~Hapon~
"Madam Hong."
Tawag ni Jervin kay Madam Hongganda habang naglalakad na sila pareho ng matandang babae sa mansion nito.
"Ano un, hijo?"
Tanong ni Madam Hongganda kay Jervin habang patuloy pa rin ito sa paglalakad patungo sa pintuan sa pinakang dulo na bahagi ng pasilyo na kanila ngayong nilalakaran.
"Si Yvonne… N-narinig mo ba lahat kanina?"
Tanong pabalik ni Jervin kay Madam Hongganda habang patuloy pa rin nito sinusundan ang matandang babae. Hindi sinagot ng matandang babae ang tanong sakaniya ng binata hanggang sa makarating na silang pareho sa dulo ng pasilyo.
"Oo."
Simpleng sagot ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Jervin sabay bukas ng pintuan at saka naglakad na papasok. Biglang kinabahan ang binata sa sinagot sakaniya ng matandang babae ngunit nanatili lamang siyang tahimik at saka sinundan na ang matandang babae sa loob ng silid na may malaking palayok sa gitna nito.
"Narinig ko ang buong pag-uusap ninyo ni Ibon. At ako na ang nagsasabi saiyo, hijo… hindi madali para sakaniya na ipakita ang kaniyang kahinaan sa iba. Iilan na lamang ang kaniyang pinagkakatiwalaan dahil ayaw na niyang maulit pang muli ang kaniyang pagkakamali noon."
Dagdag pa ni Madam Hongganda sakaniyang sinagot kay Jervin habang inaayos ang mga libro na nakakalat sa lamesa na nakalagay sa kaliwang bahagi ng silid. Tahimik na tinulungan ng binata ang matandang babae sa pag-aayos ng mga nakakalat na mga libro sa silid na iyon.
"A-ano bang nangyari?"
Nauutal na tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang patuloy pa rin ang pag-aayos nito ng mga libro. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae at saka nginitian ang binata.
"Mas mabuti na lang siguro na siya ang tanungin mo."
Nakangiting sagot ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Jervin habang ibinabalik na nito ang ibang mga libro sa lalagyanan nito. Binuhat na ng binata ang iba pang libro at saka dinala ito sa matandang babae upang maayos na rin nito ang iba pang mga libro.
"Pero ano ung ituturo mo sakin ngayon, Madam Hong?"
Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang buhat pa rin nito ang mga libro. Isa-isang nilagay ng matandang babae ang mga libro at saka may ibang libro naman na inilabas at ipinabuhat sa binata.
"Blurmbed Glingesh?"
Basa ni Jervin sa pangalawang libro na binigay sakaniya ni Madam Hongganda, ngunit bago pa man makapag tanong ang binata ay may ibinigay nanaman sakaniyang libro ang matandang babae.
"Desrever Shilnge?"
Basang muli ni Jervin ngunit sa pangatlong libro naman na ibinigay sakaniya ni Madam Hongganda. At bago pa mang muling makapag tanong ang binata ay inunahan na siya ng matandang babae.
"Kailangan mong pag-aralan ang mga lengguwaheng iyan upang makihalubilo sa iba pang mga nilalang kapag may kakailanganin kang bilhin sa Unity Locale."
Pagpapaliwanag ni Madam Hongganda kay Jervin habang naglalakad na ito patungo sa pinakamalapit na upuan at saka hinatak ito patungo sa lamesang nilinis nila kanina ng binata. Dali-daling sinundan ng binata ang matandang babae habang dala-dala ang tatlong libro.
"Ang 'Desrever Shilnge' ay ang lengguwahe ng mga zombies, at ang 'Blurmbed Glingesh' naman ay ang sinaunang lengguwahe ng mga salamangkero't mangkukulam."
Dagdag pa ni Madam Hongganda sa paliwanag niya kay Jervin kanina habang binubuklat na niya ang libro na puro patungkol sa lengguwahe ng mga Zombies.
