Chereads / Runaway With Me / Chapter 20 - Anonuevo's Residence 3

Chapter 20 - Anonuevo's Residence 3

~Umaga~

"Oh, 'nak? San ka pupunta ng ganto kaaga?"

"Mag-aapply na po ulit ako ng trabaho, ma."

"Sa wakas at naisipan mo nang maghanap ng trabaho!"

"Ba't di kaya ikaw ang maghanap ng trabaho?! Ikaw ung tatay dito!"

"Ayan ka nanaman! Nagsisimula ka nanaman!"

"Ako pa ngayon!? Buti sana kung mayaman tayo! Pwede kang gumanyan-ganyan! E, kaso hinde! Kailangan natin ng pera! Kailangan nating ng pang gastos araw-araw!"

"Puro ka na lang pera! Edi sana nagpa kasal ka na lang sa isang lalaking mayaman kung pera lang din pala ang hanap mo!"

"Kung iniisip mo na mukha akong pera, nagkakamali ka!"

"Talaga ba?! E, ke-aga puro pera na agad bukambibig mo!"

"Kase kailangan natin un!"

"Kelan ba ako makakaalis dito?"

Mahinang tanong ni Jervin sa sarili habang nakahiga pa rin siya sa kaniyang kama at tinatakpan ang kaniyang mga mata gamit ang kaniyang braso. Ilang Segundo pa ang lumipas ay biglang tumunog ang kaniyang phone.

"Sino naman kaya un?"

Tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang kinukuha na niya ang kaniyang phone sa lamesa sa tabi ng kaniyang kama.

Wednesday 8:45 AM

[8:45 AM] Ibon: JERVINNNNNNNNNNNNNN

[8:47 AM] Jervin: bakit??

[8:47 AM] Ibon: samahan mo ko, may pupuntahan akoooo

[8:48 AM] Jervin: bakit ako?? bat di si melanie??

[8:49 AM] Ibon: kasi ikaw gusto kong isama sa pupuntahan ko

[8:50 AM] Jervin: pero bakit nga ako??

[8:50 AM] Ibon: TAMA NA TANONG

[8:51 AM] Ibon: maligo ka na at kumain ng almusan kung kakagising mo lang

[8:52 AM] Ibon: *almusal

[8:52 AM] Ibon: good morning~!!!

[8:53 AM] Jervin: goodmorning din sayo

[8:53 AM] Ibon: w^-^w

"Alam ba niya ung emoji?"

Natatawang tanong ni Jervin sa sarili nang makita niya ang huling text message ni Yvonne sakaniya. Tinitigan niya ang kaniyang phone ng ilang segundo habang nakangiti at maya-maya pa ay bumangon na siya sa kaniyang kama, lumabas sa kwarto habang dala-dala ang kaniyang phone at saka bumaba na ng hagdan para kumain na ng almusal.

"Anong almusal gusto mo, Jervin?"

Tanong ng ate ni Jervin mula sa kusina nang makita agad nito ang binata pagkababa pa lang ng hagdan.

"Kahit ano."

Tanging sagot ni Jervin sakaniyang ate na nag-aasikaso sa kanilang kusina. Naglakad na lamang ang binata patungo sa lamesa sa kanilang kusina at saka inilapag roon ang kaniyang phone, naglakad muli ito ngunit patungo naman sa kabinet upang kumuha ng kape at baso. Ang kalan na may lamang bagong init na tubig ay nakalagay malapit sa kaniyang ate, ngunit imbis na lapitan ang ate ay hinintay muna nitong umalis ang kaniyang ate bago kunin ang kalan na may lamang bagong init na tubig.

"Galit ka pa rin ba sakin?"

Tanong ng ate ni Jervin sakaniya habang papaupo na ito sa upuan at saka inilapag ang pagkain ang pagkaing inihain niya para sakanilang magkapatid. Natigil sa pagbuhos ng tubig sa kaniyang baso ang binata at napa isip ng bahagya.

"Ano bang ibig sabihin mo ng 'galit'?"

Tanong pabalik ni Jervin sakaniyang ate habang hindi ito tinitignan at ipinagpatuloy lamang muli ang kaniyang pagbuhos ng tubig sakaniyang baso.

