Chereads / Runaway With Me / Chapter 22 - Mall 5

Chapter 22 - Mall 5

~Tanghali~

"Kelan ka pwede magtrabaho, Jervin?"

Tanong ni Hendric kay Jervin habang patuloy pa rin sila kumakain ng kanilang tanghalian sa McDee.

"Nasabihan ka na ba ni Anna na tutulong kami pareho ni Jervin sa mini grocery nila?"

Tanong ni Yvonne kay Hendric matapos niyang lunukin ang kaniyang nginunguyang pagkain kani-kanina lamang.

"Oo. Kaya nga 'Jervien' ung una kong tawag sakaniya, e."

Natatawang sagot ni Hendric sa tanong ni Yvonne habang tinitignan niya ang dalaga. Natawa na lang din ang dalaga sa sinagot sakaniya ng kaniyang kaibigan.

"May point ka nga naman."

Natatawang kumento ni Yvonne kay Hendric sabay subong muli ng kaniyang pagkain. Tinignan na ng kaibigan ng dalaga ang binate habang nakangiti.

"Kelan ka na pwede magsimula, Jervin?"

Tanong muli ni Hendric kay Jervin habang nakatingin at nakangiti pa rin ito sa binata. Napatigil sa pagkain ang binata at saka tinignan ang kaibigan ng dalaga.

"Pwede na ako magsimula sa darating na sabado at linggo."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Hendric. Biglang nabulunan si Yvonne at dali-daling uminom ng tubig. Agad na naalarma ang dalawa dahil sa dalaga. Hinaplos ng binata ang likuran ng dalaga para tulungan itong mailunok ang pagkain.

"Ano nangyari sayo bunso? Ba't ka nabulunan?"

Nag-aalalang tanong ni Hendric kay Yvonne habang hinihimas pa rin ni Jervin ang likuran ng dalaga. Nang naging maayos na ang kundisyon ng dalaga ay tumigil na ang binata sa paghimas ng likuran ng dalaga. Mabilis na tinignan ng dalaga ang binata na may halong pag-aalala sakaniyang mukha.

"Seryoso ka ba Jervin?! Ayaw mo ba ng day-off?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata na may pag-aalala sakaniyang mukha.

"Okay lang. Kaya ko naman, e."

Sagot ni Jervin kay Yvonne sabay ngiti nito ng matamis sa dalaga. Natigilan ang dalaga at napalayo ng kaunti sa binata saka pinagmasdan ang nakakabighaning ngiti ng binata sakaniya. Ilang segundo pa ay naramdaman na ng dalaga ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso at tila ba'y parang bumagal ang kaniyang mundo saka naglaho ang ibang tao sakaniyang paligid habang patuloy pa rin niyang pinagmamasdan ang binata.

"Oi... bunso. Okay ka lang?"

Tanong ni Hendric kay Yvonne habang si Jervin naman ay iwinawagayway ang kaniyang kamay sa mukha ng dalaga. Makalipas ng ilang segundo ay natauhan na ang dalaga at agad na iniwas ang kaniyang tingin sa binata at nagpatuloy nang muli sa pagkain. Agad na tinignan ng binata ang kaibigan ng dalaga upang tanungin ito kung anong nangyari rito ngunit nang magkasalubong ang kanilang tingin ay nagkibit-balikat lamang ang kaibigan ng dalaga bilang sagot sa binata.

Walang nagawa si Jervin kaya't ibinalik na lamang niya ang kaniyang tingin kay Yvonne at napa isip ng malalim. Napansin naman kaagad ng dalaga ang tingin sakaniya ng binata kaya't tinignan niya ito ng dahan-dahan hanggang sa magkasalubong na ang kanilang tingin. Bahagyang nagulantang ang binata sa pagtingin sakaniya ng dalaga at naramdaman niya na bumilis ang tibok ng kaniyang puso kaya't agad niyang iniwas ang kaniyang tingin sa dalaga at nagpatuloy na rin sa pagkain. Ang kaibigan naman ng dalaga ay tuwang-tuwa sa napapanuod na eksena na tila ba'y parang nanggaling sa isang teleserye. Nagpatuloy lamang sa pagkain ang dalaga't binata ng tahimik habang ang kaibigan ng dalaga ay masaya silang pinapanuod ng tahimik.

