Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

πŸ‡΅πŸ‡­Ayradel
133
Completed
--
NOT RATINGS
1.2m
Views
Synopsis
She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

It was 6:45am, and it all started here. Nananahimik 'yong buhay ko, tahimik ang paglalakad ko nang bigla ba namang may bumusinang kung ano sa likuran ko.

''Ay kalabaw!'' halos mapatalon ako sa gulat. Napahawak pa ako sa railings na malapit sa akin pati na rin sa dibdib ko, tapos ay hinarap ko 'yong pinanggalingan ng busina. Isang magara at itim na sasakyang mukhang hindi naman sobrang laki para maharangan ko yung daraanan nila?

''PEEEEEEEP PEEEEEEEP!!!!''

''Sorry po, o-opo gigilid na po.'' sambit ko kahit alam kong di naman iyon maririnig ng tao sa loob. Pakiramdam ko kasi isa sa bisita ng school namin ang mga taong 'to, baka mamaya mga V.I.P pa o Principal, kaya ang gusto e, malinis ang bawat dadaanan at walang tao.

Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad. Ipinagsiksikan ko pa ang sarili ko sa pinakagilid ng daan para lang hindi sila maharangan.

"PEEEEEEEP PEEEEEEEP PEEEEEEEP PEEEEEEP PEEEEEEP PEEEEEP!!!!"

What the hell! Seriously? Napapikit na ako sa inis. Parang sinasadya na nila yung pambubusina ah? "PI- PI- PI- PI- PEEEEP PEEEEP!!!!"

Nilingon ko ulit 'yong sasakyan at tinakpan ko na ang tenga ko sa harap nila para malaman nila kung gaano ako naiirita. Kada pagbusina pa nila may pattern! Akala ba nila masarap sa tenga 'yang busina nilang may pattern?! Isa lang sila sa mga taong dumadagdag sa noise pollution dito sa Pilipinas e!

Sigurado na ako this time na hindi bisita ng school ang tao sa sasakyang ito. Malamang 'to, mga rich kid lang na pinili akong pagtripan.

Nang lingunin ko ulit ang sasakyan dahil sa pananahimik nito ay nakababa na pala ang ilan sa mga taong lulan nito. Parang nabato naman ako sa kinatatayuan ko, at kusa na lamang nalaglag ang panga.

Mga... Men In Black. Tatlo silang mga Men In Black specifically. Totoo ba 'to? First time kong makakita ng mga ganito sa personal. Feeling ko tuloy nasa hollywood ako dahil sa mga men in black suit with black skin na 'to, na pormal na pormal na nakatayo d'on sa tabi ng magarang sasakyan. They're really like a soldiers... patiently waiting for their boss to come down.

Napatunganga ako sa pagbukas ng pintuan ng driver's seat. Pakiramdam ko ay biglang may drum rolls na tumugtog habang hinihintay nila ang boss nilang tall, dark and...

Literal na nalaglag ang mata ko.

What the-? Hahahahahahahahahaha!

Napahalakhak ako sa isip ko, pero siniguro kong composed pa rin ako outside. I bit my lower lip para mapigilan ang sobrang pagtawa. Pinagmasdan ko 'yong bagong baba na mukhang kasing edad ko lang, a typical teenager na rich kid at spoiled brat!

"Ang lakas ng loob mantrip, ang panget naman pala ng boss niyo. Ang sama pa pati ugali, psh.''

Nilakasan ko ang boses ko, I think they won't understand me anyway. Mukha silang mga kano. Hindi ko rin alm bakit ba sila nasa harapan ng school namin. Alam kong masama ang manghusga, at hindi ako ganitong klase ng tao, pero minsan may exceptions din.. Nakakainis e. I wasted a lot of time, kung sana ay ipinambasa ko na lang ito ng libro ay may natutunan pa ako.

Inalis ko ang paningin sa kanila at pinagpatuloy muli ang paglalakad nang biglangβ€”

''PEEEEEEP!'' Napatalon na naman ako dahil sa businang iyon. "Sandali... Miss."

Na sinundan ng tinig ng isang lalaki.

Hindi ko alam kung bakit biglang gumapang ang kaba sa buong sistema ko. Napaharap ulit ako sa kanila ng hindi oras. Tahimik, at nakatayo lamang doon ang apat na para bang mga sundalo. Wala ring emosyon ang mga mukha nila. Para bang... meron pa silang hinihintay na bumaba.

Narinig ko ang sarili kong paglunok. Bumilis ang tibok ng puso ko, na nagmistulang drum rolls.

"Anong sinabi mo?"

Awang ang bibig na pinagmasdan ko ang matipunong paglalakad ng isang lalaki palapit sa akin, at ang awtomatikong pagtingala ko sa kaniyang mata dahil hanggang leeg niya lang yata ako.

"Sino ulit?'' aniya pa. ''Yung sinabi mong panget kanina?"