~Tanghali~
"Ano?! Wala ka pa ring trabaho hanggang ngayon?! Kelan ka ba maghahanap ng trabaho, ha?! Kung kelan halos malapit na tayong mamatay dahil sa gutom!? Ano!? Sabihin mo lang!?"
"Ayan ka nanaman! Yan nanaman ang pag-aawayan natin! Kelan ka ba titigil!? Naririndi na ako sayo!"
"Titigil lang ako kung kelan may trabaho ka na! At kung naririndi ka na sakin, e, dapat maghanap ka na ng trabaho!"
"Bakit ba ako palagi pinag-iinitan mo, ha!? Nananahimik na nga lang ako dito!"
"Ayun na nga ang problema! Nananahimik ka lang dyan! Wala kang ginagawa para magkaron tayo ng pera at pang gastos sa pang araw-araw natin!"
"Ano nangyare sa pag-aapply ng magaling mong panganay?! Nakahanap ba ng trabaho kahapon!?"
"Isinasali mo nanaman siya! Bakit ba lagi mo na lang siya sinasali?!"
"Nakapagtapos siya ng kolehiyo! Maganda ang course na tinapos niya! Sayang lang ang graduation niya kung hindi man lang siya nagsisikap na maghanap ng trabaho para makatulong satin!"
"Hindi kasi porket nakapagtapos ng kolehiyo ay siguradong makakapag-apply agad ng trabaho!"
"Bahala ka na nga dyan!"
"Ano!? Lalayas ka ganon!? Tatakasan mo ung responsibilidad mo bilang isang ama!? Bilang asawa?!"
"Wala akong asawa na lagi-laging pinapaalala sakin kung gaano ako kawalang kwentang ama."
Napabuntong hininga na lamang si Jervin matapos pakinggan ang pag-aaway ng kaniyang mga magulang sa pintuan ng kaniyang kwarto. Naglakad na lamang ang binata patungo sakaniyang kama at nahiga.
"Kelan ba matatapos ang pag-aaway nila?"
Tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang nakatingin sa kisame. Makalipas ng ilang segundo at napatingin siya sa bintana ng kaniyang kwarto at saka itinuon niya ang kaniyang atensyon sa langit habang siya'y nakahiga pa rin sakaniyang kama.
"Kung nakikinig Ka man ngayon sakin... Bakit Mo ako inilagay sa pamilyang 'to na wala nang ibang alam kundi ang mag-away na lang araw-araw? Bakit Mo pa ako binuhay kung ganitong buhay lang din pala ang ipaparanas Mo sakin? Kung nakikinig Ka man ngayon sakin... Bakit parang ayaw Mong iparanas sakin ang maging masaya? Bakit parang pinaglalaruan Mo lang ako? Kung nakikinig Ka man ngayon sakin... sana naman sagutin Mo ang mga tanong ko Sayo."
Sabi ni Jervin habang nakahiga pa rin sakaniyang kama at nakatingin pa rin sa langit. Napabuntong hininga nanamang muli ang binata at saka pumikit. Matapos ng ilang segundo ay dumilat ang binata at saka tinignang muli ang langit habang papaupo na sakaniyang kama.
"Bakit ba kasi meron pang 'mayaman' at saka 'mahirap'? Bakit Mo hinayaan na magka ganto ang pamilyang kinabibilangan ko? Halos mabaliw na ako dito, oh."
Sabi ni Jervin at bahagyang natawa bago yumuko at tumitig sakaniyang kama. Ilang saglit pa ay mayroong tumulo sakaniyang kama na nanggaling sakaniyang mga mata. Agad niyang pinunasan ang kaniyang luha at tinignan ang basa niyang daliri at natawa nanaman ng bahagya.
"Umiiyak nanaman ako? Bakit kaya?"
Tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang natatawa pa rin ng bahagya. Hindi nagtagal, ang kaniyang tawa ay napalitan na ng paghikbi. Ang kinang sa kaniyang mga mata sa tuwing siya'y masaya ay naglaho na lang na parang bula.
"Bakit puro lungkot na lang ang pinaparamdam Mo sakin? Bakit puro sakit? Wala Ka na bang maisip na pwedeng idagdag sa buhay ko kesa lang sa lungkot at sakit? Wala Ka na bang ibang mapaglaruan maliban sakin? Bakit Mo ginagawa sakin 'to?"
