~Hapon~
"Salamat ulit sa paglibre, Dric~!"
Masayang pasasalamat ni Yvonne kay Hendric habang papalabas na sila sa McDee na kainan. Nilapitan ng kaibigan ang dalaga at saka ginulo ang buhok nito, hindi nagpatalo ang dalaga kaya't tumalon ito at ginulo rin ang buhok ng kaniyang kaibigan. Habang nagkakatuwaan ang dalawa ay napag-iiwanan si Jervin na hawak ang kaniyang phone habang nanginginig ang kamay nito at nakatingin lamang sa dalaga at kaibigan nito. Hindi mapigilan ng binata ang panginginig ng kaniyang kamay hanggang sa magkalayo na ang dalaga at ang kaibigan nito.
"Sa susunod ulit!"
Sabi ni Hendric kela Yvonne at Jervin habang naglalakad na papalayo sa dalaga at sa binata. Masayang kinawayan ng dalaga ang kaibigan habang naglalakad na ito papalayo sakanilang dalawa ng binata ngunit natigil bigla sa paglalakad ang kaibigan ng dalaga at saka bumalik ito sa dalawa.
"Oo nga pala! Jervin."
Tawag ni Hendric kay Jervin kaya't pareho sina Yvonne at ang binata ay nagulat dahil sa pagbalik ng kaibigan ng dalaga ngunit dahil sa binata at hindi dahil sa dalaga. Tumakbo papalapit ang kaibigan ng dalaga sa binata at saka inilapit ang bibig nito sa tainga ng binata.
"Sa mga susunod na pagkikita ulit natin tuturuan kita ng mga pang malakasang spell."
Bulong ni Hendric kay Jervin sabay ayos na ng tayo at saka nginitian ang binata. Pinanlakihan lamang ng mata ng binata ang kaibigan ni Yvonne dahil hindi ito makapaniwala sa ibinulong nito sakaniya kani-kanina lamang. Nang walang natanggap na reaksyon ang kaibigan ay tinignan naman nito ang dalaga at nakita niya na nanlalaki rin ang mata nito sakaniya habang nakakunot ang noo nito. Ibinalik muli ng kaibigan ng dalaga ang atensyon nito sa binata na bumalik na sa katinuan nito.
"P-pano mo nalaman?"
Nauutal na tanong ni Jervin kay Hendric habang nanlalaki pa rin ang mata nito. Tinignan ng kaibigan ni Yvonne ang binata na may halong pagtataka sakaniyang mukha.
"Kala ko ba naka usap niyo si Anna kagahapon?"
Tanong pabalik ni Hendric kay Jervin. Napataas ng parehong kilay ang binata at saka naalala na naka video call nila ni Yvonne si Anna kagahapon.
"A-ahh... oo nga pala. S-sige. Salamat."
Sagot ni Jervin kay Hendric habang hinihimas na niya ang kaniyang batok dahil sa hiya na nararamdaman niya ngayon. Nginitian ng matamis ng kaibigan ni Yvonne ang binata at saka ibinaling naman ang kaniyang tingin sa dalaga na nakabusangot at cross arms sakaniya.
"Bakit?"
Tanong ni Hendric kay Yvonne nang masilayan niya ang pustura ng dalaga tungo sakaniya. Nilapitan siya ng dalaga at saka itinulak na papalayo ang kaibigan sakanilang dalawa ng binata.
"Hinahanap ka na raw ni tita! Pinapauwi ka na niya!"
Sabi ni Yvonne kay Hendric habang itinutulak pa rin niya ito papalayo sakanilang dalawa ni Jervin. Imbis na mainis ang kaibigan ay nangiti pa ito dahil sa inasta ng dalaga.
"Sus. Gusto mo lang makapag date kayo ni Jervin, e."
Sabi ni Hendric kay Yvonne habang nakangiti pa rin ito. Napahinto sa pagtulak ang dalaga at saka tinignan ng masama ang kaniyang kaibigan. Agad na tinignan ng kaibigan ang dalaga at nakita ito na masama ang tingin sakaniya kaya't napalunok na lamang ito.
"O-oo na! Aalis na! Wag mo ko saktan. Malakas pa naman powers mo sabi sa isa sa mga prophecy."
Takot na sabi ni Hendric kay Yvonne at naglakad na ito papalayo sa dalaga. Ang masamang tingin ng dalaga ay agad na napalitan ng matamis na ngiti habang kinakawayan na ang kaibigan.
"Ingat ka Dric!"
Pagpapaalam ni Yvonne kay Hendric habang nakangiti hanggang sa mawala na ito sakaniyang paningin. Ibinalik na niya ang kaniyang atensyon kay Jervin na nakatingin lamang sakaniya. Nginitian niya ito ng matamis at naramdaman nanaman ang binata ng pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Habang naglalakad na pabalik ang dalaga sa binata ay saktong tumugtog ang kantang 'Is This Love' na kinanta ng bandang Callalily.
Patuloy pa rin ang pagtingin ng binata sa dalaga na naglalakad pabalik sakaniya habang nakangiti ito ng matamis. Ilang saglit pa ay biglang bumilis ang kilos ng lahat ng taong nasisilayan niya kaysa lamang sa dalaga na hindi pa rin nawawala ang ngiti habang nakatingin ito sakaniya. Nang makarating na ang dalaga sa harapan ng binata ay bumalik na sa dati ang paningin ng binata.
"Tara na?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti ito ng matamis sa binata. Biglang napakunot ng noo ang binata.
"Saan naman?"
Tanong pabalik ni Jervin kay Yvonne habang nakakunot pa rin ang noo nito, natawa ng bahagya ang dalaga, hinawakan ang kamay ng binata at saka naglakad na habang hatak nito ang binata. Ibinalik muli ng dalaga ang kaniyang tingin sa binata habang patuloy pa rin ang kanilang paglalakad.
"Sa lugar na kung saan ang lahat ng nilalang ay nagkakatipon-tipon para makihalubilo sa isa't isa."
Nakangiting sagot ni Yvonne kay Jervin sabay balik na ng kaniyang tingin sakaniyang nilalakaran. Napangiti na lamang ang binata sa sinagot sakaniya ng dalaga at sinundan na lamang ito ng walang pag-aalinlangan. Nagpatuloy lamang sa paglalakad ang dalaga't binata hanggang sa makarating na sila sa labasan ng mall na kung saan sila naroroon ngayon. Bago pa man sila makalabas ay huminto sa paglalakad ang dalaga kaya't napahinto na rin ang binata.
"Handa ka na ba?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti itong tinignan ang binata at hawak-hawak pa rin ang kamay nito. Nginitian pabalik ng binata ang dalaga at saka hinigpitan ang paghawak nito sa kamay ng dalaga.
"Handa na."
Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakangiti pa rin ito sa dalaga at mahigpit pa ring hawak ang kamay nito. Binigyan ng matamis na ngiti ng dalaga ang binata at saka tumakbo na papalabas ng mall na iyon. Napapikit ang binata dahil sa liwanag na sumilaw sakaniya. Sa kagustuhang masilayan ang dalaga ay ginamit niya ang kaniyang isang kamay upang takpan ang kaniyang mga mata mula sa liwanag, dahan-dahang dumilat ang binata at dahan-dahan ding naglalaho ang liwanag na sumisilaw sakaniya. Nang maka dilat na ng maayos ang binata ay nasilayan niya ang kakaibang lugar na puno ng iba't ibang nilalang na di niya inakalang totoo't nabubuhay ng matiwasay.
"Welcome to the Unity Locale~!"