~Tanghali~
"Tapos na shifts niyo. Bukas naman ulit~!"
Nakangiting sabi ni Anna kila Jervin at Yvonne habang nakatayo na silang pareho sa loob ng bodega. Sumimangot lamang ang dalaga dahil sa sinabi ng kaibigan at saka nag cross arms.
"Anong problema Bon?"
Takang tanong ni Anna kay Yvonne habang tinitignan ang nakasimangot na dalaga at nakakunot ang noo nito. Tinignan na rin ni Jervin si Yvonne dahil sa pagkabahala rito.
"Hindi ba pwedeng magtrabaho ako rito hanggang sa mag sara na 'tong mini grocery niyo mamaya?"
Nakasimangot na tanong ni Yvonne kay Anna sabay tanggal na ng kaniyang crossed arms at saka lumupaypay. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan, nilapitan ang dalaga at saka hinawakan ang balikat nito.
"Hindi pwede dahil may pasok pa kayo ni Jervien."
Sagot ni Anna sa tanong ni Yvonne sakaniya habang hawak pa rin nito ang balikat ng dalaga. Sinimangutan lamang ng dalaga ang kaibigan samantalang si Jervin nama'y pinanlisikan ng tingin ang kaibigan.
"Jervin."
Pagtatama ni Jervin kay Anna sa pagbabanggit ng kaniyang pangalan habang pinanlilisikan pa rin nito ng tingin. Mabilis na nilingon ng kaibigan ang binata at saka ibinalik muli ang paningin kay Yvonne.
"Jervin. May pasok pa kayo ni Jervien mamayang ala una."
Pag-uulit ni Anna sakaniyang sinabi kay Yvonne sabay bitaw na sa balikat ng dalaga. Napabuntong hininga na lamang si Jervin at saka naglakad na patungo sa lamesa na malapit sa locker upang kunin ang kaniyang uniporme sakaniyang bag at makapagpalit na ng damit.
"Jervin. Jervin! Hindi 'Jervien'! Pakainin mo muna kami bago papasukin sa school. Hmph!"
Inis na sabi ni Yvonne kay Anna sabay nguso nito sa kaibigan at saka nag-cross arms nanamang muli. Dahil sa inis na rin ng kaibigan ay pinalo na nito ang braso ng dalaga at saka kinutya ang dalaga.
"Bilisan niyo magbihis. Libre ko tanghalian niyo."
Sabi ni Anna kila Jervin at Yvonne sabay talikod na sa dalaga at saka naglakad na papalabas ng bodega. Naiwang nakatayo ang dalaga na mayroong malaking ngiti sakaniyang mga labi at saka lumabas na si Josh sa bulsang kaniyang pinagtaguan ng apat na oras.
"Ano pang tinatayu-tayo mo dyan? Kunin mo na ung uniform mo sa bag mo!"
Sabi ni Josh kay Yvonne sabay talon na pababa sa sahig. Dali-daling nilapitan ng dalaga ang locker na kaniyang pinaglagyan ng bag at saka kinuha na mula roon ang kaniyang uniporme pang eskwela. Noong akma na sana niyang bubuksan ang pintuan ng cr ay bigla na lamang ito kusang bumukas at saka inilabas na ang binatang nakasuot na ng kaniyang uniporme at hawak ang damit na kaniyang suot kanina sa pagtatrabaho.
"Aah!"
Bahagyang sigaw ni Yvonne nang magulat ito sa paglabas ni Jervin mula sa cr. Maamong tinignan ng binata ang dalaga habang hindi pa rin ito gumagalaw sakaniyang puwesto.
"S-sagot na raw ni Anna tanghalian natin. T-tabi na dyan. B-bihis na ako."
