"Are you okay?" asked Jared habang naglalakad na kami sa mabatong daan.
"Oo naman. Bakit?"
"Wala lang. Nagulat ako ng sabihin mo yun kanina."
"Wala naman akong dapat ikahiya kung annulled ako. May sapat naman akong dahilan diba. At alam mo yun."
"I know Jela. At hindi ko na hahayaan maranasan mo yun." nagulat ako sa sinabi nya. He looks desperate ng sabihin nya yun. Desperado sya at seryoso na hindi nya na hahayaan madanasan ko ang hirap sa nakaraan asawa ko.
Hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami sa masukal na gubat. Nasa likuran namin sina Riggo. Nasa unahan kami ng pila. Hindi pa masyadong mabato ang daanan. Medyo natatanaw ko pa ang cabin sa ibaba. It means hindi pa kami masyadong nakakalayo.
Habang lumalayo kami sa paanan. Mas lalong nagiging matarik ang daan paakyat. Sumasakit din ang paa ko sa pagtapak ko sa matutulis na bato. At sa mga paghampas ng halaman sa braso ko. Mabuti nalang at hindi kainitan at malilim sa gubat. Kaya hindi masyadong mararamdaman ang pagod.
"Huminto muna tayo." Nagulat ako ng magsalita si Carla. Napansin kong hinihingal na sya at naupo nalang sya sa isang malaking bato. Pawisin na sya at halata sa mukha nyang hindi sya sanay sa ganun paguran.
"Okay. Lets stop for a minute." said Jared at namahinga muna kami. Naupo ako sa isang malaking ugat ng puno ng acacia. Nakaangat ang mga ugat nun sa lupa at balot ng mga halaman. Naupo ako dun habang ang iba naghanap ng kanya kanyang pwesto. Si Jared naman, nilapitan si Carla na pagod na pagod. Inofferan nya ito ng bottled water.
"Hi." nagulat ako ng lapitan ako ni Kylie. May hawak syang towel at pinupunasan ang mukha nya at braso nya habang ang asawa nya namamahinga.
"Congrats ha. Balita ko newly wed kayo." I said to her habang nakatingin sya kina Jared.
"Salamat. I heard na annulled ka diba? What happened?" expected ko na yun ang tatanungin nya. Sa expression nya kanina about what she heard, alam kong magtatanong sya pag nakaroon sya ng pagkakataon.
"Me and my ex-husband were into fixed marriage. Hindi naman nya ako minahal. He's a playboy, gambler and a heartless man. Wala syang ibang ginawa kundi umuwing may babae. Hindi ko na matagalan ang ganun gawain nya."
"I'm sorry, pero masaya kana man diba? Thats all matter.Kung saan ka masaya." she said smiling. I felt relief ng marinig ko yun. Akala ko huhusgahan nya ako.
"You know what, there's something special between you and Sir Red." nagulat ako sa sinabi nya.
"Sa amin?"
"Yeah. I see how he cares for you. I think you deserve a guy like Sir Red." nangiti ako sa sinabi nya. Eh ako kaya deserving kaya nya ang isang babaeng tulad ko? Isang babaeng annulled na. Galing sa isang magulong panilya at naging laru laruan ng isang lalakeng hindi naman ako minahal.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.
Nagkakaroon nanaman ako ng doubts sa feelings ko. At natatakot ako na husgahan ako ng tao dahil sa feelings ko kay Jared.
"Sa tingin mo ba? Tatanggapin ako ng magulang ni Jared kung buhay pa sila?" I asked Kylie. She stares at me for a moment.
"Oo naman. Kung tingin naman nila mahal ka ng anak nila at alam nila na mapagkakatiwalaan ka. Why not diba?" pinilit kong ngumiti sa sinabi nya.
"Mauna na ako. Trust yourself Jela. That's all you need." she said bago tumayo at binalikan ang asawa nya. Napaisip ako sa sinabi nya. Masyado lang siguro akong negatibo mag isip.
