A week passed since nalaman namin ni Jared na bumalik na si Catherine. Araw araw naghahanda ako sa pwedeng mangyari. Luckily I as expected, wala pa naman. At bumalik na din sa dati si Jared.
TOK! TOK!
Natigilan ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang kumatok. Huminto muna ako at tinago ang mga files na nakakalat sa table ko. Suddenly nagbukas ang pinto.
"Hey." I saw Jared smiling. May dala syang pagkain. Tamang tama, lunchbreak na.
"Lunchbreak nyo na?" tanong ko sa kanya ng mailapag nya ang pagkain. Nakangiti sya sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang tingin nya.
"Yeah. Naisipan kong daanan ka dito. And also for this.." May nilapag syang ticket. Saka ko lang naalala yun camping na pupuntahan namin.
"Para saan tong ticket?"
"For the campsite. Well, bukas ng madaling araw tayo aalis so be prepared." Kinuha ko ang ticket.
"Sino sino mga kasama natin?"
"I invited Jules. Pero hindi pa sya nagrerespond. Then si Riggo palang ang kasama. Then some random people." napahawak ako sa pisngi ko.
"Susunduin nalang kita bukas." Tumango lang ako then nagsimula na kaming kumain.
---
2AM.
Binaba ko sa sala ang bagpack na dala ko at isang shoulder bag. Napahinga ako ng malalim ng maibaba ko yun. Nung isang araw pa ako nagready. Nadelay lang daw yun camp dahil nagkaroon ng hearing si Jared. Double check na lahat ng gamit ko. Nakapagdala ako ng first aid kit. Flashlights. Extra batteries at camp gears.
Nakasuot lang ako ng plain shirt. Shorts na hanggang binti at rubber shoes. May dala din akong jacket. Hinihintay ko nalang si Jared dumating. Naupo ako sandali at sinilip ang phone ko. Mabuti nalang din nakapagcharge ako at may dala akong powerbank. Baka mamaya magka emergency sa office, madali nila akong makokontak.
TOK! TOK!
Alam ko nang si Jared yun kaya agad ko syang pinagbuksan ng pinto.
"Goodmorning." said Jared pagkapasok nya. Napatingin ako sa suot nya. He's wearing plain shirt na medyo fitted sa mga braso nya. Then shorts na camouflage. May salamin sya nakasabit pa sa collar ng damit nya. At halos naririnig ko pa ang tunog ng susi sa bulsa nya. Kinuha nya agad ang gamit ko. Hindi na kami nakapag usap at mabilis kong sinarado ang bahay ng makalabas kaming pareho.
Dala nya ang sasakyan nyang pick up truck. Nilagay nya ang mga bag namin sa likod saka tinakpan iyun. Napansin ko ang laman ng likuran. Isang jug ng tubig at mga gamit sa tent. Niyaya na akong sumakay ni Jared.
"Kanino mo iniwan si Jen?" agad kong tanong ng makasakay kami.
Kinuha nya sa bulsa nya ang susi saka pinaandar ang sasakyan.
"Sa cousin ko." he replied ng sinimulan nyang magdrive. Hindi pa maliwanag ng oras na yun kaya nakaramdam ako ng antok. Medyo malakas pa ang aircon kaya napahimbing ang tulog ko.
---
"HUH!" napamulat ako ng naramdaman kong pumreno ang sasakyan. Akala ko hindi ako naka seatbelt kaya halos feeling masusubsob ako. Hindi ko alam na kinabit pala nya yun habang tulog ako. Nahawakan ko ang malambot na tela na nakabalot sa akin. Jacket ni Jared.
Napahawak ako sa mga mata ko. Mataas na ang sikat ng araw. Napadungaw ako sa bintana at natatanaw ko na ang bundok.
"Malapit na tayo." said Jared na nakatingin din sa mga bundok. Hindi ko namalayan ang oras.
