Chereads / Runaway With Me / Chapter 26 - Tamayo's Residence 3

Chapter 26 - Tamayo's Residence 3

~Gabi~

"Lagi mo lang susuotin ang salamin mo, hija. At saka alam mo kung saan ka magtatago, ha."

Sabi ni Madam Hongganda kay Yvonne habang naglalakad siya pabalik-balik sa kwarto ng dalaga at kasama pa rin si Jervin. Tumango lamang ang dalaga habang nakaupo sila pareho ng binata sakaniyang kama.

"Yvonne!"

Tawag ni Josh kay Yvonne habang tumatakbo na ito patungo sa dalaga na nakaupo sa kama. Naluha nanaman ang dalaga habang inilapag nito ang kaniyang kamay at hinihintay ang dwende na tumayo sa kaniyang palad.

"Kuya Josh... natatakot ako."

Sabi ni Yvonne kay Josh habang inilalapit na nito ang dwende sakaniyang mukha. Tuloy-tuloy pa rin ang pagluha ng dalaga kaya't hinimas niya ang likuran ng dalaga upang patahanin ito.

"Kelan mo nalaman na malapit nanaman sayo ni Jay?"

Tanong ni Josh kay Yvonne habang inilalayo na siya ng dalaga sakaniyang mukha.

"Kahapon... nagkakilala na ata sila ni Melanie. May picture silang dalawa ni Jay sa phone niya, e. Ewan ko. Pero sabi ni Melanie hindi raw niya nakuha ung pangalan ni Jay, e."

"Malay natin, hindi pala si Jay un. Malay natin, iba palang tao un."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang hinihimas pa rin nito ang likuran ng dalaga upang patahanin ito sa pag-iyak. Tinignan ng dalaga ang binata at saka umiling.

"Sigurado akong si Jay ung nasa picture na pinakita sakin ni Melanie kahapon."

Sagot ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata at umiiyak pa rin. Napabuntong hininga ang binata at saka pinunasan ang mga luhang gumuhit sa pisngi ng dalaga gamit ang kaniyang kamay.

"Alam ni Melanie ung tungkol sainyo ni Jay?"

Tanong ni Madam Hongganda kay Yvonne nang mapatigil ito sa paglalakad ng pabalik-balik sa harapan nila Jervin, Josh at ng dalaga. Tinignan ni Yvonne ang matandang babae at saka umiling bilang sagot.

"Dito lang kayo, sasabihin ko na ang lahat sa mga magulang mo, hija."

Sabi ni Madam Hongganda kay Yvonne habang naglalakad na siya patungo sa pintuan ng kwarto ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa gulat, samantalang si Josh naman ay dali-daling tumalon pababa mula sa kamay ng dalaga at saka tumakbo patungo sa matandang babae.

"Madam Hongganda! Wag po! Alam niyo naman po ung sitwasyon sa pagitan ni Yvonne at sa mga magulang niya!"

Pagpipigil ni Josh kay Madam Hongganda habang hinahatak ang mahabang palda ng matandang babae ngunit patuloy pa rin ito sa paglalakad patungo sa pintuan.

"Madam Hongganda."

Tawag ni Yvonne kay Madam Hongganda habang nakatayo na ito sa harap ng kaniyang kama. Agad na napatigil sa paglakad ang matandang babae at dahan-dahang nilingon ang dalaga na umiiyak nanamang muli.

"Please..."

Pakiusap ni Yvonne kay Madam Hongganda habang patuloy nanaman itong umiiyak. Napabuntong hininga ang matandang babae samantalang si Jervin naman ay tumayo na sa tabi ng dalaga upang alalayan ito kung sakaling manghina man ito.

"Bakit hindi pa rin kayo magka ayos ng magulang mo?"

Tanong ni Madam Hongganda kay Yvonne habang naglalakad na ito papalapit sa dalaga, ngunit bago pa man makalapit ang matandang babae ay nakaramdam ng pagka hilo ang dalaga at saka nawalan na ng malay. Mabuti na lang ay nasa tabi ng dalaga si Jervin kaya't agad nitong nasalo ang dalaga bago pa man ito bumagsak sa sahig.

"Yvonne!"

"Ibon hija!"

"Yvonne! Gumising ka Yvonne!"