After ilan minuto, nagsimula na kaming lumakad. Halos nakaubos na ako ng isang bote ng tubig. Habang tumatagal nagiging matarik ang daanan. Mas lalong kaming nahihirapan lumakad especially kaming mga babae. Inaalalayan naman ako ni Jared pero sinabihan ko sya na mas tulungan nalang nya ang iba. Mas gusto kong lumakad ng mag isa. Napapabalik tanaw nalang ako sa kanila kapag nauuna ako sa paglalakad. Nakikita ko ang kabaitan ni Jared sa mga kasamahan namin. Kabaitan na hindi ko nakita sa ibang lalake lalo kay Ralph. Nangingiti habang nakikita sya. Bakit sinayang ni Catherine yun? And then ano now babalik sya for what? For Jared? The hell.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Almost 1PM na at nagdecide kaming kumain muna. Mabuti nalang nakapagbaon ako ng sandwiches. Nakakita kami ng magndang spot para kumain. Nadaanan namin ang isang puno ng mangga. Sa laki ng puno na yun masasakop nya kaming lahat sa lilim nya plus may mga mangga na masusungkit namin. At mababaon. May mga punong nakadapa sa paligid ng puno ng mangga. Naupo ako dun at duon na din ako naglabas ng makakain. Kaharap ko si Jared, Riggo at Kara. Habang sina Kylie naglatag ng sapin sa damuhan at doon kumain, kasama nila sina Carla at mga kaibigan nito. Habang ang magkapatid humiwalay ng lugar para kumain.
Nilabas ko ang baon kong sandwich at inalukan ko ang mga kasamahan ko. Si Gino at Kylie lang ang kumuha. Si Jared may baon beef na halos umalimuyak ang amoy sa paligid namin. Halos lahat kami nagkainan ng dala ni Jared. Nabusog ako sa beef na kinain ko. Nilabas ko ang isang gatorade sa bag ko at uminom. Pinunasan ko ang pawis sa gilid ng pisngi ko.
Lalapitan ko sana si Jared para sana sabihan na magpunas sya ng pawis pero nakita si Carla na inofferan sya ng towel.
Matapos namin mamahinga sandali. Nagsimula na kaming lumakad. Kailangan bago magdilim dapat na sa falls na kami, doon kami magpapalipas ng gabi at magtatayo ng tent. Tinignan namin ang mapa at ilan kilotmero pa ang layo namin dun. Makakarating kami dun kung hindi na kami hihinto at magpapahinga. Kaya nagdecide kami na ituloy ituloy ang paglalakad para mas maaga kami makarating sa falls.
Nahuli ako sa paglalakad. Inayos ko pa kasi ang gamit ko. Habang si Jared nasa unahan. Hindi sya pwedeng mahuli dahil sya ang leader namin. At sya din ang may hawak ng map.
Napahawak ako sa balakang ko. Bumibigat na yun likuran ko dahil sa pagdadala ko ng bag ko. Ayoko naman magpahalata kay Jared na napapagod na ako. Mamaya din makakapahinga na ako.
---
Napatingin akong muli sa wrist watch ko. 3PM na. Parang walang katapusan ang nilalakad namin. Medyo nakakaramdam na din ako ng pagod.
"Jela!!" nakarinig ako ng tawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung sino yun pero nanlambot ang mga tuhod ko. And then.. I saw.
"RALPH!!" nagulat ako ng nasa harapan ko na sya at hinawakan ako sa braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin at halos mapaluhod ako sa ginagawa nya.
"You can't leave me!! Your mine!!" Sigaw nya at nataranta ako. I stepped back and..
AHHHHH!!!"
Napasigaw ako sa sobrang sakit ng naramdaman ko sa likuran ko. Hindi ko namalayan nadulas pala ako.
"JELA!!" Narinig ko ang boses ni Jared at nakita ko syang patakbo papunta sa akin. Mabilis nya akong inalalayan makaupo. Hindi ko maigalaw ang binti ko dahil sa pagkakadulas ko.
"My god.. What happened!" said Kylie ng makita akong namimilipit sa sakit. Binuhat ni Riggo ang dala kong bag. Habang si Jared nilabas ang first aid kit sa bag nya. Nagkaroon ako ng gas gas sa binti ko. Mabilis na naghanap si Gino ng kahoy. Hinawakan ni Jared ang binti ko.
"Masakit?" he said habang kinakapa ito. Napapa aray ako kapag dinidiin nya sa isang parte at iginagalaw nya.
"Masakit. Masakit." I said mg paulit ulit. Ginamot nya ang mga gas gas ko. Saka nilagay ang kahoy at binalutan ng gauze ang binti ko. Inalalayan nya akong makatayo. Napakapit ako sa leeg nya. Ramdam ko ang kirot na para bang di ko kakayanin lumakad.
"Buhatin nalang kita." he said. Nagulat ako.
"No. Kaya ko lumakad." Mabilis kong pagtanggi.
