Chereads / Trapped In His Arms / Chapter 11 - Chapter Eleven

Chapter 11 - Chapter Eleven

Jela's POV

1 week na simula ng magkaayos na kami ni Jared. Lagi na syang nagtetext sa akin at minsan lumalabas kami kasama sina Jules at Amy. Na eenjoy ko na talaga ang single days ko. Ito yun mga hindi ko naranasan nung may asawa ako dahil gusto ni Ralph bahay at trabaho lang ako.

Maaga ako gumising, lunes at kailangan maaga ako sa trabaho. Bumangon ako at inayos ang mga susuutin ko. Hinawi ko din ang kurtina sa may sala.

"Huh! Napansin ko ang nakasiksik sa may gate ko. Lumabas ako para tignan yun.

"Ano to?" kinuha ko yun. Isang bulaklak. Isang white daisy. Binuksan ko ang gate at lumingon ako sa labas. Wala naman tao.

Bumalik ako sa loob dala ang bulaklak. May maliit na papel.

Goodmorning Gorgeous.!

❤️

Nagulat ako. Wala pa naman ako gaanu kilala sa mga kapitbahay ko. Kaya imposibleng may magkagusto sa akin.

Pinatong ko sa table ang bulaklak. Baka may namali ng lagay ng bulaklak na yun at sa kapit bahay ko lang yun. Bukas for sure wala na yun.

Kinuha ko ang twalya ko at pumasok ng cr.

---

"Flowers?" tumango ako. Nakwento ko kay Jules yun about sa bulaklak.

"Baka may admirer kana dun?" he said at natawa ako.

"Admirer halos iilan months palang ako dun. Hindi nga ako nakikita ng tao dun dahil minsan lang ako lumabas tsaka papasok ako maaga uuwi ako gabi na. Ano ka ba!"

"Sa bagay, you have a point."

I sighed heavily. Kakatapos ko lang ma annulled kay Ralph and then may admirer ako. Sa bagay wala naman masama dahil wala naman akong asawa. Ang problema, sino naman yun?

"Don't worry too much about it. Just enjoy the life you have now." said Jules. Sumang ayon nalang ako. Pero kung magkakaroon ng chance na mahuli ko kung sino yun. Lagot sa akin yun.

Matapos namin magkwentuhan ni Jules. Bumalik na ako sa trabaho ko. May usapan kami ni Jared na magkikita kami ng dinner. Kasama nya si Jenica. Bigla akong nakaramdam ng excitement sa twing magkikita kami. I don't know why pero ngayon ko lang ito nararamdaman sa isang lalake after all this years being with Ralph.

---

Nakapag out ako sa work around 6PM.

May mga humabol pang clients na dapat ko asikasuhin. Nakarating ako sa meet up namin ni Jared ng hindi man lang ako nakapagpalit ng damit.

"Ate Jela!!" narinig kong sigaw ni Jenica sa akin. She rushed to me. At sabay akong niyakap. Nakita ko nalang si Jared na kasunod nya. Smiling.

"Your late." he said. Natawa ako. Sabay sabay kaming pumasok sa isang restaurant. Hawak ni Jenica ang kamay ko na parang ayaw bumitaw sa akin.

"How's work?" He asked habang nakaupo na kami at nakapag take na ng order.

"Its fine. Just had a hectic schedule." I answered back. Bumaling ang atensyon ko sa labas. Nakakita ako ng isang masayang pamilya. I just remembered, what if kung naging masaya ako kay Ralph. Do we end like a happy family like most of couples do?

"Are you okay?" bumalik ako sa ulirat.

"Yes. " I smiled. Wala pang ilan minuto dumating ang pagkain namin. Nasa tabi ko si Jenica at kumakain.

"Hey, dahan dahan lang." I said to Jenica, nagkaron na sya ng sauce sa mukha at pinunasan ko ang pisngi nya ng tissue.

"Do you still have contact with Ralph?" nagulat ako sa tinanong ni Jared.

"Wala na.

"Mabuti naman." nagulat ako isinagot nya. Mabuti at bakit?

Pagkatapos namin kumain. Sandali kaming namasyal sa mall. Hinayaan muna namin si Jenica na maglaro sa arcade habang naiwan kaming dalawa sa labas.

Hindi ako makatingin ng diretso kay Jared. I dont know why but I feel awkward.

"May gagawin ka bukas?" he finally breaks the silence.

Sandali ako nag isip. Wednesday tomorrow. Walang masyadong clients.

"Oo.. Uhmmm. After work?" he smiled then.

"Thats good. Okay lang ba?" tumango ako. Natutuwa ako when Im with Jared. Maybe because dahil malaya na ako from Ralph. But I think its about something else na hindi ko mafigured out.

---

10PM

10pm na ako naihatid ni Jared sa bahay. Nakatulog sa pagod si Jenica kaya hindi na ako nakapag paalam pa sa bata. Nagbilin nalang ako kay Jared na ipagpaalam ako sa kapatid nya. After nya magpaalam umalis na din sya.