Maya maya biglang lumiko ang sasakyan sa isang rough road, then huminto sa dulong part ng rough road na yun. Nakita ko ang signage na road closed na. Pinarada ni Jared ang sasakyan nya. Napansin ko ang ilan sasakyan nakaparada sa paligid ng kalsada. Nagkalat na din ang mga unfamiliar people na mukhang maghahiking at camping din.
"JARED!!" nagulat kami ni Jared paglabas ng sasakyan. Naalala ko yun kaibigan laging nyang kasama , si Riggo. Kasama din namin sya. Sinalubong nya kaming dalawa.
"Hi, long time no see." he said at sandaling niyakap ako. Inakbayan nya agad ang kaibigan.
"Ang aga mo." said Jared sa kanya.
"May plus one ako. Si Kara." he said ng lumingon sa harap ng cabin. Nakita namin ang isang maputing babae na medyo chinita at nakashorts. May dala syang bagpack.
"Bago nanaman." said Jared. Natawa si Riggo.
"Of course, sa ating magkakaibigan. Ikaw lang ang stick to one." he said sabay lumingon sa akin. Nagtaka ako.
"Lets go. Ioorient tayo bago umakyat." tinulungan nya kaming ibaba ang gamit namin sa pick up.
"Kaya mo na ba to?" he asked ng ibigay ang bag ko. Tumango ako. Sinuot ko ang bagpack ko. Mukhang masusubukan ako sa hiking na to. Binitbit ni Riggo ang dala namin tent. Si Jared naman inayos lang ang sasakyan at sumunod na sa amin sa cabin. Inabot lang nya ang ticket namin sa isang babae sa cabin bago kami pinapasok sa loob.
"Wow." I said ng makita ang ibat ibang mukha ng tao sa loob ng cabin. Sabi ni Riggo, lahat ng makakasama namin sa cabin it means part ng team na aakyat sa bundok at sa campsite. Kaya dapat mafamiliarize na kami sa isat isa para maiwasan ang pagkawala sa grupo.
Napansin ko ang ilan babae na nakatingin kay Jared. I dont know why pero naiinis ako kapag ninanakawan nila ng tingin si Jared. Is he that too attractive para makatawag atensyon ng babae?
"Hey." nagulat ako ng sikuhin ako ni Riggo. Napansin nya atang nakatingin ako sa mga babaeng sumusulyap kay Jared.
"Ingatan mo yan kasama mo. Insensitive yan." said Riggo. Nagulat ako.
"Insensitive saan?"
"He's too gentle. Yan si Red, always positive yan, kaya minsan namimis interpret ng other girls yun pagiging mabait nya."
"What do you mean?"
"Hawakan mo ng mahigpit yan si Red, baka maagawan ka." nagulat ako sa binulong nya, and then I saw Jared talking to the girls na kanina lang nakatingin sa kanya.
Napataas ang isang kilay ko at napakibit balikat ako.
"Bakit mo kausap yun mga yun?" mabilis kong tanong sa kanya pagkabalik nya.
"They were asking if pwede silang sumama sa grupo natin."
"And then pumayag ka?" mataray kong tanong sa kanya.
"Yeah. Well, this camping will teach us to help each other. And the more the merrier." he said smiling face pa.
"Sabihin mo din sa kanila na baka gusto nila makinig sa orientation para hindi sila tanong ng tanong sayo." pranka kong sagot.
"Uh.. Okay."
Binalikan nya ang mga kausap nya. Naiinis ako kapag ganun sya. Hindi sya marunong tumanggi. Naupo ako ng pa indian seat ng marinig kong magsisimula ng orientation. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Jared.