Sabi ni Jervin habang dahan-dahan nitong inihihiga si Yvonne sa kama nito. Dali-daling lumapit si Madam Hongganda upang alalayan ang binata.

"Yvonne! Yvonne, gumising ka! Ba't siya nawalan ng malay Madam Hong?! Anong nangyari sakaniya?!"

Natatarantang tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang patuloy pa rin nitong ginigising si Yvonne. Kinapa ng matandang babae ang noo ng dalaga at bahagyang napaso ito dahil sa init.

"Napaka tigas naman kasi ng ulo nito! Ilang beses ko nang sinasabi na wag siyang magpapaulan! Kahit si Beatrice na ang magsabi sakaniya di pa rin niya sinusunod, e! Bakit ka ba ganito, hija? Pinag-aalala mo ako masyado, e."

Sabi ni Madam Hongganda pareho kila Jervin at Yvonne. Tumayo ang matandang babae para maghanap ng basahan at maligamgam na tubig upang ipahid ito sa dalaga, ngunit hindi pa siya nakakalabas ng kwarto ng dalaga ay may tinutulak nang maliit na planggana na may lamang maligamgam na tubig at basahan si Josh at ang apat pang dwende na tumutulong sakaniya. Agad na kinuha iyon ng matandang babae at saka piniga ang basahan at saka ipinunas na ito sa noo ng dalaga.

"Salamat, Josh hijo."

Pagpapasalamat ni Madam Hongganda kay Josh habang patuloy pa rin ito sa pagpunas ng basahan na inilublob sa maligamgam na tubig kay Yvonne. Nagtulungang umakyat ang limang dwende sa kama ng dalaga at saka pinagmasdan ito ng may pag-aalala sakanilang mga mukha.

"Lagi ba siyang nagkaka ganto tuwing umuulan kuya Josh?"

Nag-aalalang tanong ni Jervin kay Josh sabay hawak niya sa kamay ng walang malay na dalaga. Tumango lamang ang dwende bilang sagot sa tanong sakaniya ng binata.

"Ilang beses ko nang tinatanong si Yvonne kung bakit gusto niya laging magpa ulan pero... nginingitian niya lang ako."

Sabi ni Josh habang pinagmamasdan pa rin nito si Yvonne. Napabuntong hininga muli si Madam Hongganda dahil sa sitwasyon na kinalalagyan ngayon ng dalaga.

"Felip, Justin, Paolo, Vester..."

Tawag ni Madam Hongganda sa apat na dwende na tumulong kay Josh sa pagtulak ng maliit na planggana patungo sakaniya. Agad na nilingon ng apat na dwende ang matandang babae habang ang dalawa sakanila ay umiiyak na dahil sa pag-aalala sa dalaga.

"Salamat sa pagtulong ninyo kay Josh sa pagtutulak ng planggana."

Pagpapasalamat muli ni Madam Hongganda at may luha nang tumulo mula sakaniyang mata.

"Madam Hongganda..."

Malungkot na tawag ni Josh kay Madam Hongganda habang naglalakad na ito papalapit sa matandang babae para pagaanin ang loob nito. Nakaramdam ng pag-aalala at lungkot si Jervin dahil sa sitwasyon na naroroon siya ngayon. Ilang saglit pa ay naka-isip siya ng ideya.

"Leha."

Sambit ni Jervin habang hawak pa rin niya ang kamay ni Yvonne. Agad na napalingon sina Madam Hongganda, Josh at ang apat pang dwende na kasama nila sa kwarto ng dalaga sa binata.

"Jervin..."

Malungkot na tawag ni Josh kay Jervin habang naglalakad na ito papalapit sa braso ng dalaga. Tinignan ng binata ang dwende at nasilayan ang pag-iling nito habang nakahawak na ito sa braso ng dalaga at nakayuko. Kumunot ang noo ng binata at naguluhan.

"Bakit ka umiling kuya Josh? Tumalab ba ung spell? Bakit walang nangyayari?"

Sunod-sunod na tanong ni Jervin kila Madam Hongganda habang kinakapa ang noo ng dalaga. Hinawakan ng matandang babae ang dalawang kamay ng binata upang patigilin ito at pakalmahin. Nilingon ng binata ang matandang babae habang may namumuo nang luha sakaniyang mga mata at nasilayan ang matandang babae na umiling at patuloy pa rin ang pag-iyak.

"Hindi makakapasok si Yvonne bukas."