~Hapon~
"Sana mas maging close pa kami ni Jay sa mga susunod naming pagkikita~"
Masayang sabi ni Melanie sakaniyang sarili habang nagtatalakay ang kanilang guro sa harapan. Si Yvonne nama'y nakatingin sa lapag habang lumulutang ang isipan nito at si Jervin nama'y sinusulat ang lektura ng kanilang guro sakaniyang kwaderno habang tinitignan ang kalagayan ng dalaga sakaniyang tabi paminsan-minsan.
"Tamayo."
Biglaang tawag ng kanilang guro kay Yvonne kaya't halos lahat ng kanilang mga kaklase ay agad na napatingin sa dalaga. Agad na umayos ng pagkakaupo ang dalaga at saka atentibong tinignan ang kanilang guro. Samantala, nag-aalalang tinignan naman nila Jervin at Melanie ang dalaga.
"A-ano po un Ma'am?"
Kinakabahang tanong ni Yvonne sakanilang guro sabay tayo na mula sakaniyang kinauupuan. Makitid na tinignan ng guro ang dalaga at saka naglakad na patungo sa pintuan ng silid-aralan.
"Sundan mo ako dito sa labas. Ngayon din."
Sagot ng kanilang guro sa tanong ni Yvonne sakaniya nang hindi tinitignan ang dalaga. Seryosong tinignan nila Jervin at Melanie ang kanilang guro at saka ibinaling na ang kanilang tingin sa dalagang nakatayo sakanilang tabi.
"Susunod ka, Yvonne?"
Nag-aalalang tanong ni Jervin kay Yvonne sabay hawak ng kamay ng dalaga. Agad na nilingon ng dalaga ang binata, nginitian ito at saka hinawakan ang kamay nito.
"Tinawag ako, e."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang dahan-dahan nitong pinapabitiw ang binata mula sa pagkakahawak nito sakaniya. Kinalabit naman ni Melanie ang dalaga kaya't nilingon na rin ito ng dalaga.
"Parang may kakaiba ngayon kay Ma'am. Sigurado ka bang susunod ka sakaniya?"
Nag-aalalang tanong ni Melanie kay Yvonne habang nakahawak na ito sa pinaka babang bahagi ng blouse ng dalaga. Nginitian ng dalaga ang kaibigan at saka dahan-dahang inalis ang pagkakahawak ng kaibigan sakaniyang blouse.
"Napansin ko rin un, kaya maging alerto kayo ni Jervin."
Sabi ni Yvonne kay Melanie at saka tumango sa kaibigan at kay Jervin. Tumango naman pabalik ang binata at ang kaibigan sa dalaga kaya't lumakad na papalabas ang dalaga mula sakanilang silid-aralan. Mabilis na tinignan ng binata at ng kaibigan ang isa't isa at saka tumango muli.
"Elt Em Rahe Wath Yvonne Skinth."
Sabay na sambit nila Melanie at Jervin. Nang makalabas na ang dalaga sakanilang silid-aralan ay unti-unti nang naririnig ng binata at ng kaibigan ang iniisip ng dalaga.
"Ano na nangyari, Yvonne?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne sakaniyang isipan habang tinititigan nito ang pintuan ng kanilang silid-aralan.
"Sinusundan ko si Ma'am papalayo sa classroom natin."
Sagot ni Yvonne kay Jervin gamit ang kaniyang isipan. Biglang nanlaki ang mga mata ng binata at ni Melanie, agad na tinignan ng dalawa ang isa't isa at dali-daling tumakbo papalabas ng kanilang silid-aralan. Nagulantang ang kanilang mga kaklase nang masilayan ang pagtakbo ng binata at ng kaibigan papalabas ng kanilang silid-aralan. Noong tuluyan nang nakalabas ang dalawa'y nagkatinginan sina Ceejay, Jasben at Angela sa isa't isa at saka tahimik na sinundan ang binata at ang kaibigan.
"San na kayo papunta?!"
Nag-aalalang tanong ni Jervin kay Yvonne sakaniyang isipan habang nagmamasid sa kapaligiran. Si Melanie ay nagmamasid na rin sa kapaligiran at nanlaki ang mga mata nito nang makita ang dalaga at ang kanilang guro mula sa di kalayuan.
"Ayun!"
