Chereads / Trapped In His Arms / Chapter 8 - Chapter Eight

Chapter 8 - Chapter Eight

8

Jela's POV

Nakashorts lang ako at blouse na itim. Then may baon akong sunglasses while Amy wears pink top at shorts. Nasa harap kami ng Petron habang hinihintay si Jared. Maaga kami ng 10 minutes sa pinag usapan.

"I'm so excited. I get to see Mr.Pogi." said Amy na excited.

"Sya lang talaga ang gusto mo makita." sabi ko nakakunot ang noo. Hilig talaga nya sa lalake.

"No syempre. Mas maeenjoy ko to kasi kasama kita." she said sabay akbay sa akin. Natawa ako.

Huminto sa harapan namin ang isang itim na van.

"Hop in!!" said Jared na nasa harapan nakaupo. Napansin namin yun kaibigan nya na kasama nya sa supermarket ang nagdadrive. Binuksan nila ang van. May dalawang upuan bakante sa hulihan at doon kami naupo. May apat na bata ang naka upo sa gitna kasama ang kapatid ni Jared.

"Hello Ate." bati sa akin ng bata tumayo sya upuan at inabot ako para halikan sa pisngi. Binati ko naman sya agad.

"Thank you for coming mga Ate!" she said. Natawa kami ni Amy. Bumalik ang bata sa pagkakaupo.

"Okay lang kayo dyan!" Jared shouted.

"Oo." I replied back.

Tig isang bag lang ang dala namin ni Amy. May dala akong lotions dahil tabing dagat ang pupuntahan namin. Gusto ni Amy magswimming kami sa dagat kaya napilitan ako magdala ng sunblock. Hindi naman kasi ako gumagamit nun, kahit ayoko ipagmalaki, mestisa ako. Namumula lang ang balat ko kapag naarawan. Pero mahapdi kaya hindi rin ako pwede magtagal sa initan.

Nahihiya ako isuot ang swimsuit na dinala namin ni Amy pero sabi naman ni Jared private resort yun at mga ganitong araw wala ganung tao sa resort. Kaya pwede kami mamasyal around the shore. Isa na dun ang magswimsuit.

Matagal ang byahe namin. Hindi ko naramdaman nasa Batangas na kami. Ginising nalang ako ni Amy.

"Yeah. Eto na.." I said pagkagising ko. Nakalabas na lahat ng tao sa van. Kami nalang ang hindi. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng van. Medyo mataas ang sikat ng araw kaya halos blurred pa ang paningin ko. Sinuklay ko ang buhok ko.

"Dumiretso na tayo sa rooms natin sabi ni Jared then sundan nalang natin sila sa clubhouse." Amy said at hinatak ako. Totoo ngang walang ganung tao. May iilan bisita na nandun pero hindi ganun karami. Malaki ang resort. As in sobrang laki. Pumasok kami sa loob at binati lang kami ng mga employee dun. Hawak na ni Amy yun room key namin.

"Ang yaman ni Attorney na ilibre tayo sa ganitong resort." said Amy.

"Oo nga eh. Hindi na ako magtataka. Maswerte ang kapatid nya." sabi ko habang naglalakad kami.

"Yeaaahhhhh.. Pati ang future girlfriend nya." said Amy. Natawa ako. Siniko ko sya.

Nakita nanamin ang kwarto. Binuksan iyun Amy at sabay kaming pumasok sa loob.

---

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!

Kumakanta na ang mga bata. Nakahanda na sa isang mahabang lamesa ang mga pagkain at isang two layer cake. Ipinakilala sa akin ni Jared ang pinsan nyang si Lyra at kapatid nito.

"Blow your candle and make a wish." said Jared sa kapatid nya. Dahan dahan pumikit ang bata at nagwish. At inihipan ang kandila. Nagpalakpakan kami.

"Lets eat!!" sigaw ni Riggo. Nagsimula na kaming kumain.

Nasa isang table ang mga bata at kami naman magkakasama sa isang table.

Inabot sa akin ni Lyra ang plato ng carbonara. Kinuha ko yun at naglagay sa plato ko saka inabot kay Amy.

"Hey Guys. Ligo tayo sa dagat mamayang aroung 4pm. Hindi na masyadong mainit nun." said Riggo.

"Oo nga Kuya Jared." said Lyra na katabi ko.

"Okay okay. Isama na din ang mga bata para mabantayan natin." he said habang pinagmamasdan ang mga bata sa kabilang table.

"May mga dala ba kayong swim suit." tanong ni Riggo sa amin. Nakatawa lang sya at pilyo din pala.

"Meron. We had it prepared." sagot ni Amy. Siniko ko sya. Bigla kasi akong nahiya. Nakatingin na sa akin si Jared.

Meron din dala si Lyra kaya medyo umokay ako kasi hindi lang ako ang magsusuot.

Matapos namin kumain. Tumambay muna kami sa may gilid ng swimming pool. Pinapanood namin ang mga bata na naglalaro sa may slides. At sige ang pagtalon at pagtampisaw. Nasa isang kubo naman sina Jared at nakita kong umiinom na sila.

"Hey.. I heard your Kuya Jared's client." said Lyra na katabi ko. Si Amy naman busy sa pagselfie.

"Ah oo. Currently." sagot ko. She offered me a smoothie.

"How was it? Are you okay now? Sabi ni Kuya you file an annulment."

"Oo eh. Medyo okay na ako." ngumiti sa akin si Lyra.

"Hindi halata sa itsura ko but I was once a divorced woman." she said at nagulat ako.

"Talaga??" pansin ko hindi kami nagkakalayo ng edad ni Lyra. Pero ang aga naman nya madivorced.