"So... sigurado ka na Jervin?"

Tanong ni Hendric kay Jervin para basagin ang katahimikang namamagitan sakanilang tatlo. Napatingin bigla ang binata sa kaibigan ng dalaga at napa isip ng panandalian.

"O-oo. Sigurado na ako."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Hendric sakaniya pagkalunok niya ng kaniyang nginunguyang pagkain. Natigil sa pagkain si Yvonne at saka tinignan ang binata habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. Desperadang tinignan ng dalaga ang kaibigan at tahimik na pinaki usapang huwag pumayag sa gusto ng binata. Napansin naman kaagad ng kaibigan ang ginagawa at gustong sabihin ng dalaga kaya't napabuntong hininga ito.

"Ganito na lang..."

Sabi ni Hendric kay Jervin sabay sandal niya sakaniyang kinauupuan at saka tinignan si Yvonne. Napakunot ng noo ang binata saka tinignan na rin ang dalaga na dahan-dahang tumingin sakaniya at ngumiti ng may halong kaba.

"Ikaw nga mag-isip Bon, wala ako maisip, e."

Sabing bigla ni Hendric kay Yvonne nang may ngiti sakaniyang bibig. Tinignan ng dalaga ang kaibigan at pinanlakihan ito ng mata habang ang ngiti naman nito ay pilit at ang kaniyang ngiti.

"Akala ko ba may sasabihin ka?"

Tanong ni Yvonne kay Hendric habang nanggagalaiti ito sa inis. Napalunok kaagad ang kaibigan at saka hinarap ng maayos si Jervin.

"Isang beses sa isang linggo ka lang magdedeliver ng mga tubig. Ikaw bahala kung sabado o linggo, basta sabihan mo kaagad ako. Ung sweldo mo naman ay matatanggap po sa susunod na buwan. Kung anong araw ka mag-uumpisa magtrabaho, ung din ung araw na makukuha mo ang sweldo mo."

Sabi ni Hendric kay Jervin sabay dahan-dahang nilingon si Yvonne na ngayo'y nakangiti na ng matamis sakaniya. Nang nasilayan ng kaibigan ng dalaga ang matamis na ngiti nito at nakahinga na ito ng maluwag at nagpatuloy na sa pag ubos ng kaniyang pagkain. Nagtaka na lamang ang binata sa inasta ng kaibigan ng dalaga ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon at saka tinignan ang dalaga na ngayo'y kinakain na ang chocolate hot fudge.

"Salamat sa pagtulong mo sakin, Yvonne."

Pagpapasalamat ni Jervin kay Yvonne habang nakangiti ito sa dalaga ng matamis. Agad na tinignan ng dalaga ang binata habang nanlalaki ang mga mata nito at naka subo pa rin sakaniyang bibig ang kutsarang gamit niya para kainin ang kaniyang ice cream.

"W-wala un. A-ano ka ba, m-maliit na bagay lang un."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang pinagmamasdan na ang matamis na ngiti ng binata sakaniya. Biglang iniangat ng binata ang kaniyang kamay at saka hinaplos ang ulo ng dalaga, bahagyang nagulat ang dalaga sa ginawa ng binata at naramdaman niya na lumaktaw ng isang tibok ang kaniyang puso at nakaramdam ng sobrang tuwa. Nanatili silang ganuon ng ilan pang segundo at hindi pa rin nawawala ang kanilang ngiti.

"Tsk. Tsk. Tsk. May lumilipad na rito. Sino kaya ung kasama niyang lumipad? Sana naman hindi sila masaktan pareho pag bumagsak na sila."