng loob mo para iwanan ang taong minahal mo. Dahil alam mo sa sarili mong nasasaktan kana.." he said.
"Ano ka ba! Ang tagal din bago ko narealize na dapat kong gawin yun. At hindi ko magagawa yun kundi dahil sa tulong mo." sabi ko habang pinagmamasdan ko sya. May pinagdadaanan ba sya?
"I know. You've really moved on. At I'm happy for that. Dahil your finally free from the sorrows. But me, its been 8 years and still.." natigilan sya. May kinuha sya sa drawers nya at inabot sa akin.
Kinuha ko ang isang litrato. Nakita ko si Jared pero bata pa sya. Mga nasa 17 sya at may kasama syang babae na di nalalayo ng edad sa kanya.
"Its my first love. First on everything.
Nagulat ako. Bakit nya sa akin pinapakita ito?
"Anong nangyari?
"She left me. I dont know why.. Ginawa ko naman ang lahat. I choose to study law because thats what she wants. I gave up what I really want para sa kanya and still she left me. Sinabi lang nya na hindi nya na ako mahal." he said habang nakatingin sa litrato.
"I'm sorry."
"After that. Natakot na ako magmahal. Natakot na iwanan ulit. Natatakot akong maiwan." hinawakan ko ang kamay nya.
"Wag ka matakot. Magkakaiba ang mga tao. Hindi ibigsabihin na kapag nagmahal ka ulit sasaktan ka ulit. Yan ang sabi ng kaibigan ko. Kaya nga naniniwala ako na may darating pa. Diba?" sinubukan kong palakasin ang loob nya.
"I guess your right. Sana yun babaeng gusto ko maintindihan din ako." he said. Nagtama ang mga tingin namin. Ngumiti ako.
"Oo naman. Mabait ka. Sundin mo ang feelings mo. If talagang gusto mo sya. At alam mong maiintindihan ka nya. Wala ka dapat ikatakot."
Tumango sya. Bumangon sya sa pagkakasandal at niyakap ako.
"Thank you Jela." ngumiti ako. Hinagod ko ang likod nya. Kahit papano napagaan ko ang pakiramdam nya. Siguro nga mas nahihirapan sya ngayon kaysa sa akin. Pero alam ko na mas matapang syang harapin yun.
Binantayan ko sya magdamag. Nakatulog na din ako sa paanan nya. Medyo bumaba na din ang lagnat nya.
---
Jared's POV
Nagising ako para uminom ng tubig. Medyo maayos na din ang pakiramdam ko.
"Huh?" naramdaman ko sa paanan ng kama si Jela. Dun na sya nakatulog. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin at ipinatong ko sa kanya.
"Thanks for taking care of me." I said at nilapitan ko sya. Hinawi ko ang buhok nya.
"I hope sooner masabi ko na gusto kita. Jela.. I'll do everything para maging deserving ako para sayo. I promised.." I said at hinalikan ko sya sa pisngi. Naramdaman kong gumalaw sya at lumayo ako.
"Sleep tight beautiful.
Bumalik ako sa higaan. At pinatay ko ang ilaw.
---
Jela's POV
Nagising ako sa alarm clock. Nagriring. Akala ko nasa bahay ako kaya tinamad pa ako bumangon. Pero nakaamoy ako ng..
"Ang bango.." I said at dumilat ako. Naalala ko nasa bahay ako nila Jared.
Bumangon ako. Wala si Jared? Humarap muna ako sa salamin at inayos ang buhok ko pati ang damit ko. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Okay na kaya si Jared?
Bumaba ako ng hagdan. I saw him at kitchen. Naka apron.
"Magaling kana ba at nagluluto kana?" tanong ko. Lumingon sya sa akin.
"Yes. I'm fine." napataas ang isang kilay ko. Magaling daw tapos hindi magpaparamdam then may sakit nanaman.
"Talaga ha?" tanong ko at naupo ako sa isang bakanteng upuan. Pinapanood ko ang ginagawa nya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Baking." nagulat ako. Nagbebake na sya ulit. Talaga! Natuwa ako sa sinabi nya. Naalala ko yun sinabi ni Jules about sa gusto ni Jared.
"You really loved baking?" Tinanguan nya ako.
"I do. I love making sweets for my family. Making cake and cupcakes for my litte sister. Hindi lang talaga yun naappreciate ni .." natigilan sya ng tumunog ang oven. Luto na ata ang cupcakes. Nilabas nya yun sa oven. Naamoy ko ang masarap na amoy ng home made cheesecakes. Hindi kasi ako magaling sa ganun. Sa pagluluto, oo.
"Take some pag uwi mo." he said pagkakuha ng isang tupperware. Ngumiti sya sa akin.
"Jared.."
"Hmm?
"Wag mo na ulit ako iiwasan." I said habang nakatingin sa kanya. Nagulat sya.
"Angela..
"Sila Jules, Amy at ikaw nalang ang meron ako. Kung iiwas ka pa, hindi ko na alam ang gagawin ko."
Nilapitan nya ako.
"I promise.." he said at ngumiti ako. Biglang.
"Ahhh!!" sinubuan nya ako ng cupcake. At tinawanan ako.
"You look funny when you get serious." he said at tinawanan ako. Napasimangot ako at dahan dahan kong nginuya ang cupcake na nilagay nya sa bibig ko. Muntik pa ako mabulunan. Nakakainis talaga sya.
---
iamnyldechan ❤️