Bumalik ako sa hearing matapos ko mag cr. Nasa isipan ko pa din ang pangalan ng babaeng yun. Bakit kaya nya hinahanap si Jared?
Nakita ko si Jared na nakatayo at kausap ang judge mukhang tapos na ang hearing. Nagsisilabasan na din ang ibang mga tao.
"Found you." said Jared pagkatapik sa balikat ko. He hugged me . Nagulat ako.
"What happened?" tanong ko.
"Babalik pa kami next week for the next hearing. Dont worry. Everythings fine." he said at hinawakan ako sa kamay ko. Inaya nya na akong lumabas. Bigla nanaman pumasok sa isipan ko yun babae.
"Nga pala, may naghahanap sayo kanina." nabanggit ko.
"Sino?"
"Well, I heard her name. She was Catherine.. Malvar?"
Biglang nabura ang ngiti sa mukha ni Jared. Suddenly bumitaw sya sa kamay ko. Nagtaka ako.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya pero hindi sya sumasagot.
"Jared?"
He grabbed me at hinatak ako.
"Lets get you home." Bigla nyang sinabi at inaya ako sa ibang exit. Hindi kami dumaan sa entrance na dinaanan namin earlier. Nagtataka na ako sa kinikilos nya. Suddenly nag iba ang mood nya. Mabilis nya akong pinasakay sa kotse nya. At nagmamadali sya magmaneho. Kakaiba na sya simula ng marinig nya ang pangalan ng babaeng yun.
Sino ba yun?
"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Jared habang nagmamaneho sya.
Hindi sya sumagot. Basta nasa kalsada lang ang tingin nya. Nalungkot ako. Hindi ko na sya maintindihan. Nakarating kami sa bahay. Basta binaba nalang nya ako at sandaling nagpaalam.
"Jared?" tawag ko sa kanya bago sya umalis. Nilingon nya ako.
"I'll be back. I promised. Dont worry." He said at hinalikan nya ang kamay ko. Hindi na ako nakasagot after nun. Hinayaan ko nalang sya. Nakaalis sya ng hindi ko man lang natanong kung bakit?
---
Nagpalit ako ng damit ko after ko makapaghilamos. Tumawag si Jules na dadaan sya sa bahay. Pumayag naman ako at wala naman akong gagawin buong araw. Naudlot pa yun usapan namin ni Jared.
"Hey!!" sigaw ni Jules sa pintuan palang. Sinalubong ko sya. May dala syang mga pagkain na pagsasaluhan namin. Binaba nya ang pagkain sa mesa.
"Where's Jared?" agad nyang tanong. Napaisip ako kung anong idadahilan ko.
"Ahh. Umalis bigla." sagot ko nalang.
"Ha? Umalis bigla? Why?" tanong nya
"Ewan ko. When he heard the name Catherine Malvar. Nagkaganyan na sya." Sabi ko na nagtataka pa din sa mga nangyari.
"WHAT!!" nagulat ako sa sigaw ni Jules. Halos mabitawan ko ang pinggan hawak ko.
"Bakit nanaman ba?" tanong ko sa kanya.
"Catherine Malvar is Jared's EX." halos hindi ako makapagsalita sa nalaman ko. That woman I just saw earlier was Jared's ex girlfriend? Bigla akong namutla sa narinig ko. That woman is his first love. At ang babaeng hindi nya makalimutan.
"Saan mo nakita?" mabilis na tanong ni Jules.
"Sa RTC. Hinahanap nya si Jared." sagot ko.
"My god. Ano kayang iniisip ni Cathy? Bakit sya bumalik?" said Jules.
Napaisip ako. Balak na ba nya balikan si Jared? Paano naman ako? Nag aalala ako kay Jared. Alam ko kung ganu sya nasaktan sa nangyari sa kanya before. At alam kong hindi pa sya ganu nakakapag moved on.
"Anong dapat kong gawin?" tanong ko kay Jules.
"Stay with Jared. He needs you. Alam ko na nataranta si Jared kanina kaya ka nya hinatid dito. Ayaw nya lang na mag alala ka." sumang ayon ako kay Jules. Pero paano? Pupuntahan ko si Jared? Pero hindi ko nga alam kung nasaan sya? Baka nakipagkita na sya sa ex nya? What if magbalikan sila? Anong gagawin ko?
Buong araw akong napaisip sa mga nalaman ko. Hindi ako mapakali. Wala akong alam sa nangyayari about kay Jared. Gusto ko syang kausapin pero hindi ko alam kung papaano.
"Aalis na ako. Kaya mo na ba?" asked Jules bago umalis. Napatango nalang ako. Kahit hindi. Nang makaalis si Jules, hinanap ko ang phone ko at nagtext ako kay Jared. Naghintay ako ng reply pero wala akong nareceived.
---
Jared's POV
Gusto kong sumabog sa galit sa nakikita ko. I know it'll happen. Pero hindi ko pinaghandaan. And much worst. Walang kaalam alam si Jela.
"I never thought na mag iimprove ka ng ganyan. To a college student now a professional lawyer." said Cathy habang lumilibot ang mata sa buong bahay. Hindi ko pinalabas ng kwarto si Jenica. Hindi naman nya kilala si Cathy at for sure madami syang itatanong.
"Why are you here?" matigas kong tono. Ayoko na nasa bahay sya. Pero laking gulat ko nalang na pagdating ko nandito na sya.
"Visiting you. Hinahanap kita sa work mo pero hindi kita mahanap. Ang sabi umuwi kana daw." she said habang nakaupo sa couch.
"Visiting me after years you've been gone. Hindi ako nakikipagbiruan Cathy. Stop it okay." sigaw ko. Nilapitan nya ako.
