Chereads / Runaway With Me / Chapter 54 - Eskwelahan 11

Chapter 54 - Eskwelahan 11

~Hapon~

"Pambihira ka! Nakarami ka ng extra rice sa Aling Sally!"

Manghang sabi ni Yvonne kay Jervin habang naglalakad na sila patungo sakanilang silid-aralan. Nahihiyang ngumiti ang binata at saka hinimas ang kaniyang batok dahil sa sinabi ng dalaga.

"Ba't hindi ka nag extra rice?"

Takang tanong ni Jervin kay Yvonne noong itinigil na niya ang kaniyang paghimas sa sarili niyang batok. Nagkibit balikat lamang ang dalaga, tinignan ang binata at saka nginitian ito.

"Tamayo~!"

Sabik na tawag ni Melanie kay Yvonne nang makapasok na sina Jervin at ang dalaga sakanilang silid-aralan. Nagsilingunan na rin ang iba pa nilang mga kaklase sa dalawa kaya't sabay na napalunok ang binata at ang dalaga at saka naiilang na naglakad patungo sa kaibigan. Ngunit hindi pa sila nakakarating sa kalagitnaan ng kanilang silid-aralan ay nilapitan ni Angela ang binata at ang dalaga. Samantala, ang iba nilang mga kaklase ay bumalik nang muli sa kani-kanilang mga ginagawa kanina bago pa man dumating ang dalawa.

"Hi Yvonne~!"

Nakangiting bati ni Angela kay Yvonne. Napahinto sa paglalakad ang dalaga at saka nginitian pabalik ang kaklase. Agad na napansin ni Jervin ang paghinto ng dalaga kaya't napahinto na rin ito sakaniyang paglalakad at saka tinignan ang dalaga at ang kanilang kaklase.

"Hi Angela~"

Nakangiting bati rin ni Yvonne kay Angela habang nakaharap na ito sa kaklase. Napatitig ang kaklase sa mga mata ng dalaga at nabighani rito.

"Ang ganda ng contact lens mo~!"

Sabi ni Angela kay Yvonne sabay lapit pa nito sa dalaga upang makita ng malapitan ang mga mata ng dalaga. Nagulantang ang dalaga sa ginawa ng kaklase kaya't napaatras ito ng bahagya at naalala bigla ang paglapit sakaniya ni Jervin noong manunuod sila sa sinehan kaya't namula ang tainga nito.

"Woah~ San ka nagpagawa ng contact lens? Gusto ko rin magpagawa~!"

Sabik na sabi ni Angela kay Yvonne sabay atras na upang makatayo na ng maayos ang dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Jervin dahil sa sinabi ng kaklase sa dalaga, samantalang sina Ceejay at Jasben ay napatingin sa dalaga at saka nilapitan ito upang makita ang mga lilang mata ng dalaga.

"Hala~! Ang ganda~!"

"San ka nagpagawa? Gusto ko rin magpagawa Katulad nung sayo~!"

"U-uh…"

Tanging sabi ni Yvonne kila Angela, Ceejay at Jasben at bahagyang napaatras nanamang muli. Agad na nilapitan ni Jervin ang dalaga at saka tinignan ang tatlong kaklase.

"Galing pa sa malayo ung contact lens niya. Ginawa ng… ka---- pinsan niya para lang sakaniya."

Sagot ni Jervin sa mga tanong nila Jasben, Angela at Ceejay kay Yvonne habang nakatayo ito sa tabi ng dalaga. Dahan-dahang tinignan ng dalaga ang binata at saka kumislap ang kaniyang mga lilang mata.

"Sayang naman."

"Edi hindi kami pwede magpagawa sa pinsan niya?"

"Bakit siya ginawan ng pinsan niya ng contact lens?"

"Kasi… ano…"

Sabi ni Jervin habang patuloy pa rin ito sa pag-iisip sa pepwedeng isagot kila Ceejay at Jasben. Nakasimangot na tinignan ni Angela ang binata samantalang ang dalawa naman nitong kaibiga'y inaabangan ng mabuti ang isasagot ng binata sakanilang tanong.