"Hindi mo ako iniinis tulad ng dati. Tapos kung kausapin mo ako tipid na lang ung sinasagot mo sakin."

Sagot ng ate ni Jervin sa tanong nito. Kumuha ng kutsara ang binata at hinalo na ang kaniyang kape.

"Sino may kasalanan?"

Tanong muli ni Jervin sakaniyang ate nang maglakad na siya patungo sa lamesa habang hinahalo pa rin ang kaniyang kape. Napabuntong hininga ang ate ng binata.

"Ako."

Sagot muli ng ate ni Jervin sa tanong nito sakaniya. Naupo na ang binata sa upuan at saka uminom ng kapeng tinimpla niya.

"Ano gagawin ko kung ikaw pala ang may kasalanan?"

Tanong muli ni Jervin sakaniyang ate pagka inom niya ng kaniyang kape. Inilapit ng ate ng binata ang pagkaing hinain nito kanina para sakanilang dalawang magkapatid, ngunit pinagmasdan lamang iyon ng binata at saka ininom muli ang kaniyang kape.

"Patawarin mo na ako, Jervin."

Paghihingi ng tawad ng ate ni Jervin sakaniya. Tumayo bigla ang binata mula sakaniyang kinauupuan at saka naglakad patungo sa kanilang lababo upang ilagay roon ang basong pinag gamitan niya. Bumalik muli siya sa lamesa hindi para kausapin ang kaniyang ate, ngunit para kunin lamang ang kaniyang phone at naglakad na patungo sa hagdan.

"Hindi ganun kadali ang magpatawad."

Sabi ni Jervin sakaniyang ate saka umakyat na sa hagdan at bumalik muli sa kwarto. Matapos niyang ilapag ang kaniyang phone sa lamesa, kinuha na niya ang kaniyang tuwalya saka naglakad patungo sa cr upang maligo na. Nagtagal nanaman ang binata sa cr dahil sa kakaisip nanaman nito ng mga bagay-bagay. Sa sobrang pagkainis niya ay hindi na niya napigilang suntukin ang pader sakanilang cr. Ipinagpatuloy lamang niya ang pagsuntok sa pader hanggang sa manghina na siya at mapaluhod na sa sahig. Hinahabol ngayon ng binata ang kaniyang hininga habang nakayuko at nakaluhod pa rin sa sahig ng kanilang cr.

Ilang taon na rin niyang itinago ang kanyang mga problema sa kanyang sarili, kaya't nagtataka siya kung paano niya nagagawa iyon. Nang bumalik muli ang kaniyang lakas ay nagbalnaw na siya, lumabas na sa cr at saka bumalik muli sa kwarto upang mag-ayos na. Ilang saglit pa ay lumabas na ang binata sa kwarto na nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon at ang all-black niyang sapatos habang ang kaniyang buhok naman ay magulo at mamasa-masa pa. Bumaba na siyang muli sa hagdan at nakita ang kaniyang ate na naghuhugas ng mga pinggan.

"A--"

Tatawagin na sana ni Jervin ang kaniyang ate ngunit nagdalawang isip siya at naglakad na lamang papalabas ng kanilang bahay ng walang pamamaalam.

Wednesday 11:40 AM

[11:40 AM] Jervin: ibon

[11:40 AM] Jervin: san tayo magkikita ngayon??

[11:42 AM] Ibon: dun sa mall na pinagkitaan natin nung nakaraang sabadoo

[11:44 AM] Jervin: saan ba ung pupuntahan mo?? bakit dun pa tayo magkikita??

[11:44 AM] Ibon: bastaaa

[11:45 AM] Ibon: pumunta ka na lang dunnn

[11:46 AM] Ibon: intayin mo ako dun sa mcdee

[11:46 AM] Ibon: san ka na ba???

[11:47 AM] Jervin: papunta na

[11:48 AM] Jervin: malapit lang naman ung bahay namin dun sa mall, eh

[11:48 AM] Ibon: okieee

[11:48 AM] Ibon: ingattt~ w^-^w

[11:49 AM] Jervin: ingat ka rin