Chereads / Runaway With Me / Chapter 50 - Anonuevo's Residence 9

Chapter 50 - Anonuevo's Residence 9

~Umaga~

"Rise and shine, Jervin~!"

Panggigising ni Yvonne kay Jervin na mahimbing na natutulog sa sarili nitong kama. Bahagyang iminulat ng binata ang kaniyang mga mata at nasilayang ang mukha ng dalaga na kakaunti na lamang ang layo sakaniyang mukha. Pumikit muli ang binata at nang mapagtanto nito na sobrang lapit ng mukha ng dalaga sakaniya ay agad nitong iminulat ang kaniyang mga mata at saka tinitigan ang dalaga. Ngumiti lamang ang dalaga sa binata habang hindi pa rin ito lumalayo sa binata.

"Lumayo ka na sakaniya, Yvonne! Gising na yan, oh! Pati nga si Junjun gising na, e."

Sabi ni Josh kay Yvonne habang nakatayo ito sa lamesang katabi lamang ng kama ni Jervin. Inilayo na ng dalaga ang kaniyang mukha sa binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Agad na tinignan ng binata ang kaniyang ibaba at nasilayan na mayroon ngang nakaumbok. Dali-daling kinuha ng binata ang kaniyang kumot at itinakip iyon sa nakaumbok sakaniyang ibaba.

"A-anong oras na ba?"

Natatarantang tanong ni Jervin kila Yvonne at Josh sabay upo nito sakaniyang kama habang gulo-gulo pa ang kaniyang buhok. Ngumuso lamang ang dalaga, tinignan ng masama ang binata at saka nag cross arms sa harapan nito.

"Nakalimutan mo na ba?"

Tanong pabalik ni Josh kay Jervin sabay cross arms na rin nito. Agad na tinignan ng binata ang dwendeng nakatayo sa lamesang katabi lamang ng kaniyang kama at saka Pinanlakihan ito ng mga mata.

"Birthday ngayon ni Yvonne?"

Walang kalam-alam na tanong ni Jervin kay Josh habang hawak pa rin nito ang kaniyang kumot at nakatingin pa rin sa dwende. Biglang binatukan ni Yvonne ang binata at saka naglakad na patungo sa bintana at saka naupo roon habang nakatalikod sa binata't dwende.

"Sira. Unang araw niyo ngayon ni Yvonne para tumulong dun sa mini grocery store nila Anna."

Sabi ni Josh kay Jervin sabay tanggal na niya ng kaniyang crossed arms at saka bumaba na sa lamesa. Sinundan lamang ng tingin ng binata ang dwende habang naglalakad na ito patungo sa dalaga.

"Maligo ka na, iintayin ka namin."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakatalikod pa rin ito sa binata at nakaupo pa rin sa bintana. Bumangon na sa kama ang binata at saka naglakad na papalabas ng kaniyang kwarto, ngunit bago pa man nito masara ang pinto ay tinignan niyang muli ang dalaga.

"Kumain na ba kayo ng agahan?"

Tanong ni Jervin kila Yvonne at Josh habang hawak nito ang doorknob at patuloy pa ring tinitignan ang dalaga. Dito na nilingon ng dalaga ang binata at saka ngumiti.

"Sabay na tayong tatlo ni kuya Josh kumain ng agahan."

Nakangiting sagot ni Yvonne kay Jervin sabay balik muli nito ng tingin sa kalangitan. Ngumiti lamang ang binata at saka isinara na ang pintuan ng kaniyang kwarto.

"Sino kausap mo kuya Jervin?"

Tanong ng isang batang babae kay Jervin habang nakatayo na ito sa tabi ng binata. Nagulantang ang binata sa biglaang pagsulpot ng batang babae sakaniyang tabi, ngunit agad naman niyang hinarap ito at saka naupo upang maging pantay ang kaniyang paningin sa isa't isa.

"May kausap akong multo. Hindi pa raw siya nag-aagahan, e. Gusto mo bang maging pagkain niya?"