"Hi, and Goodmorning! I'm Aliyah and I'll be the camp leader of this group. So this short orientation is about our camp and hiking destinations. First, ididiscuss ko muna ang do's and dont's natin for the whole tour.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan. Nakinig kami sa mga dapat at hindi dapat gawin para maiwasan ang aksidente. Madadaanan namin ang ilan sapa, falls at ilog kung saan kami pwedeng maligo. Mga boundaries na hindi namin pwedeng puntahan. Ang tanging objective ng hiking is discipline. Hindi pwedeng sumobra at hindi pwedeng magkulang. Bigla kong narealize na ang hiking na yun ay hindi lang about sa discipline. Its about life. Ang mga rough road na dadaanan ay mga obstacles, conflicts ng buhay. Ang mga oasis, falls at ilog ang mga flows. Kung di susunod sa agos maaring maiwan. Nag take down notes ako habang nag didiscuss ang camp leader. Pakiramdam ko mas magkakaroon ako ng improvement sa hiking na yun, I mean hindi lang sa pag akyat ng bundok, maaring mga hakbang sa improvement ng buhay ko, with Jared. Napalingon ako ng sandali sa kanya habang nakikinig sya. Sa pagdating ni Catherine, panibagong risks nanaman ang haharapin ko? Kakayanin ko ba? Lalo at ngayon palang nagbobloom ang relasyon namin.
"We have special guests today na makakasama natin sa hike. One of them are Mr. Jared Dela Vega." nagulat ako ng banggitin ang pangalan ni Jared at sandali syang pinalakpakan.
"Guest ka?" tanong ko sa kanya pagkaupo nya.
"First time ko sa ganito. Tsaka mas kailangan mo din to. To enjoy." he said. He hold my hand. Hinawakan lang nya yun hanggang sa matapos ang buong orientation.
---
After orientation. Binigyan kami ng handbook at mapa. Pinapila kami sa likod ng cabin. Panglima kami ni Jared sa pila at pang sampu sina Riggo. Hinati kami sa 5 grupo. Bawat grupo nagcoconsist ng 6 pairs. Sa grupo namin 4 na kami at may nahalong 4 pairs. Isang couple na bagong kasal. Then yun 4 na babaeng panay takaw tingin kay Jared at dalawang magkapatid na lalake. Binigyan kami ng number. Then bawat groups nagkaroon ng head leader. Sa grupo namin, Si Jared ang napili. Maghahike kami sa south part ng bundok. May kasabayan kaming grupo pero iba naman ang tatahakin nilang daan.
Bago kami nagsimulang lumakad. Nagpakilala muna ang bawat isa sa amin para makilala ang myembro.
"Ako si Kylie Dimasalang. 23 years old." sabi ng babaeng bagong kasal sa nagpakilalang asawa nya na si Jeff Dimasalang.
Natuwa ako sa samahan nilang mag asawa. Sabi nila hobby na nila ang maghiking ng magkasama. Nagpakilala naman ang magkapatid.
"Ako po si Gino Castro at ito po ang kapatid ko na si Paul Castro." Napansin kong bata pa si Paul. Nabanggit nya na 18 palang sya at yun kuya nya naman 22.
Nagpakilala ang 4 na babae.
"Ako si Carla, sya si Jana.." turo nya sa babaeng katabi nya na medyo reddish ang buhok at nakapusod.
"Ito si Aileen at sya si Mika." tinuro nya ang babae sa dulo na naka bob cut ang buhok na halatang bata pa. Siguro mga edad 20 palang yun at pinaka ahead sa kanila si Carla na nabanggit nya na 24 na sya.
Sumunod nagpakilala si Riggo at yun kasama nya na si Kara. Then sumunod ako.
"I'm Angela Cordova. You can call me Jela. 26. And I'm annulled." Nang marinig nila ang sinabi ko nagkaroon ng bulungan sa side ng mga babae. Yun mag asawa naman namuo ang lungkot sa mukha nila. Alam nila na mahirap. Pero nagkaroon ng mga katanungan sa isipan nila. Bakit ako nakipaghiwalay? Sapat ba yun rason ko para putulin at sirain ang pangakong sinumpaan ko sa harap ng Diyos.
"I'm sorry." said Kylie ng lapitan ako. Naramdaman nya siguro yun emotion ko.
"Its okay." sabi ko at ngumiti.
Matapos namin magpakilala. Nagsimula na din kami maghike, paakyat ng bundok.
---
iamnyldechan ❤️