Sabi ni Melanie kay Jervin nang akma na sana itong takbo na patungo sa kinaroroonan ni Yvonne at ng kanilang guro, ngunit agad na hinawakan ng binata ang braso ng kaibigan at saka umiling.
"Nandito kami sa may likuran ng school. Nasan na kayo? Kinakabahan na ako."
Sabi ni Yvonne kila Melanie at Jervin gamit ang kaniyang isipan. Walang pag-aalinlangang tumakbo ang binata patungo sa likurang bahagi ng kanilang eskwelahan. Kumaripas na rin ng takbo ang kaibigan upang sundan ang binata. Sa hindi kalayuan ay tumatakbo na rin si Angela upang habulin ang binata at ang kaibigan nito, habang sina Jasben at Ceejay ay naglalakad lamang.
"Tumakbo ka na rin Ceejay para mahabol natin sila Jervin."
Sabi ni Jasben kay Ceejay habang patuloy pa rin sila sa paglalakad.
"Hinahabol naman na ni Gela sila Jervin, kaya okay lang yan. Mas okay pa akong alalayan ka lalu na pag inatake ka ng asthma mo."
Tugon ni Ceejay kay Jasben. Nangiti lamang ang kaibigan at saka patuloy na sinundan sina Jervin.
"Ano na ba nangyayari?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne gamit ang kaniyang isipan habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagtakbo patungo sa bandang likuran ng kanilang eskwelahan.
"Nagpapalit na siya ng anyo! Kadiri! Ano ba yan! Nasan na kayo?! Hindi ko na kaya!"
Sagot ni Yvonne kay Jervin gamit ang kaniyang isipan kaya't mas lalu pang binilisan ng binata ang kaniyang pagtakbo.
"Kamusta na, Yvonne hija."
Nakangiting pangangamusta ng matandang babae kay Yvonne. Bahagyang napaatras ang dalaga habang nanlalaki ang mga mata nito.
"Anong kailangan mo sakin, Dalis?"
Tanong ni Yvonne sa matandang babae sakaniyang harapan na nagngangalang Dalis. Napasimangot ng bahagya ang matandang babae at saka nilapitan ang dalaga.
"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin, hija? Nasaan na ang iyong kaugalian?"
Tanong ni Dalis kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong nilalapitan ang dalaga. Nakaramdam na ng kaba ang dalaga habang umaatras ito upang layuan ang matandang babae na sinusubukan siyang lapitan.
"Ba't kita kakamustahin? Close ba tayo?"
Tanong pabalik ni Yvonne kay Dalis habang patuloy pa rin ito sa pag-atras hanggang sa hindi na siya maka-atras pa dahil sa pader. Ngumisi lamang ang matandang babae at saka tumigil na sa paglapit sa dalaga nang tumigil na rin ito sa pag-atras.
"Wala ka na bang ibang matatakbuhan, hija?"
Nakangising tanong ni Dalis sabay dahan-dahang nilapitan si Yvonne na nakatayo lamang habang nanginginig na ang mga kamay nito.
"Yvonne!"
Tawag ni Jervin kay Yvonne nang makarating na ito sa kinaroroonan ng dalaga at ni Dalis. Agad na nilingon ng matandang babae ang binata at saka tinarayan ito.
"At sino ka naman? Karapat dapat ka bang kilalanin, hijo?"
Sunod-sunod na tanong ni Dalis kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Ilang saglit pa ay lumitaw na si Melanie at saka tumayo sa tabi ng binata.
"Hmm… mukha kang pamilyar… sino ang Lola mo, hija?"
Tanong bigla ni Dalis kay Melanie nang masilayan niya ito. Hindi namalayan ng matandang babae na naglalakad na pala siya papalapit sa kaibigan ni Yvonne upang makita ng malapitan ang mukha nito.
"A-anong kailangan mo kay Tamayo? At sino ka?"
Sunod-sunod na tanong ni Melanie kay Dalis habang pabalik-balik ang tingin nito kay Yvonne at sa matandang babae. Kaagad na napatigil ang matandang babae sa paglapit sa kaibigan ng dalaga at saka tinaasan ito ng kilay.
"Babalikan kita, Yvonne hija. Pag-isipan mo ng mabuti kung tutulungan mo kami ng aking angkan na pamunuan ang mundo na kung saan tayo nagmula o ibubuwis mo ang iyong buhay upang hadlangan ang aking balakin."