Nakangiting sagot at tanong ni Jervin sa batang babae habang hawak nito ang balikat ng bata. Nagdikit ang kilay ng batang babae at saka tinignan ang pintuan ng kwarto ng binata.

"Babae ba o lalake?"

Tanong muli ng batang babae kay Jervin sabay tingin nang muli nito sa binata. Napataas naman ng parehong kilay ang binata habang nakatingin pa rin ito sa batang babae.

"Anong gagawin mo kung babae?"

Takang tanong ni Jervin sa batang babae habang hawak pa rin nito ang balikat ng bata. Sumimangot kaagad ang batang babae at saka sinamaan ng tingin ang binata. Ilang segundo pa ay biglang nagbukas ng dahan-dahan ang pintuan ng kwarto ng binata at saka roon sumilip si Yvonne.

"Edi si Ian na lang ung ipakain mo sakaniya. Hindi naman pala siya lalake, e."

Nakasimangot pa ring sagot ng batang babae kay Jervin sabay iwas na nito ng tingin sa binata. Natawa lamang ng bahagya ang binata at saka biglang niyakap ng sobrang higpit ang bata.

"Aaahh! Masaket kuya Jervin!"

Reklamo ng batang babae kay Jervin habang sinusubukan nitong kumawala sa yakap ng binata. Tumawa lamang ang binata at saka pinakawalan na sakaniyang yakap ang batang babae at saka nginitian ito.

"Kung ayaw mong madurog ko pa ung buto mo, kumain ka na ng agahan mo dun sa baba. Magpakabusog ka Iris, ha~ para makilala mo pa ung lalaking gusto mo."

Nakangiting sabi ni Jervin sa batang babaeng nagngangalang Iris sabay gulo nito ng buhok ng bata. Sinamaan lamang muli ng tingin ng bata ang binata at saka hinawakan ang parehong pisngi ng binata.

"Samahan mo akong kumain kuya. Hindi ako kakain kung hindi ka rin kakain."

Sabi ni Iris kay Jervin habang hawak pa rin ang magkabilang pisngi ng binata. Sinamaan naman ng tingin ng binata ang batang babae at saka inalis na ang maliliit na kamay ng bata mula sakaniyang pisngi.

"Hindi ka susunod kay kuya?"

Tanong ni Jervin kay Iris habang hawak pa rin nito ang mga kamay ng batang babae. Sumimangot lamang ang batang babae at saka umiling bilang sagot sa tanong sakaniya ng binata. Sumimangot na lamang din ang binata at saka binitawan na ang kamay ng bata at saka tumayo na.

"Balak ko pa naman sana kitang bilhan ng chocolate pagkauwi ko mamaya. Pero parang ayaw mo naman, e."

Sabi ni Jervin kay Iris sabay talikod na sa batang babae at lakad na patungo sakanilang cr habang nakangiti. Biglang nanlaki ang mga mata ng batang babae at saka ngumiti ng malaki.

"Ano kailangan kong gawin para uwian mo ako ng chocolate kuya~?"

Sabik na tanong ni Iris kay Jervin habang tinitignan at nginingitian nito ang binata. Hinarap muli ng binata ang batang babae at saka nginitian ito ng matamis.

"Sabihin mo kila mama na maaga akong aalis ngayon pati sa mga susunod pang mga araw dahil may kailangan akong gawin at saka kumain kayo lagi ni Ian ng almusal niyo."

Nakangiting sagot ni Jervin sa tanong ni Iris sakaniya. Masayang tumango ang batang babae at saka pumasok na sa isang kwarto. Ngumiti lamang ng tahimik ang binata at saka pumasok na sakanilang cr. Naiwang nakabukas pa rin ng bahagya ang pintuan ng kwarto ng binata at nakasilip pa rin doon si Yvonne.

"Ba't ang cute tignan ni Jervin kapag kausap niya ung nakababatang kapatid niya?"

Tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang nakanguso at saka sinarado na ang pintuan ng kwarto ng binata.

"Sus. Halos durugin na nga niya ung buto ng kapatid niya dun sa yakap na binigay niya."