Nauutal na sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakayuko ito sa harap ng binata. Pinagmasdan lamang ng binata ang dalaga ng panandalian at saka binigyan na ito ng daan papasok sa cr. Nang makapasok na ang dalaga sa cr ay naglakad na ang binata patungo sa kaniyang locker at saka maayos na ibinalik doon ang kaniyang dalang damit. Mula sa di kalayuan ay pinapanuod lamang ni Josh ang galaw ng binata't dalaga habang naka cross arms at saka umiiling.
"Kelan kaya nila sasabihin ung mga nararamdaman nila sa isa't isa? Tsk. Mga di marurunong."
Sabi ni Josh sakaniyang sarili sabay takbo na nito patungo kay Jervin. Di nagtagal ay nakalabas na mula sa cr si Yvonne na nakasuot na rin ng kaniyang uniporme pang eskwela.
"Tara na?"
Nakangiting pag-aaya ni Yvonne kay Jervin habang naglalakad na ito papalapit sakaniyang locker. Mabilis na nilingon ng binata ang dalaga at saka nginitian ito pabalik sabay kuha na ng kaniyang bag. Mabilis namang ipinasok ng dalaga ang damit sa loob ng locker at saka kinuha na ang kaniyang bag mula sa loob ng locker.
"Wag niyo akong kalimutan!"
Sigaw ni Josh kila Yvonne at Jervin habang nakatayo na ito sa paanan ng binata. Agad na yumuko ang binata upang tignan ang dwendeng nakatayo sakaniyang paanan at saka naupo at inilapat ang kaniyang kamay upang tayuan ng dwende.
"Habang tumatagal, unti-unti na kitang nagugustuhan."
Sabi ni Josh kay Jervin nang makatayo na ang binata. Gulat na tinignan naman ng binata ang dwende gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata at saka tinignan ang dalagang naglalakad na papalapit sakanila.
"Bilang kaibigan. Unti-unti ka na niyang nagugustuhan bilang kaibigan."
Natatawang sabi ni Yvonne kay Jervin sabay tapik nito ng mahina sa balikat ng binata at saka nauna nang lumakad papalabas ng bodega. Tumango lamang ang binata bilang tugon sa dalaga at saka sinundan na ito palabas.
"Ilapit mo ako sa bulsa ng polo mo. Magtatago ulit ako."
Sabi ni Josh kay Jervin habang tinitignan nito ang binata. Kaagad namang tumigil sa paglalakad ang binata at saka inilapit na ang dwende sakaniyang bulsa upang makapagtago sabay lakad nang muli.
"San tayo kakain~?"
Masayang tanong ni Yvonne kay Anna nang makatayo na ito sa tabi ng kaibigan. Ngumiti lamang ang kaibigan at saka tinignan si Jervin sa likuran ng dalaga na naglalakad pa lang papalapit sakanilang dalawa.
"San niyo gusto?"
Nakangiting tanong ni Anna kila Yvonne at Jervin habang nakatingin na ito sa dalawa. Ngumuso ang dalaga at saka nag-isip, samantalang ang binata nama'y tinignan ang dalaga at saka Inilipat na ang kaniyang tingin sa kaibigan.
"Aling Sally?"
Patanong na sagot ni Jervin sa tanong ni Anna sakanila. Nginitian ng kaibigan ang binata at saka naglakad na papalayo kila Yvonne at sa binata.
"Tara na. Dun tayo kumain sa Aling Sally na malapit sa school niyo."
Nakangiting sabi ni Anna kila Yvonne at Jervin habang patuloy pa rin ito sa paglalakad papalabas ng kanilang mini grocery. Agad na nagtinginan naman ang dalaga't binata at saka tumakbo na upang mahabol ang kaibigan.
"Wala kayong pasok ngayon, Anna?"
Mausisang tanong ni Yvonne kay Anna nang makahabol na ito sa tabi ng kaibigan. Agad namang tinignan ng kaibigan ang dalaga, nginitian at saka ibinalik nang muli ang kaniyang paningin sa pintuan ng kanilang mini grocery.
"3 days a week na lang ung pasok namin, e, kaya sa Wednesday pa pasok namin kada linggo."