"Yeah. 2 years ago. Kuya Jared was my lawyer kaya nga alam ko na magagawan din nya ng paraan yun sitwayon mo." she said while sipping her smoothie. Nakatingin sya sa dagat.

"Is it okay If I asked why? Why did you get a divorced?" nacurious ako.

"Binubugbog ako ng asawa ko. Nung malaman ni Kuya yun. Sinabihan nya ako na makipaghiwalay na ako, pero matigas ang ulo ko. I stayed kaya lang nung sasaktan na nung asawa ko yun kapatid ko naisip ko lang na its enough. Kailangan ko ng magdecide. Thats why I ended up divorcing him." nalungkot ako sa narinig.

"Ilan taon kayong kasal?"

"4 years din. Akala ko nga nabuntis pa ako." she said and smiled.

"I'm sorry." sagot ko. Hinawakan nya ako sa balikat.

"You shouldn't be. Wala naman may gusto sa mga nangyari. Katulad sayo. Hindi mo yan ginusto. Kaya nga after you get annulled. Enjoy your life. Malay mo matagpuan mo din yun lalakeng deserving mo talaga." we toast each others smoothie. At ngumiti.

---

Jared's POV

Nakaubos na kami ng isang bote. Nakatingin lang ako sa mga babae na nagkukwentuhan sa may gilid ng pool habang ang mga bata sige ang paglalaro.

"Itatalon ko sa dagat itong hang over ko." said Riggo at binuksan ang isa pang bote ng whiskey. Nilagyan nya ang baso ko.

"I think Angela is okay now?" tanong ko habang nakatingin sa kanila.

"Oo nga eh. Ano liligawan mo na ba?" nakangisi si Riggo. Nilingon ko sya agad.

"Sira ulo." I said sabay kuha ng inumin ko at tinungga ko yun.

"Relax. Hindi ka mabiro. Masyado kang nerbyoso." said Riggo na tono nang aasar. Napasimangot ako. I know something is strange about Angela. Not about her, siguro sa akin.

"I need fresh air." sabi ko sabay labas sa kubo. Dala ko ang iniinum ko at bumaba ako sa may shore. Hindi ko na naisuot ang tsinelas ko. Makulimlim na kaya okay lang tumambay ako dun. Iniwan ko si Riggo sa loob.

Naupo ako sa buhanginan. I saw some ladies sa kabilang side ng shore. Naglalaro sila ng volleyball. They wearing swimsuits, magaganda din but hindi ako maattracted. Why! Ano bang problema sa akin. May nagkakagustong babae, ayoko naman sa babaeng yun. Pinipilit ko makipag mingle hindi naman ako naattract. And now I'm unconciously attracted to my client. Hindi na ako bata para maconfused sa feelings ko. O dapat talaga I need to get a girlfriend para naman yun mga pagpapantasya ko sa mga babae magawa ko na.

Inaamin ko sa sarili ko, when I'm alone I watched porn, I masturbate but its only necessary for a guy like me. Just to ease my high sex drive. Pero kahit anong pilit ko I'm still confused.

Napahinga ako ng malalim. Nakatanaw ako sa mga babaeng naglalaro. Tumatanda na ata ako at minsan mahina na ang atraksyon ko sa babae.

"HAHAHAHA! Wait for me!!" nagulat ako sa tawanan. Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong tumatakbo ang tatlong babae na nakaswimsuit.

"Wait lang. Dapat nagtsinelas ako." narinig kong sinabi ni Angela. I saw her wearing a blue one piece swimsuit. She looks damn hot.. I didn't know na that she had an amazing body. Hindi maalis ang tingin ko habang hatak hatak sya ni Lyra.

Her nice curve between her waist and buttocks, halos matulala ako. Her fine skin tone na pantay na pantay sa buong katawan nya. And her red brown hair na sumusunod sa hangin. I think I'll gonna need some more fresh air bago ako magburst out.

Nagtatakbo sila sa may tubig. Naglalaro at nagtatampisaw. Hindi maalis ang tingin ko kay Angela. She really caught my eye. Hindi tuloy ako makatayo sa inuupuan ko. Nag hahard ata ako. At masama ito.

"Hey.." I saw some guys na papalapit sa kanila. Nakatingin sila kay Angela.

"No. No. No. No." I said to myself. You cant touch her not talk to her.

"Uy, Jared.. Anong ginagawa mo dyan?" narinig ko si Riggo nakatayo sya sa likuran ko at may dala syang malaking balabal. Nakatakip sa katawan nya. Ayaw nyang mainitan. Hinablot ko yun sa kanya. Pagkatayo ko.

"HEY!!" sigaw nya sa akin. Dahil bigla akong tumakbo papunta kina Angela. Naiwanan ko na ang iniinum ko.

"Hi." said the guy ng malapitan ang tatlong babae na naglalaro sa tubig. May kasama pa syang tatlong lalake. They're all staring to the ladies.

"Ahhh- Hi." said Angela. The guy offered a hand. Aabutin na sana ni Angela yun.

"COVER!!" sigaw ko at ibinalot sa kanya ang balabal na kinuha ko pa kay Riggo. Nagulat ang dalawang babae. Pati ang mga lalake sa biglang pagdating ko. I feel embarrased.

"Jared?" she said at tumingin sya sa akin. Halos nakayakap na ako sa kanya pagkabalot ko ng balabal sa katawan nya. I slowly removed my arms wrapping around her.

"Kuya? Are you okay?" Lyra asked. I started to feel red.

"Ah. Mainit. Kaya I- I c-covered you up." I said hindi ako makatingin ng diretso. Nagtataka pa din si Angela.

"Ah thanks." She smiled at me. I turn around at lumakad palayo. Namumula na ako. Hindi dahil sa tama ng alak. Sa kahihiyan ginawa ko.

I think I need sleep.

---

iamnyldechan ❤️