"I want "us" ."
Nagulat ako sa sinabi nya. Bahagya akong lumayo.
"You want us?"
Tinanguan nya ako.
"Umalis kana Cathy.. Wala na akong panahon sa ganyan. I'm inloved with someone. Someone better than you."
"There's no one can be better than me, Red. Ako lang ang minahal mo. At alam ko you still loved me. Hindi mo maitatago yun. And that lady your talking about? Malalaman ko kung sino yun." she said saka lumabas ng bahay. I sighed heavily. Napaupo ako. Napahawak ako sa batok ko.
"God.. Bakit pa sya bumalik.." I said to myself.
Bakit nga ba? Kung kelan masaya na ako with Jela. Nagvibrate ang phone ko. Nabasa ko ang text ni Jela. Gusto ko syang replayan pero nagdecide akong wag na. I think I'll just rest muna. Patong patong na stress ang dinulot sa akin ng pagbabalik ni Cathy. Gusto kong ipahinga ang sarili ko. At panandalian makalimutan ang mga problema.
---
Jela's POV
Maaga akong umalis ng bahay kinabukasan. Nakapamalengke na din ako. Bitbit ko ang dalawang plastik ng groceries. Pagkababa ko ng taxi. Sinalubong ako ni Jenica sa pinto.
Hindi ko pinaalam kay Jared na pupunta ako sa kanila ng maaga. Naisipan ko syang ipagluto. Nagtext aa akin ang kapatid nya at sinabing may nagpuntang babae kahapon sa kanila. Narinig nya si Jared na galit na galit. Natakot sya kaya nagtext sa akin ang bata. Naisip ko naman na baka yun ex ni Jared yun. Pero ang mas gumugulo sa isip ko yun nararamdaman nya. Hindi kaya makagulo din to sa binubuo namin relasyon.
"Goodmorning Ate." Masayang bati sa akin ni Jenica pagkalapag namin ng groceries.
"Tulog pa ang Kuya mo?" tanong ko at tinanguan nya ako. Sinimulan namin maghanda ng mga iluluto. Ham, eggs, bacons, bread, juice at pancakes. Nagrequest pa si Jenica na gumawa kami ng strawberry syrup para sa pancakes nya. Naalala ko noon na kapag nag kaanak ako araw araw kaming magluluto ng magkasama ng breakfast para sa daddy nya. Kahit papano natutupad yun dahil kay Jenica. Naisip ko sana nagkaroon ako ng kapatid.
Nagpatulong ako sa bata maghugas. Hindi ko kasi pwedeng iwanan ang niluluto ko. Kaya sya na ang naghugas. Ayaw daw kasi ng Kuya nya na madumi ang kusina. Kaya sinasabayan namin ng paglilinis. Nakatapos kami sa mga lutuin bago magising si Jared. Nakahanda na lahat sa mesa.
"Maliligo lang po ako." Paalam ng bata sa akin at pinayagan ko na sya. Naiwan ako sa kusina.
"JENICA!!" narinig kong sigaw ni Jared. Gising na sya. Narinig ko din bumukas ang pinto ng kwarto nya.
Naupo ako at hinintay ko syang lumabas.
"JELA?" he said ng makita ako. Natawa ako dahil wala syang suot na pang ibabaw at tanging boxer shorts lang ang suot nya. Napatakip ako ng bahagya sa labi ko habang bumababa sya ng hagdan.
"Goodmorning." bati ko sa kanya pagkababa nya. Napahawak sya sa magulo nyang buhok at naupo sa tabi ko.
"Naabala ba kita? Anong meron?"
"Wala lang. Gusto lang kita ipagluto." I said and smiled. Napilitan syang ngumiti at napatingin sa inihanda kong pagkain. Alam ko at kahit hindi nya sabihin, malalim ang iniisip nya about sa ex nya.
"I know. Is it about Catherine right?" nagulat sya sa sinabi ko. Napahiran ng confusion ang mukha nya at kalungkutan.
"I'm sorry for not telling you. Bigla nalang kasi syang.. Bumalik." bahagya syang napatigil. "All of a sudden gusto nya na magbalikan kami after he left me." nagulat ako sa sinabi nya. Kita ko sa mga mata nya ang galit. Hinawakan ko sya sa balikat.
"Naiintindihan naman kita. Kaya nga nandito ako. Ako naman ang tutulong sayo. After what you've done for me. Its time to return back the favor."
"But how? I told her I'm inloved with someone. And I know Catherine. What she wants she gets." napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
"Ano bang kinakatakot mo?"
He stared at me for awhile. Nag isip.
"Natatakot ako na kunin ka nya sa akin." I felt a warmth sa pisngi ko. He's scared dahil baka mawala ako sa kanya. But how?
"Hindi nya ako makukuha sayo. Gumawa na sya ng kahit anong gulo. Hindi ko sya uurungan." I said bravely na parang haharap ako sa gera na pwede ko ikamatay. Kung meron man akong isang sandata, yun ang paniniwala ko sa kung anong meron sa amin ni Jared. Yun nga na pagmamahal at pagtitiis ko kay Ralph. Naipaglaban ko. What if this pa kaya? Lalo na at alam kong hindi lang ako lumalaban para sa feelings ko. But with Jared. Now I feel stronger as I am before.
"Thanks Jela." he hugged me tightly. Hinagod ko ang likuran nya. Suddenly I felt my chest ache. Ewan ko. Narealize ko na sobra pa din syang affected kay Catherine. It means hindi pa sya nakakamoved on. What if one day bigla nalang nyang marealized na mahal pa nya si Catherine, and he choose to be with her.
---
iamnyldecham ❤️