"No. Wag ng matigas ang ulo." he said calmly at hindi na ako makatanggi. Binuhat nya ako sa likuran nya. Nakahawak ako sa leeg nya habang hawak nya ang mga binti ko. Hawak ni Riggo ang mga bag namin. Dala naman ni Paul ang map.
"I'm sorry naging pabigat pa ako." bulong ko kay Jared ng magpatuloy na kami. Naguguilty tuloy ako. Gusto ko maging independent pero hindi ko pala kaya. Ayoko kasi maging dependable sa ibang tao lalo kay Jared. Pero heto nadisgrasya pa ako.
"Hindi mo kasalanan. Aksidente diba." said Jared. Nalungkot ako. Ramdam ko sa tono ng pananalita nya ang disappointment. Siguro dahil di ako nakinig sa kanya na dapat sa tabi lang nya ako o matigas ang ulo ko kanina at ayaw ko pa magpakarga sa kanya. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa falls.
"WOW!" said Mika na amaze na amaze sa ganda ng falls sa harapan namin. Nagsibabaan na sila ng mga bag nila at nagtatakbo sa falls para makapaghilamos at magtampisaw sa tubig. Dahan dahan naman akong binaba ni Jared.
Masakit pa din ang binti ko pero nagwoworry ako kay Jared. Nakita ko syang simpleng nagstretch up pagkababa nya sa akin. Halatang nangalay sya sa ginawa nyang pagbubuhat sa akin. Feeling ko kalahating kilotmetro ang nilakad namin then dala pa nya ako. Ang bigat ko kaya.
"How's your leg?" he asked ng maiayos nya ang mga gamit namin. Hinawakan ko ang binti ko.
"Medyo masakit pa din." sagot ko. Nakatingin sya sa falls.
"Ano bang nangyari? Bakit ka nadulas? You should be aware sa mga dinadaanan natin. Ayan, naaksidente ka pa tuloy." he said sound aggravated. Sino nga bang di maiinis sa katangahan ko.
"Sorry. Kasi naman bigla nalang akong nakarinig ng boses ni Ralph and then nasa harapan ko na sya shouting at me na I shouldn't left him. And I'm his .. -" sunod sunod kong sinabi then..
"Stop." nagulat ako. Napatigil ako sa pagsasalita.
"Bakit mo sya iniisip?" nagulat ako sa tinanong nya.
"Hindi ko sya iniisip. He suddenly appeared." I said defensively.
"Kaya kita isinama dito to clear your mind from the trauma you've had with Ralph. I know hindi madaling kalimutan ang halos dalawang taon na pagsasama nyo. Pero kung pati dito sa camp iisipin mo sya.. Paano ko maipapakita ang sarili ko sayo. Kailan mo ako mapapansin?" I stopped for awhile at para akong naspeechless sa sinabi nya.
"Jared.. Hindi ko na mahal si Ralph. I dont know why he keep coming to my mind kahit di ko naman sya iniisip."
"Then why? Bakit nga ba?" he asked again.
"Natatakot ako sa pagbabalik ni Catherine sa buhay mo. You loved her first. You've had her at your worst. You've been together for so many years. At alam ko na hindi ka pa din nakakalimot sa ginawa nyang pag iwan sayo. Natatakot ako na baka kunin ka nya sa akin dahil hindi naman kita pag mamay ari." I said na pagalit na ako. Nagagalit kasi ako dahil nagbalik si Catherine. I want Jared. Pero mahal ko ang sarili ko more than him. Nasaktan na ako ng isang beses, nahirapan. Kung mauulit yun dahil sa katangahan ko, I made a choice at hindi na yun aksidente.
"I don't know Jared.. Bakit nga ba hindi mo sya magawang kalimutan? Kung tutuusin, mas matagal na kayong hiwalay rather than me and Ralph but I still chose my feelings for you."
"You dont understand.." sagot nya.
"Bakit nga ba hindi ko maintindihan! Bakit hindi mo iexplain sa akin!!" sigaw ko sa kanya. Napahawak ako sa binti ko dahil sumasabay ang kirot nun sa nararamdaman ko.
"Just stop!! You should rest." he said at tumayo sya. Gusto ko syang pigilan pero hindi ko magawa dahil paralisado ang binti ko.
Iniwan nya ako sa kinauupuan ko na walang sagot sa mga katanungan ko. Naiinis ako sa kanya. Bakit nga ba hindi nya magawang ikwento?
---
iamnyldechan ❤️