"Kasi birthday na ni Yvonne next week, kaya… kaya maaga siyang nakatanggap ng regalo galing sa pinsan niya sa abroad."

Sagot ni Jervin sa tanong nila Jasben at Ceejay nang may kumpiyansa sakaniyang sarili. Napasimangot na lamang ang mga magkakaibigan at saka tinignan na lamang ang dalaga na patuloy pa rin sa pagtitig sa katabi nitong binata.

"Oo nga pala, Yvonne."

Tawag ni Jasben kay Yvonne kaya't biglang natauhan ang dalaga at saka mabilis na tinignan ang kaklase sakaniyang harapan. Natawa ng bahagya sina Ceejay at Angela dahil sa naging reaksyon ng dalaga sakanilang kaibigan.

"A-ano un?"

Nauutal na tanong ni Yvonne kay Jasben habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan. Bumalik na sina Angela at Ceejay sakanilang inuupuan at saka nagkwentuhan na ang dalawa.

"Kagrupo mo sila Micah Chua, Shaina Masangkay, Mark Bulalacao at Gabriel Ilagan sa research na subject natin. Nag-cutting ka ata nun nung sinabi un ni Sir, e."

Sabi ni Jasben kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Nginitian lamang ng dalaga ang kaklase samantalang si Jervin nama'y inosenteng tinignan ang kaklase sakanilang harapan.

"Ahh… sige. Salamat, Jasben."

Nakangiting pasasalamat ni Yvonne kay Jasben at saka nagpatuloy na ito sa paglakad patungo sa kinaroroonan ni Melanie. Mabilis namang sinundan ni Jervin ang dalaga at saka sinabayan ito sa paglalakad.

"Salamat sa pagsalo sa mga tanong nila Ceejay kanina."

Pasasalamat ni Yvonne kay Jervin sabay tingin nito sa binata at saka nginitian ito. Agad na tinignan naman ng binata ang dalaga habang patuloy pa rin sila sa paglalakad at saka nginitian pabalik ang dalaga.

"Buti nga sinabi mo sakin kanina na next week na birthday mo, e. May naiisip pa akong palusot."

Nakangiting sabi ni Jervin kay Yvonne sabay lapag na ng kaniyang bag sa upuan at naupo na. Ngumiti ang dalaga, nilapag na rin ang kaniyang bag sa upuan at saka naupo na rin sa tabi ng binata at ni Melanie.

"Excited na akong makuha ung sweldo ko."

Nakangiting sabi ni Yvonne kay Jervin sabay tingin muli sa binata gamit ang kaniyang mga lilang mata. Pinagmasdan lamang ng binata ang dalaga sa mga mata nito at hindi namalayan na unti-unti na pala itong nabibighani sa mga kulay lilang mata ng dalaga.

"Tamayo~"

Tawag muli ni Melanie kay Yvonne sabay hawak nito sa braso ng dalaga habang nakangiti. Mabilis na nilingon ng dalaga ang kaibigan at saka maamo itong tinignan.

"Ano un, Melanie?"

Tanong ni Yvonne kay Melanie habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan. Nang magkasalubong na ang tingin ng dalawa'y mas lalu pang lumawak ang ngiti ng kaibigan sa dalaga.

"Nag-date kami kahapon ni Jay~! Tapos nung nagkaron kami ng hindi pagkakaintindihan kahapon sa Hamburger Queen… dinala niya ako sa Paris, France~"

Kwento ni Melanie kay Yvonne habang hawak pa rin ang braso ng dalaga at nakangiti. Hindi nakapagsalita ang dalaga at tinitigan lamang ang kaibigan habang nangingilid na ang mga luha nito sakaniyang mga mata. Nanlaki ang mga mata ni Jervin nang marinig ang kwento ng kaibigan sa dalaga at kaagad na tinignan ang reaksyon ng dalaga roon. Ngunit bago pa man tuluyang masilip ng binata ang mukha ng dalaga'y pumasok na sakanilang silid-aralan ang kanilang guro.

"Good afternoon, class!"

"Good afternoon, Ma'am~!"