Sunod-sunod na tanong ni Jervin habang patuloy pa rin siyang umiiyak. Basang-basa na ang kaniyang kama dahil sakaniyang mga luha ngunit hindi pa rin niya matigil ang kaniyang pag-iyak. Huminga ng malalim ang binata at saka tumingin muli sa langit habang nakaupo pa rin siya sakaniyang kama.
"Masaya Ka na ba na hindi ko mapigil ang sarili ko sa pag-iyak? Masaya Ka na ba na nararamdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko? Masaya Ka na ba?"
Sunod-sunod na tanong nanamang muli ni Jervin habang tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng kaniyang mga luha mula sakaniyang namumulang mga mata. Bilang may pumasok na malakas na hangin mula sa bintana ng binata kaya't napapikit ito ngunit patuloy pa rin ang pagbuhos ng kaniyang mga luha.
"Ano? Yan lang sagot Mo? Hangin lang?"
Tanong nanamang muli ni Jervin habang nakatingin pa rin ito sa langit mula sakaniyang kama.
"Yan lang talaga?"
Tanong muli ni Jervin at natawa ng bahagya habang ang mga kamay naman niya'y nagpapahiwatig ng kabaligtaran. Hinawakan niya ng sobrang higpit ang sapin ng kaniyang higaan hanggang sa manginig na ang kaniyang mga kamay. Nginitian niya ang langit ng pilit at nanggigigil hanggang sa nanuyo na sakaniyang pisngi ang mga luhang nagdaan roon galing sakaniyang namamagang mga mata.
"Sasagutin Mo lang naman ako kung bakit ganito ang kinahinatnan ng buhay ko. Un lang naman, e. Bakit hindi Mo pa kayang magawa?!"
Galit na sabi ni Jervin habang patuloy pa rin siyang nakatingin sa kalangitan mula sakaniyang higaan. Hindi na napigilan ng binata ang kaniyang galit kaya't sumigaw siyang muli ng napakalakas at saka sunod-sunod na sinuntok ang kaniyang kama. Hindi pa nakuntento ang binata kaya't tumayo na siya sakaniyang kama, naglakad papalapit sa pader at saka sunod-sunod din itong sinuntok habang gigil na gigil pa rin siya.
Sumigaw muli ang binata dahil hindi pa rin siya nakukuntento kahit halos magdugo na ang kaniyang kamao kakasuntok sa pader ng kaniyang kwarto. Huminto bigla ang binata at saka hinabol ang kaniyang hininga habang naliligo na siya sa sarili niyang pawis. Habang hinahabol ang hininga ay sinamaan niya ng tingin ang langit at bumuo nanaman ng kamao sakaniyang mga kamay.
"Ano? Na-eentertain Ka na? Masaya Ka na ba? Kuntento Ka na ba sa pinaggagagawa ko ngayon?"
Sunod-sunod na tanong muli ni Jervin habang masama pa rin ang tingin nito sa kalangitan.
"Sagutin Mo ko!"
Sigaw ni Jervin ng malakas habang patuloy pa ring tinitignan ang langit mula sakaniyang kinatatayuan sa tabi ng kaniyang kama. Ilang segundo pa ang lumipas ay nagkaroon ng malakas na hangin. Habang tumatagal ay palakas ng palakas pa ito at ang kalangita'y unti-unti nang dumidilim at nagkaroon na ng mga kulog at kidlat.
"Tapos Ngayon magagalit Ka?! Ano ba talaga!?"
Tanong muli ni Jervin habang naka kamao pa rin ang kaniyang mga kamay at nakatingin pa rin ito sa nagdidilim na kalangitan. Ilang saglit pa ay tumunog ang kaniyang phone. Tumunog nanamang muli ang kaniyang phone kaya't dali-dali siyang naglakad patungo sa lamesa na nasa kabilang dulo ng kaniyang kama upang tignan kung ano ang dahilan ng pagtunog nito.
Thursday 12:45 PM
[12:45 PM] Ibon: jervinnnnnnn
[12:45 PM] Ibon: pumasok ka?????
[12:46 PM] Ibon: wag ka na pumasok, parang magkakaron ng biglaang bagyo, e
[12:47 PM] Ibon: salamat pala kahapon, hindi mo ko pinabayaan
[12:48 PM] Ibon: mag-iingat kayo dyan sa bahay niyooo w^-^w