Mag isa nanaman ako sa bahay. Naupo ako sa couch. I sighed heavily habang nakatingala ako sa kisame.

What If I fall inlove to him?

Napahawak ako sa labi ko sa naiisip ko. Hindi pwede yun. We just met. At kakaanulled ko lang.

Nakaramdam ako ng confusion. Bigla tuloy sumakit ulo ko. Baka sabihin ni Ralph gawa gawa ko lang ang mga sinabi ko para makawala ako sa kanya at makapag asawa ulit. Wala akong pinagkaiba sa kanya. Ayoko na ihambing nya ako sa sarili ka.

Dumiretso ako sa kwarto ko matapos ko magpahinga. Hindi na ako nakapaghilamos at nakatulog nalang ako ng hindi man lang nakapagpalit.

---

Umaga.

"Oh my god!!" napahawak ako sa magkabilang pisngi ko when I saw the bouquet of roses sa sala ko. Kinuha ko kaagad ang bulaklak.

Again there's a note.

Have a wonderful day, Gorgeus..

Napahawak ako sa noo ko. Someone is making fun of me. Pagkapaligo ko, nagbihis agad ako saka umalis. Iniwan ko ang bulaklak sa kusina. Naiinis ako. Sino ba yun? Hindi na maganda ang ginagawa nya. How could that stranger got into my house? Bakit hindi ko maramdaman.. What if magnanakaw yun? What if rapist yun? Or what if si Ralph yun?

Nakaramdam ako ng takot. Alam ko kapraningan ang ginagawa ko. But I've still had this trauma to Ralph. Natatakot ako na baka bigla nya nalang ako pasukin sa kwarto ko. At wala akong kalaban laban.

Tuliro ang isip ko hanggang makarating ako sa work. Halong takot at kaba ang pakiramdam ko. I need to find out who's that stranger or else mapapraning ako.

---

"Are you okay?" Nagulat ako sa tanong ni Jules. Nasa harapan ko na pala sya at kinakausap ako.

"I'm fine." sagot ko kahit hindi naman.

"Your not okay. Tell me what's the problem?" pagpupumilit nya.

"Remeber the guy I told you yesterday? Nagdala sya ulit ng flowers and this time its a bouquet!!" he didnt react. But I saw to his face that he's smiling which is nakakairita.

"Its not a joke!!" I said nakasimangot. He laughed at me.

"Whats wrong having an admirer?" napahawaka ko sa noo ko.

"Natatakot ako for my safety, Jules. Nakakalabas masok sya sa bahay ko without me knowing how did he do that! Its a big deal to me!" I said pagalit na.

"Okay, calm down. Alam ko naman yun. Pero pinapalaki mo lang ang sitwasyon. I mean kung may balak sayong masama, nung una palang ginawa nya na. At may napansin ka ba nakakaiba sa mga gamit mo if he's a maniac." Napailing ako sa sinabi nya.

"Then stop thinking about something that wont happen. Think of the positives okay.. Mag isa ka lang sa bahay mo thats why ganyan ka." may point si Jules. Huminga ako ng malalim. Siguro nga masyado lang akong praning.

Naalala ko na nag aya pala si Jared na lumabas kami. Naalala ko nalang yun ng pasara na ang banko. Nag undertime ako. Nag paalam naman ako kay Jules na aalis ako at pumayag sya. Mabuti nalang nakapagdala ako ng extrang damit. Nagpalit muna ako bago umalis ng banko saka dumiretso sa meeting place namin ni Jared. Sa Skyranch sa Pasay.

---

Jared's POV

Almost 30 minutes akong naghintay sa harap ng Skyranch. Hindi ko na alintana ang matagal na paghihintay. I know Jela.

I think this is the best chance para sabihin na gusto ko syang ligawan eventhough na 50% ang chance na tumanggi sya but i'll respect it.

Hindi pa man nakakalapit si Jela. Nakita ko na sya agad. I dont why pero when I see her, everything is slowing down like sa mga teleserye. The feeling when I bite my lip because of excitement to see her. At mabilis na tibok ng puso ko. I know masyado akong mabilis but how could I stop. She's the only lady who can stop me from breathing.

---

Jela's POV

Nakita ko kaagad si Jared na nakatingin sa akin. He just wear shorts and plain shirt. Kahit anong suotin nya he still looks hot. Kumaway ako pero parang hindi nya naman pinansin. Lumapit nalang ako.

"Hey, tulala ka?" I said to his face ng makalapit ako. Bigla syang nagising and blushed.

He's soooo cute.

"Andyan kana pala?" he said at natawa ako. Nakatingin sya sa akin a while ago habang naglalakad ako tapos hindi nya napansin na andyan na ako.

"Alam mo gutom lang yan." pabiro ko sa kanya. Hinila ko sya papasok sa isang fastfood.

---

iamnyldechan 💋

Thanks for waiting.

Thank you for voting and keep on reading :)