~Hapon~
"T-totoo ba 'to? N-nasa labas lang n-ng mall 'tong lugar na 'to?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Jervin kay Yvonne habang manghang-mangha sa mga nakikitang nilalang na lumilipad at marami pang iba. Nakatayo lamang ang dalaga at ang binata mula sa mataas na parte ng lugar na iyon kaya't halos kita nila lahat ng tindahan at mga nilalang na nag-iikot doon.
"Sira. Shempre hindi, noh. Inintay ko lang talaga magbukas ung portal sa labasan ng mall."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sakaniya habang nakangiti at naglalakad na patungo sa talampas na may upuan na gawa sa kahoy. Nilingon ng binata ang dalaga at dali-daling sinundan ito patungo sa talampas na may upuang kahoy.
"Teka lang!"
Sigaw ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin niyang sinusundan ang dalaga hanggang sa kapantay na nito ang dalaga sa paglalakad. Nasilayan ng binata ang nakaguhit na ngiti sa mga labi ng dalaga at hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti dahil doon. Nang makarating na sila sa talampas ay agad na naupo ang dalaga sa upuang gawa sa kahoy. Samantala, ang binata ay nagdalawang-isip muna bago maupo sa tabi ng dalaga.
"Lagi kaming nagpupunta dito ni Mama Beatrice kapag may gumugulo sa isipan namin pareho."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin lamang ito sa mga tindahan na nasa baba at sa mga nilalang na nag-iikot roon. Tinignan ng binata ang dalaga ng may halong pag-aalala, akma na sana niyang hahaplusin ang balikat ng dalaga ngunit nagdalawang- isip siya at naisipang huwag na lang ituloy, bagkus ay tinignan na lang din niya ang mga nilalang na nag-iikot sa mga tindahan na nasa baba.
"May gumugulo ba sa isipan mo ngayon?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang mga nilalang na nasa baba. Tinignan ng dalaga ang binata, nginitian ito kahit hindi nakita ng binata at saka ibinalik muli ang kaniyang paningin sa ibaba.
"Ung lalaking kinekwento sakin ni Melanie. Ung lalaking pinakitaan niya sakin ng picture. Hindi ko akalain na masusundan pa niya ako. Hindi ko akalain na ganito ang magiging resulta. Hindi ko akalain na mangyayari 'to ngayon."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang may namumuo nang luha sakaniyang mga mata. Napansin ng binata ang panginginig ng boses ng dalaga kaya't naisipan nitong tignan ang dalaga at nasilayan itong may ngiti pa rin sa labi kahit na ang kaniyang mga mata ay nagpapahiwatig ng kabaligtaran.
"Kilala mo ba ung lalake?"
Tanong muli ni Jervin Kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Natawa ng bahagya ang dalaga at may luha nang tumulo mula sakaniyang mata. Nag-alala ang binata.
"K-kahit wag mo nang sagutin ung tanong ko."
Sabi ni Jervin kay Yvonne sabay iwas nito ng tingin sa dalaga. Kahit na iniwas na ng binata ang tingin nito sa dalaga ay hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na tignan ang dalaga mula sa sulok ng kaniyang mga mata.
"Jay Martinez ang pangalan niya. Nakakapagsisi pero naging kami 6 months ago. Naging kami ng kalahating buwan, tapos nakipagbreak na ako sakaniya. Akala ko kase ready na akong pumasok sa isang relationship, mali pala ako. Sa una masaya kaming pareho ni Jay... pero nung nagtagal... masyado na siyang nagiging needy sa quality time namin para sa isa't isa. Akala ko nung una okay lang un. Pero hindi pala. Parang hindi na ako ang may hawak ng oras ko. Parang hindi na ako ang kumukontrol sa buhay ko. Hindi ko na matiis ang ganung feeling, kaya naisipan kong makipagbreak kay Jay. Akala ko... kapag nakipagbreak ako sakaniya... titigil na siya."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin pa rin ito sa mga nilalang na nasa paanan ng talampasang kinaroroonan nilang pareho. Tinignan ng binata ang dalaga nang may lungkot sakaniyang mga mata habang hawak nito ang kaniyang dibdib.