"Bakit dalawang language lang ang kailangan para makahalubilo ang iba pang mga nilalang, Madam Hong?"
Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang tinitignan naman niya ang libro na patungkol sa lengguwahe ng mga salamangkero't mangkukulam.
"Ganito kasi yan, hijo… Zombies ang mga pinaka unang nilalang na nabuhay dito sa mundong hindi alam ng mga ordinaryong tao. Sila ang pinaka unang pinatira ng napakagandang buwan na si Luna sa mundong kaniyang ginawa. Sumunod naman ang mga salamangkero't mangkukulam. Noong mga panahong hindi na tanggap ng mga ordinaryong tao ang mga sinaunang salamangkero't mangkukulam ay kinupkop sila ng Luna noong wala na silang mahanap pa na lugar na kung saan sila ligtas."
Sagot ni Madam Hongganda sa tanong ni Jervin habang patuloy pa rin nito tinitignan ang librong patungkol sa lengguwahe ng mga zombies, samantalang ang binata nama'y napatigil sa pagtingin sa libro na patungkol sa lengguwahe ng mga salamangkero't mangkukulam.
"Lumipas ang panahon, habang parehong naglilibot ang mga zombies, salamangkero at mangkukulam ay nakakatuklas na sila ng mga iba't ibang klaseng nilalang na naninirahan din sa mundong ginawa ng Luna. Mayroong mga mabubuting nilalang tulad ng mga Bampira na mukhang mga ordinaryong tao ngunit mayroon itong pangil at umiinom lamang ito ng dugo at kumakain ng mga hilaw na karne. Salamat sa mga Zombies dahil may natuklasan silang lugar na pupwedeng pagkuhaan ng mga dugo upang makainom at mabuhay pa rin ang mga Bampira nang hindi pumapatay ng ordinaryong tao."
Pagpapatuloy ni Madam Hongganda sakaniyang kwento kay Jervin na pokus na pokus sa kwento ng matandang babae sabay pakita nito ng larawan ng Bampira na galing sa libro na kaniyang tinitignan.
"Anong lugar?"
Tanong bigla ni Jervin kay Madam Hongganda. Inilipat lamang ng matandang babae ang pahina ng libro at saka ipinakita na iyon sa binata.
"Ospital?"
Tanong ni Jervin nang masilayan niya ang larawan na ipinakita sakaniya ni Madam Hongganda. Tumango naman ang matandang babae bilang sagot sa binata.
"Anong language na ung ginagamit ngayon ng mga Bampira?"
Tanong muli ni Jervin kay Madam Hongganda.
"Ang mga matatandang Bampira ay ginagamit pa rin ang lengguwahe ng mga Zombie upang makihalubilo sa iba. Samantalang ang iba namang mga mas batang Bampira ay ginagamit na ang makabagong lengguwahe na ginagamit natin ngayon."
Sagot ni Madam Hongganda sa tanong ni Jervin. Napatango na lamang ang binata sa sinagot sakaniya ng matandang babae.
"Ano-ano pa ung mga nilalang na meron, Madam Hong?"
Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda sabay ayos nito ng upo upang making muli sa matandang dalaga. Natawa na lamang ng bahagya ang matandang dalaga sa inasta ngayon ng binata.
"Mga taong Lobo. Mabubuting nilalang ang mga taong Lobo, ngunit hindi mo gugustuhing saktan ang isa sakanila. Dahil sa oras na masaktan mo ang isa sakanila ay wala ka nang kawala pa. Naniniwala ang lahat ng taong lobo sa kasabihang, 'isa para sa lahat at lahat para sa isa'. Kumakain din sila ng mga hilaw na karne tulad ng mga Bampira at sa tuwing nagpapakita ang Luna ay nagiging Lobo na talaga sila at ipinapaalam sa iba pang mga nilalang na nagpakitang muli ang Luna sa pamamagitan ng pag-aalulong bilang pagbati sa mahabaging Luna."