"Pero hindi pala... mas lalong lumala. Lagi niya na akong sinusundan kahit san man ako magpunta. Lagi niyang nilalike ung mga post ko sa social media ko. Naging stalker ko na si Jay. Sinabi ko un kay Mama Beatrice. At ang naisipan niyang solution ay ang ipasuot sakin 'tong salamin na 'to na binabago ang mukha ko at ilipat ako ng ibang school nitong pasukan. Pero hindi pa ako nangangalahati ng taon sa school na nilipatan ko ay kailangan ko nanamang lumipat ng school. Hindi dahil sa naexpell ako o kung ano pa mang mga tsismis na kumakalat tungkol sa pagkakalipat ko sa school niyo. Nilipat ulit ako ng school dahil nagkaroon ng pangitain si Mama Beatrice."
Kwento ni Yvonne kay Jervin sabay tingin na nito sa binata habang nakangiti at tuloy-tuloy nang tumutulo ang mga luha nito. Nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang binata nang masilayan ang itsura ng dalaga na namamaga ang mga mata, tumutulo ang mga luha ngunit nakangiti pa rin ito.
"Ikaw. Ikaw ang nakita ni Mama Beatrice sa pangitain niya. Ikaw raw ang magpoprotekta sakin. Isang 'ordinary' raw ang magpoprotekta sakin. Sa una, hindi ako naniwala, kasi sino ka ba naman para maprotektahan ako? Hindi ka naman isang wizard o kung ano pa mang special na nilalang. Pero nung una kitang nakita… nagbago agad lahat ng mga sinasabi ko sa isip ko. Nung naka usap kita… gumaan ang pakiramdam ko. At nung mas lalo pa kitang nakilala… nagkaroon ulit ng buhay ang mundo ko."
Pagpapatuloy ni Yvonne sakaniyang kwento kay Jervin habang paulit-ulit niyang iniiwas ang tingin sa binata dahil sa pagmamaliit nito sakaniya at punas ng kaniyang sariling luha. Nangiti ng bahagya ang binata dahil sa huling sinabi ng dalaga patungkol sakaniya.
"Alam kong sinabi ko na 'to sayo nung nakaraang araw na nagdadalawang-isip na ako kung maniniwala pa ba ako sa Diyos… pero… sa tingin ko… isa kang hulog ng langit para sakin."
Nahihiyang sabi ni Yvonne kay Jervin sabay dahan-dahan nitong tinignan ang binata habang namumula ang tainga't pisngi nito. Napa angat ng dalawang kilay ang binata dahil sa gulat nito at naramdaman nanaman niya ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.
"N-natural lang ba n-na bumibilis ang t-tibok n-ng puso ko?"
Tanong bigla ni Jervin kay Yvonne sabay hawak nitong muli sakaniyang dibdib. Napagdikit ng dalaga ang kaniyang kilay dahil sa tinanong sakaniya ng binata. Walang pag-aalinlangang inalis ng dalaga ang kamay ng binata sa sarili nitong dibdib at saka hinawakan ang dibdib ng binata. Biglang hindi makakilos ang binata dahil sa inasta ng dalaga at namula na ng sobra ang kaniyang buong mukha.
"Nangyari na ba 'to sayo dati?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakahawak pa rin ito sa dibdib ng binata. Umiling lamang ang binata bilang sagot sa tanong ng dalaga. Tinignan ng dalaga ang mukha ng binata ng malapitan kaya't mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ng binata at napalunok ito.
"Hindi kaya…"
Sabi ni Yvonne sakaniyang sarili sabay tanggal na ng kaniyang kamay sa dibdib ng binata at saka umayos na ng upo. Tumingin saglit ang dalaga sa langit at ibinalik muli ang kaniyang tingin sa binata. Agad niyang nilapat ang kaniyang kamay sa noo ng binata.
"May… sakit ka ba? Ubo? Sipon? Lagnat? Trangkaso?"